Ika-17 Waterlily Festival, ipinagdiriwang sa Las Piñas City ngayong araw

  • last month
Ika-17 Waterlily Festival, ipinagdiriwang sa Las Piñas City ngayong araw

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ngayong Araw ay pinagdiriwang ng mga Taga Las Piñas ang Waterlily Festival na layong isulong
00:05ang pagpapahalaga at pangangalaga sa kalikasan.
00:08Si Denise Osorio sa Detalle, live.
00:10Denise?
00:13Joshua nakantabay tayo dito ngayong umaga sa Las Piñas City
00:17para sa simula ng Waterlily Festival 2024,
00:20isang taonang selebrasyon na nagbibigay halaga sa pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran.
00:28Isa sa mga pinakahihintay na aktividad ang Miss Waterlily Pageant 2024
00:33na kung saan lalahok ang mga kandidato ng 20 barangay
00:37at mahuhusgahan ayon sa kagandahan, katalinuhan,
00:41at kabuoang pagkamalikain ng kanilang mga gowns na gawa sa waterlily.
00:46Inaabangan rin ang sayaw kabataan para sa kalikasan dance contest
00:50kung saan sasayaw ang mga lalahok mula sa bawat barangay
00:53na may kasamang mga waterlily bilang props, costume, at background.
00:58Simula noong 2005, isinusulong nitong festival ang pagpapanatiling malingis at walang baraang ilog
01:05kabilang kasi ang mga waterlily sa humaharang sa kanal at nagdudulot ng mga pagbaha.
01:10Sa kabila nito, Joshua Waterlily ang sumisimbolo sa livelihood initiative ng lugar
01:16para hindi masayang ang mga halamang pantubig na ito
01:19pagkus makatulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng komunidad at mga mamamayan
01:26dito sa Las Pinas City.
01:28Joshua?
01:30Maraming salamat, Denise Osorio.

Recommended