• 3 years ago
"Dapat mabigyan ng suporta ang agrikultura at pangingisda. Doblehin ang budget ng pangingisda. Pero dapat nakatutok sa suporta ng ating mga magsasaka at mangingisda.”

Ito raw ang isa sa mga isusulong ni Vice Presidential aspirant Sen. Francis "Kiko" Pangilinan bilang running mate ni Vice President Leni Robredo sa darating na eleksyon. Sa pamamagitan daw nito, masosolusyunan ang problema sa kahirapan at gutom sa bansa.

Samahan si Malou Mangahas na kilalanin ang mga tatakbo bilang presidente at bise presidente sa #Eleksyon2022. Ano-ano ang kanilang mga plataporma at paninindigan ukol sa mga isyu ng bayan? Alamin sa THE MANGAHAS INTERVIEWS Special Election Series.

Category

🗞
News

Recommended