DJ Jhai Ho may handog na dasal para sa frontliners

  • 4 years ago
Kabilang ang MOR 101.9 radio show host na si DJ Jhai Ho sa maraming nagpapasalamat at nagdarasal ng kaligtasan ng frontliners.

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang DJ at TV personality ng maikling dasal para sa magigiting na frontliners ng bansa.

Heto ang kanyang dasal:

"Panginoon, patuloy niyo po silang bigyan ng lakas at gabayan ninyo po sila sa araw-araw na pagpasok sa kani-kanilang mga trabaho.

"Kami po ay nananalig at naniniwala na sa inyo pong paggabay itinataas po namin ang aming mga kamay sa inyo, na matatapos at mawawala rin po ang virus na COVID-19, hindi lamang po dito sa Pilipinas, maging sa ibang bansa, Panginoon.

"Maraming salamat po dahil kahit na napakarami pong hindi magagandang nangyayari ay patuloy pa rin po tayong nagtutulungan, nagbabayanihan, para sa atin na bawat na mga Pilipino na tumayo, lumaban, at tuloy pa rin po ang buhay.

"Panginoon, kayo na po ang bahala sa kanila. Huwag na huwag niyo po silang pababayaan, Panginoon.

"In Jesus' name we pray, amen..."

#djjhaiho #frontliners

Video gathered by James Patrick Anarcon
Edited by Rommel Llanes
Music: "Light Thought var 4" by Kevin MacLeod is licensed under a Creative Commons Attribution license (https://creativecommons.org/licenses/by/4.0/)
Artist: http://incompetech.com/

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts

Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts

Join us on Viber. Download our Emotera Viber sticker pack: https://vb.me/peponviber_ph

Recommended