• last year
Ikaanim na bagyo na ang bumabayo sa mga oras na ito sa northern Luzon sa loob lang ng mahigit isang buwan. Ikatlong super typhoon din itong Bagyong #OfelPH na nag-landfall sa Baggao, Cagayan bago humina sa typhoon category habang tumatawid sa kalupaan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindana.
00:04Ikaanim na bagyo na bumabayo sa mga oras na ito sa Northern Luzon sa loob lang ng mahigit isang buwan.
00:12Ikatlong super typhoon din itong bagyong Ophel na nag-landfall sa Bagao, Cagayan
00:18bago humina sa typhoon category habang tumatawid sa kalupaan.
00:23Libu-libung residente na naman ang inilikas.
00:25Ang problema, kulang na ang espasyo sa evacuation site na winasak na mga naon ng bagyo.
00:31Mula sa Santa Ana, Cagayan, nakatutog live si Jasmine Gabrielle Galvan ng GMA Regional TV.
00:38Jasmine.
00:42Mel, Emil, simula pa kaninang tanghali hanggang sa mga oras na ito ay ramdam na ramdam pa rin
00:48ang bagsik ng bagyong Ophel dito sa bayan ng Santa Ana, sa provinsya ng Cagayan.
00:56Tila hindi maubos-ubos ang malakas na ulan sa Santa Ana, Cagayan.
01:01Ibinuhus muli yan ngayong hapon.
01:03Nasinabayan na naman ang malakas na hangin.
01:05Ang mga punong ito listo lang itinutulak, pero ang iba tuluyan ng tumumba.
01:13Sa mga residenteng paulit-ulit nakakaranas nito, malamang makarindi na
01:18ang malakas na hampas ng hangin habang walang patid ang ulan.
01:22Sa pilitan ng paglikas.
01:26Maga alas dos na ng hapon mga kapuso at ramdam na yung efekto ng super typhoon Ophel
01:32dito sa bayan ng Santa Ana.
01:34Kung tutusin mga kapuso, hindi naligtas na lumabas pa ng kalsada, pero dahil marami pa rin
01:39yung mga residenteng hindi lumikas kaninang umaga, ay tuloy-tuloy pa yung rescue operation
01:44na isinasagawa ng otoredad sa ngayon.
01:51At pagkagat ng alas dos ng hapon, nag-landfall sa Bagau, Cagayan,
01:55ang nuoy super typhoon pang si Ophel.
01:58Sa lakas ng hangin, halos mag-zero visibility sa kalsada.
02:02Halos matuklap din ang bubong ng parking na ito.
02:05Gayun din ang mga yero sa multi-purpose center.
02:08Nawala ng supply ng kuryente sa ilang lugar.
02:12Pero, hindi pwedeng mawala ng lakas ang mga rescuer.
02:15Sa bayan ng Bugay, buong tapang nilang sinuong ang hagupit ng bagyo para masagit ang isang residente.
02:23Tuloy rin ang pagsagit sa mga nakatira sa baybayin ng Kapari.
02:27Hindi na maaninag ang pagkakaiba ng mga lugar dahil puro ulan at pagaspas ng hangin
02:32ang mababanaag, gaya sa bayan ng Gonzaga.
02:35Pati sa centro Amulong, na naibalang na naglalakas ding hampas ng alo ng Cagayan River.
02:41Sa barangay San Vicente, sa bayan ng Santa Ana, kung saan narito ang ating team,
02:46nasaksihan kong mag-aalauna ng hapon kung paanong halos baliin ng hangin ng bagyo
02:51ang sanga ng mga punong kahoy.
02:53Dinignadinig namin ang tilang pagsipul ng hangin.
03:02Susunod-sunod na dumating ang mga evacuees sa barangay.
03:05Kabilang ang may 30 pamilya ng mga katutubo.
03:09Ang problema, kulang ang mga silid na magsisilbing evacuation center
03:13para sa 200 pamilyang lumikas.
03:15Marami kasi sa mga classroom ang winasak na ng Bagyong Marse noong nakaraang linggo.
03:38Emil, simula kaninang tanghali wala ng supply ng kuryente ang walong bayan sa probinsya ng Cagayan.
03:47As of 6pm, ay aabot na sa halos 5,000 families ang nasa mga evacuation center.
03:53Dahil din sa lakas ng hangin, ay wala nagkakaroon na ng problema
03:57sa linyan ng komunikasyon sa ilang lugar sa probinsya ng Cagayan.
04:01Emil?
04:02Maraming salamat, Jasmine Gabriel Galvan, ng GMA Regional TV.
04:08For live UN video, visit www.un.org

Recommended