Panayam kay DOH Spokesperson Asec. Albert Domingo kaugnay sa dumadaming kaso ng tigdas, pertussis at vaccination para sa mga sakit na ito
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Update naman sa dumadaming kaso ng tigdas at pertussis sa bansa at ang vaccination program para sa mga sakit na ito.
00:08Ating pag-uusapan kasama si Assistant Secretary Albert Domingo, ang tagapagsalita ng Department of Health.
00:16Asek, Domingo, magandang tanghali po.
00:18Magandang tanghali, Ninia, Yusef, Marge. Magandang tanghali po sa lahat ng ating mga tagapanood.
00:24Asek, una po sa lahat, welcome to our show. It's our first time to have you here live.
00:29Salamat at ako po yung natutuwa na nandito tayo ngayon to represent the Department of Health.
00:34Alright, we hope to see more of you.
00:36Yes.
00:37Ilang porsyento po ngayon ang itinaas ng kaso ng tigdas o measles sa bansa kung ikukumpara po ito noong nakaraang taon?
00:45At ano po ang nagiging pangunahing dahilan nito? Bukod po sa init ng panahon, may kinalaman ba ito?
00:51Meron tayong nakita ngayon, no, simula January 1 hanggang April 13, 1817.
00:581817 cases ng tigdas na narecord natin nationwide.
01:03Yan ay lumalabas ng mga 4.85 or sabihin nating five times, no, ikumpara natin dun sa same period noong 2023.
01:12Ang measles, hindi siya kaugnay ng inyat. Isa siyang dahil sa virus, ang measles virus.
01:19It can happen any time of the year. So nakikita natin yung pagkalat.
01:23Typically, tumataas lang siya sa mga panahon na mas maraming mga pagtitipon, ang ating mga bata nagsasama-sama.
01:30So usually, nangyayari yan pag summer.
01:32Pero ito, this time around, nakita natin yung malaking pagtaas pagkinumpara sa last year.
01:38Hindi lang siya sa Pilipinas. In fact, this is a worldwide concern as announced by WHO.
01:43Because maraming hindi nabakunahan noong panahon na naka-lockdown tayo sa pandemic.
01:48That's true. Asic Albert, sa inyong monitoring, ano pong Delawigan o Probinsya ang mga nangunguna sa may pinaka maraming datos na may sakit na tigdas ngayon?
01:58At ano po ang mga priority measures ngayon ng pamahalaan tungkol dito?
02:0348% sa ating mga measles cases since March ay nakita natin sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, sa BARM.
02:11Ang sumunod dyan sa mga 8% na actually sa Region 3.
02:16So there are a lot of kababayans natin sa Bangsamoro na nakatutok tayo ngayon doon.
02:21Meron tayong measles outbreak response immunization.
02:25Bakit ito tinawag na outbreak response immunization at anong ginagawa natin?
02:29Actually, we started roughly around April 1. Tumawid tayo sa mga last few days of Ramadan at naabutan natin ang Adelphi tier at ongoing pa rin siya.
02:41We aim to vaccinate 1.3 million children from babies up to less than 10 years old sa Bangsamoro.
02:50Ang purpose nito is pinapaligiran natin.
02:53Pag meron tayong nakapaligid na ring of immunity through vaccination, we will cut the spread of the disease.
02:59So pinafocus natin ngayon sa Bangsamoro.
03:02To date, our figures are already at around 1 million, 1.0 million.
03:06So malapit na natin mahit yung 1.3 million target natin.
03:11Bukod sa Bangsamoro, ano yung sumusunod? Almost half pala ng kaso ay nandyan sa Burma.
03:17Yung susunod na tinututukan natin ngayon para sa measles?
03:23Nakikita natin region 3 sa Central Luzon.
03:26For the reason na marami pong tao tayo sa region 3.
03:29This is the northern development corridor ng ating bansa, north of Metro Manila.
03:35Although in terms of percentage, dun sa 1,817, mga 8% lang figure na yun yung cases.
03:42Pero ang concern nga namin sa Department of Health is kailangan ipag-inting natin yung pagbakuna.
03:47The good news is there are a lot of vaccines available for measles.
03:52Marami tayong doses na available even sa ating mga government health centers.
03:56So ang ating pong request is sa ating mga kababayan na pagka meron po tayong bata, lalo na bata,
04:02nakikita natin most of those na tinatamaan ay less than 5 years old.
04:07Darihin po natin sa pinakamalapit na government health center kung saan libre
04:11ang ating bakuna laban sa tigdas at pabakunahan po natin.
04:15So gusto ko lang malaman, ito yung MMR o yung MR na vaccination?
04:21Kasi mga anak ko, at what age do you have to take these vaccinations?
04:27MMR and MR, as early as yung ating sabay-sabay yan.
04:31Usually kasabay niya yung per doses, yung mga schedule na sinusundan.
04:35Around the first month of life, pwede na yang ibigay, nangyayari or close thereof.
04:40Tapos yung booster will follow shortly thereafter which actually reminds me
04:45na parang para sa mga ating mommy na nabakunahan na ng isang beses,
04:48meron po yang second dose.
04:50Hindi po yan parang isang turok lang tapos okay na ang baby natin.
04:54Huwag natin kakalimutan yung follow-up dose po.
04:57Hindi lang sa MR or sa MMR, pwede pati rin na rin sa mga ibang bakuna
05:02tulad nung sa ating per doses.
05:04Yung measles, sorry, measles, mumps, rubella, ano yung libre po sa DOH?
05:09Yung MMR is free, yes.
05:12And how often do you need this?
05:15Kasi yan, sabi mo nga, hindi lang dapat once, twice, but do they have to get this regularly?
05:20Ang MMR vaccine naman natin, once nabigay na yan, matagal po yung kanyang effectivity.
05:25So typically, lifetime na yan eh.
05:28Kung nagkakaroon man ng booster, it just happens after mga 10 years or so.
05:32But typically, we don't require it anymore.
05:34Okay, so once when you're a baby and then 10 years later for booster shots?
05:39Hindi na rin natin ina-advise yan eh.
05:40No need.
05:41Just once?
05:42Yes.
05:43Two doses na parang once in your life when you're a baby.
05:47I see, okay.
05:49So, Asek Albert, hingi na din po kami ng update sa inyong outbreak investigation.
05:54May nakikita na po ba kayong mga lugar na posibleng mag-deklara ng measles outbreak?
06:00Yeah.
06:01Ang ating measles naman, so number one, sa Abang Samoro, declared na yun.
06:04It's a given.
06:05Kaya meron tayong outbreak and response immunization.
06:08In our other areas, titignan namin yung mga numero.
06:11Usually, kina-advise natin ang ating mga local government units if there is a need to declare an outbreak or not.
06:18Meron kasi tayong tatlong declarations na pwedeng gawin.
06:21One is a declaration of an outbreak.
06:23Okay.
06:24Another is declaration of a public health emergency.
06:26And then another one is the state of calamity.
06:29Narinig natin yan, no, dun sa Tusperina.
06:32Nag-de-declare yung mga LGUs iba-iba.
06:34Ngayon, ang ating mga LGUs, meron silang options.
06:36Kasi pang nag-declare tayo, meron rin niyang impacts apart from the fact na information.
06:42And in fact, ang laki ng impact yan sa movement ng mga tao sa ating local markets.
06:46Bakit?
06:47Kahit sabihin natin na isa o dalawang kaso lang ay lumabas, that can actually qualify as an outbreak.
06:54Pero kung ito naman po ay nakokontrol at nababakunahan ka agad yung paligid dun sa area, localized declaration,
07:00it will not actually make sense to declare an entire province as having an outbreak.
07:04Kung barangay lang naman yung nakikita natin.
07:07So, imbis na i-declare yan, usually, ang ginagawa ng mga local government units is nagirespond na sila agad.
07:13Now, there will be some local government units na mag-choose, mag-declare ng state of calamity
07:18para ma-access natin yung mga funds related to the state of calamity.
07:22And kami naman po, ang aming ina-advise lagi is kailangan natin i-weigh yung pros and yung cons.
07:27Meron tayong mga mekanismo sa procurement na hindi naman kailangan outright may declaration of state of calamity.
07:34We were able to see this opinion by the Government Procurement Policy Board, the GPPB,
07:39na kung meron ka pang situation na you're about to enter into a state of calamity,
07:44pero not yet there, ata meron ka lang mga circumstances that can be prevented, na pwede pang respondihan,
07:50you can actually use that as your basis for emergency procurement.
07:53You do not need to necessarily declare a state of calamity.
07:57Asek, kapag meron, kunyari yung LGU gusto nang mag-announce ng state of calamity or yung outbreak,
08:06sino dapat may final determination if that should be proclaimed or not? Is it DOH or with LGU?
08:15Tama, Yusak. Yung ating declaration will come from the local government unit,
08:19pero meron sila dapat basis in scientific evidence.
08:23Nakalagay yan sa ating Republic Act 11223, yung pinaka-batas na nagsasabi about notifiable diseases.
08:31Yan rin yung ginamit natin na basis noong kasagsagan noong pandemia, na pasa siya before the pandemic happened,
08:38and that is the basis by which we require na ang DOH may input doon sa ating local government unit.
08:45Nakalagay yan through our regional directors doon sa ating mga tinatawag na Centers for Health Development,
08:50or the DOH regional offices.
08:53Asek, para naman po sa kaalaman ng ating mga kababayan,
08:57sino po ba ang prone sa tiglas or measles, at ano-ano ba yung mga sintomas, at gaano ba ito, ka-contagious?
09:05Yung ating measles sa Nina, yan usually sakit sa mga bata,
09:09for the reason na ang vaccination dapat bilibigay sa earliest age.
09:14Ang problema kasi sa measles, ito ay caused by a virus.
09:18Pag i-kumpara natin sya doon sa Tusperina, sa Pertusis, yung Pertusis bacteria,
09:23meron tayong antibiotic na pwedeng gamitin pang gamot sa kanya.
09:27Sa measles, hindi natin kayang gamutin yung mismong measles virus.
09:32Ang ginagawa namin mga doktor is what you call symptomatic treatment.
09:36Gagamutin natin yung mga symptoms, and what are the symptoms?
09:39Yung symptoms ito, nagkakaroon tayo, similar sa Pertusis, konting sipon, nagkakaroon ng ubo, nagkakaroon tayo ng lagnat.
09:47Pero ang measles, meron syang rashes na sinasabi, may mga pantal-pantal.
09:52Yung pantal ng measles, nagsisimula sya mula sa ating ulo, sa taas ng katawan, at bumababa sya.
09:58May reason yun, kasi meron mga ibang sakit, ang takbo ng pantal mula sa katawan, paakit sa ulo.
10:06So that actually tells us, doctors, na ibang yung tinitignan natin.
10:09But for measles, that's what happens.
10:11Meron rin tayong mga tinatawag na coplic spots.
10:14Pag binuksan natin yung bibig nung bata na may measles, may mga maliliit na parang puti-puti dun sa loob nun.
10:21It's very distinctive.
10:22Parang singaw?
10:23It's parang singaw, pero maliliit sya.
10:25Yung singaw kasi pwede nga mas malaki ng konti sa size dun sa ating loob ng mucosal cavity sa mouth.
10:32Now, what's alarming?
10:34Hindi yun yung mga alarming, yung complications.
10:36Sa mga bata, lalo na, pwedeng maging pulmonya, pneumonia, ang ating measles na nakamamatay.
10:42At yung isa pa, yung tinatawag na encephalitis.
10:45Pag encephalitis, it's a medical term for pamamaga ng utak or pagka problema dun sa ating brain structure.
10:53So ito ay mga bagay na ayaw nating mapuntahan.
10:57Kasi ang chances of survival for these things, especially for very young children, mapakababa niya.
11:02So gusto nating mabakunahan ang bata para hindi tayo pupunta sa komplikasyon na ito.
11:07I have a follow-up question about yung mga tinatamaan ng measles.
11:11Now, I know from Covering Health, for a long time, yung mga nanay po binabantayan nyo yan.
11:17Ayaw nyo magkaroon ng tigdas yung mga nanay?
11:20Are they also prone to tigdas?
11:22Or ayaw nyo magkaroon ng tigdas yung mga bagong panganak din?
11:27Pagbuntis, for example?
11:29Baka magkaroon daw ng problema yung baby?
11:33Typically, in general, kahit na anong sakit ito, mga measles, mga tigdas, mga pertussis,
11:40binabantayan natin yung nanay kasi pwede siya maging carrier.
11:46Measles kasi is very infective.
11:48As much as 90% ng mga tao na na-expose, kung sila ay hindi bakunado, pwedeng mahawa sa ating measles.
11:56Actually, ang sasabi nga namin, mas infective, mas nakakahawa,
12:00kumpara sa Tuzperina, and even sa COVID-19.
12:06There was actually a time, bago palag yung pandemic ng COVID-19,
12:10we doctors were saying, hindi kaya parang mas nakakalimutan natin yung measles.
12:15Of course, we know the story of COVID, it affected so many others, ang daming ganyan.
12:20Speaking of measles, now that tapos na yung COVID, nakita natin na hindi pa rin natin pwedeng kalimutan rin
12:25yung mga ibang infectious diseases that are especially vaccine preventable.
12:29So that's the thing about measles, yung complications yung pinaka nakakatakot sa kanila.
12:34At silent killer pala siya.
12:36In a way, yes, you can say that, kung hindi natin nababantayan,
12:40that's why it's the duty and that's what we're doing now.
12:43And thank you to Bagong Pilipinas ngayon for the opportunity.
12:46Yung alerta dapat yung bayan natin.
12:49Sinasabi namin lagi na ayaw nating sabihin alarma.
12:53Kasi pag alarma, parang may sunog, may alarma.
12:56Ito po kasi may nagagawa tayo tulad ng Sabarm.
12:59Napakagaling na ating batiin lang natin yung Bang Samoro Ministry of Health.
13:04They're very helpful, they're very cooperative.
13:06Talagang tuloy-tuloy yung operations up to now.
13:08At kaya nga, 1.0 million out of 1.3.
13:12At sabi nila, hindi tayo titikil dyan.
13:13Abuti natin, lalabasan pa natin yung 1.3 million target.
13:17That's good to hear.
13:18Asic Albert, since nabanggit mo na nga kanina,
13:20ano naman po ang update sa pertussis outbreak natin dito sa Quezon City?
13:25Unti-unti na po ba ang humuhupa o bumababa
13:28ang kaso neto maging sa iba pang mga lugar sa bansa?
13:31Yes, sa ating Quezon City, meron na tayong confirmed cases of 19
13:36up to April 13, yung ating data.
13:39And two confirmed deaths.
13:41The good news in Quezon City is our mayor is very proactive
13:45and responsive to the incident,
13:47to the outbreak of measles of pertussis in Quezon City.
13:52And nakokontrol.
13:54Now nationally, we're looking at the trend.
13:56Ang ating figure ngayon up to April 13,
13:591,566 ang total tali natin nationwide.
14:04We look at the trend.
14:06Pag titingin natin yung mga ganitong diseases,
14:09pertussis or ang tuspirina, nasa upward trend pa rin po tayo.
14:13So hindi pa natin nakikita yung downward trend,
14:15inaantay pa natin na pumasok yung efekto nung pagbabakuna.
14:19And when it comes to the vaccines,
14:20we continue to wait for the 3 million incoming vaccines as soon as possible.
14:25But in addition to that,
14:26meron pa tayong 5.1 million doses na pinaprocure to top of the 3 million.
14:33And sabi nga ni Secretary Ted, I believe it was also here sa Bagong Pilipinas,
14:37na unang yang sinabi na na-foresee na namin na maaari tayong magkaroon
14:41ng shortage sa vaccines for pertussis this coming May.
14:45And to prevent that, kami po ay papasok sa emergency procurement
14:49in addition dun sa inaantay natin na 3 million.
14:52Alright.
14:53So at least itong pertussis,
14:56nabibigan na yun ng focus para hindi ho dumami pa.
15:00Siguro paalala po natin sa mga nanay na nanonood ngayon
15:03dahil sabi nga nila itong sakit na pertussis
15:06na usually tinatamaan po mga bata or it's a childhood disease.
15:10Yun pong ating pertussis niya, Yusek March,
15:13para siyang kasama ng measles, pwede mo siyang iwasan yung hawa.
15:18Kung tayo ay nag-aantay pa na mabakunahan.
15:20Number one, kailangan mabakunahan.
15:22Pero kung nag-aantay pa tayo,
15:23ang ating baby o ang ating anak,
15:25huwag muna natin masyadong ipahalubilo sa mga ibang bata
15:28kasi makakuha nila yan.
15:30And tayo naman pong mga matatanda,
15:32kung kailangan nating lumapit at mag-interact sa ating mga tsikiting,
15:35magsuot po tayo ng face mask, maghugas tayo ng kamay.
15:38Pag nagsuot po tayo ng face mask,
15:40dapat po lapat sa ating ilong, yung nose bridge,
15:43at yung gilid ay natatakpan.
15:45Huwag po yung parang nakapatong lang or yung nakababa.
15:48Sabi nga namin, favorite question sa akin yan,
15:50parang ano ba, magkukompulsory na ba tayo?
15:52Sabi namin sa DOH,
15:54hindi po dapat compulsory or voluntary ang usapan,
15:57dapat properly.
15:58Kasi kahit sabihin mong compulsory,
16:00for compliance may nakapatong lang or nakababa.
16:03Ganun rin, tatawid rin yung ating sakit.
16:05So, yun ang mga pwede nating pag-iingat sa ating tusperina
16:09at sa ating tigdas.
16:11Eto naman po sa usapin naman ng rabies.
16:14May tanong po ang ating kasamahan sa media,
16:17na si Mackie Polido ng GMA News.
16:19Kinatatakutan daw po ba ang outbreak sa sakit na ito,
16:23kung nagkukulang ang anti-rabies vaccine for dogs and cats?
16:28Yes, so sa ating usapin ng rabies,
16:30paliwanag natin sa ating mga kababayan,
16:32bakit biglang ang birabakunahan yung hayop?
16:34Department of Health kami.
16:36Diba DA?
16:37Yes.
16:38Pero ang rabies po kasi ay isang disease na nangagaling,
16:43siya ay dala ng hayop,
16:45ng aso at pusa in our particular setting.
16:48Ang ibang mga mammals,
16:49nangyari rin po yan a few weeks ago na report,
16:52na yung mga baboy at mga baka sa,
16:56I forgot which particular province.
16:58Pero yan po ay minamonitor.
17:01Iko-connect po natin siya.
17:02Importante na alam ng Department of Agriculture
17:05yung status ng rabies sa mga hayop.
17:07Kasi ibig sabihin,
17:08nakukuha nung mga baka, nung mga baboy
17:10sa mga ligaw na aso na kumakagat.
17:13Kung ang ligaw na aso ay kumakagat dun sa baka,
17:16nakakagat rin niya yung mga tao
17:18na nandun sa paligid,
17:19nung bukid kung nasa yung mga baka.
17:22So having said that,
17:23dun sa tanong na ang dami ba ng bakuna sa ating mga hayop
17:27ay maaari maka-apekto at maging sanhi
17:30ng isang outbreak ng rabies sa mga tao,
17:33maaari po.
17:34Which is why we welcome,
17:36we heard our Secretary Laurel of Agriculture,
17:39sabi ni Secretary Kiko Laurel,
17:41siya ay nag-pitch na,
17:43kung di ako nagkakamali,
17:44the figures might be wrong,
17:45pero 200 million pesos meant for the vaccination of dogs.
17:50Tuwantuwa po kami sa DOH kasi sabi namin,
17:53mas mahal ang bakuna ng rabies sa tao,
17:56sa rabies binibigay natin after makakagat sa rabies
17:59or makalmot,
18:00kumpara sa bakuna sa hayop.
18:02And sabi nga namin sa public health,
18:04kapag yung reservoir o yung pinag-iikutan nung virus
18:07ay nabakunahan mo,
18:08yung mga aso at yung pusa,
18:10hindi na yan tatawid sa atin.
18:12Straight to the source.
18:13Yes, straight to the source.
18:14Parang news program yan.
18:15So parang hindi na tayo dapat gumilipat-lipat pa.
18:19Dun tayo sa source mismo titira ng bakuna.
18:22So yes, that is actually a very big public health intervention
18:26with the help of non-health sectors
18:28like our Department of Agriculture.
18:30And mabilis lang po bago magpaalam si Doc,
18:32meron kasi ngayong scheme na multi-level scheme
18:35na nagre-recruit sa mga doktor.
18:37At paki-explain nga po ito
18:39at let's warn our doctors na nanonood po ngayon.
18:41Maganda rin itong gawing report
18:43pag nanonood yung ating mga reporter.
18:45May sinasabi si Doc na
18:46bagong multi-level marketing scheme
18:49ang target mga doktor.
18:50Yes, over the weekend,
18:52Nina, Yusek March,
18:54na monitor kami sa Department of Health
18:56na meron tayong mga kolumnista.
18:57Salamat po sa inyong pag-alerto.
18:59I think this is a Philippine star and as an inquirer
19:02na meron silang na-pick up.
19:04They did not name the company.
19:05We are still investigating what company this is.
19:07Merong kumpanya di-umano
19:09na gumagamit ng multi-level marketing
19:11para mag-recruit ng mga doktor.
19:13At ang mga doktor ay binibigyan ng mga insentibo,
19:16mga regalo, mga pabuya
19:18para sila po ay mag-reseta
19:20ng mga particular na brand ng gamot.
19:23Marami po tayong mga nakikitang kamalian dito.
19:26Una sa lahat, required po sa ating bata
19:28sa Generics Act of 1988
19:30na lahat po tayong mga doktor,
19:32kasama po ako doon,
19:33pa nag-reseta,
19:34dapat nakasulat ang generic name.
19:36Walang problema,
19:37pwede ho magsulat ng brand name
19:38but the generic name
19:39should always be written down.
19:40Number one.
19:41And number two,
19:42sa ating medical ethics,
19:44sa Code of Ethics of the Medical Profession
19:46by the Philippine Medical Association
19:48which has basis in law
19:50dahil pag binasa natin yung Medical Act,
19:52nakasulat doon
19:53na ang isang doktor
19:54ay actually pwedeng tanggalan ng lisensya
19:56or suspendihin ng lisensya
19:58ng Professional Regulation Commission
20:00kung ang Code of Ethics ay naviolate.
20:02At anong nakalagay sa Code of Ethics?
20:04Hindi ho tayo dapat
20:05nagtatanggap ng mga kabayaran,
20:07ng mga reward
20:08or financial inducements
20:10from medical and pharmaceutical companies
20:12para ang kanilang mga produkto
20:14ay ating para bang
20:16bigyan ng pabor
20:17na i-prefer natin.
20:18So this is an ongoing investigation.
20:21We're looking into this.
20:22In fact, kami po,
20:24I would reach out na rin
20:25on behalf of the Department of Health.
20:27Sa ating mga kapwa-doktor,
20:29alam po natin na mas maraming doktor
20:31ang honest.
20:32Ang ating concern
20:33is ang ating pasyente.
20:34Nanunpa tayo nyo,
20:35the patient is our first
20:37and only concern
20:38actually pag gumagamot tayo.
20:40Lumapit po tayo
20:41kung may alam tayo
20:42tungkol dito sa ating
20:43Food and Drug Administration,
20:44yung tinatawag na
20:46FROO field,
20:47Regulatory Operations Office.
20:49Meron pong hotline yan
20:50sa FDA website.
20:52At sila po ay
20:53nag-a-assemble na
20:54ng investigation
20:55para makita natin
20:56ano bang pwede natin gawin
20:57sa kamaliang ito.
20:58Yung ibang araw, doc,
20:59binibigyan pa ng kotse.
21:01That's actually what we saw.
21:03I will not mention
21:04the name of the car,
21:05pero luxury car
21:06with the letter L.
21:07Oh, wow.
21:08Alam ko na yan.
21:09Wow.
21:10And ends with an S.
21:12Yes.
21:13Maraming salamat po
21:14sa inyong oras.
21:15Assistant Secretary
21:16Albert Domingo,
21:17ang tagapagsalita
21:19ng Department of Health.
21:21Salamat po.
21:22Nina Yusak Marge,
21:23thank you po sa PTV4
21:24Bagong Pilipinas ngayon.