• 3 weeks ago
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Martes, Nobyembre 12, 2024:


-Ilang lugar sa Aurora at Isabela, hinagupit ng Bagyong #NikaPH


-Kabi-kabilang pinsala, tumambad sa ilang bahagi ng Isabela matapos ang pananalasa ng bagyo


-WEATHER: Bagyong Ofel, binabantayan na rin sa loob ng PHL Area of Responsibility


-Lalaki na may kasong murder, arestado matapos ang mahigit 2 taong pagtatago


-Philippine Navy: 29 barko ng China, na-monitor sa ilang bahagi ng West Phl Sea nitong Oktubre


-Lalaking sinampal ni relieved PAOCC Spokesperson Winston Casio sa raid sa isang BPO company sa Bataan, naghain ng reklamo


-Pastor Apollo Quiboloy, naka-confine sa Phl Heart Center dahil sa irregular heartbeat at pananakit ng dibdib


-Apat na dam, nagpapakawala ngayon ng tubig


-Bagyong Nika, nagdulot ng landslide sa iba't ibang lugar sa Cordillera at Hilagang Luzon


-Lalaki, patay matapos barilin sa ulo; baril na ginamit sa krimen, narekober


-Ilang bahay, nawasak sa kasagsagan ng bagyo; ilang puno at poste ng kuryente, nagtumbahan


-Cast ng "Balota," nag-celebrate matapos ang blockbuster success ng pelikula


-Lalaking nang-abuso umano sa menor de edad na kapatid ng dating kinakasama, arestado; wala siyang pahayag


-20 batang nangangaroling sa kalsada, sinagip


-Ilang bahay, lubog sa baha dulot ng pagtaas ng antas ng tubig sa Cagayan River/Mahigit 600 pamilya, nasa evacuation center; 17 barangay, apektado ng baha


-Interview: Loriedin Dela Cruz-Galicia, Weather Specialist II, PAGASA


-2024 Christmas Station ID ng GMA Network na "Ganito ang Paskong Pinoy, Puno ng Pasasalamat," mapapanood din online


-COMELEC at 49 media outlets, election watchdogs at academic institutions, nakiisa sa GMA para sa komprehensibong coverage ng Eleksyon 2025


-AiAi Delas Alas, inaming hiwalay na sa asawang si Gerald Sibayan


-Pamamaril sa kalsada, nahuli-cam; 1 sa mga angkas ng motorsiklo, patay


-3 sakay ng motorsiklo, patay matapos mabangga ng pickup; driver, arestado


-MERALCO: May dagdag-singil na P0.4274/kWh ngayong Nobyembre


-Margielyn Didal, wagi sa isang skateboarding competition sa Buenos Aires, Argentina


-Giant Christmas Tree, ferris wheel at iba pang mga Christmas display, tampok sa Gapan, Nueva Ecija





For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Transcript
00:00Magandang tanghali po, oras na para sa maiinit na balita.
00:29Maaraw na po sa malaking bahagi ng bansa,
00:32pero sa Hilagang Luzon, tumambad ang pinsalang iniwan ng Bagyong Nika,
00:36na palabas na ng Philippine Area of Responsibility.
00:45Napayuko ang mga puno sa lakas ng hangin at ulan sa Dilasag Aurora,
00:50kung saan nag-landfall ang bagyo.
00:52Nawasak rin po ang ilang kubo at bahay roon.
00:55Natumba rin ang ilang puno at poste.
00:58Pinasok naman ang baha ang ilang eskwelahan.
01:01Ramdam din po ang hangusit ng bagyo sa katabing bayan na kasiguran.
01:06Ang bubong sa isang paaralan natuklap at tuluyang tinangay ng malakas na hangin.
01:12Sa Dipakulao naman, abot hanggang kalsada ang hampas ng alon na may tangay pang mga batuh.
01:22Sa Isabela, kabilang po sa mga binayo ng bagyo ang Dinapige.
01:27Gayun din ang bayan ng Alicia na halos mag-zero visibility sa kalsada.
01:31May isang rider na nangahas sumungo o nga pero sumemplang.
01:36Natumba rin po ang ilang poste.
01:42Abala na po ngayong araw ang mga residente sa Isabela sa paglilinis
01:46matapos malubog nga po sa bahang dala ng Bagyong Nika.
01:49May ulot on the spot si James Agustin.
01:58Connie, maganda na yung panahon at maaraw na dito sa Santiago City sa Isabela
02:03pero tumambad yung laki ng pinsala na idinulot ng Bagyong Nika sa iba't ibang lugar.
02:08Sa Maharlika Highway, may mga sanga ng puno nakatumba
02:11at mga establishmento na natanggalan ng bubog.
02:14Sa Barangay Batal, may bahagi pa rin na abot bintian taas ng tubig.
02:17Abala ang mga residente sa paglilinis ngayong umaga na mga nabasang gamit.
02:21Ang ilang bahay lubog pa rin sa tubig.
02:23May mga bahay din na nilipad ng yero.
02:26Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council,
02:29umabot sa mahigit 7,400 families ang lumika sa mga evacuation center sa iba't ibang bayan,
02:36katumbas yan na mahigit 22,800 individuals.
02:40Problema pa rin ang supply ng kuryente sa ilang bayan tulad dito sa Santiago City.
02:44Anim na tulay naman ang hindi madaanan dahil sa umapaw ng mga ilog.
02:48Ang magatdam, 186.39 meters, ang level ng tubig hanggang kaninang alas otso ng umaga.
02:54Ang critical level po niya ay nasa 193 meters,
02:57pero simula kahapon ng hapon ay nagbukas na ng isang spillway gate
03:01bilang paghahanda sa inaasahang volume ng tubig mula sa watershed
03:05at maguulang dulot ng Bagyong Nika.
03:07Yamuna yung latest mula rito sa Isabela, balik sa iyo Connie.
03:10Yes James, so paano naman pinaghandaan dyan yung Bagyong Ofel?
03:19Yes Connie, yan yung pinag-uusapan na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.
03:24Sa katonayan nga yung mga nandun sa coastal municipalities tulad halimbawa doon sa Dinapigue, Divilakan,
03:30yung Makonakon at Palanan, ay hindi basta-basta papayagan yung mga lumikas na mga residente na bumalik na muna
03:36doon sa kanila mga bahay.
03:38Dahil karaniwan kapag may dumadaang bagyo dito sa lalawigan ng Isabela,
03:42doon yung mga unang nililikas na mga residente, Connie.
03:46Maraming salamat at ingat kayo dyan, James Agustin.
03:51Samantala, palabas na nga po sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Nika,
03:55pero pumasok naman sa PAR kaninang madaling araw ang Tropical Storm Ofel.
04:01Ang ikatlong bagyo natin ngayong Nobyembre.
04:04Huling namataan ang Bagyong Ofel, 1,170 kilometers sa silangan ng Southeastern Luzon.
04:11Taglay ang lakas ng hangin na abot sa 75 kilometers per hour.
04:15Wala pang nakataas na wind signal sa alinmang bahagi ng bansa,
04:19pero base po sa 5 a.m. bulletin,
04:22posible pang lumakas ang Bagyong Ofel sa mga susunod na oras po yan.
04:27Maaari rin maglandfall ito sa may Northern o Central Luzon sa Huebes ng hapon o gabi.
04:34Samantala, anumang oras mula po ngayon,
04:36ay inaasahang lalabas na nga ng PAR ang Bagyong Nika
04:40na maghapon at magdamag na humagupit sa Northern Luzon.
04:45Posibling unti-unti na itong huihina habang nasa West Philippine Sea.
04:50Huling namataan ang Bagyong Nika, 185 kilometers kanluran ng lawag Ilocos Norte.
04:55Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 95 kilometers per hour.
05:00Dahil po sa Bagyong Nika, nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number one sa Ilocos Norte.
05:07Northern portion ng Ilocos Sur, Northern portion ng Apayaw,
05:11Northern at Western portions ng Abra.
05:14Western portion ng Babuyan Islands at sa Northwestern portion ng Mainland Cagayan.
05:20Magiging maalon pa rin po at delikado sa maliliit na sasakyang pandagat
05:24ang pumalaod sa mga dagat sa kupo ng Ilocos provinces.
05:29Kahit papalabas na nga po ng PAR ang Bagyong Nika,
05:32nananatili ang banta ng storm surge o daluyong sa ilang coastal areas.
05:38Ayon sa pag-asa, posible ang isa hanggang dalawang metrong taas
05:42ng daluyong sa Ilocos Norte at Ilocos Sur.
05:46Pinalalayo muna ang mga residente sa beach.
05:49Pinaalerto naman sa inaasahang pagbuhos ng moderate to heavy rains o katamtaman
05:54hanggang malalakas na ulan ang mga taga Ilocos Norte, Cagayan at Batanes.
06:00Pinag-iingat po ang mga residente mula sa banta ng baha or landslide.
06:04Bukod sa Bagyong Nika at Ofel, binabantayan din ang isang tropical storm sa Pacific Ocean.
06:10May international name yan na Mani.
06:13Patuloy ang paglapit ng nasabing bagyo sa PAR.
06:17Huli yang namataan, 2,930 km silangan ng Southeastern Luzon.
06:24Papangalanan po ang nasabing bagyo na Pepito kapag nasa loob na nga ng PAR.
06:30Tumutok lamang kayo dito sa Balitang Hali para sa 11am bulletin kaugnay po ng Bagyong Nika at Ofel.
06:38Sa iba pang balita, arestado sa Cavite isang lalaking wanted sa kasong murder sa Maynila.
06:43Ang akusado iginiit na self-defense ang nangyari.
06:47Balitang hatid ni Bea Pinlak.
06:49Halos walang damit nasuot ang 26 anyos na lalaking ito nang datnan at arestohin siya ng polisya sa bahay nila sa Bako or Cavite sa visa ng warrant of arrest.
07:04Matapos pagbihisin, diniretso na siya sa kulungan.
07:12Ang lalaki akusado sa pagpatay sa isang lalaking tambay rao sa kanilang bahay sa Tondo, Maynila noong April 2022.
07:34Sa kuha ng CCTV, may isa pang lalaki nakasama ang akusado. Pero ayon sa polisya,
07:42dalawa sila doon pero hindi natin alam kung bakit isa lang ang may warrant of arrest.
07:47Ang akusadong si Alyas Balat na isang criminology graduate,
07:50iginiit na siya lang ang nasa likod ng krimen at self-defense daw ang ginawa niya.
07:55Pinapaalis niya rao sa bahay nila noon ang biktima na aniya isangkot sa iligal na droga.
08:01Hindi po ako lang po yun. Parang nagalit ko sila dahil pinapaalis.
08:04May binunod siya patalim noon that time.
08:09Kaya siguro na-provoke tayo kung di naman natin gusto.
08:12Self-defense naman po yung nangyari. Kumbaga, di lang natin gusto yung pinalabasan dahil nga natuloyan yung tao.
08:18Non-bailable ang kasong murder na kinahaharap ng akusado.
08:22Bea Pinlac nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:27Iniimbisigahan na ng AFP Western Command ang harassment na dinanas ng ilang mangingisdang Pinoy
08:33sa Sabina o Escoda Shoal nito pong Oktubre.
08:36Makikipag-gundayan din daw ang AFP Westcom sa iba pang ahensya para sa kaukulang aksyon.
08:42Geit pa ng Westcom, 24 oras nilang binabantayan ang West Philippine Sea.
08:47Sabi naman ang Chinese Embassy, kanila ang Escoda Shoal na tinatawag nilang Shanbin Shao.
08:53Sa monitoring ng Philippine Navy, 15 China Coast Guard vessels at 14 na Chinese Navy vessels
09:00ang namataan sa West Philippine Sea nitong Oktubre.
09:04Madalas daw yung makitang dumaraan malapit sa Escoda Shoal
09:08pati sa iba pang bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas
09:12gaya ng Bajo de Macinloc, Pulian Felipe Reef at Iroquois Reef.
09:19Pagkitiyak ng Philippine Navy, patuloy rin nilang pinoprotektahan
09:23ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
09:27Nagsampa ng reklamo ang lalaki na tatlong beses sinampal
09:31ng ni-relieve na PAOK spokesperson na si Winston Cascio.
09:35Reklamong slander by deed ang inihain niya sa Provincial Prosecutor's Office sa Balanga, Bataan.
09:42Ang lalaki ay empleyado ng Miraid na BPO Company sa bagak nitong Oktubre.
09:47Kwento ng lalaki, nasa cafeteria sila noon ng may lumapit na tauhan ni Cascio
09:54at pinanatangan siyang nambabastos sa kanila.
09:57Sunod na dumating si Cascio na sinubukan siyang suntukin sa tagiliran at sinabing bastos siya.
10:03Binitbit siya ng mga tauhan ni Cascio sa clinic.
10:06May tinanong daw sa kanya si Cascio at syaka siya sinampal.
10:10Naun nang itinanggi ng BPO Company na sila ay Pogo at nag-ooperate ng Scam Hub.
10:16Pansamantalang ni-relieve sa pwesto si Cascio na umaming sinampal nga niya ang lalaki
10:21dahil binastos umanong nito ang kanyang tauhan.
10:25Humingi ng paumanhin si Cascio sa kanyang inasal.
10:31Naka-confine si Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apolo Quibuloy sa Philippine Heart Center sa Quezon City
10:38dahil sa irregular heartbeat o hindi-regular na tibok ng puso.
10:42Ayon kay PNP spokesperson Gene Fajardo,
10:45Dinala doon si Quibuloy noong November 8, matapos dumaing ng masakit na dibdib noong November 7.
10:52Sa utos ng Pasig Regional Trial Court, mananatili si Quibuloy sa ospital hanggang November 16,
10:58Sabado, para makompleto ang kanyang medical tests.
11:02Ayon naman sa abogado niyang si Atty. Israelito Torreon,
11:05walang dapat ikabahala dahil dati na raw may irregular heartbeat ang pastor.
11:16Sa agit na po ng masungit na panahon sa ilang bahagi ng Luzon,
11:19nagpapakawala ngayon ang tubig ang ilang reservoirs.
11:23Ayon sa pag-asa, ting dalawang gates ang nakabukas sa Ambuklao at Binga Reservoirs ng Benguet,
11:29habang ting isang gate ang naglalabas ng tubig sa Magat at San Roque Reservoirs.
11:35Pre-emptive release ang umanoy isinasagawa sa mga nasabing dam
11:40para umanoy maiwasan ang pag-apaw habang inaasahan ang dami ng ulang bubuhos sa mga watershed.
11:47Sa nakalipas na 24 oras, mataas ang tubig sa Pantabangan Reservoir,
11:53habang mababa ang water level sa Anggat, Ipo, Lamesa at Kaliraya.
11:59Ito ang GMA Regional TV News!
12:05Oras na po para sa mai-init na balita ng GMA Regional TV mula sa Luzon.
12:09Kasama po natin si Chris Zuniga.
12:11Chris?
12:13Salamat Connie!
12:14Kabi-kabilang landslide ang naranasan sa ilang lugar sa Cordillera Administrative Region at Hilagang Luzon
12:21bunsod ng pananalasan ng bangyong nika.
12:23Bumagsak ang bahay na yan sa Bagau, Cagayan matapos sa gumuhu ang lupa malapit sa ilog sa kasagsagan ng bagyo.
12:30Sa Kasimbu, Nueva Vizcaya naman isinaramuna sa mga motorista ang isang kalsada matapos sa matabunan na bumagsak na puno at malalaking bato.
12:39May naitala rin paguhu ng lupa sa mga bahagi ng Napua at Namatek ng Bagyo-Bontoc Road sa Sabangan Mountain Province.
12:46May landslide din sa National Road ng Balantoy Poblasyon Area sa Balbalan, Kalinga.
12:52Nagsasagawa na ng Clearing Operations ang mga LGU para muling madaanan ang mga naturang kalsada.
13:00Mahigit sa 30,000 piso halaga naman ng alahas at pera ang nabawi mula sa apat na umano'y miembro ng Budol-Bodol Gang sa Pinili-Ilocos Norte.
13:09Sa lungsod naman ng Lawag, patay ang isang trabahador matapos na makuryente at atakihin sa puso.
13:16Ang mainit na balita hatid ni CJ Torrida ng GMA Regional TV.
13:23Tama sa ulo ng bala ng baril ang ikinasawi ng isang lalaki sa Kalasyao, Pangasinan nitong Sabado.
13:29Suspek ang kanyang kainuman sa isang bardoon.
13:32Narecover ang ginamit na baril sa krimen na isang improvised pistol.
13:36Inaalam pa ang motibo sa krimen.
13:39Still under investigation pa po.
13:41Nakakandag po sila ng thorough investigation upang makita po natin kung sino pa yung nasa likod nitong pangyayaring insidente na to.
13:49Sa Lawag, Ilocos Norte, natagpo ang patay ang isang trabahador ng ipinatatayong establishymento.
13:56Nadiscover siyang nakahandusay at hawak ang light stand na may nakakonektang live wire.
14:02Lumabas sa pagsusuri na namatay siya sa cardiac arrest at pagkakuryente.
14:06Iuuwi ang katawan ng biktima sa dugupan kung saan siya lumaki.
14:11Sa bayan naman ng pinili sa Ilocos Norte pa rin.
14:15Arestado sa checkpoint ang apat na umanoy, membro ng Budol Budol gang.
14:19Nabawid sa kanila ang alahas na nagkakahalagan ng 20,000 pesos, cash na 14,000 pesos at ilang Canadian dollars,
14:27mula sa kanilang na biktima na isang lola na 89 years old.
14:31Ayon sa mga autoridad, nagpunta sa bahay ng biktima ang mga suspek at sinabing nanalo siya ng mga gamit sa kusina.
14:38Para maklaim iyon, kailangan niyang magbigay ng mga alahas.
14:42Nahuli ang mga suspek matapos matandaan ng biktima ang puti nilang sasakyan.
14:47May nakuha rin ilang pakete ng hinihinalang syabu sa loob ng sasakyan.
14:51Mahaharap sa kaukulang reklamo ang mga suspek.
14:54Wala silang pahayag.
14:56Payo ng mga autoridad, huwag tumanggap ng kahit na ano mula sa mga hindi kakilala para hindi mabudol.
15:03CJ Torrida ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:11Problema ngayon ang ilang tagakasiguran na Aurora matapos sasakyan
15:15ng bagyong nika ang kanilang pinagkukuna ng pagkain at kabuhayan.
15:20May ulit on the spot si Darlene Kaye.
15:27Connie, maayos na yung panahon dito sa Kasiguran Aurora
15:30pero kitang-kita yung pinsalang iniwa ng bagyong nika.
15:33Itong kinatatayuan ko ay isang sagingan at katulad ng nakikita nyo talagang totally damaged.
15:40Ibig sabihin lahat ng isan daang puno rito ay winasak ng bagyong nagdala
15:46ng napakalakas na hangin at ulan.
15:49Nang maglandfall ang bagyong nika dito sa provinsya ng Aurora pasado las 8 kahapon ng umaga,
15:54ramdam na ramdam dito ang pagbayo ng malakas na hangin na sinabaya ng malakas na buhos ng ulan
16:01kaya wasak ang ilang bahay, nagtumbahan ng mga puno at poste ng kuryente.
16:06Nalubog sa bahang ilang lugar tulad dito sa kinatatayuan kong Barangay Marikit sa Kasiguran.
16:11Tumigil ang ulan kahapon ng hapon.
16:13Ngayong umaga, maganda na ang panahon kaya wala nang baha dito sa Barangay Marikit
16:17pero naiwa naman ang pinsala sa mga bahay at hanap buhay ng mga residente.
16:21Si Tatay Rinaldo na nagtatrabaho sa sagingan,
16:24hindi alam kung paano babangon dahil aabuti ng apat na taon bago tumubo at mamunga uli ang mga saging.
16:31Sila rin naman, nalubog na nga ang bahay sa baha,
16:34nawasak pa ang tanima na pinagkukunan nila ng pagkain.
16:38Narito po yung pahayag ng aming mga nakausap na residente.
16:43Maginayang man, mam, ay talagang sirap ng buhay namin dito sa Aurora.
16:48Talaga wala tayo magawa.
16:50Sabi ko nga, sana may ayuda naman na damating sa amin.
16:53Talagang kami halos wala rin po ma...
17:00Sasabihin ko na ng totoo, talaga wala nang makain.
17:03Okay.
17:34Walang nasaktan, walang namatay at walang naiulat na nawawala, Connie.
17:38Pero yung nabanggit mo nga, hindi pa ayos yung linya ng komunikasyon,
17:42pati na rin ng supply ng kuryente.
17:44Meron bang abiso kung more or less within this week ay maibabalik ang mga yan?
17:53Connie, yan yung gusto din ng mga local officials
17:56at lalo na yung mga residente na nakakausap ko dito
17:59na sana raw ay sa lalong madaling panahon maibalik na yung supply ng kuryente.
18:03Pero hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa raw nila masabi
18:07kung kailan talaga maayos yung linya ng mga kuryente
18:10dahil maraming ang poste ng kuryente yung nagtumbahan
18:14dahil sa lakas ng hangin at ulan na naranasan dahil sa bagyong ni kakahapon.
18:18Pero nakikipag-ugnayan na raw sila sa pamunoan ng Aurelco
18:22para sa lalong madaling panahon ay maibalik na yung supply ng kuryente, Connie.
18:26Yung tubig ba rin nila ay naapektuhan dahil sa bagyo?
18:35Connie, kahit papaano naman yung maraming mga bahay, maraming mga residente rather dito
18:40ay may supply naman ng tubig, yung talagang kuryente lang yung kanilang problema
18:45at pati na rin yung linya ng komunikasyon o signal sa ibang lugar dito.
18:49Maraming salamat, Darlene Cai.
18:57Nag-celebrate ng blockbuster success ang cast ng pelikulang Balota
19:01sa pangunguna ni Kapuso Primetime Queen, Marian Rivera.
19:06Sa Thanksgiving dinner, present ang ilan sa cast members na bumuo sa pelikula.
19:11Marian, si Spartal Star Will Ashley at ang direktor na si Kipo Evanda.
19:16President din dyan, si GMA Network Senior Vice President Atty. Anet Gozon Valdez.
19:21GMA Entertainment Group Senior Vice President Lilibet G. Razonable.
19:25GMA Pictures Executive Vice President Nessa Valdeleon.
19:29Vice President for Drama, Cheryl Ching See.
19:32At Assistant Vice President for Drama, Helen Rose Cece.
19:36Happy si Marian na nakapag-iwan sila ng mensahe sa mga manunood
19:41at natuwa rin siya na marami sa mga nakapanood ay guru at mga estudyante.
19:49Isa lang ito sa mga senyales na mas marami pang gagawin yung mga Pilipino
19:54na gantong pelikula na tatangkilikin talaga kay sinimalaya man yan,
19:58kung big screen man yan o kung ano man yan.
20:00Maganda na bumabalik na uli yung mga tao para supportahan yung pelikulang Pilipino.
20:04We're very happy and we're very thankful to Marian for agreeing to be part of this movie
20:10and nakita naman natin na perfect na perfect siya bilang teacher Emmy.
20:15Sa iba pang balita, arestado sa naiyang isang lalaking ng abuso o manoh
20:19sa minor de edad na kapatid ng dati niyang kinakasama.
20:23No comment ang akusado.
20:25Balitang hatid ni Emil Sumangil Exclusive.
20:37Hello kuya. Finally nagkasama na kayo ni ate.
20:42Halos daigin ang mga viral video ng eyeball sa airport.
20:47Pero ang sinalubong ng babaeng ito sa arrival area
20:50ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, target ng polisya.
20:54At ang kanyang kameet up pati ang kumukuha ng video at maririnig na nagsasalita.
21:00Magkasama na si ate tsaka si kuya.
21:03Finally long distance no more.
21:06Parehong undercover polis.
21:09Ang polis woman na nakaitim ang siyang nagset ng patibong.
21:13Sa nakipagrelasyon nitong ating operatiba dito sa tao.
21:17Hanggang sa kaso dun sila na willing na lumukas ng may nilay.
21:22Paglabas sa parking lot, saka lumitawang iba pang polis.
21:30Wanted siya sa multiple counts ng child abuse.
21:33Nagpalipat-lipat from Cotabato City, gyan saan.
21:37Ang victim na umano niya, 12 anos na babaeng kapatid ng dati niyang kinakasama.
21:42Nauna lagi umuwi itong lalaki.
21:44Dun niya sinasagawa yung pangumulis siya dito sa 12 year old na kapatid.
21:51Nagkaroon daw ng lakas ng lobang biktima na makapagsumbong
21:54ng may makausap itong kaanak na nakapansin daw ng hindi normal na kinikilos ng biktima.
22:01Emil Sumangil, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
22:07Ito ang GMA Regional TV News.
22:14Ihahatid na po ng GMA Regional TV ang may iinit na balita mula naman sa Visayas at Mindanao.
22:20At makakasama po natin si Sara Hilomen Velasco.
22:23Sara?
22:25Salamat Connie.
22:26Sinagip na ma-autoridad ang ilang batang nangangaruling sa mga kalsada sa Talisay, Cebu.
22:32Dalawampung bata, edad siyam hanggang labing-anim ang kanilang narescue.
22:36Ayon sa Talisay City Social Welfare Office, parte ng kulturang Pilipino ang pangangaruling.
22:42Pero hinigpita nila ang pagbabantay sa mga pangunahing kalsada dahil delikado itong gawin doon.
22:48Paalala naman ng lokal na pamahalaan sa mga grupong balak mangaruling,
22:53kailangang kumuha ng permit at insunod sa memorandum ng Department of Social Welfare and Development.
23:00Sunod-sunod na bagyo ang tumama sa Cagayan ito pong mga nakalipas na linggo.
23:05Kaya kamustahin na po natin ang sitwasyon doon.
23:07Kasunod ng bagyong nika sa ulit on the spot ni Jasmine Gabrielle Galban ng Jimmy Regional TV.
23:14Jasmine?
23:19Connie, maliwalas na ang lagay ng panahon dito sa Togaygarao City sa province ng Cagayan.
23:24Pero dahil sa patuloy na pagtaas ng antas ng Cagayan River ay lubog na sa baha ang maraming bahay,
23:30particular dito sa aming kinaroonan, sa bahagi ng barangay Centro 10.
23:35Ngayong umaga ay mahigit na sa 600 na pamilyang nasa evacuation center matapos nga na pasuki ng baha ang kanilang mga bahay.
23:43Ang mga bahay dito sa barangay Centro 10, aabot na sa bubong yung baha.
23:49At bukod sa mga bahay, apektado rin ng pagbaha ang karamihan sa mga stalls, particular sa may talipa pa.
23:54Marami na yung mga residenteng lumika sa evacuation center.
23:57Pero ang ilan sa mga residenteng nagtayo ng tent sa kalsada.
24:01At dito na naglagay ng gamit at natulog na rin magdamag.
24:04As of 10.30am, aabot na sa 10.5 meters ang antas ng Cagayan River.
24:10Labing pitong barangay nasa siyudad ang apektado ng pagbaha.
24:14Samantala Connie, bukod sa Togaygaro City ay nakakaranas na rin ng pagbaha sa iba't ibang bayan dito nga sa provinsya ng Cagayan.
24:21Kabilang dyan yung bayan ng Tuaw at maging sa bayan ng Peñablanca at bayan ng Baggao.
24:27Hindi na rin madaanan sa ngayon ng ilang tulay at kalsada sa provinsya ng Cagayan.
24:31At province wide ay nasa 1,710 families katumbas ng 5,154 na individual ang nasa mga evacuation center.
24:41Connie?
24:42Matapos manalasa dyan, ang Bagyong Nika nagbabadyaring tumbukin ng Cagayan, ang Bagyong Ophel naman.
24:48Paano yan pinaghahandaan ng mga residente maging ng lokal na pamahalaan dyan?
24:57Alam mo Connie, nag-start kagabi yung pagpapalika sa mga residente, particular dun sa mga low-lying areas.
25:03At ayon sa City RRMO, bagamat maganda na yung panahon,
25:07hindi pa rin pababalikin sa kanilang mga bahay yung mga residente dahil expected raw na ngayong araw hanggang mamayang gabi
25:16at possible na bukas ay tataas pa yung antas ng Cagayan River.
25:19Idagdag pa na by Webes ay maranasan na rin yung epekto ng Bagyong Ophel.
25:24Kaya naman, hindi na papayagan pang makabalik yung mga evacuees sa kanilang mga bahay bilang paghahanda na rin sa papalapit na bagyo.
25:32Marami salamat Jasmine Gabrielle Galban ng GMA Regional TV.
25:37Samantala, update na po tayo sa lagay ng panahon. Ngayong nagbabantay tayo sa dalawang bagyo.
25:42Kausapin na po natin si Lori Din de la Cruz Galicia, ang weather specialist ng Pag-asa.
25:47Magandang umaga at welcome sa Balitang Hali, Lori Lin.
25:52Umaga Miss Connie.
25:53Opo, at ano po ba ang ating latest? Nasaan na ho ang Bagyong Nika?
25:58Tuluyan na ho ba itong nakalabas at nakalayo na ng Philippine Area of Responsibility?
26:28Ito po ang bagyong Ophel naman, pareho-ho ba yung tatahaking direksyon?
26:58Similarity po, lalo na ini-expect natin posibleng sa northern or central zone din ang paglapit nito o tatamaan nito.
27:09Pero mag-recurve ito ng bahagya papunta sa extreme northern zone afterwards.
27:14Pero sa ngayon, hanggat na roon kayo o nakapaloob yung area doon sa cone of probability ay posibleng pa rin tamaan sa central zone.
27:23So ang landfall po nitong Ophel ay sa Webes pa rin, tama ho ba?
27:29Yes po, Thursday.
27:31At ano naman po inaasahan natin sa binabantay ng tropical storm Mani, na pagpumasok ko sa ating PIR, si Pepito na paglapit po nito sa Philippine Area of Responsibility?
27:44Opo, sa ngayon, sa nakikita natin projection, posibleng tuloy-tuloy yung pakanlura na direksyon niya.
27:50So may chance din na mag-landfall po ito sa ating palupaan.
27:53Pero intensity niya, posibleng na paglapit nito sa palupaan ay mas mahina na po ito.
27:59Meron na tayong projection na ang ating may advice ay mag-monitor pa rin tayo sa mga updates na ibang balapas ng pag-asa o kung doon sa weather disturbance dahil madami pa rin ang possible changes dahil may uncertainty pa dahil malayo pa po ito.
28:13Pero si Ophel, magiging malakas din ho ba ito katulad ni Nika?
28:18Opo, may expect natin magiging typhoon din ho ito. So peak ng intensity niya, pwede nasa typhoon category before making landfall.
28:26Marami pong salamat sa inyo pong update na yan sa amin, Ms. Lori Din de la Cruz Galicia ng Pag-asa.
28:31In ang kapuso personalities at officers, ang maagang nagparamdam ng diwa ng Pasko sa bagong Christmas Station ID ng GMA Network. Let's watch this mga mari at pare!
28:51Ang Paskong Pinoy, puno ng pasasalamat. Yan ang mensahe ng 2024 Christmas Station ID ng GMA Network.
29:04Kaisa sa pahasalamat ng Kapuso Network sa selebrasyon ng Pasko, ang GMA Executives sa pangunguna ni GMA Network Chairman of the Board, Atty. Felipe L. Gozon, at new President and CEO, Gilberto Duavit Jr.
29:22Kapati na rin si GMA Network Senior Vice President, Atty. Annette Gozon Valdez, at Senior Vice President, GMA Integrated News, Regional TV and Synergy Head, Oliver Victor Amoroso.
29:34Nakisaya rin sa Christmas Station ID si GMA Network Chief Marketing Officer and Sales and Marketing Group Head, Lizelle Maralan.
29:41Senior Vice President, Entertainment Group, Lilibet Razonable. Senior Vice President, Corporate Strategic Planning and Business Development and Concurrent Chief Risk Officer and Head Program Support, Reggie Bautista.
29:54Senior Vice President, Finance and Concurrent Group Head, Finance and ICT Group, Ronaldo Mastrilli, at iba pang Kapuso Officers.
30:01Namamasko rin ang manining na stars ng Kapuso Network at mga personalidad mula sa GMA Integrated News at GMA Public Affairs.
30:14Nakigan ito ang Paskong Pinoy rin ang mga bituwin ng Kapuso shows, Sparkle Stars, at ang Kapuso singers na umawit sa Christmas Station ID, tampok sa awitin ng heartfelt moments gaya sa reunion ng mga Pinoy tuwing Pasko.
30:34Nakisaya rin ang mga Kapuso mula sa GMA Regional TV at ang Global Pinoys. Mga Kapuso basta Paskong Kapuso, Paskong Pilipino yan. Ipagpatuloy natin ang paghatid ng saya sa pamamagitan ng pagtulong sa Give a Gift alay sa Batang Pinoy Project ng GMA Kapuso Foundation.
30:56Ang inyong idodonate ay mapupunta sa Noche Buena ng mga bata at kanilang pamilya.
31:02Merry Christmas mga Kapuso!
31:06Aubrey Carampeo, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
31:33para ihatid ang pinakamalawak, pinakakomprehensibo, at pinakamapagkakatiwalaang coverage ng eleksyon 2025.
31:43Balitang hatid ni Sandra Aguinaldo.
31:49Ilang buwan pa lang na nakalilipas ng pandayin ng GMA at ng halos 60 partners ang kampanya para labanan ng fake news.
31:58Ngayong eleksyon 2025, sa gitna ng banta ng fake news at maling impormasyon na layong manlito at manlinlang sa mga butante,
32:07mas lalong kailangang matiyak ang paghatid ng makabuluhan at mapagkakatiwalaang balita.
32:13Kaya sa pangunguna ng GMA Network, isang panibagong pagsasanib-puwersa ang sinaksihat para lalong palakasin ang ating pagbabantay.
32:23Alang-alang sa katotohanan at sa bayan.
32:25Sa kabuuan, apat-apot siyam na organisasyon ang nakipagkapit-bisig sa GMA Network.
32:32We come together once again to deliver an election coverage that is not only the most comprehensive,
32:39but also conforms to the highest standards of honesty and integrity in a manner beyond reproach.
32:47Para sa GMA Network Incorporated, lumagda si GMA Network President and CEO Gilberto R. Duavit Jr.
32:55Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalo
33:00Senior Vice President and Head, GMA Integrated News, Regional TV and Synergy, Oliver Victor B. Amoroso
33:07First Vice President for Public Affairs, Ionesa S. Valdalion
33:11First Vice President, Radio Operations Group, Glenn F. Aliona
33:15President and Chief Operating Officer, GMA New Media Inc., Dennis Augusto Cajarian
33:21First Vice President, GMA International, Joseph Jerome T. Francia
33:26Katuwang din natin ang GMA Kapuso Foundation
33:29Para sa Commission on Elections o Kamilek, naroon si Chairman George Erwin Garcia
33:34Katuwang din natin ang ating partners sa telecommunications industry, ang PLDT at SMART
33:39Kasama rin sa pagbabantay ngayong eleksyon 2025, ang ating mga election watchdog groups
33:45na Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV
33:50National Citizens Movement for Free Elections o NAMFREL
33:53at Legal Network for Truthful Elections o LENTE
33:56Partner din natin ang mga respetadong media groups sa bansa
34:00Ang Inquirer Group of Companies, kabilang ang Philippine Daily Inquirer at Inquirer.net
34:06Ang Manila Bulitin, Manila Times at Manila Standard
34:10Gayon din ang Catholic Media Network, Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ
34:17Manila Overseas Press Club at Philippine Entertainment Portal
34:21Ang mga respetadong academic institution kasama nating tututok sa eleksyon 2025
34:26Ang University of the Philippines Diliman at Ateneo de Manila University
34:31De La Salle University at University of Santo Tomas
34:35University of the Philippines Los Baños at Polytechnic University of the Philippines
34:40At AMA Education System at National University
34:45University of the East at Arellano University
34:49Colegio de San Juan de Letran at De La Salle College of St. Bedild
34:53Emilio Aguinado College at Jose Rizal University
34:57Lyceum of the Philippines University at Mapua University
35:01San Sebastian College Recoletos at University of Perpetual Health System Delta
35:07Katuwag din natin ang ilang kolegyo at universidad mula Luzon, Visayas at Mindanao
35:13Ang Mariano Marca State University de La Salle-Lipa sa Batangas at Universidad de Dagupan
35:19Pati na ang Ateneo de Naga University
35:22Ang University of the Philippines Visayas at University of St. Lasalle Bacolod
35:27Silman University at University of San Carlos
35:31University of San Agustin Iloilo at Central Mindanao University
35:36Holy Cross of Davao College at Notre Dame of the Djangas University
35:41Western Mindanao State University at Notre Dame University sa Cotabato City
35:47Kasama rin natin sa pag-ubantay sa eleksyon 2025
35:50Ang Philippine Bar Association, Chamber of Commerce of the Philippine Islands at React Philippines
35:56Sumu-suporta rin ang YouTube sa layunin ng GMA na mag-atid ng komprehensibong pagbabalita sa eleksyon 2025
36:04Together we are here to ensure that every Filipino, whether in urban cities or remote places in the archipelago
36:13or wherever in the world he or she may be, has access to information that is comprehensive, timely, accurate
36:22in order to make objective and empowered decisions at the polls
36:28Everything is at stake in this election. Kailangan ng suporta ng lahat, lalong-laluna yung mga kasamahan natin sa media
36:35Lalo na yung nagpapahatid ng katotohanan at tamang balita. Yan po yung advokasya natin at dapat kung ano yung totoo lang
36:43Dapat! Totoo!
36:45Inilunsad ang Dapat Totoo Election Advocacy Campaign upang igigit ang kahalagahan ng pagiging mapagbatyag at mapanuri
36:53sa naglipan ng maling informasyon at magabaya ng mga butante ngayong eleksyon
36:58Ngayong eleksyon 2025
37:00Dapat! Totoo!
37:04Ipinalabas din ang bagong versyon ng panata sa Bayan Team
37:07sa pakikipagtulungan ng ilang sparkle artist kabilang na si Julian Saluce
37:21Lahat ng ito para sa katotohanan, para sa maayos, malinis at mapagkakatiwala ang eleksyon para sa bayan at mamamayan
37:31Ito ang eleksyon 2025
37:34Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA Integrated News
37:46Mga mari at pare, in namin ni comedy concert queen Ai-Ai de las Alas na hiwalay na siya sa kanyang mister of 10 years na si Gerald C. Bayan
37:58Hiwalay na kami
38:00Oo, hiwalay na kami
38:02Noong last month pa, October 14, na nagchat siya sa madaling araw dito sa Pilipinas
38:11Yung nga, sabi niya na gusto niyang magkaanak and hindi na siya happy
38:20Emosyonal si Ai-Ai na nireveal yan sa Fast Talk with Boy Abunda kasabay ng kanyang 60th birthday
38:26Marami raw siyang tanong kay Gerald sa kanilang paghiwalay
38:30Pero sa palagay niya, ang kagustuhan ni Gerald na magkaanak, ang isa sa mga dahilan kaya siya nakipaghiwalay
38:36Sabi ng The Clash judge, alam ni Gerald na mahihirapan na siyang magbuntis noong isilay ikasal
38:43Gayunman, sinubukan nila na magkaanak sa pamamagitan ng in vitro fertilization
38:48Ngunit nabigu sila ng dalawang beses
38:50Sabi rin ni Ai-Ai, ramdam niyang may involved na third party sa kanilang hiwalayan
38:56Gayunman, sinabi ni Ai-Ai na nahihanda niya ang kanyang sarili sa ganitong sitwasyon
39:01Wala pang reaksyon si Gerald, kaugnay nito
39:08Eto na po ang mabibilis na malita abroad
39:11Iniligtas sa Hawaii, sa Amerika ang isang batang kambing na ilang araw nang stranded sa gilid ng bundok
39:18Na ang makita ang sitwasyon sa social media, kusang tumulong ang isang grupo ng hikers para masagip ang hayo
39:25Gumamit sila ng drone at pagkain hanggang tuluyan nilang maibaba mula sa bundok ang batang kambing na si Bala
39:33Ginala ito sa Aloha Animal Sanctuary
39:38Sa Ponta Negra, Brazil naman, natagpo ang nakalambitin sa manibela ng isang sasakyan, ang isang sloth
39:46Kwento ng may-ari ng sasakyan, nagulat siya nang madatna doon ang hayop habang naghahanda siya para umalis ng bahay
39:54Kanyang tinawag ang dorma ng tinitirhang gusali para kunin at maibalik sa makahoy na parte ng residential area ang sloth
40:03Kilala ang mga sloth na mabagal gumalaw at kananiwang matatagpuan sa tropical rainforests sa Central at South America
40:12Ito ang GMA Regional TV News
40:19Hulikam ang sapakan at tulakan sa pagitan ng magkakamag-anak sa Panaykapis
40:26Sa Cebu City naman, nakuna ng CCTV ang pamamaril sa isang intersection doon
40:32Ang may nitabalita hatid ni John D. Esteban ng GMA Regional TV
40:36Kuha ito sa stoplight sa Maximum Avenue, Barangay Cogon Ramos sa Cebu City
40:43Isang van ang kasabay ng mga motosiklo na huminto sa intersection
40:48Bumaba mula rito ang isang lalaki at binaril ang isa sa dalawang angkas ng isang motosiklo
40:54Nakapalundag bula sa motosiklo ang isa pang angkas habang humarurot naman ang rider ng motosiklo
41:02Dead on arrival sa ospital ang biktima matapos nagtamuon ng tama ng bala sa taghiliran
41:09Sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa bar ang grupo ng biktima at sinundan sila ng mga sospek
41:15Mayroon na rin kaming mga place na possible na nandun sila
41:20So currently may mga trucker po tayo ngayon na nagpa-follow up sa mga lugar na kung saan sila ngayon
41:26Iligal na droga ang isa sa mga tiniting ng motibo sa krimen
41:30Ayon sa pulisya, may lima na silang persons of interest na sakay ng van kasama na ang may-ari nito
41:37Justisya, ang panawagan ng ina ng biktima
41:55Kinabuhi ang kung anon
41:58O kay parihas labiat na tao
42:04Labindalawang sasakyan ang nagkarambola sa Davao City
42:09Sa imbestigasyon ng pulisya, tinatahak ng wing van ang Carlos P. Garcia Highway
42:14Nang mawalan ng kontrol ang driver
42:17Na araro nito ang anim na private vehicle at limang motosiklo
42:21Patay ang rider ng isang motosiklo
42:24Habang isinugod sa ospital ang iba pang nasugatan
42:43Bumigat ang daloy ng trapiko sa lugar
42:46Nasa kustudiya na ng pulisya ang driver ng truck na posibling mahaharap sa reklamong
42:51Reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries and damage to property
42:57Wala siyang pahayak
43:04Nagsapakan at nagtulakan ang ilang nasa loob ng gym sa Paray Capiz
43:09Sa gitnayan ng padisko para sa nalalapit na pista ng barangay
43:14Nahirapang umawat sa gulo ang mga pulis, pati ang ilang residente
43:19Ang mga sangkot sa rambol, magkakamag-anak pala
43:23Ayon sa pulisya, wala namang malubhang nasaktan
43:27Nagkaayos din kalauna ng mga nagrambol
43:30John D. S. Esteban ng GMA Regional TV
43:34Nagbabalita para sa GMA Integrated News
43:38Sa ilo-ilo naman, patay ang mag-live-in partner at 15 anyos na babae
43:43Matapos ma-aksidente sa Bargay Canas sa San Dionisio
43:47Base sa insegusyon ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang tatlong biktima
43:51na pupuntang lamay sa bayan ng Carles
43:54Tinangkauman ng mag-overtake ng kasunod nilang pick-up
43:57Pero nahangip at nakaladkad sila
44:00Walang suot na helmet ang mga biktima na nagtamu ng matinding sugat sa ulo
44:04Pusa namang sumuko sa pulisya ang 26 anyos na driver ng pick-up
44:09Naharap siya sa kaukulang reklamo
44:10Paliwanag niya, nagmamadali siya para dumalo sa isang meeting sa bayan ng estansya
44:16At hindi rin daw niya napansin ang motorsiklo dahil madilim ang lugar
44:23Detali po tayo sa kapapasok ng mabalita tungkol sa dagdag-singil ng Meralco ngayong buwan
44:29Mahigit 42 centavos po yan per kilowatt-hour
44:32Katumbas po yan ang dagdag na 85 peso sa bill na mga kumukonsumo ng 200 kilowatt-hours
44:39Ayon sa Meralco, ang taas-singil ay dulot ng pagtaas ng generation, transmission, at iba pang charges
44:46Bahagi raw ng pagtaas ng generation charge ay bunsod ng paghina ng piso kontra sa dolyak
44:55May comeback sa larangan ng skateboarding si 2020 Tokyo Olympian and 2018 Asian Games gold medalist Marjoline Didal
45:05Tarang asang champion sa Buenos Aires Conquest 2024 Women's event sa Buenos Aires, Argentina
45:12Yan ang unang title ni Marjoline matapos ang kanyang injury sa isang competition sa Brazil noong 2022
45:19At hindi mag-qualify sa 2024 Paris Olympics
45:22Good job and congratulations Marjoline!
45:35Nakumari 43 days na lang, Paskun na!
45:39Diba? Ang bilis! At habang papalapit po yan, mas dumarami na ang mga lugar na may iba't-ibang Christmas decorations
45:46Kabilang po diyan, ang giant Christmas tree na tagdag na ng samutsaring palamuti at pailaw sa Gapan Nueva Ecija
45:53Tinatayang nasa 150 feet ang taas niyan
45:56Bukas na rin po ang Christmas fairies wheel, center of attraction din, ang life-size na Belen Doon
46:02Patok naman sa mga mahilig mag-selfie ang mga dekorasyon sa tagpuan sa Lumang Gapan
46:09Aba, bukas na rin ang night market doon
46:12Kwento ng LGU ang mga ginamit sa Christmas decorations ay gawa mula sa recycled materials kaya mas tipid
46:21Wow!
46:23Ito po ang Balitang Hali, bahagi kami ng mas malaking mission. Ako po si Connie Cesar
46:27Kasama niyo rin po ako, Aubrey Caramper
46:28Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan, mula sa Jimmy Integrated News, ang news authority ng Pilipino
46:58PILIPINO

Recommended