24 Oras Express: August 4, 2022 [HD]

  • 2 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Huwebes, August 4, 2022:

- Burol ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, binuksan na sa mga nais makiramay

- Pag-aangkat ng asukal para mapunan ang kailangang supply at mapababa ang presyo, pinag-aaralan ng Sugar Regulatory Administration

- Ilang paaralan, pinaghahandaan na rin ang suplay ng tubig bago magbukas ang klase

- Pensyon ng senior citizens, itataas sa P1,000 mula sa P500 kada buwan

- Pinay domestic helper, inaresto matapos ireklamo ng amo ng pagnanakaw at pagtakas; tumakas daw dahil pinagtangkaang gahasain ng amo

- Nasa 200 pamilya, apektado ng sunog na tumupok sa 120 bahay; umaapela ng tulong gaya ng pagkain at tubig

- Anak ni dating Pangulong Cory Aquino na si Ballsy Aquino-Cruz, inalmahan ang depiksyon sa kanyang ina sa pelikulang "Maid in Malacañang"

- Paghuli sa mga lumalabag sa batas-trapiko gamit ang camera, inalmahan ng ilang motorista

- DOTr: Extended hanggang December 31, 2022 ang libreng sakay sa EDSA Carousel dahil nakapagtabi ng pondo ang DBM

- 6-anyos na babae, nagtamo ng 2nd degree burn matapos buhusan ng kumukulong tubig ng kapitbahay na naingayan umano sa kanya

- 8 patay sa karambola ng mga sasakyan sa General Santos City

- Police Gen. Rodolfo Azurin, itinalaga bilang bagong hepe ng PNP; unang utos sa PNP: I-audit ang mga anti-drug operation

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.