Meralco - Wala munang dagdag ngayong Hunyo; hahatiin sa 3 installment sa Hulyo-Setyembre | 24 Oras

  • 4 months ago
May tapyas-singil muna sa kuryente ngayong Hunyo. Dahil sa isang utos ng ERC: Sa Hulyo, Agosto at Setyembre na ipapataw ang dapat sana'y dagdag-singil sa generation charge.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May tapyasingil muna sa kuryente ngayong Hunyo, dahil sa isang utos ng ERC sa Julyo, Agosto at Setyembre na ipapatawan dapat sana'y dagdaga singil sa Generation Charge.
00:13Yan po ang aking tinutukan.
00:18Mahigit 6,000 piso noong Marso, mahigit 7,000 piso noong Abril, at pagdating ng Mayo, biglang akyat sa mahigit 6,000 piso.
00:28Ganyan daw ang magkakasunod na pagtaas ng bill ni Tonio sa Meralco.
00:32Gustuin man daw niyang magbawas ng konsumo, may karinderiya siyang kinakailangan gamitan ng maraming electrical appliance.
00:38Pagbukas sa pagbukas ng envelope, malulumo ka talaga eh.
00:41Hindi mo na alam kung sakap kukuha ng pambayad mo.
00:45Hindi pwedeng magtipid kasi yung mga customer namin naman ang kawawap.
00:49Kaya malaking ginhawa raw ang balita magbababa ng singil sa kuryente ang Meralco ngayong Hunyo, sa halip na magtataas ngayong buwan.
00:56Ang pagbawi ng Meralco sa una nitong anunsyong pagtataas na 64 centavos kada kilowatt-hour
01:02ay alinsunod sa utos ng Energy Regulatory Commission sa lahat ng distribution utilities at electric cooperatives
01:09na utay-utayin ang koleksyon ng mga bayarin sa wholesale electricity spot market,
01:13or with some charges sa loob ng apat na buwan.
01:16Bumaba ang rate ngayong buwan ng halos dalawang piso.
01:20To be exact, it's P1.96 centavos per kilowatt-hour.
01:26Kaya papatak na lang sa P9.45 centavos ang rate kada kilowatt-hour mula sa P11.41 centavos kada kilowatt-hour noong Mayo
01:34para sa pangkaraniwang pamilyang kumukonsumo ng 200 kilowatt-hour kada buwan.
01:38Katumbas ito nang aabot sa P392 na bawas singil sa kuryente ng mga kumukonsumo ng 200 kilowatt-hour.
01:45Pero hindi rin daw dapat masyado magpakakampante ang mga Meralco customer sa kanilang konsumo
01:50dahil ngayon pa lang may abiso na ang Meralco.
01:52Meron tayong aabang ang upward adjustment sa July, August, at saka September.
02:00Ito ay dahil sa deferred cost na may additional P77 centavos per kilowatt-hour
02:11na magdadagdag po sa generation charge sa susunod na tatlong buwan.
02:16Pero sa generation charge pa lang daw ang P77 centavos na ito.
02:20Kailangan pa rin daw hintayin na aktual na dagdag singil sa susunod na tatlong buwan.
02:24Kaya si Tonio muli na namang nangangamba.
02:26Parang nakatakot din kasi parang wala rin nangyari.
02:30Parang ginood vibes ka lang na ito, pagano, mali.
02:36Pero in the long run, talo ka pa rin kasi babawiin din nila eh.
02:42Usually, nagt-taper off na lalo pag dineclare na yung tinatawag na rainy season.
02:47Hopefully, with lower consumption patterns, ang impact naman din nun sa overall bills ng customers.
02:54Baka naman kahit papano, ma-offset.
02:58Humihingi naman ang Meralco ng pangunawa sa mga customers sa delay sa paglalabas ng bill
03:03dahil kainailangan pa rin nilang ayusin ito alinsunod sa utas ng ERC.
03:07Magkakaroon din naman daw ng adjustment sa due date
03:10para mabigyan ang mga customer ng sapat na panahon para magbayad.
03:13Para sa GMA Integrated News, Maryse Umali nak-tutok, 24 horas.

Recommended