• 2 days ago
Ingat po sa pagsakay sa mga ride! Sa Cavite, apat na magkakapatid ang nalagay sa panganib nang kumalas ang sinasakyan nilang octopus ride sa isang perya! Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin ‘yan kasama ang ating #KapusoSaBatas, Atty. Gaby Concepcion!

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, paalala lang po, ngayong kabi-kabila mga perya this holiday season, ingat po sa pagsakay sa mga ride.
00:09Sa Cavite, apat na magkakapatid ang nalagay sa panganib matapos kumalas ang galamay ng sinasakyan nilang octopus ride sa isang perya.
00:19Habang umaandar ang ride, napansin ang magkakapatid na parang may nagkakrak at lumuluwag na bakal sa ilalim,
00:26kaya nagsimula silang sumigaw sa operator para makuha ang atensyon nito.
00:31Sa kalagitnaan ng ride, nangyari na nga ang trahedya na ang biglang kumalas ang isang galamay ng octopus
00:38at tuluyan na nga itong bumagsak sa lupa.
00:41Ang isa sa kanilang magkakapatid na ipit sa bagon na tumilapon.
00:46Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:49Ask Me, Ask Attorney Gantt!
00:56Naku Attorney, ano po ang sinasabi ng batas tungkol sa safety ng mga ride?
01:01Naku, I think yan nga ang masaklap sa usapan o sa mga amusement ride.
01:05Wala tayong batas o regulasyon na siyang magiging batas para umiral sa lahat ng mga amusement ride.
01:12Naku alam ko po, nightmare ng bawat magulang yan.
01:16Pero kailangan natin ang batas para sa kalaunan.
01:19Pero kailangan natin ang batas para sa kalaunan.
01:22Ang mga LGU halimbawa na madalas mayroong mga perya sa kanilang mga jurisdiction,
01:27taga-check na lamang sila kung sumusunod ang mga nagpapatakbon ng mga amusement ride na ito.
01:33Ilan sa mga pwedeng i-require ay ang pagkakaroon halimbawa ng insurance
01:38para kung mayroong masaktan ay siguradong may panggamot
01:41at mayroong matutustos ang mga naging biktima.
01:44At dapat may provision na certified na nagkakaroon ng tamang training
01:49ang mag-o-operate ng amusement ride na ito.
01:52Meron din dapat ng mga certified na inspector
01:55para mag-i-inspection taon-taon kung tama ang maintenance ng mga amusement ride.
02:00At hindi lamang taon-taon dapat ng inspeksyon,
02:03dapat araw-araw rin ang paninigurado ng operator mismo
02:08kung gumagana ba ang mga safety lock para sa bawat pasahero
02:12at iba pang mga safety features ng kanilang mga ride.
02:16Diba kailangan i-check, okay ba ang brakes at lahat-lahat
02:19para ma-prevent ang sakuna ng pasahero.
02:22Dapat din ay magkaroon ng presumption of negligence.
02:25Kumbaga, kung magkaroon ng sitwasyon halimbawa
02:28na may lumipad nga na pasahero na nasaktan,
02:31may octopus na lumipad ng basket na sinasakyan ng mga bata
02:35o roller coaster na nadediscarril mula si tracks niya,
02:38basta may nasaktan or worse, may namatay,
02:41dapat ang presumption na nagkaroon ng pagpapabaya ang operator
02:45at siya dapat ang magbigay ng ebidensya
02:47na ginawa niya ang lahat ng nararapat at kasalanan nito ng nasaktan
02:52para hindi lagi ang nasaktan ang naghahabol
02:55para mabigyan ang katarungan ang nangyari sa kanya.
03:00Attorney, ano po ang habol ng biktima kung sakaling maaksidente
03:03sa sinasakyang rides?
03:05Of course, ito ang mga usual na mga damages
03:07na dapat naman nabibigay sa isang taong nasaktan
03:11dahil sa pagpapabaya ng iba.
03:13Unang-una, syempre, yung pagbayad ng actual expenses
03:16ng pagpapagamot at pagpapaospital ng nasaktan.
03:20Kasama na dito ang pagre-rehab halimbawa ng pasyente
03:23kung nabalian nito at kailangan nga ng therapy.
03:26Of course, kung namatay,
03:28nang huwag naman sana,
03:29ang expenses ng pagpapalibing ay dapat sagot din.
03:32Dapat din bayaran ng loss of income
03:34in case na nagtatrabaho o nasaktan
03:36at kung sobrang pabaya ang operator,
03:39dapat ay may exemplary damages
03:41and, of course, isama na rin natin ang moral damages
03:44para sa pain at suffering ng naging biktima.
03:48Ang mga amusement ride para sa enjoyment,
03:50lalo na sa mga kabataan, sa panunang kasiyahan,
03:53hindi ito dapat maging bangungot para sa kanila
03:56at lalong-lalo na sa ating mga magulang
04:00na, syempre, medyo kinakabahan tayo
04:02pag lumalabas ang mga anak natin
04:04para magkaroon ng isang night out with friends.
04:07Ang mga amusement ride, naku,
04:09magpahusay-husay naman kayo and be careful.
04:12Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw
04:15para sa kapayapaan ng pag-iisip.
04:17Huwag magdalawang isip.
04:19Ask me, ask Attorney Gatto.
04:22Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe
04:24sa GMA Public Affairs YouTube channel?
04:26Bakit?
04:27Pagsubscribe ka na, dali na!
04:29Para lagi una ka sa mga latest kwento at balita.
04:32I-follow mo na rin ang official social media pages
04:35ng Unang Hirip.
04:36Salamat kapuso!

Recommended