Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Viral po ngayon sa social media ang rider na walang habas na ipinasok ang motosiklo niya sa loob ng Taal Basilica sa Batangas.
00:08Hindi raw niya pinagsisihan ang mga ginawa kabilang ang pag-upo sa upuan ng pari.
00:14Ang mainit na balita hatid ni Bam Alegre.
00:19Kita sa CCTV ng Taal Basilica sa Batangas ang pagpasok ng isang motosiklo sa loob mismo ng simbahan.
00:25Pagkahinto ng motosiklo, naglakad palayo ang angkas na babae.
00:28Naglakad naman ng rider na lalaki papunta sa harap.
00:31Binuksan ang harang ng altar at umupo sa upuan ng pari.
00:35Pumalakpak at itinaas pa ang paa.
00:39Dinala ang lalaki sa Taal Municipal Police Station.
00:41Hindi raw siya makausap ng matino.
00:43Ayon sa pulisya, umamin kalauna ng lalaki na gumagamit siya ng mariwana na nabibili niya online.
00:47Sasampahan siya ng reklamang paglabag sa Article 133 ng Revised Penal Code, The Offending the Religious Feelings.
00:54Sinisika pa rin natin kunan ng pahayag ang pamunuan ng Taal Basilica.
00:58Sa panayam ng GMA Integrated News sa lalaki, sinabi niyang hindi siya pinagsisisihan ang ginawa niya.
01:03Hindi naman inaresto ng pulisya ang kasama niyang babae.
01:06Bam Alegre nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended