• 2 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Miyerkoles, July 6, 2022:

- Economic team ni Pres. Marcos, kumpiyansang lalago pa ang ekonomiya ng Pilipinas sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin

- Aanihing palay, kukulangin bago matapos ang 2022 ayon sa DA dahil sa mahal ng fertilizer

- Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi at DFA Sec. Enrique Manalo, nagkaroon ng bilateral meeting

- Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi, nag-courtesy call kay VP Sara Duterte

- Mga tricycle driver, gustong isama ni Pres. Marcos sa mga bibigyan ng fuel subsidy; hinihintay na lang ng LTFRB ang listahan ng mga benepisyaryo

- Ret. Major Gen. Carlos Garcia, hinatulang guilty matapos ang 12 taong plea bargaining agreement sa kasong plunder

- VP Sara Duterte, nakipagpulong sa mga matataas na opisyal ng DEPED kaugnay sa usapin ng budget

- SC, naglabas ng TRO at status quo ante ng SC kaugnay sa desisyon ng Comelec sa uupong alkalde ng AGOO, La Union

- Resort sa Pagadian City, niragasa ng baha; iba pang bahagi ng Mindanao, binaha rin dahil sa malakas na pag-ulan

- Kaso ng dengue sa NCR at iba pang lugar sa bansa, tumataas; mga lokal na pamahalaan at ilang residente, kanya-kanyang diskarte sa pagsugpo ng mga lamok

- DSWD Sec. Tulfo, tiniyak na walang mae-expire na relief goods; magpe-preposition daw sila ng ayuda

- Pres. Marcos, sinang-ayunan ang pagsama sa booster shot bilang batayan para masabing fully vaccinated ang isang indibidwal

- July 9, 2022, idineklarang regular holiday ng Malacañang para sa pagdiriwang ng Eid'l Adha

- Mga contractor na dahilan daw ng pagkaantala sa ilang proyekto ng LRT-2, pinaba-blacklist ng COA sa LRTA

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Category

🗞
News

Recommended