• last year
SAY ni DOK | Ano ang sanhi, sintomas, gamot, at paano maiiwasan ang aortic aneurysm?

Transcript
00:00Mga kababayan, ayun po sa Department of Health, karamihan sa kaso ng aneurysm sa bansa ay hindi nare-report o undocumented
00:07dahil na rin sa pagkakapareho ng mga sintomas nito sa iba pang mga cerebrovascular incidents.
00:13At maliban po sa utak o brain, ang aneurysm ay mariring mangyari sa chan, sa puso, at maging sa legs.
00:21At dahil diyan, dito po sa Senido kay pag-uusapan po natin ngayon itong aortic aneurysm.
00:26At makakasama po natin para pag-usapan yan, si Dr. Maribel Gonzalez-Tanque.
00:31Isa po siyang cardiologist at vascular medicine specialist.
00:34Doc Bel, welcome to Rise and Shine Pilipinas.
00:37Good morning, Diane and Audrey.
00:40Alright, ito pala, no, interesting kasi akala natin yung aneurysm sa brain lang
00:44so pwede rin pala ito sa iba't-ibang bahagi ng katawan, even sa abdominal.
00:47Yes, actually nag-uusap kami ni Audrey kanina.
00:50Ang aneurysm kasi, it's a generic definition of dilatation or paglaki or paglobo ng blood vessel.
00:59So kung nasa ani yung nagkaroon ng aneurysm, kung cerebral, yun yung nasa brain.
01:05Kung aorta, so yun yung main pipe ng ating blood vessel.
01:10So pag-pump ni heart, doon nadaan sa aorta.
01:15Kung baga sa nawasa or sa Maynilad or sa Manila Water, siya yung main pipe.
01:20Pero sa atin yung blood, hindi yung water, yung nag-susupply mula ulo hanggang paa.
01:26So kaya siya, yung aneurysm is the generic term for dilatation of blood vessel.
01:31Kung nasa anung affected na area, doon mo malalaman kung saan yung nag-aneurysm.
01:36Kung cerebral aneurysm, brain aneurysm.
01:38Kung aorta, meron din, tinatawag tayo ng femoral artery aneurysm.
01:42Ito naman yung nandito sa hita, nasa likod ng tuhod, popliteal artery aneurysm.
01:48So yun yung ibig sabihin noon.
01:50So pag-usapan po natin itong aortic aneurysm,
01:53hindi ito pangkaraniwan naririnig natin dahil sabi ni Dayang kanina,
01:57ang alam lang ng publiko yung sa brain.
02:00Kagaya may mga naging biktima niyan, yung artista si Sabel Granada.
02:03Oo, yung mga pumuputok yung ano.
02:06Ngayon, sa aortic aneurysm po, paano po ba ito nangyayari?
02:12Actually, ang number one culprit
02:16sa mga acquired ay yung ating smoking.
02:20Smoking talaga?
02:21Yes, siya ang number one.
02:23So, sumusunod lang yung mga poorly controlled na hypertension,
02:28pagtaas ng kolesterol,
02:30at yung iba pang mga usual na risk factor para sa sakit sa puso.
02:35But ang number one is smoking.
02:37Okay.
02:38Yes, oo.
02:39So lifestyle talaga, no?
02:40Yes, more of lifestyle.
02:42Pero meron din naman tayong subset ng genetics.
02:45Namamana po pwede rin?
02:46Namamana, aa.
02:47Okay.
02:48A pa paano po ito nadadiagnose to?
02:50Sa kasamaang palad, ang medyo nakakalungkot,
02:53wala tayong local incidents.
02:56Parang kasi,
02:58ang usual scenario, dadating sila sa hospital,
03:01pumutok na.
03:02Ah, okay.
03:03So medyo malalang stage na?
03:04Medyo malalang stage na, mataas na yung mortality.
03:08At dun sa mga pumutok na yun,
03:10kung halimbawa pumutok na siya,
03:12kung sa sampo na pumutok,
03:15lima lang dun yung umaabot sa hospital.
03:17So 50% lang yung aabot sa hospital.
03:20At sa 50% na aabot sa hospital,
03:24kung ang hospital na napuntahan ay capable
03:27gumawa ng gano'ng operation,
03:29meron pa tayong additional na 50% mortality.
03:33Okay.
03:33So mataas.
03:34Kasi, main pipe nga siya, diba?
03:37Kung pumutok siya,
03:39mamawalan ka ng supply ng dugo.
03:40So hindi na, hindi kaya yun ng ating
03:43different organs in the body.
03:45Okay, doktora,
03:46ano ba ang mararamdaman ng isang individual
03:49kapag nagkaroon siya ng aortic aneurysm?
03:52Symptomas?
03:53Sa simula, kasi wala eh.
03:55Yun yung reason.
03:56Sa simula, wala talaga tayong nararamdaman,
03:59unless masyado na siyang malaki.
04:02Okay, meron tayong tinatawag na cut-off
04:05for surgery or for repair,
04:075.5 centimeters.
04:09Pag umakot na yung laki
04:11nung aneurysm na 5.5,
04:14yun yung mga kailangan na silang maoperahan.
04:17Pero, sa aming experience sa Philippine Heart Center,
04:21karamihan, sa nakikita namin,
04:23more than six, more than seven na sila dumadating
04:26at ruptured or leaking na sila.
04:28So for emergency.
04:29Opo, ano po yung pain na nararamdaman?
04:31Usually, kung ang location ng aneurysm
04:36nandito sa ating thoracic cage,
04:37ang tawag doon, thoracic aneurysm.
04:40Pag nandito naman sa chan,
04:41abdominal aortic aneurysm.
04:43So kung nasaan yung location,
04:45yun yung magdidictate ng symptoms.
04:47Kung nasa chan,
04:48mga nonspecific lang na abdominal pain.
04:51Pag naman nandito sa dibdib,
04:53mga nonspecific din na pwedeng
04:56mahirap ang huminga, madaling mapagod.
04:59Very nonspecific kasi talaga sa simula.
05:02So kaya, nirecommend talaga natin,
05:04na pag ang edad ng pasyente 65,
05:08lalo na at lalaki,
05:11kay maliit, kay konti,
05:13kay maigsi or mahaba ang duration
05:15ng paninigarilyo,
05:17dapat na i-screen sila
05:18for abdominal aorta aneurysm.
05:21Mas common kasi si abdominal
05:23kesa sa thoracic.
05:24Ano yung x-ray ba yan?
05:25Ultrasound.
05:26O ultrasound?
05:27Yung initial screening kasi
05:29is ultrasound lang naman.
05:30Hindi naman siya ganun kamahal.
05:32Less than 2,000 ang screening
05:36for abdominal aorta.
05:37Abdominal aorta screening lang naman siya.
05:40Okay, every year yan ang recommendation?
05:42Depende doon sa size.
05:44May mga sizes.
05:45Kapag less than 4,
05:46every 3 years.
05:47Pero pag gumabot na ng 4 cm,
05:49every year na yun yung screening.
05:52Doc, may phone question tayo.
05:54Kasi nabanggit mo yung paninigarilyo.
05:56Yes.
05:56E medyo nababahala na rin po
05:58nung narinig nila,
05:59na yan po yung pinaka trigger.
06:01Yung vape daw po kaya, doc?
06:03Same lang, kaya vape,
06:05kahit na anong uri pa siya
06:07ng sigarilyo,
06:08same lang po.
06:09Ang nakukuha natin na wrist.
06:12Hindi niya nababawasan
06:14ang risk for cardiovascular.
06:16Hindi niya nababawasan
06:17ang risk for stroke
06:18for abdominal aortic aneurysm.
06:21So, anggat maaari siguro
06:23itigil na natin, ano?
06:24Or bawasan natin yung smoking
06:26para hindi ito mag-trigger?
06:27Kung kaya talagang itigil, itigil.
06:28Kasi hindi lang abdominal aorta
06:30ang naaapektuhan ng smoking,
06:34even the peripheral artery.
06:36Yung mga artery natin sa legs.
06:39Ang tawag naman natin noon,
06:40peripheral artery disease.
06:42Smoking din ang number one culprit,
06:44yung mga napuputulan ng paa
06:46because of the non-healing one.
06:48Halimbawa, hindi ka naman smoker,
06:50pero secondhand smoker ka
06:52dahil nasa paligid mo,
06:53mga partner mo,
06:54narinig garilyo.
06:55Meron ka pa ring risk
06:56kung secondhand smoker,
06:58pero hindi kasing taas ng risk
07:00nung primary smoker.
07:02So, marami din actually
07:03tayong nae-encounter,
07:05karamihan babae,
07:06kasi si husband is a chain smoker.
07:09Magkasama sila for more than 10
07:11or more than 15 years.
07:12At marami na rin kasi babae ngayon
07:14na narinig garilyo.
07:16O, pero po ba agad
07:17ang kailang gawin dito?
07:19O, depende po sa stage?
07:20Pag umabot tayo ng 5.5,
07:22yun yung ini-schedule natin sila.
07:25Depende sa anatomy,
07:27depende doon sa location.
07:29Meron na tayo ngayon
07:30tinatawag na endovascular treatment.
07:34So, hindi siya bubuksan.
07:35So, papadaanin lang siya singit
07:37yung aparato.
07:38Kung familiar kayo sa mga
07:41angioplasty, same principle.
07:44Endovascular, meaning
07:45ipapasok yung aparato
07:47doon sa loob ng aorta
07:49and then magde-deploy ng stent
07:51para ma-cover yung aneurysm.
07:54So, hindi na ngayon lahat
07:56ay open surgery.
07:58Meron na tayong mga
08:00endovascular repair na tinatawag
08:02para mas mabilis yung
08:04recovery ng patients.
08:07Bukod po sa paninigarilyo,
08:10yung main cause nito,
08:11may iba bang pwede gawin
08:12ng isang individual
08:13para maiwasan ito?
08:14Prevention is always better.
08:16Prevention natin is kasi usually,
08:18wala talagang herbal.
08:20So usually kasi,
08:22pag tungtung natin ng edad na 40,
08:26nagsisimula na tayong
08:27magkaroon ng hypertension.
08:29So, kailangan talaga
08:30controlled si hypertension.
08:32Aside from paninigarilyo,
08:34ang isang culprit para mabilis lumaki
08:36yung aneurysm is poorly controlled
08:38hypertension.
08:39Okay, another phone-in question, doc.
08:41Diet daw, ano po ba?
08:42So diet, the usual na low-salt, low-fat.
08:46Kung ano yung recommended diet
08:47for cardiovascular disease,
08:50yun din yung recommended natin
08:52for aneurysm.
08:54Yung mga too much taba, cholesterol,
08:56trigger ba yan?
08:58Kasi makakapagpataas naman yun
08:59ang ating cholesterol
09:00and then yung hypertension.
09:04Okay, so maraming mga tips
09:05na ibigay sa atin, si Doc Bell,
09:07para maiwasan itong ating natawag na
09:10abdominal aortic aneurysm.
09:12Hindi lamang po pala sa brain,
09:13pwede rin sa iba't-ibang parte ng katawan,
09:16legs, and even dito sa ating pungchan.
09:18Alright, panghuling at mensahin na lamang po
09:20sa ating mga manonood, doc,
09:21patungkol po dito.
09:23Ang ina-advocate ngayon
09:24ng Philippine Society of Vascular Medicine
09:26is actually prevention.
09:28So we need to diagnose early
09:32para hindi sila dadating
09:33sa hospital na in emergency.
09:35So kaya, may recommend namin,
09:37kaya sa Philippine Heart Center
09:39nagkaroon din kami ng special packages
09:41for screening only, para makita.
09:44So kaya ganun lang kakamura yung screening
09:47kasi para lang talaga makita.
09:49Mga nasa magkano yun?
09:50Around 1,850 for the abdominal aorta screening
09:56para madetect natin early
09:58and then magawa yung surveillance
10:00and then ma-repair on time
10:02at hindi na sila dadating sa emergency room
10:05na ruptured.
10:06So kumari po mga nasa 40 years old,
10:09lalaki or babae po,
10:09pwede na bang magkita dyan?
10:10So mga 40 years old,
10:12usually, diba kaya nga sa ating mga employment,
10:15meron tayong tinatawag na annual check-up.
10:18Ang purpose nun is para makita kaagad
10:20ang early manifestation ng hypertension,
10:23heart disease, high cholesterol,
10:26and high sugar.
10:27Same din ang ating care
10:30for cardiovascular and the abdominal aorta.
10:33Kaya importante kapag ganitong edad na,
10:36every year nagpapa-check-up.
10:37Taon-taon, taon-taon nagpapa-check-up.
10:38Nagpapakuha ng blood pressure
10:40at nagpapakuha din ang blood chemistry.
10:42Mahirap na yung darating ka sa hospital
10:43may malala ka na palang condition.
10:45Maraming salamat po ah,
10:47Dr. Robert Gonzalez-Tanquez.
10:49Uulitin po ah,
10:50thank you po sa libring talament
10:51para po sa ating mga KRS-T.
10:53Thank you, Doc.

Recommended