• 2 years ago
Naging simbolo ng tagumpay ng mga katutubong Ayta si Norman King nang siya'y magtapos sa Unibersidad ng Pilipinas noong 2017. Nakatrabaho niya rin sa teleserye si Dingdong Dantes at nagkaroon pa siya ng commercial.

Sa gitna ng tinamong kasikatan, bumalik si Norman sa kanyang komunidad sa Porac, Pampanga para tulungan ang kanyang ama sa pakikipaglaban sa kanilang karapatan sa lupa. Sa pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Month, kilalanin pa natin si Norman at ang kanyang pananaw sa pagtataguyod ng karapatan ng mga katutubo sa bansa.

Note: The NCIP mentioned several times in the conversation is the National Commission on Indigenous Peoples, the government agency mandated to "protect and promote the interest and well-being of indigenous peoples."

Recommended