Destabilization plot laban kay PBBM, totoo nga ba? | The Mangahas Interviews

  • 11 days ago
Itinuro ni Former Senator Antonio Trillanes IV ang grupo ni dating Pangulo Rodrigo Duterte at ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nasa likod umano ng destabilization plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Trillanes, gusto raw makabalik ni Duterte sa kapangyarihan para malusutan ang nakaambang pag-aresto umano sa kaniya ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa extrajudicial killing sa ilalim ng drug war ng Duterte admin.

Ang diumano’y balak sa planong pagpapatalsik kay PBBM, alamin mula mismo sa source ng balita na si Former Senator Antonio Trillanes IV sa #TheMangahasInterviews.

Recommended