• 5 years ago
Pinasalamatan ng aktres na si Aiko Melendez ang lahat ng magigiting na frontliners.

Ngayong Araw ng Kagitingan, marapat lang na bigyang-pugay ang mga tunay na patuloy na nagsasakripisyo para sa bayan.

Nang hingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating Quezon City 2nd District Councilor at aktres ng mensahe para sa frontliners, hindi lang medical at uniformed personnel ang kanyang pinasalamatan.

Binigyang-pugay rin niya ang iba pang nag-aalay ng serbisyo para maipagpatuloy ang takbo ng buhay ng mga tao sa kabila ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine o ECQ.

Mensahe ni Aiko: "Sa ating mga frontliners, kagaya ng mga doctors, nurses, mga sundalo, pulis, security guards, bank personnels...

"Mga nagtatrabaho sa groceries, at ating mga janitors, garbage collectors, araw-araw pong nakikipaglaban para sa karamihan po, maraming-maraming salamat po.

"Kayo po ang maituturing na mga tunay na bayani ng ating bayan.

"Patuloy niyo pong ginagampanan ang inyong tungkulin at responsibilidad para sa nakakarami.

"Mula sa akin at sa aking pamilya, maraming-maraming salamat po sa pagpapakita ng inyong pagmamahal sa nakakarami katulad ko.

"Thank you po at ipagpapatuloy ko po ang pagdarasal para sa inyong kaligtasan at kalusugan na sana nawa ay dumami pa ang katulad niyo na may malasakit para sa ating bayan at sa kapwa.

"Isa pong malaking pasasalamat. God bless you all and take care.

"Kayo ang idol namin."

#aikomelendez #frontliners #standtogether

Video gathered by Arniel Serato
Edit: Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts

Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts

Join us on Viber. Download our Emotera Viber sticker pack: https://vb.me/peponviber_ph

Category

People

Recommended