Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Inusisa sa pagdinig ng Senado ang ilang insidente ng bullying sa bansa at ang posibleng mga pagkukulang kaya nangyari ang mga ito.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inusisa sa pagdinig ng Senado ang ilang insidente ng bullying sa bansa at ang posibleng mga pagkukulang kaya nangyari ang mga ito.
00:09Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:14Kabilang ang naganap kamakailan sa isang public school sa Paranaque sa mga mitya ng pag-imbestigan ng Senado sa mga pambubuli sa mga paaralan.
00:23Sinaksak ng isang estudyante ang kaeskwela kaya namatay.
00:26Paliwanag ng sospek sa pulisya, binubuli o mano siya.
00:30Habang sabi ng magulang ng biktima, siya ang binuli.
00:33Kabilang sa gustong malaman ng Senado ay kung anong mga posibleng kakulangan na dapat punan para maiwasan yan.
00:39Ano ba yung lapses ng school?
00:44So siyempre po nagme-meeting kami.
00:47So unang-una po, sa dami ng estudyante at meron po akong 11 na watchmen, hindi po security guard.
00:56Sabi ng principal, sa hallway lang may CCTV at wala sa mga classroom.
01:01Kulang-aniya ang seguridad at guidance counselors para sa halos 4,000 nilang estudyante.
01:06Dapat po, specialize doon para na ili-lead yung bata.
01:12Meron din doon na register pero ayaw niya pong maging counselor.
01:18Bakit po? Maaari po yung sweldo kasi teacher one lang yun.
01:22Tapos yung responsibility po napakalaki.
01:24Nausisa rin ang sinapit ng isang high school student sa Quezon City na kinaladkad at iwinasiwa sa sahig habang sinasabunutan ng mga kaeskwela.
01:33Walang tumulong o kahit nagsumbong kahit maraming estudyante sa classroom kung saan ito nangyari.
01:38Sabi ko sa mga bata nung kausap ko sila, bakit wala man lang ni isa sa inyo na pumunta sa teacher para sabihin na sinasaktan ang kaklase nyo.
01:51Tapos yung isa po, nakumuha ng video, tinitignan lang po niya yung ibang kasama niya.
01:56Dalawang beses ding napagkaisahan ng estudyante. Noong 3pm break time at noong uwian.
02:02Bakit itong dalawang incidents hindi na detect ka agad?
02:05Hindi po kasi namin nakita agad yung video.
02:07Pinatawan ng community service ang mga nambuli. Sasa ilalim din sila at ang biktima sa counseling.
02:13Sa datos ng Department of Education, mahigit 80,000 ang nireport na insidente ng bullying sa buong bansa mula 2019 hanggang 2025.
02:22Dagdag naman ang Senate Committee on Basic Education.
02:24Tayo ang pinakamataas na bullying incidents across, again, 70 plus nations.
02:29So, two years in a row na tayo or two pieces in a row na tinaguruan tayong bullying capital in the world.
02:37Sabi ng grupo ng mga pinuno ng public schools, hirap sila, lalo't inire-reklamo ang mga guro kung nagdi-disiplina ng mga naglulokong estudyante.
02:45School discipline versus child protection policy. Nung mga nag-aaral tayo, meron tayong face the wall, naki-squat po ako. Ngayon po ang bata pag napagalitan.
02:59Kinabukasan may 888 na ako. Monthly, sumasagot po kami ng mga anonymous complaints, not just in the performance of our duty.
03:09Sa pagdinig na ungkat ang hindi pagpapatupad ng GMRC at Values Education Act, kung saan mas nakatoon ng curriculum sa mabuting asal.
03:18Bakit tayo nagkaroon ng delay in terms of implementation of the good manners and right conduct?
03:24Well, in fact, sa IRR, nakasulat doon by 2022-2023, implemented na, nandiyan na yung bata eh, ganyan na yung ganyang pananaw eh.
03:33Gusto natin maaga pa lang palitan na yung ganyan na pananaw eh.
03:36Hindi na tayo pwedeng mag-antay pa ng isang mamatay dyan na bata dahil hindi natin natuturoan sila ng maa.
03:43Hindi na rin itinanggi ng DepEd ang kakulangan ng guidance counselors o guidance designates.
03:48Sa ngayon, maaaring magsumbong ang mga nabubuli sa DepEd helpline na Pound Sign DepEd o Pound Sign 33733.
03:56Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
04:06Sa ngayon, maaaring mag-antay pa ngayon.

Recommended