Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Lunes, August 26, 2024:
-BRP Datu Sanday ng BFAR, binomba ng tubig at binangga ng mga barko ng China sa may Escoda Shoal
-National Task Force on the West Phl Sea, pinalagan ang mga pahayag ng China kaugnay ng insidente sa Escoda Shoal
-Barko ng BFAR na BRP Datu Sanday, ilang beses binangga at binomba ng tubig ng mga barko ng China
-14 KOJC members, binigyan ng first aid matapos maapektuhan daw ng tear gas; Police Region 11, itinangging gumamit sila ng tear gas
-PAOCC: Cambodia at hindi China ang posibleng final destination ni Alice Guo
-Pagtambak ng sako-sakong basura sa bakanteng lote, nahuli-cam
-WEATHER: 7 stranded na binatilyo, nasagip mula sa rumaragasang tubig sa sapa
-Interview: PAOCC Spokesman Winston Casio
-Jeep, inararo ang concrete barriers matapos mawalan ng preno; 10 sugatan
-Asong nabiktima ng hit-and-run sa Boracay, tulong-tulong na ipinagamot ng ilang residente
-Bea Alonzo: I'm enjoying being single; may nagpaparamdam pero wala pang dine-date exclusively
-Isang motorcycle rider at isang siklista, sugatan matapos magkabanggaan
-Exec. Sec. Lucas Bersamin sa paratang na politically-motivated ang raid sa KOJC Compound: "Let the law take its course"
-Indian tourist, 3 araw nang hinahanap matapos mahulog sa sinkhole
-Premiere night ng "PAGTATAG!" The Documentary" ng SB19, dinagsa ng A'TIN
-#AnsabeMo sa kabayanihang kaya mong gawin bilang isang Pilipino?
-Pagnanakaw ng cellphone sa isang tindahan, sapul sa CCTV
-57 na sakay ng fastcraft vessel, ligtas na naibaba matapos magkaaberya ang barko
-Mga motorista, naabala sa pagsasara ng bahagi ng highway sa harap ng KOJC Compound at Davao Int'l Airport
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 10:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
-BRP Datu Sanday ng BFAR, binomba ng tubig at binangga ng mga barko ng China sa may Escoda Shoal
-National Task Force on the West Phl Sea, pinalagan ang mga pahayag ng China kaugnay ng insidente sa Escoda Shoal
-Barko ng BFAR na BRP Datu Sanday, ilang beses binangga at binomba ng tubig ng mga barko ng China
-14 KOJC members, binigyan ng first aid matapos maapektuhan daw ng tear gas; Police Region 11, itinangging gumamit sila ng tear gas
-PAOCC: Cambodia at hindi China ang posibleng final destination ni Alice Guo
-Pagtambak ng sako-sakong basura sa bakanteng lote, nahuli-cam
-WEATHER: 7 stranded na binatilyo, nasagip mula sa rumaragasang tubig sa sapa
-Interview: PAOCC Spokesman Winston Casio
-Jeep, inararo ang concrete barriers matapos mawalan ng preno; 10 sugatan
-Asong nabiktima ng hit-and-run sa Boracay, tulong-tulong na ipinagamot ng ilang residente
-Bea Alonzo: I'm enjoying being single; may nagpaparamdam pero wala pang dine-date exclusively
-Isang motorcycle rider at isang siklista, sugatan matapos magkabanggaan
-Exec. Sec. Lucas Bersamin sa paratang na politically-motivated ang raid sa KOJC Compound: "Let the law take its course"
-Indian tourist, 3 araw nang hinahanap matapos mahulog sa sinkhole
-Premiere night ng "PAGTATAG!" The Documentary" ng SB19, dinagsa ng A'TIN
-#AnsabeMo sa kabayanihang kaya mong gawin bilang isang Pilipino?
-Pagnanakaw ng cellphone sa isang tindahan, sapul sa CCTV
-57 na sakay ng fastcraft vessel, ligtas na naibaba matapos magkaaberya ang barko
-Mga motorista, naabala sa pagsasara ng bahagi ng highway sa harap ng KOJC Compound at Davao Int'l Airport
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 10:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Maganang tanghali po!
00:07Oras na para sa maiinip na balita!
00:14Balitanghali!
00:19Balitanghali!
00:27Panibagong panghaharas na naman sa West Philippine Sea.
00:31Ilang beses pong binanga at binomba ng tubig ng China Coast Guard Vessels
00:35ang barkon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na BRP Datu Sanday sa may Escoda Shoal.
00:41Dahil sa harassment na nangyari mismo sa loob ng Exclusive Economic Zone ng ating bansa,
00:45kansilado muna ang pagbibigay ng tulong sa mga mangis ng Pinoy roon.
00:50Balitang hatid ni Ian Cruz.
00:54Grabe! Sobrang dikit! Stop it!
01:03Grabe! What are you doing? Stop it!
01:07Yan po, yan. Kinamaan na naman po ang ating barko.
01:11Hinarang, pinalibutan, saka ilang ulit na binanga ng China Coast Guard Vessels 21555 at 21551
01:19ang sinasakyan naming BRP Datu Sanday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
01:24Matatanaw rin ang Chinese Militia Vessels sa paligid hanggang sa...
01:294103 po mga kapuso, pasok muna po tayo saglit.
01:34Ang sumunod naman na bumanga, ang China Coast Guard 21555, 226 ng hapon.
01:41Tuluyan na itong binomba ng tubig ng isa pang CCG Vessel ang ating barko.
01:46Nangyari yan, nasa 7 nautical miles malapit sa Escoda Shoal,
01:50kung nasaan ang BRP Teresa Magbanoa ng Philippine Coast Guard.
01:57Ang dambuhan na itong barco ay nangyari sa 7 nautical miles.
02:02Ang dambuhan ng Coast Guard Ship tumama sa port side ng BRP Datu Sanday.
02:07Pansamantalang umatras ang BRP Datu Sanday para sa kaligtasan ng mga sakay nito,
02:12pero ilang saglit lang.
02:16Mga kapuso, kala natin tapos na.
02:19Yan po ang China Coast Guard 4102 na nagbuga rin po ng tubig dito sa Kinaroroona natin.
02:27Nag-water cannon naman ang barko ng China.
02:30Napilitan kaming pumasok sa loob ng barko.
02:32Sa puntong ito, nakapalibot na sa amin ang lahat ng barko.
02:36Nagsalit-salitan ang mga barko nila sa pagbomba.
02:39Kahit nasa loob kami ng barko, ramdam ang malakas sabugan ng tubig.
02:44Kasabay ng pambobomba, ang Coast Guard Vessel 21555 pumarang sa aming harapan
02:50at nahagip naman ang nguso ng aming barko.
02:53Masisirahin ang mga gamit natin.
02:56Lakas!
03:07Ina-water cannon tayo dito sa kaliwa, tapos may humaharang naman.
03:12Ayun, bumangana naman.
03:16Ika-limang bangana po yan.
03:19Ang China Coast Guard.
03:21Yan po.
03:24Malakas na naman po ang water cannon.
03:28Bumangana talaga.
03:34Sa isang punto, ang China Coast Guard pinupuntir yang aming navigation equipment sa itaas.
03:44Pinauulan nang talaga tayo na.
03:51Malakas. Sabubong na tayo, tinisira.
03:55Pinanggaba tayo.
03:58Sinisira nila yung navigational equipment natin yan, mga kapuso.
04:03Hindi po natin alam kung hanggang anong oras po tayo, mga kaday.
04:09Kung kawalan po kami ng navigational equipment.
04:13Halos lahat po ng CCG or yung China Coast Guard Vessel ay nakawater cannon na po.
04:21Makamabasag.
04:25Mga kapuso, narito tayo dun sa pinakanoob ng bridge.
04:30Dito tayo pagsamantalang nagkubili dahil nga halos lahat na po ng mga China Coast Guard Vessel ay nakawater cannon.
04:42Yung iba naman talaga dumitikit ng todo sa atin at nabangganan naman muli tayo.
04:46Sa bilang ko ay hindi bababa sa lima.
04:48Maaari po kapag nawala po yung aming life na ito, maaaring nawala na po yung navigational aids po namin dito.
04:58Sinabi ng China Coast Guard, nagsasagawa sila ng unilay control measures matapos sa illegal daw na pasukin ang barko ng Pilipinas,
05:06ang Escoda Shoal na tinatawag ng China na Sian Bin Reef.
05:10Sinabi rin ng China na may sinagip daw silang Pilipino na nahulog sa dagat,
05:14sabaybabala sa Pilipinas na itigil ang unilay infringement natin.
05:18Pero pinabulanan nito ng BFAR.
05:21Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:26Bukod sa BFAR, tinanggirin ng National Task Force on the West Philippine Sea
05:29ang sinasabi ng China Coast Guard tungkol sa BRP Datu Sanday malapit sa Escoda Shoal.
05:34Wala raw batayan ang informasyon ng CCG na may Pinoy na nahulog mula sa BRP Datu Sanday at sinagip-umanon nila.
05:42Kinundin na rin ng NTFWPS ang unilay unprofessional, agresibo, at ilegal na aksyon ng China na piligroso para sa mga Pinoy.
05:51Sa ex o dating Twitter, kinundin na ni U.S. Ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson
05:55ang paguguluanin ng China sa legal na humanitarian mission ng Pilipinas.
06:00Tuloy-tuloy raw ang suporta ng Amerika sa Pilipinas.
06:03Disturbing o nakababahala naman para kay European Union Ambassador Luc Vernon
06:08ang insidente sa may Escoda Shoal.
06:10Binigyang din niya ang kahalagahan ng pagsunod sa international law
06:14kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS sa South China Sea.
06:21Update tayo sa sitwasyon ng BRP Datu Sanday na binanggat binomba ng tubig ng China nitong weekend
06:26live mula sa West Philippine Sea
06:28may ulap on the spot si Ian Cruz.
06:30Ian Cruz!
06:31Ian!
06:32Kumusta kayo dyan?
06:36Yes, Rafi, sa mga sandaling ito patuloy nga naglalayag itong sinasakyan natin
06:41na BRP Datu Sanday dito sa West Philippine Sea.
06:44Particular na, malapit ito sa mainland Palawan na Rafi.
06:49Kahapon lamang ay anim na beses tayong binangga ng China Coast Guard
06:55at nung kanilang milisya vessel
06:58at mahigit 30 minuto yung intense na pagbomba nila ng water cannons sa ating kinaroroonan.
07:07At Rafi, ang maganda nga ay ligtas naman ang lahat ng mga crew nitong B-4 ship
07:11gayon din ang mga embedded media na kasama nga natin.
07:16At unang bumangga sa atin Rafi,
07:19yung Coast Guard vessel na 21551 ng China na siya rin bumangga
07:26at bumutas noong nakaraang lunes sa BRP Bagakay ng Philippine Coast Guard.
07:31Apat na mes naman bumangga sa amin ang 21555 vessel nila.
07:35Kasama rin nila sa pangaharang at pambobomba ng tubig ang China Coast Guard 3104
07:40na siya namang bumutas sa BRP Cape and Ganyo noong tinagdaang lunes.
07:44At sa mga nagtatanong Rafi, kung ano nga ba ang lagay nitong BRP Datu Sandai
07:48matapos ang nasa anim na vessel pangbangga at mahigit 30 minuto
07:52na halos walang humpay na pambobomba ng tubig ng China
07:55may mga nasirang navigation at communication equipment dito sa aming barko
07:59na pinintiryan nila sa bubong nitong barko kaya matindi ang pangwater cannon nila.
08:04Sa provision area ay may pinsala rin ng bintana at kisam pero inayos na rin.
08:11Makikita ang malaking UP. Ito yung pinaka-visible sa lahat
08:17dahil nga sa malakas na pagbangga nitong China Coast Guard 21555.
08:21Yung portion din sa logo ng BIFAR sa port side ay may tama rin ito
08:26at dun sa railings bahagya rin may pinsala.
08:28Sa may starboard o kanang bahagi dun sa may harapan at tapat mismo ng pangalan ng barko
08:34ay may gasgasgin dahil din sa pagbangga ng 21555 vessel ng China Coast Guard
08:40at yung tambucho ay meron ding mga UP at yung mga air conditioning unit
08:47ay hindi rin gumagana yung iba dahil nga sa matinding pangwater cannon ng China Coast Guard.
08:55Raffy, sa mga sandaling ito ay narito yung ilan sa mga mangingisda na nangingisda dito sa West Philippine Sea.
09:02Actually, nakausap natin pansamantala. Yung ilan sa kanila galing daw sila nung ilang mga araw na nakakaraan
09:08dun sa Escoda Shoal at tinaboy sila nung China Coast Guard.
09:14Kaya naman ngayon ay binibigyan sila ng crudo ng BIFAR
09:18at pinagpapasalamat nila na sila ay nabigyan ng crudo dahil talagang hirap na hirap daw sila
09:25sa kanilang operasyon dito sa pakingisda dahil palipat-lipat sila ng lugar
09:30at yun ay nagiging dahilan para mas tumaas yung cost ng kanilang pangingisda.
09:35Kahapon, bago rin kami binanga at binomba ng China Coast Guard,
09:39yung mga mangingisda na mga taga-batangas din ay nahatiran din namin ng tulong sa pamagitan nga nitong BRP Datu Sanday
09:47binigyan sila ng about 2,000 liters ng diesel.
09:51Dahil sila, Raffy, ang kiwento rin nila sa atin, pinaalis din sila ng China Coast Guard gabi yun,
09:58bago kami dumating doon, pinaalis sila doon sa Escoda Shoal at sinasabi rin sa kanila na teritoryo yun ang China.
10:05So, Raffy, yan ang latest mula rito sa West Philippine Sea. Balik sa iyo.
10:08Ian, napakalaki ng stark contrast, yung pagkakaiba kasi 3 weeks ago nandyan din ako
10:13pero hinayaan kami pumunta dyan at nagpunta pa yung mga mangingisda sa loob ng Escoda Shoal
10:18at doon hinatiran ng crudo. So, napakalaking pagbabago na hindi kayo pinapasok at pinapaalis na yung mga mangingisda.
10:25Anong balita? Ano yung nagbago? Bakit talagang pinipigilan na makapasok yung mga Philippine vessels sa mismo Escoda Shoal, Ian?
10:36Well, Raffy, ang isa sa mga game changer talaga dyan, nando doon sa Escoda Shoal or sa Sabina Shoal,
10:44yung BRP Teresa Magbanwa ng Philippine Coast Guard.
10:48Siyempre, inaakusa ng China na semi-agground na daw yung vessel na yun at tila hindi naumaalis doon.
10:55Pero, ang BFAR naman, itong BRP Datu Sandai, ang ginagawa naman talaga nila is ganito.
11:01Naghatid sila ng tulong sa mga mangingisda.
11:05Yun nga, Raffy, even itong mga mangingisda ay nadadamay na dahil nga sa paghihigpit na ginagawa ng China Coast Guard doon.
11:13Talagang napakarami ng mga floating asset nila na nando doon.
11:17Dahil nung malapit na kami doon, Raffy, e nabilang namin na nasa about 6 yung China Coast Guard vessel na nakikita talaga namin.
11:25At meron pang nakabantay din na Chinese Navy at siyempre iba pa yung mga militia vessels na nung mga nakarang araw,
11:34nung nasa Pagasa Island kami, ang bila nga doon sa mga militia vessels ay mga nasa 24.
11:39At Raffy, malalaking mga barko yan, yung mga militia vessels na yan.
11:44Kaya naman nakikita natin na talagang kinukumpula na nila yung Sabina Shoal para talagang hindi makapasok tayo doon.
11:52Pero Raffy, nung dati-dati, pag tayo nag-rororimission papunta sa Ayungin Shoal,
11:58yung Sabina Shoal, yun lang yung area kung saan hinaharang yung mga Coast Guard vessel at yung mga Navy vessel natin.
12:06Pero ngayon, ibang sitwasyon na, parang nagiging pangalawang Ayungin Shoal na nga itong Sabina Shoal
12:12dahil doon pa lang, sa 20 nautical miles away, ay talagang hinaharang na
12:19at talagang pinapalibutan tayong pilit ng China Coast Guard.
12:24Obviously, very aggressive na sila ngayon.
12:26Napati nakikita natin sa inyong video.
12:28Mismong yung kanilang militia ship, dumidikit na,
12:31tapos bumabangga sa mga Coast Guard ship at BFAR ships natin na dati hindi nila ginagawa.
12:36Hindi ba, Ian, ang mga dumidikit lamang talaga dyan ay yung mga Coast Guard ship ng China.
12:41Balikan na natin yung insidente kahapon.
12:43Ikuwento mo sa amin yung sitwasyon habang binabangga at binawater cannon kayo.
12:47Ano yung pakiramdam?
12:48Kasi yung Coast Guard ship ng Pilipinas, kanyan eh, merong reinforced dyan.
12:53Yung mga BFAR ships hindi gaano.
12:55Bagamat yung aircon units, alam natin, nililigyan na ng metal, na bakal yan.
12:59Ang sabi mo, nasira pa rin kahit yung mga nireinforced na ng BFAR, Ian?
13:07Well, Rafi, may certain point talagang kinabahan tayo.
13:10Dahil nga nakita natin talagang ang bibilis talaga ng takbo nila at directly hinihit nila tayo.
13:17Kaya dito sa railing, talagang kumakapi tayo.
13:20Sabi natin, kaya naman natin yung tama na yun.
13:23Pero talagang medyo tumagilid at one point itong barko, pero saglit lang naman yun.
13:28Pero yun talagang nagpabago nung lahat is yung nagkaroon na nga sila nung pagbubukas nung kanila mga water cannon.
13:34Noong una, isang barko lamang yung nagbubukas.
13:37Pero sumunod, halos lima na sila nga nakabukas yung water cannon at sunod-sunod na yung ginagawa nila.
13:44Kaya pumapasok kami, lumalabas.
13:46Hanggang sa, eventually, nasa loob na lamang kaming lahat.
13:50Dahil nga halos sabay-sabay na sila na nagwa water cannon sa amin.
13:54At the same time, bumabangga pa yung 21555.
13:57Yung talaga, Raffy, yung napakaraming bangga na ginawa dito sa amin.
14:02Mga about four yung nabilang ko.
14:04Yung 21551, na siya rin bumangga sa BRP Bagakay ng Coast Guard.
14:09Siya yung unang-unang bumangga dito sa aming starboard side, Raffy.
14:14Yung pinakamatagal na barko na yata yung 21551.
14:17Dahil halos lahat tayo nagcover diyan.
14:18Naranasan nating habulin at dikitan ng 21551 na China Coast Guard na yan.
14:23Maraming salamat at ingat kayo diyan, Ian Cruz.
14:27Sa iba pang balita, nagsampa po ng reklamo ang ilang membro ng Kingdom of Jesus Christ
14:32na nasaktan-umano nang i-raid ng polisya ang kanilang compound sa Davao City.
14:37Balitang hatid ni R. Jill Relator ng JMA Regional TV.
14:44Mahigpit pa rin ang siguridad ng mga polis sa loob at labas
14:48ng Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City.
14:51Kita sa malaking LED screen mula sa KOJC,
14:54ang mga polis na nakahiga na sa sahig sa compound.
14:58Maghahating gabi nang dumating ang ambulance bus ng Davao City Central 911.
15:03Naglakad pa labas ang nasa labing apat na miyembro ng KOJC para maisakay sa ambulansya.
15:09Based sa interview ng Central 911, sila po daw yung mga na-subjects sa tear gas.
15:15So, they were made to wash their eyes. Tapos nag-apply naman din ng first aid sa kanila.
15:22Itinangin naman ng Police Regional Office 11 na gumamit sila ng tear gas.
15:27Sinabi nila na mga polis daw ay may dalang tear gas, which is a very big lie.
15:31Kita naman na wala na mga polis na naka gas mask eh.
15:34Sila ang nagpabuga sa atin nang binugahan nila yung mga tao natin ng fire extinguisher.
15:40Kaya hinahanap namin yun at sinafile namin ng kaso ng direct assault.
15:45Sa umano'y planong puputula ng kuryente at tubig ang KOJC compound, pinasinungalingan din ito ng PRO-11.
15:52Inanunsyo ni PRO-11 Regional Director, Police Brigadier General Nicolas Torre III,
15:59ang patuloy na paghalughog, target mahanap ang mga taguumanong compartment na pinasadahan lang nila sa unang araw ng paghahanap.
16:07Bukod sa masyadong malaki ang compound, hamon din daw sa PNP ang pakikialam ng mga taga-suporta ni Kibuloy.
16:14We are talking about more or less 30 hectares po.
16:17At langit po natin yung resistance po nitong mga miyembro at supporters po nitong si Pascok, Kibuloy at iba pa.
16:25Talagang there's really an attempt to delay the movements of the PNP na atasan po na maghalughog sa area po.
16:34Isang lalaking 21 anos na taga Samar at isang babaeng taga Midsay at Cotabato na mga miyembro umano ng KOJC
16:41ang nirescue ng mga tauhan ng DSWD-11 mula sa loob ng compound.
16:46Nag-request umano ang mga kaanak dalawa sa mga polis na irescue sila.
16:51Hindi sila pinapalabas ng mga members ng KOJC po, kaya po sila nagparescue sa PNP.
16:57Itinangi ito ng legal counsel ng KOJC.
17:00That that is not true.
17:02Itinangi ng abogado ng KOJC baka okupahin ng mga polis ang compound.
17:07Baka prelude ito na mag-stay sila dito para kung merong forfeiture order later, nandiyan na sila.
17:16Hindi po sila hostage kasi malaya naman po silang nakakalabas.
17:24And then hindi po totoo na iti-takeover namin the whole KOJC compound kasi hindi naman po yan sa amin.
17:35Pag matapos po yung trabaho namin, aalis din po kami."
17:40Ayon sa PRO-11, dahil umano sa pagpipigil na makapasok ang mga polis kahapon may mga nasugatan sa kanilang hanay.
17:47Sinalubong ng bakoy yung isa nating grupo ng mga polis na pukapasok doon sa compound.
17:54May mga 14 stitches ang inabot ng kamay ng isang tao natin."
17:58Sa bilang ng KOJC, bukod sa isang namatay dahil sa atake sa puso,
18:02apat na bata ay nagka-severe anxiety attack at labing-anin ang sugatan.
18:07Ang ilan sa mga miyembro ng KOJC naghahain ng reklamo laban sa polisya dahil sa mga nasaktan kabilang ang mga minority edad.
18:15Kaharapin naman daw ng polisya ang reklamo ayon kay Tore.
18:19Mula sa GMA Regional TV 1 Mindanao, Argyle Relator nagbabalita para sa GMA Integrated Dukes.
18:28Hindi sa China, kundi sa tinaguliang Golden Triangle Region daw pupunta si Dismissed Bambatan Lak Mayor Alice Guo.
18:35Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission,
18:38target destination ni Guo ang Cambodia kung saan may negosyo at gambling interest ang kanyang pamilya.
18:44Ang kapatid niyang Sina Wesley at Xie Men ay sangkut-umanoh sa offshore gaming operation sa Cambodia.
18:51Base sa impormasyon mula sa Indonesian authorities, pinaniniwalaang nasa Batam, Indonesia pa rin ang dating alkalde.
18:58Kasalukuyang nasa kustudian naman ng NBI sa Pilipinas,
19:02ang nahuling kapatid ni Alice Guo na si Sheila at si Cassandra Ong.
19:07Si Sheila natukoy ng NBI na ang Chinese na si Zhang Nier,
19:12base sa comparative fingerprint analysis sa kanyang Philippine at Chinese passports.
19:17Wala pa siyang pahayag ukul diyan.
19:19Hindi rin sila nagbigay ng pahayag ni Ong kung papaano sila nakalabas ng bansa kasama si Alice Guo.
19:26Ang taok, kumbensidong backdoor exit ang ginamit nila.
19:30Imposible rin daw na walang makapangyarihang tao na tumulong kina Guo.
19:38Ito ang inyong Regional TV News.
19:44Oras na para sa mga balitang nakalap ng Jimmy Regional TV sa Luzon.
19:48Makasama po natin si Chris Soniga.
19:50Chris?
19:55Salamat Connie.
19:56Patay sa pananaksak ng sarili niyang bayawang isang lalaki mula sa San Juan, Batangas.
20:01Sa Kalasyao naman dito sa Pangasinan,
20:03nahuli kam ang pagtatambak ng sako-sakong basura sa isang bakanting lote.
20:08Ang may litabalita hatin ni Russell Simorio ng Jimmy Regional TV.
20:15Makikita sa CCTV ang paggilid ng isang tricycle.
20:18Sa isang kalsada sa barangay Doyong Kalasyao, Pangasinan,
20:21ang dalawang sakay ng tricycle.
20:23Nagbaba na mga sako na may laman.
20:25Napagalamang mga nakasakong basura pala ang mga ito.
20:29At itinapon lamang sa lugar na halos walang bahay.
20:33Ayon sa Barangay Council,
20:35umabot sa anim nasakong basura ang itinapon ng dalawang lalaki na dayo sa lugar.
20:40Inaalam pa ang kanilang pagkakakilanlan.
20:43Kinundi na naman ang mga opisyal ng barangay ang insidente.
20:47Parati namin binabantayan niyan.
20:49Binabantayan.
20:50Kumisang nagtatapon sila madaling araw.
20:53Pagka nagbantay naman ang mga barangay opisyal ng madaling araw,
20:58ewan ko kung nananadya.
21:00Hindi taga dito eh.
21:02Babala ng Barangay Council,
21:04pagmumultahi ng mga mahuhuling magtatapon ng basura sa lugar.
21:10Sa San Juan, Batangas,
21:12patay sa pananaksak ng sarili niyang bayaw
21:14ang isang lalaki sa barangay Mabalanoy.
21:17Sa embesigasyon ng mga otoridad,
21:19nagtungo ang umanilasing na biktima sa bahay ng kapatid para manghiram ng motosiklo.
21:25Pero hindi siya pinayagan ng kapatid.
21:27Doon na raw nagkaroon ng alitan sa pagitan ng biktima,
21:31kanyang kapatid at mga pamangkin,
21:33pati ang kanyang bayaw na nauwi sa pananaksak.
21:37Mabilis daw nakatakas ang suspect dala ang ginamit na patalim.
21:41Sinusubukan pang kuhana ng pahayag ang pamilya ng suspect at ng biktima.
21:47Sa baya naman ng San Nicolas sa Batangas pa rin,
21:50pinagbabaril ang isang lalaki habang sakay ng kanyang motosiklo.
21:54Sa embesigasyon ng pulisya,
21:56inihatid ng biktima ang asawa sa kanyang trabaho sa barangay Mulawin bago barilin.
22:10Nadala pa sa ospital ang biktima,
22:12ngunit i-deneclarang dead on arrival ng doktor.
22:14Ang suspect, mabilis na nakatakas sakay ng kanyang motosiklo.
22:19Inaalam pa ang motibo sa pagpatay.
22:22Sinisikap ng GMA Regional TV na makuha ang pahayag ng pamilya ng nasawing biktima.
22:28Russell Simorio ng GMA Regional TV,
22:32nagbabalita para sa GMA Integrated News.
22:52Naglalaro roon ang mga binatilyo kahapon,
22:55pero bigla na lamang tumaas at rumagasa ang tubig dahil sa paguulan sa lugar.
23:01Isa pong maliit na puno sa sapa ang kirapita ng mga binatilyo habang naghihintay ng tulong.
23:07Maswerte po silang naabutan ng lubid ng mga sumaklolong residente at nasagin.
23:14Ayon sa pag-asa, localized thunderstorm ang bumuho sa Taytay.
23:18Ngayon pong araw, hanging habagat na ang magpapaulan.
23:21Sa nasabing lugar at sa iba pang bahagi ng Southern Luzon,
23:24kasama na po ang Metro Manila, pati na Visayas at Mindanao.
23:28Mga local thunderstorm naman sa ilan pang panig ng Luzon.
23:31Dahil sa habagat, nakataas po ngayon ang rainfall advisory sa Occidental, Mindoro
23:36at ilang panig ng Palawan.
23:38Tatagal po yan hanggang alas 11 ng umaga.
23:41Malaking bahagi po ng bansa ang makararanas ng ulan sa mga susunod na oras
23:45base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
23:48Posible ang heavy to intense rains sa ilan pong lugar na maaari magdulot ng baha or landslide.
24:18May information ba kayo kung sino ang kanyang kasama at nagbibigay ng protection sa kanya?
24:48Sino kayang nagbibigay ng protection dito kila GUO?
25:18At sa totoo naman po, ipapa-managat ang mga ito.
25:45Ano katindi ang pag-ubantay ng Indonesian authorities para hindi siya makalabas kung saan man siya naroon at makalipat sa ibang bansa?
26:15At this point monitoring lang po ba ang kaya nilang gawin, hindi siya pwedeng pigilan?
26:27Yes, that's the limit of what they can do at this point.
26:32So minangkatuloy po natin ang mga yan na makuha natin lahat ng requirements na meron tayo.
26:39But then again, pwede po silang magsagawa ng tinatawag nating declaration na siya po undesirable alien.
26:48Pag ginawa nila yan, pwede silang makipagbigay tulungan sa ating immigration para punta doon at ma-deport ang mga yan.
26:56Panghuli na lamang, kailan ang planong simulan sa mga grupo na tumulong kay GUO na makalabas ng bansa sa pamamagitan ng backdoor channel?
27:26So siyempre lang Raffy inuuna natin ngayon kay GUA Ping na hindi po siya makatakas at makapunta sa Golden Triangle, Cambodia, Northern Thailand.
27:44Yan po muna priority natin. But as we do that we're doing a parallel investigation.
27:50Okay, abangat po natin yung update sa mga bagay niyan. Maraming salamat po sa oras na ibinahagi niyo po sa Balitang Hali.
27:55Thank you, Raffy.
27:57Si Pawok Spokesperson Winston Cascio.
28:20Ito ang inyong Regional TV News!
28:51Alamin na natin ang mga balita ng GMA Regional TV mula sa Visayas at Mindanao kasama si Cecil Quibod Castro. Cecil?
29:02Salamat Raffy! Bayanihan ang ipinamalas ng ilang residente sa Burakay para mailigtas ang isang asong na hit and run.
29:10Ayon sa Burakay Animal Adoption and Rescue Center, nabali ang balakang ng asong si Ilaya matapos masagasaan ng e-trike.
29:19Nagtulong-tulong ang ilang taga-Burakay para punuan ang ipinampagamot sa aso na halos 11,000 pesos.
29:25Nagpapagaling na ngayon si Ilaya. Matuloy naman ang indestigasyon para matukoy ang tumakas na driver ng e-trike.
29:38Happy Monday magamare at pare! May update sa estado ng kanyang puso, si Widow's War lead star Bea Alonzo.
29:49Single, happy and still not dating exclusively.
29:53Yan ang nireveal ng kapuso-actress sa gitna ng kanyang business schedule at journey para maachieve ang work-life balance.
30:00Chika niya, ine-enjoy niya muna ang pagiging single while showering herself with love and care.
30:06Masaya rin daw si Bea sa mga natatanggap na positive comments tungkol sa kanilang top rating serie na Widow's War.
30:13Ang co-star niya, si Carla Abellana, nakasalukuyang nasa ospital.
30:16Lagi raw nilang kinukumusta at very involved sa monitoring at creative process ng show.
30:27Sigota ng isang rider ng motorsiklo at isang siklista matapos silang magkabanggaan sa Tondo, Manila.
30:32Balita hantid ni Joe Marapresto.
30:35Kuha ang CCTV video ito sa panolokan ng Kapulong Street at Mer Lopez Boulevard sa Tondo, Manila.
30:41Kita sa video ang mga sasakyang tumatawid.
30:44Dalawang siklista ang biglang pumasok pakaliwa.
30:48Maya-maya, sumalpok sa isang motorsiklo ang isa sa mga bisikleta.
30:53Muntik ding tamaan ang ilang residenteng tumawid.
30:56Isang volunteer na napadaan sa lugar ang tumawag ng responde sa mga kapwa niya wala.
31:02Ayon sa kanila, mas napuruhan daw ang motorcycle rider na hinihinalang nakainom.
31:08Nakita natin yung patient, duguan na, medyo naka ano na yung blood niya, nakakaalat na dito.
31:14Nagtamu naman ang mga gasgas sa ibang-ibang bahagi ng gitawan ng babaeng siklista.
31:19Pagkarating na mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office,
31:23agad din silang ginamitan ang mga stretcher para maisakay sa ambulansya.
31:27Ayon sa barangay, accident-prone area talaga ang lugar.
31:41Patuloy naman ang investigasyon ng otoridad kaugdai sa nangyari.
31:44Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
31:48May mga hakbang na raw na ginagawa ang Department of National Defense,
31:52kasunod po yan ang panibagong insidente,
31:54sa West Philippine Sea sa pagitan ng China at ng Pilipinas.
31:58Nagsalita rin ang isang opisyal ng Malacanang patungkol naman sa nangyayaring pagkahanap
32:03kay Pastor Apollo Quibuloy sa Davao City.
32:06May ulit on the spot si Ivan Lailito.
32:14Yes Connie, let the law take its course.
32:17Yan ang sinabi ni dati yung Chief Justice Lucas Bersamin at ngayon Executive Secretary
32:23tungkol sa mga banat na ang paghahain daw ng warrant of arrest laman kay Pastor Apollo Quibuloy
32:31ay politically motivated.
32:33Ang sabi ni Bersamin, may proseso daw dyan at kailangan lang hayaan gumulong ang proseso.
32:39Samantala, no comment naman si Bersamin ang matanong tungkol sa paghingin ng tawad
32:43ni VP Sara Duterte sa mga tagasunod ng Kingdom of Jesus Christ
32:46na hinikahit niyang iboto si Pangulong Marcos.
32:50Hindi nagpa-unlock ng panayam ang mismo Pangulo matapos pangunahan ng pagunita sa National Heroes Day
32:55ngayong araw dito sa libingan ng mga bayani.
32:58Tukol naman sa pinakahuling insidente ng pambabanga at pangwater cannon
33:03at paggamit ng flare ng China laban sa Pilipinas
33:05iginiit naman ni AFP Chief General Romeo Browner na walang nagbabago sa utos ng Pangulo.
33:11Ang standing order anya, walang isusukong Pilipinas ni katiting na bahagi ng ating teritoryo.
33:17Magpapatuloy daw ang ating mga misyon at pananatilihin ng presence ng Pilipinas sa ating Exclusive Economic Zone.
33:24Katunayan itong biyernes ay nagsagawa raw mismo si Browner ng Air Patrol
33:28sa hilagang bahagin ng West Philippine Sea at tinensing ang flare ng mga aeroplano.
33:32Pero ang ating daw ginagawa at patuloy na gagawin, titiyaking na ayon sa international law.
33:39Samantala, si Defense Secretary Guilbo Chodoro sinabing ipinaubaya na sa National Maritime Council
33:44sa mga susunod na hakbang na direkta ang pinangangasiwaan ng Pangulo.
33:49Sa panig ng Department of National Defense, may mga ginagawa raw sila na hindi maaaring idetalye.
33:54Patuloy daw ang pagpapalakas ng Pilipinas, hindi para gumanti sa mga agresibong aksyon o armed attack,
34:00kundi para iwasang may armed attack na mangyari.
34:04Samantala, balikan lamang natin ang pagunita sa National Heroes Day.
34:08Heroes Day, sinabi ng Pangulo na bukod sa pagunita sa kabayanihan ng mga nauna sa atin ng ating mga ninuno,
34:14ay kailangan ding ikilalanin ang kabayanihan ng pangaraw-araw ng Pilipino
34:19at mantayan ang kalayaan na ating patuloy na tinatamasa hanggang ngayon.
34:24Connie.
34:25Marami salamat, Ivan Mayrina.
34:31Kuha ang video niya yan sa isang sidewalk sa Kuala Lumpur, Malaysia,
34:35nang biglang lumitaw ang isang sinkhole.
34:37Nahulog sa butas na may lalim na walong metro ang isang babae.
34:41Isang nakatambay na lalakiri ng muntikang mahulog, pero nakakapit at nakalabas siya.
34:46Tatlong araw nang hinahanap ang babaeng turista sa 7-kilometrong kanal na nakadugtong sa sinkhole.
34:53Inaalam pa kung bakit nagka-sinkhole sa lugar.
34:56In the zone ang fans ng SB19 na dumagsas sa premiere night ng Pagtatag the Documentary kagabi.
35:08Kung bakit sa docu ang challenges at milestones na nagpatatag sa P-POP King sa mga nakalipas na taon.
35:16Thankful naman ang SB19 sa supporta ng Billboard Back-to-Back Fan Army Face-off winners na 18.
35:22Hiling ng grupo, sana ay marami ang ma-inspire sa kanilang success story.
35:27Mapapanood ang limited screening ng docu sa ilang piling sinihan simula Wednesday, August 28.
35:42National Heroes Day ngayon mga kapuso, isang araw para magbigay-pugay sa ating mga bayani.
35:46Pero kahit sa simpleg paraan, kaya rin nating maging bayani.
35:50Papaano kaya yan ayon sa ating mga netizens?
35:53Si Josmar Mamaril Lopez, na isa raw siman, ipinagmamalak yung Pilipinas kahit nasaan man siyang bahagi ng mundo.
36:00Very good. E si Telvio Jojo naman, handang magsalita raw para sa mga hindi kayang gawin ito para sa kanilang sarili.
36:08Si Sofia, sa simpleg pagtatapon sa tamaan ng kanyang basura, alam niyang malaking tulong raw ito para sa bansa.
36:14Mga kapuso, makisali po sa aming online talakayan sa iba't-ibang issue.
36:18Pero kung may nais din kayo maibalita sa inyong lugar, mag-PM na sa Facebook page ng Balitang Halim.
36:35Nakaligtas ang isang estudyante mula sa mga dumukot sa kanya, nasakairaw ng puting van sa Bacolod City.
36:42Sa Iloilo City naman, sapol sa CCTV ang pagnanakaw ng lalaki sa isang tindahan.
36:47Ang may initabalita hatid ni Aileen Pedrezo ng GMA Regional TV.
36:55Nasa harap ng isang tindahan ang lalaking iyan sa barangay Villa Anita sa Iloilo City.
36:59Nagsiselfone siya at tila may hinihintay.
37:02Maya-maya pa, sinikwak na niya ang cellphone na nasa counter.
37:06Ayon sa staff, nag-order ng ice cream ang sospek.
37:10Pagtalikod niya para gawin ang order.
37:12Doon na kinuha ng lalaki ang cellphone at sakat tumakas.
37:15Patuloy ang imbisigasyon sa insidente.
37:23Nakaligtas ang isang estudyante mula sa mga dumukot sa kanya sa Negros Occidental.
37:28Sasalaysay niya sa pulisya.
37:30Dinukot siya ng mga sakay ng isang van sa Bacolod City.
37:33Hawak na ng pulisya ang kuha ng CCTV sa puting van na pinaniniwala ang ginamit sa krimen.
37:39Nang makarating sa Bagos City, doon na nakahanap ng tsyempo at biktima.
37:46Patuloy ang imbisigasyon sa insidente.
38:04Sa malay-balay Bukidnon, dead on arrival sa ospital ang isang lalaking rider
38:08matapos bumangga sa kasalubong na bus.
38:10Ayon sa pulisya, dalawang lalaking naniningil ng utang ang hinoldap ng lalaki.
38:15Inagaw pa niya ang motorcyclo ng hinoldap at tumakas.
38:19Nakuha mula sa namatay na rider ang bag ng dalawang hinoldap niya
38:22at isang replika na baril na pinaniniwala ang ginamit niya.
38:26Aileen Pedrezo ng GEME Regional TV, nagbabalita para sa GEME Integrating News.
38:32Nagkaaberiya sa gitna ng dagat, nasakop ng Bacolod City,
38:36ang isang fast craft vessel na may halos 60 sakay.
38:40Base sa Philippine Coast Guard, hindi pa nakalalayo ng pantalan ang barko
38:44na papunta ang Iloilo City ng magkaproblema sa rudder nito.
38:48Hinilapabalik ng Bregco Port ang barko at naibaba ang 57 sakay nito.
38:54Magsasagawa pa ng inspeksyon sa barko ang PCG para matiyak kung ligtas ito.
39:00Update po tayo sa harapan ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ at Kapulisan.
39:05Sa gitna po yan ang paghanap kay Pastor Apolo Q. Buloy.
39:09At live po mula naman sa Davao City, may ulit on the spot si Arjil Relator ng GEME Regional TV.
39:15Arjil?
39:18Ilan po na?
39:19Ilan po na?
39:20Ilan po na?
39:21Ilan po na?
39:22Ilan po na?
39:23Ilan po na?
39:24Ilan po na?
39:25Arjil?
39:28Ilan po na?
39:30Kone, kasunod ng pagsiklaban ng tensyon kagabi sa panitan ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ at ng Kapulisan.
39:37E sinara ang bahagi nito ng Carlos Picasilla Highway dito sa Davao City,
39:41sa harap mismo ng KOJC at ang Davao International Airport.
39:48Yan yung highway sa harap mismo ng KOJC compound at Davao International Airport.
39:53Major highway ang Carlos Picasilla,
39:55kaya't malaking abala ang pagsasara sa mga motorista dahil kailangan nilang dumaan sa mga alternatibong ruta.
40:01Mahigpit ang ipinapatupad ng siguridad at mga sasakyan nilang ng Kapulisan ang pinapayagan ng makalapit sa KOJC compound.
40:08Sa harap ng KOJC compound, naghaharapan pa rin ang mga nakayuman barricade ng mga polis
40:13at ang mga miyembro ng KOJC, kabilang na ang kanila mga heavy equipment na nakaharang sa daan.
40:19Kagabi, itinataboy ng mga miyembro ng KOJC ang patrol cars ng pulisya na nasa harap ng KOJC compound.
40:26Sa kabilang daan naman, mabilis na tinungo ng iba pang miyembro ang linya ng kuryente
40:31nang mabalita ang puputulin umanok ang kanilang supply ng kuryente sa kasagsagan ng prayer rally.
40:37Bit-bit ang mga bakal na barrikada, agad nilang binarikidahan ang highway.
40:41Gauna ng pinabuluanan ng Police Regional Office 11 na puputulin nila ang kuryente.
40:50Agad naman isinara ng airport security ang exit gate ng Davao International Airport
40:55dahil hindi na makadaan ang mga sasakyan.
40:57May mga pulis na nagtangkang pumasok sa barrikada, ngunit sinalubong sila ng mga miyembro kayat na paatras.
41:03Nagpatuloy ang pag-abante ng mga rallyista, dala ang mga barrikada
41:07hanggang hinarangan na ang highway papasok sa main entrance ng Davao International Airport.
41:12Agad na isinara ng mga otoridad ang gate ng airport.
41:15Walang sasakyan ang pinapasok, tanging mga pasahero lang ang pinapayagan.
41:19Kaya inereklamo ng mga nakausap nating pasahero ang mahabang lakaran, bit-bit ang kanilang mga bagahe.
41:25Nag-spin over ang katong ilang sa side nila, dini sa atong entrance gate.
41:43So again, necessarily to protect our facility.
41:49Umatras din kalaunan ang mga tayak KOJC at nabuksa ng entrance gate.
41:57Pero rin yung two-way traffic na ito.
42:00Isang lalaki naman ang pinagkilungang buhatin at isakay sa patrol car ng pulisya
42:04para isugod sa ospital matapos umanong mahimatay.
42:07Nahold din ng mga pulis ang driver ng truck na ito, na may kargang magulong na hinala ng pulisya ay susunodin.
42:13Susunodin ng inspeksyonin ang mga dalang gamit at ID.
42:16Ito ay miyembro ng KOJC.
42:19County Rafi sa ngayon ay wala pang palatandaan na magpupul out ang kapulisan dito sa KOJC.
42:25At sa ngayon ay hindi pa rin tiyak kung kailan mabubuksan ulit sa mga motorista itong highway ng Carlos P. Garcia
42:32sa harap mismo ng Davao International Airport at ng KOJC.
42:36Kaya inabisungan ang Davao City International Airport.
42:39Ang mga pasaheron na maagang nilimunta sa airport upang hindi maduling dahil sa inasahang mabigat na daloy ng traffic.
42:48Sa ngayon ay nagsasalita gamit ang kanila mga speakers ang kampo ng kapulisan at ang kampo ng KOJC
42:56dahil nga kailangan umanong na madaanan itong Carlos P. Garcia Highway.
43:02Wait and see tayo sa mga hakbang na gagawin ng bawat kampo.
43:05Connie.
43:07Marami salamat R. Jill Relaton ng GMA Regional TV.
43:12At ito po ang Balitang Halib. Bahagi kami ng mas malaking mission.
43:15Ako po si Connie Cizon.
43:16Raffi Timo po.
43:17Nasama niyo rin po ako, Aubrey Carante.
43:19Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayad.
43:21Mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Filipina.
43:25Kapuso para sa mga may init na balita, mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube.
43:36Sa mga kapuso naman abroad, subaybayan nyo kami sa GMA Pinoy TV at sa www.gmanews.tv.