• 2 months ago
SAY ni DOK | World Mental Health Day

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:30 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang umaga mga ka-Rise and Shine Pilipinas. Ito po ang Seyni Doc at ako po si Doc Vides mula sa kagawara ng kalusugan.
00:10Ako ang makakasama ninyo para alamin ang Seyni Doc pagdating sa iba't ibang usapang pangkalusugan.
00:19Mahalaga ang maayos na mentalidad ng bawat isa.
00:23Ngunit nagiging hadlang sa malaya at maayos na pagkilos ang pagkakaroon ng problema dito.
00:30At para mas palawaking pa ang kamalaya ng publiko tungkol sa mental health,
00:36ay taon-taong pinagdiriwang ang World Mental Health Day.
00:41Para pag-usapan yan, ay makakasama natin si Dr. Maria Regina Hechano Baalampay,
00:48isang Doctor of Philosophy, Registered Psychologist, at Chief of Party ng USAID Renewed Health.
00:56Welcome to Rise and Shine, Doc.
00:59Good morning, Doc V. And good morning sa ating viewers ng Rise and Shine.
01:04Sa kasulukuyan, papano nyo po mailarawan ang estado ng mental health ng mga kababayan nating Pilipino noon at ngayon?
01:15Naku Doc V, alam nyo ba na ayon sa 2021 National Mental Health Survey,
01:21meron tayong 10% or 1 of 10 Filipinos ang may mental, neurological, or substance use disorder.
01:29Meron palang isa sa 10 Pilipino ang may problema sa kaisipan.
01:35Ano po naman yang mga karaniwang mental health concerns or issues ng mga Pilipino?
01:41Meron tayong tatlo. Yung pinaka-common ay anxiety.
01:46Ang susunod ay alcohol use disorder o yung pagkalulon sa alcohol.
01:52Yung pangatlo naman ay yung depressive disorder.
01:56So yung sinabi po ninyong anxiety, yun yung pag-alala and then pag-inom ng alak.
02:02Sobrang pag-inom ng alak.
02:04At depresyon.
02:05Depresyon, pagiging malungkutin.
02:09Ano-ano ang mga hakbang upang masolusyonan itong mga nabanggit po ninyo?
02:14So unang-unang mahalaga, prevention.
02:17So self-care. Mahalaga nasa batang edad pala, matuto tayo na alagaan ng sarili natin.
02:26So kasama dyan yung physical, alam nyo yan.
02:29Maayos na pagtulog, maayos na pagkain, ehersisyo.
02:34Pero meron din tayo kasi mga techniques na maaaring matutunan paano maging mas relaxed,
02:40paano mawala yung pangangamba, paanong halimbawa maging hindi kasing maramdamin.
02:50So yung paano i-manage yung emotions.
02:53So self-care, importante.
02:55Self-care, pangangalaga ng sarili.
02:57Yes, doc.
02:58Yung pala yung una-una.
03:00Yung susunod naman ay yung makipag-usap sa kaibigan, sa kamag-anak, sa magulang.
03:08Kasi madalas tinatago natin kung ano mang nararamdaman natin.
03:12Minsan sobrang late na natin nakikipag-usap pag talagang matindi na yung problema.
03:18So yun.
03:19Self-care, makipag-usap.
03:21Makipag-usap. Yung iba'y tinatago, ano ho?
03:24Correct.
03:25Hindi nakikipag-usap.
03:26Tanga.
03:27Yung pala, stimulate natin, encourage ang mga kabataan na makipag-usap, mag-open up.
03:33Opo.
03:34Yung third naman po, sa ating mga eskwelahan, sa mga komunidad, sa workplaces, sana meron
03:41mga programa ng mental health tulad ng screening, tulad ng early intervention, tulad ng prevention.
03:49Para naman, hindi natin hihintayin na may sakit na yung tao.
03:53Meron tayong magagawa ng maaga.
03:56Tapos yung pang-apat, dok, ay yung pagkonsulta sa spesyalista.
04:00Siyempre, pag medyo malala na, dapat siguro sumangguni na tayo sa isang psychiatrist o kaya sa psychologist.
04:09Ano ang sinyales o signals na ang isang tao ay may mental health issues or concern?
04:16Kanino po at saan siya maaaring magpakonsulta?
04:20So, madalas meron tayong limang signs.
04:24Ang tawag namin ay five D's.
04:27So, yung first D, deviation.
04:30Deviation, pagkakaiba.
04:32So, dalawang baga yan.
04:33Una, nag-iba ba siya ng ugali?
04:36Nag-iba ba siya ng halimbawa yung mood niya?
04:40Kunyari, dati masayahin siya, tapos biglang nanahimik siya.
04:44O dati, okay naman siya, pero ngayon tulog siya ng tulog.
04:48So, may nag-iba ba.
04:50Pero, yung deviation, pwede din, iba ba siya sa karamihan.
04:56Halimbawa, naalala nyo yun yung pandemia, diba?
04:59So, talagang yung sitwasyon naman, talagang nakaka-anxious yun.
05:03So, kung anxious ka nung panahon na yun, medyo normal yun.
05:06Pero, halimbawa, kung karamihan ng tao hindi anxious, pero ikaw ay anxious, we consider that a deviation.
05:13Yung pangalawang D naman, ay duration.
05:17So, gano'n na siya katagal na nakakaramdam nito.
05:21Yung ilang araw pa lang, medyo okay pa yun.
05:24Pero, kunyari, dalawang linggo na, isang buwan na, medyo may sinyales na yun.
05:30Kakaibana, yung kanya ikinikilos.
05:32Oo. Pagkatlo, pagkatlong D ay distress.
05:36Distress.
05:37So, nababagabag ba siya sa nararamdaman niya, diba?
05:42Minsan, kung hindi siya yung nababagabag, yung pamilya niya, o yung mahal niya sa buhay, nababagabag ba?
05:50Sa nangyayari sa kanya?
05:52Atsaka yung mga kasama sa trabaho.
05:54Oo.
05:55So, sila yung nakakapansin, na parang iba na siya.
05:58Yung apat na D ay dysfunction.
06:02Ibig sabihin, hindi na ba niya nagagawa?
06:05Yung normal niya dapat nagagawa?
06:07Halimbawa, studente siya, tapos hindi na siya nakakaaral.
06:11Or, nagtatrabaho siya, pero parang hindi na siya nakakatrabaho ng maayos.
06:16Oo.
06:17Yon ang dysfunctional.
06:18Yung pinakahuling D ay danger.
06:21Ibig sabihin nun, meron bang panganib sa sarili?
06:26Meron bang panganib sa ibang tao?
06:29So, halimbawa, medyo sinasaktan na niya sa sarili, or nananakit siya ng ibang tao.
06:35Yan po ang ating five D's na titinga natin kung may problema na ang isang tao na mental.
06:42Bukas po, October 10 ay pinagtiriwang ang World Mental Health Day.
06:47Ano po ba ang theme nito at gaano po ito kahalaga?
06:51So, ang theme po ng Mental Health Day ay,
06:55It's time to prioritize mental health in the workplace.
06:59Ah, talagang sa workplace ngayon ang tutok.
07:03Dahil karamihan kasi ng adults sa Pilipinas ay nagtatrabaho.
07:08So, ang sinasabi natin sana huwag nating kalimutan na kahit sa magtatrabaho sa ating workers,
07:15bigyan po natin sila ng suporta.
07:17Paano naman po yung mga common tao? Halimbawa sa palengke?
07:21Oo nga eh.
07:22O yung mga ganon, o yung mga nagmamaneho ng jeep.
07:27So, pwede rin naman. Halimbawa, yung mga employers nila, pwede naman.
07:33O sa halimbawa, yung mga LGU.
07:35Atsaka yung pamilya.
07:36Pwede rin naman po.
07:38So, maganda kung nabibigay din sila ng mga mental health services,
07:42kahit sa ating white collar or blue collar workers.
07:46Tama kayo sa mga local government units.
07:49Ay dapat eh. Laging may servisong nakalaan para sa mga kababayan natin na nagkakaroon ng mga problema sa mental health.
07:59Paano po nakikisa ang mga Pilipino sa celebration na ito?
08:04So, ang mental health ay sobrang mahalaga.
08:07Sana una-una, ituring natin siya kasinghalaga ng physical health.
08:13Kung paano natin pinapangalagaan yung katawan natin, sana ganun din yung pangangalaga sa ating mental health.
08:19So, una-una, ang gusto kong mensahe ay, meron tayong mga tools na maaaring gamitin.
08:24Sabi ko kanina self-care, di ba?
08:26Alam nyo, Dok, nag-develop yung proyekto namin kasama ng USAID at ang DOH.
08:33Ng mobile app, ang tawag natin ay Lusug Isip Mobile App.
08:38Na libre na meron tayong mga resources na pwedeng gamitin patungkol sa self-care.
08:44Libre po ito? Saan po ito makikita?
08:48Para sa mga may mobile phones, pweden nyo siyang i-download.
08:52So, self-care ang tinuturo.
08:54Self-care ang tinuturo dito.
08:56Maraming salamat po sa pagsama sa amin ngayong araw, Dr. Alampay.
09:01Remember that it's okay not to be okay.
09:05Laging alagaan ang ating mga sarili.
09:08Huwag mahiyang humingi ng suporta sa mga taong pinagkakatiwalaan,
09:12o mula sa isang mental health professional.
09:15Ako pong muli, si Doc Vides, ang inyong kasangga sa kalusugan.
09:20Care for yourself, and care for others, for a healthy mind and body.