Former DOF Usec Cielo Magno sa kanyang resignation | The Mangahas Interviews

  • 9 months ago
"Bilang undersecretary, tingin ko naman po nagampanan natin iyong mga trabahong hinihiling sa atin na kailangan nating gampanan. Iyong mga ganitong perspektibo na kailangang maibahagi sa Pangulo, ibinabahagi naman po natin ito kay Secretary Diokno. Nagsa-submit po tayo ng mga memorandum sa Malacañang tungkol sa mga ganitong usapin. Beyond our control na po kung paano ang magiging handling ng Malacañang sa mga ganitong usapin. Pero umaasa pa rin tayo sana sa dulo iyong tamang polisiya pa rin ang mananaig. Kung ito iyong tema ng mga polisiya na sinulong, sinuportahan, trinabaho ko habang ako ay nasa gobyerno, ito pala ay taliwas sa interes ng pamahalaan. Ang malaking question mark sa akin, ano pala ang interes ng Malacañang?"

Bago ang kanyang pag-alis sa Department of Finance, ilang polisiya ang tinutukan ni dating Undersecretary Cielo Magno. Ang kanyang silip sa pagkakaroon ng rice price ceiling, pagtataas ng buwis sa pagmimina, pension ng mga military and uniformed personnel at iba pang usapin sa ekonomiya ng bansa, tatalakayin sa #TheMangahasInterviews.