• 2 weeks ago
Bukas, balik sa realidad na ang karamihan, kaya ngayong huling araw ng holiday, sumugod sa mga pasyalan ang ilang pamilya para namnamin ang bakasyon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bukas, balik sa realidad na ang karamihan, kaya ngayong huling araw ng holiday, sumukod sa mga pasyalan ng ilang pamilya para namnamin ang bakasyon.
00:11At live mula sa Quezon City, nakatuto si Maryse.
00:19Becky, sinulit na na maraming mga magkakaanak ang huling araw ng kanilang holiday vacation para makapag-bonding at makapag-relax.
00:27Sa ilang mga sikat pero libre mga pasyalan gaya ng Luneta at ang kinururunan ko dito sa Quezon City Memorial Circle.
00:39Maagang nagtungo rito sa Quezon City Memorial Circle ang pamilya Kalope mula Kaluokan para makapamasyal pa ngayong huling araw ng bakasyon.
00:46Hindi lang kasi si mommy ang balik-trabaho na bukas, kundi balik-eskwela na rin, pati ang high school at preschool niyang mga anak.
00:53Sinamantalan na rin daw nila ang magandang panahon, lalo't di daw sila nakalabas noong maulang Pasko.
00:58Tomorrow may pasok na, so ini-enjoy ko lang yung day na nandito yung anak ko.
01:03Kapag nasa school, medyo talagang busy. Super important na rito para makasama ko yung family at makapag-bonding kami.
01:09Ang pamilya nito wala raw mintis sa pagdiriwang ng bagong taon sa Quezon City Circle sa loob ng labindalawang taon na.
01:15Ang kanilang handa na pagsasaluhan daw sa picnic area, spaghetti, fried chicken, kaldereta, at dessert na mango graham cake.
01:23Every year po, ito na po yung routine namin every new year. Tapos naipasok ko na po sa mga anak ko.
01:31Nagba-bike, tapos iniikut lang na po namin to dati.
01:34Kumbaga naging family tradition na talaga namin. Presko, mag-enjoy po yung mga bata.
01:42Ang kanilang mga anak nagbaon pa ng badminton pang palipas oras. At sa murang mga edad, nagsisimula na rin silang lumikha ng ala-ala sa lugar.
01:50Yun, nandalul po kami sa playground po.
01:53Masaya po kami pag nandito po kami.
01:56Galing naman ang bata Kilokos Norte pang pamilya padilya. Umikot daw sila rito para magpapresko.
02:02Namiss namin ang Maynila, so namasyal po kami. At the same time, for family bonding na rin po.
02:07Lalo pang kumapal ang mga namamasya sa circle habang humahapon.
02:10Isa sa pinakapatok ang playground na dinumog ng maraming mga bata. May naglalaro ng bubbles at may nagpapalipa din ng aeroplano.
02:18May nag-enjoy humiga sa hammock. Meron ding nag-set up na ng tent.
02:23Naglatag na lang ng sapin para makapahinga habang ini-enjoy ang kalikasan.
02:28Marami rin ang nagbibisikleta, nagpe-picture taking sa Quezon City Memorial Shrine
02:33o di kaya sa mga instagramable backdrop gaya ng pamilyang nagpost sa hugis pusong ito.
02:39Hindi naman napigilan ang bahagyang ulan ang ilang mga namamasyal sa luneta ngayong bagong taon,
02:44gaya ng pamilya Cordon na nanggaling pa sa Laguna.
02:47May bonding po kami at masaya.
02:49Pagkakakata ay kami sama-sama, magpapasalam.
02:53Bukod sa pamilya, dito rin piniling mag-date ng ilang lumalove life.
02:59Vicky, balik tayo dito sa Quezon City Memorial Circle.
03:02Habang gumagabi, mas lalo pang dumarami ang mga tao dito.
03:05Katunayan, kung makikita mo, talagang punong-puno na ng mga tao dito sa aking buong paligid.
03:11Nag-enjoy sila dito sa my fountain area.
03:14At dito sa nag-iba-ibang kulay na Quezon City Memorial Shrine.
03:19At meron nga ng paniniwala na kung anong ginawa mo sa unang araw ng bagong taon,
03:25ay siya mong mararanasan sa buong taon.
03:27Kaya naman marami sa kanila ang kasama, ang buong pamilya,
03:30para mabihayaan daw sila ng pagsasama ng buong pamilya sa buong taon.
03:34Happy New Year sa iyo, Vicky!
03:36Happy New Year at maraming salamat sa iyo, Maris Umali!

Recommended