Panayam kay Dir. Patrick Patriwirawan Jr. ng BLE ukol sa mga hakbang para mabigyan ng tulong ang POGO employees
For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:30 pm - 10:30 pm
Saturday & Sunday:
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm
For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:30 pm - 10:30 pm
Saturday & Sunday:
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mga hakbang para mabigyang tulong ang mga Pinoy POGO employees, ating tatalakayin kasama si Bureau of Local Employment Director, Patrick Patriwi Rawan Jr. ng Department of Labor and Employment.
00:15Director Patrick, magandang tanghali po and welcome dito po sa Bagong Pilipinas ngayon.
00:20Magandang tanghali po at salamat po sa paanyaya sa kagawara ng paggawa at empleyo.
00:25Una po sa lahat, Director, hindi kami nang-update sa naging profiling po ninyo sa mga Pilipino manggagawa na apektado ng pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operators sa bansa.
00:36Ano po ang latest na detalya dito?
00:39Mula sa direktiba ng ating Pangulo at ating Kalihim, Bienvenido Laguesma, ngayon ang ating regional offices ay nakapagsimula ng profiling sa humigit kumula na 40,962 na mga workers mula sa ating naisabit ng parkour na data.
01:00Ang total na kabuan kasama ang foreign nationals natin ay umaabot sa 79,735.
01:08Ngunit nilang pag-prioritize po natin, tututukan lang po natin ang mga Pilipinong manggagawa na umaabot sa 40,962.
01:17So Director, sa inyong profiling at assessment, ilan po sa kabuan ang mga Pilipinong na apektuhan ng pagsasara ng BOGO at saan po mga region ito?
01:26Patuloy po nating nakukuha ngayon ang mga reports ng ating regional offices. Unang-una na po diyan ang National Capital Region.
01:33Ang NCR po ngayon ay nakukuha ng 19,754 na profile ng ating mga employees. Kasunod po ang Region 3 na may 142.
01:44Ang Calabar Zone po may 7,837. At ang Region 7 may 14 na mga manggagawang Pilipino.
01:52Ang total po na kabuang na profile na po ng kagawaran ay umaabot na po sa 27,747.
01:59Malaki yun. Ibig sabihin, ganun kadami din yung nawalan ng trabaho or mawawalan ng trabaho.
02:07Okay, so nasa magkano po ba ang nakukuha sa sahod ng karamihan sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa BOGO? At ano pong mga klase ng trabaho ang meron sila?
02:18Mula po sa na-profile po ng ating mga regional offices, nakikita po natin na umaabot sa 16,000 to 22,000 yung pong sinasahod ng ating mga magagawang Pilipino na nagtatrabaho sa mga IGLs.
02:30Ang mga kadalasan po nilang mga occupation ay katulad po ng mga administrative staff, mga secretary or desk officer, office staff, at katulad po ng mga encoders.
02:42So may kinalaman sa mga computer at mga gaming talaga?
02:46Yes po, ma'am.
02:47So sir, sa kasalukuyan, ano po yung hakbang ng DOLE para sa mga apektado nating kababayan ng pagsasara ng BOGO sa bansa?
02:55Ano po yung assistance at programang ibinabahagin ninyo sa kanila?
02:59Yes po, Azeg, maraming salamat po sa tanong po na yan.
03:01Ang kagawaran po ay may sinusunod na framework o balangkas kung saan kapag may magkakaroon ng disruption sa labor market,
03:09sinisimulan po natin ang mag-profile sa mga affected workers.
03:12Matapos po natin mag-profile ang mga workers, meron po tayong line up or menu ng mga services na binibigay sa kanila.
03:18Katulad po sa pamamagitan po ng ating mga public employment service offices,
03:23maaari po natin silang bigyan ng mga employment facilitation services.
03:26Meron po tayong mga job matching at placement sa iba-ibang mga job opportunities.
03:30Meron din po tayong career development support para po sa ating mga affected workers.
03:35Kung sakaling gusto po nilang maghanap ng bagong trabaho,
03:38o di kaya magpataas ng kanilang kasanayan sa pamamagitan po ng TESDA,
03:42ng ating mga skills development opportunities,
03:44o di kaya po ay mag-pursue ng mga entrepreneurship or self-employment opportunities.
03:49May kilala kasi ako eh, nung pagkasabi na wala ng Pogo,
03:52nawala na rin siya ng work, so parang nag-online selling siya ngayon.
03:56Pa-entrepreneurship naman.
03:59Yung ability niya sa online, ginamit niya para sa sarili niyang negosyo.
04:06Marami ho bang ganoon? Ano yung mga nakikita niyong kadalasan na gusto nilang gawin?
04:11Itong mga mawawalan ng trabaho?
04:16Ang doli po ay meron pong in-offer ng mga livelihood programs,
04:20na maaari pong maging simula ng kanilang entrepreneurship development opportunities.
04:25Maaari po silang magtayo ng maliit na business.
04:28Magbibigay po ng capital o ng equipment or tool ang ating mga beneficiaries
04:37upang makapagsimula po sila ng kanilang business.
04:40So mga magkano po kaya yung capital na maaari nyong ibigay sa kanila
04:45and how can they avail of this livelihood program?
04:49Maaari po silang lumapit po sa ating mga regional offices.
04:52Ang ating mga regional offices ang mag-facilitate po ng kanilang application
04:56kung sa kahiling sila, nais nilang mag-pursue ng mga entrepreneurship.
05:02At umaabot po ito sa halagang 30,000.
05:05Umaabot po sa 30,000 ang ating mga binibigay po sa ating mga beneficiaries po.
05:12Umaabot, itog sabihin, pwede mas mababa?
05:15Opo.
05:16Pero at least, it's a start.
05:18Meron ako ba tayong mga kumpanya na nag-express ng kanilang desire
05:24na i-hire itong mga potential na mga employees na ito?
05:28Patuloy po yung pakikipagugnayan ngayon ng kagawaran po sa iba-ibang mga industry partners po natin.
05:33Actually po, meron din po kami ng upcoming meeting po with the Department of Trade and Industry
05:38para pupag-usapan kung yung mga industry partners natin, lalong-lalo na sa ITBPM,
05:43ay interesado po na kunin o i-absorb itong mga maaapekto na mawawala po ng trabaho sa IGLs.
05:51Kasi ang dami po niyan, 40 plus thousand.
05:55Naalala ko, nangyari rin yan sa mga kaibigan natin na nawalan sila ng trabaho.
05:59So, ang ending, yung iba po, naghanap ng, well, bagong trabaho.
06:03Kung hindi man, nagtayunan sila.
06:05Nang nagnegosyo, bigla na lang nagkaroon ng business, na for example, show my business.
06:10Isa nagbenta ng mga aquarium, mga gano'n.
06:14So, meron po kayong mga ganyang i-offer sa ating mga manggagawa?
06:19Yes, po.
06:20Tapos po ng counseling na ginagawa po ng ating mga peso managers,
06:24maaari po silang bigyan kung ano yung kanilang preferences.
06:27Depende po sa kanilang abilidad.
06:29Siyempre, iba pa rin yung feeling ng security.
06:32Yung iba, they still want to work for a company.
06:34At patuloy po ang ating serbisyo din po sa mga gusto pang maghanap ng ibang oportunidad
06:38sa paghahanda po ng resume nila, kung paano sumagot sa mga interviews.
06:42Yan po ang binibigay na serbisyo o tulong ng ating mga peso managers.
06:48So, dito naman po tayo sa specialized job fair na gagawin po ngayong Oktubre
06:54para po sa mga Pinoy na empleyado ng POGO.
06:58So, ilang employers po ang itatampok dito?
07:01So, meron po tayong inihandang job fair po para po sa ating mga workers
07:07na affected po ng pagsara ng mga POGO or IGLs.
07:10Meron na po tayong mga 70 na mga kumpanya po na participating employers
07:15na may interesado pong mag-join at mag-offer po ng mga vacancies nila
07:19upang makahanap din sila ng magiging mga bago nilang mga employees.
07:22Ang mga klase po ng mga trabaho, ang mga industriya po na nabibilang ang mga employers nito
07:27ay ang mga nasa BPO, IT company, hospitality and even tourism related companies.
07:33Meron po general services and wholesale and retail industries.
07:37So, when you say specialized job fair, parang talaga ito sa mga nawalan ng trabaho?
07:42Or pwedeng may gustong outsider?
07:45Or kunyari, nabalita lang na may job fair doon, pwede bang ma-accommodate din kaya po sila?
07:50Yes po, Asek. Actually, syempre po, kung magkakaroon tayo ng job fair,
07:54targeted po siya na ang emphasis or priority ay para sa mga workers ng POGO.
07:59Pero open po ito sa lahat ng ating mga kababayan na nais pong sumali po sa ating job fair.
08:05Ang DOLE po ngayon ay nagsasagawa ng dalawang klase ng job fair.
08:10Meron po tayong national, nationwide job fair kung saan lahat po ng mga regyon
08:14ay nakikilakok sa pagsasagawa or pag-o-organize na ng job fair.
08:18Pero meron din po tayong sectoral or targeted ng mga job fairs
08:21kung saan nakatutok po sa isang sektor or sa isang group
08:25kung saan nandun po yung mga vacancies para sa kanila, yung mga vacancies po na inooffer natin.
08:30Kasi baka yung iba o bumi na sa probinsya,
08:32o naghanap ng trabaho sa ibang probinsya dito sa Pilipinas
08:35or sa ibang bansa, di ba? Baka may mga pending application na po sila.
08:39Yes po, actually po, yung ating job fair po ngayon ay hinihikayat na mag-register
08:45ang ating mga job seekers.
08:47So kung sasali sila sa job fair, meron po tayong diyang online registration
08:51kung saan kahit patapos na ang job fair,
08:53maaari nilang visitahin yung kanilang applications
08:55or mag-submit pa ng mga applications po sa ating mga employers through the online platform.
09:00Saan po sila pwedeng mag-register po?
09:03Meron po tayong online platform for our job vacancies.
09:07Filjobnet.gov.ph
09:09Maaari po nating visitahin ang website po na ito.
09:12Ulitin ko po, filjobnet.gov.ph
09:15Ito po ay ang online job matching portal ng Kagawaran ng Paggawa't-Empleyo
09:19kung saan makikita natin yung mga vacancies po natin
09:22mula po sa mga employers po na naka-register online.
09:25At ang ating po mga job seekers ay inaanyayahan natin na mag-register online.
09:29Libre po ito para sa ating mga job seekers
09:31at libre din po sa mga employers na mag-post po na kanilang vacancies.
09:35Sir, ano naman po itong Special Class Business Process Outsourcing
09:39na located sa Asiana, Paranaque City?
09:41Kasama din po ba itong mga employado nito sa pagsasara ng Pogo?
09:45Yes po, dun po sa direktiba po ng ating Pangulo,
09:49lahat po ay na-cover po ng pronouncement po ng President
09:54na magsasara po ang ating mga establishments under Pogo.
09:58Pero sa pagdedefine po natin yung tinatawag nating Special Class Business Process Outsourcing,
10:04ito po yung mga establishment na nagbibigay ng serbisyo sa ating mga Pogo establishments.
10:09Wala po silang kinalaman na direct na kinalaman sa gaming activities po ng Pogo.
10:15Kaya po, mayroon din po tayo yung recommendation sa pamamagitan po ng PagCorp,
10:19mayroon pong recommendation na baka maaaring hindi naisama
10:23ang mga Special Class Business Process Outsourcing establishments sa pagsasara
10:27dahil unang-una, yung klase ng trabaho nila ay maaaring rin i-offer sa iba pang mga industriya,
10:31hindi lamang sa ating mga Pogo industries.
10:33Di naman sila mismo yung Pogo.
10:36Yes po.
10:37Okay. Sa ibang usapin naman po,
10:39kamusta naman yung isinagawa ninyong mega job fair po kamakailangan dyan po sa Dole?
10:45At ilan po ang nah-hire mula rito?
10:47Yes po. Noong nakaraang biyernes po, nagsagawa po tayo ng nationwide job fair
10:53na may temang handog ng Pangulo Serbisyong Sapat para sa Lahat.
10:57Ang job fair po na ito ay nagkaroon ng 12,647 registered job seekers
11:04at mula po dito meron po tayong 1,588 ng mga hired on the spot.
11:10At ito po ay malaking tulong po sa ating mga kababayan,
11:13lalo na yung mga nais na makapagtrabaho at magkaroon po ng sweldo po.
11:20So sir, mensahe nyo lang po sa ating mga kababayan lalo na dun sa mga mawawalan ng trabaho o nawalan ng trabaho?
11:27Inaanyayahan po natin ang lahat po na mag-register po sa ating PhilJobNet online portal po ng Dole
11:37kung saan makikita po natin ang mga job vacancies po natin.
11:41Uniting ko po yung website. Ito po ay philjobnet.gov.ph
11:45Maari din po tayong lumapit sa ating mga regional offices
11:48at sa mga public employment service offices nationwide upang makakuha po ng mga serbisyo
11:53lalo na po sa ating mga job seekers na gustong maghanap ng trabaho,
11:58mapataas ang kanilang kasanayan o di kaya magnegosyo po.
12:03Maraming maraming salamat po sa inyong oras,
12:06Bureau of Local Employment Director Patrick Patriwirawan Jr. ng Department of Labor and Employment.
12:12Thank you sir.
12:13Thank you ma'am. Thank you sir.
Recommended
PBBM, isinulong ang pagpapalakas ng mga hakbang tungo sa pagpapatatag ng food security
PTVPhilippines
PBBM, tiniyak ang tulong sa mga apektado ng pananalasa ng Bagyong #Kristine at #LeonPH
PTVPhilippines