• 3 years ago
Narito ang mga balitang dapat n'yong malaman sa State of the Nation ngayong Biyernes, May 6, 2022:

- Mga aktibidad ng presidential at VP candidates ngayong bisperas ng pagtatapos ng campaign period

- Tambalang Robredo-Pangilinan, nangampanya sa Bicol Region kasama ang ilang senatorial candidates

- Moreno, hinikayat ang lahat na bumoto sa Eleksyon

- Lacson, pinahahalagahan daw ang suporta ng mga Caviteño kahit pa tinalikuran daw siya ng ibang kaanak at kaibigan

- Pres. Duterte at VP candidate Sara Duterte, dumalo sa Miting De Avance ng Hugpong ng Pagbabago

- Pacquiao, kasama raw na iaangat ang buhay ng mga bisaya kapag siya ang nanalo bilang pangulo

- Tutukan ang pagpapatuloy ng aming campaign coverage sa iba pang presidential at vice presidential candidates, maya-maya lamang.

- Traffic sa mga kalsada palabas ng metro manila, bunsod ng mga bumibiyahe pa-probinsiya para bumoto, ayon sa MMDA

- Big-time oil price hike, posibleng ipatupad sa susunod na linggo, ayon sa DOE

- Cusi Faction, kinilala ng Comelec 2nd division bilang opisyal na PDP-LABAN

- Malawakang lockdown, hindi ipapatupad kahit sumipa ang COVID cases pagkatapos ng Eleksyon

- Bruce Matabalao, itinanggi ang alegasyon ni Frances Cynthia Guiani-Sayadi na namimili siya ng boto

- Pres. Duterte, naniniwalang binayaran sina Espinosa at Ragos habang inalok ng pardon si Espinosa

- 1 patay, 1 sugatan sa barilan ng mga tagasuporta ng dalawang kumakandidatong alkalde

Category

🗞
News

Recommended