• 5 years ago
Kabilang sa "casualties" ng kasalukuyang coronavirus pandemic, nag-decide ang magkaibigang Kristine Canafranca at Christine Erika Nera na magbuo na lang ng silog (sinangag-itlog) delivery business matapos na matanggal sa pinagtatrabahuha nilangng airline companies.

Parehong flight attendants sina Kristine at Erika pati na rin ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Mikee at Christine Lois.

Nang parehong mawalan ng trabaho sina Kristine at Erika, nagdesisyon silang dalawa na mag-partner para simulan ang isang silog business.

Aminado sila na kasama ng hirap sa pagsisimula ng isang business ay makakuha ng mga hindi magandang komento mula sa ibang tao dahil sa kanilang maliit na negosyo.

Galing nga naman sa trabahong may mataas na suweldo, 'tapos ngayon, nagsi-silog na lang.

Sagot naman ni Kristine, "Sa panahon ngayon kasi, hindi ka na puwedeng umarte."

"Hindi mo kailangan isipin na, 'Ganito lang yung kikitain natin. Dati ganito,'" sabi naman ni Erika.

"May family na umaasa sa iyo, e. So, kailangan mo talagang magpursige. Para makapagbigay ka ng food din sa family mo, or maka-help ka sa family mo," patuloy ni Kristine.

At kahit na may mga ganitong pagsubok, nariyan naman palagi sina Kristine, Erika, Mikee, at Christine Lois para magbigay ng suporta sa isa't isa.

"Para sa akin, super important na nandiyan yung mga kaibigan mo when it comes to may pinagdadaanan ka.

"Kasi sila, nage-gets nila ako kung bakit ganito ako kasi nasa iisang industry lang kami ng mga barkada ko. At the same time, naiintindihan din nila nung time na nare-retrench na 'ko, naiisip din nila kung ano ang nararamdaman ko noon. 'Tapos parang sumasabay din sila kung paano ako malungkot.

"Nagkakaintindihan talaga kaming lahat. Kaming apat," lahad ni Kristine.

Panoorin kung paano sinimulan nina Kristine at Erika ang kanilang munting negosyo na sa ngayon ay unti-unti nang pumi-pick up.

#FAforksilog #forksilog #smallbusiness

Producer/Editor: John Henri Mariano
Music: "Country Road"

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Category

People

Recommended