LPA, binabantayan sa extreme Northern Luzon; Habagat, nagpapaulan sa malaking bahagi ng bansa
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Lunes na mga kababayan at ngayong pagsisimula ng linggo, huwag pong kalimutan na magdala ng pananga sa ulan dahil habagat at LPA o may habagat at LPA na binabantayan ng pagasa sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
00:16Sa latest satellite image ng pagasa, makikita na nasa loob ng PAR ang isang LPA na nasa extreme northern zone. Ayon sa pagasa, wala pa itong direkt ng epekto sa bansa at hindi ito nakikita na lalakas bilang isang bagyo. Pero aabutin pa ng ilang araw bago ito makalabas ng PAR at tumungo sa Taiwan.
00:38Sa ngayon, habagat ang magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalata pagulan, pagkulog, pagkidlat. Sa Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Palawan, Western Visayas, Negros Island Region at Central Visayas. Bahagya ding papaulanin ng habagat ang Mindanao, Cavite, Batangas na lalabing bahagi ng Mimaropa at Visayas.
01:02Habang ang iba pang bahagi ng bansa ay maring makaranas ng localized thunderstorm lalo na sa hapon o gabi.
01:08Wala po tayong gale warning pero iba yung pag-iingat po sa tuwing masama ang panahon dahil maari pong makaranas ng mas mataas na alon. Samantala, ito naman ang update sa mga dam.
01:38Maalala muli sa ating mga kababayan para maging ligtas sa lahat ng pagkakataon mula sa efekto ng babago-bagong panahon. Ugaling tumutok dito lang sa PTV Inforweather.