Lalaking high sa marijuana, pinatay ang asawa, habang kausap ang isang 911 dispatcher!

  • 9 years ago
Lalaking high sa marijuana, pinatay ang asawa, habang kausap ang isang 911 dispatcher!


Lalaking naghahalusinasyon, pinatay ang asawa, habang may kausap pa itong dispatcher sa 911.

Iniimbestigahan ng pulis ang oras na kinailangan ng mga officers para rumisponde sa 911 na tawag ni Kristine Kirk.

Iniimbestigahan din nila ang posibleng pagkasangkot ng marijuana sa desisyon ni Richard Kirk na barilin ang kanyang asawa, habang nasa bahay sila, kasama ang tatlo nilang anak na lalaki.

Nakatanggap ang 911 dispatchers ng tawag mula kay Kristine Kirk, 9:32 ng gabi noong Lunes.

Sinabi niya sa dispatcher na ang kanyang asawa ay nagsasalita tungkol sa "end of the world" at hinihiling na barilin niya ito.

Ang pag-uugali ni Richard ay ikinatakot ng kanilang mga anak. Sinabi ni Kristine na may baril sa loob ng kanilang bahay.

Peron aka-lock daw ito sa isang safe. Binanggit ni Kristine na si Richard ay gumamit ng marijuana noong gabi ring iyon.

Papunta pa ang pulis sa bahay ng pamilyang Kirk, labingtatlong minuto matapos ang unang tawag ni Kristine sa 911.

9:45 ng gabi, nang sinabi ni Kristine sa dispatcher na kinuha ni Richard ang baril mula sa safe.

Pagkatapos ay may sumigaw, at may nagpaputok ng baril. Nag-issue ang dispatcher ng code 10, ang pinakamataas na alert. Hindi rumisponde si Kristine.

Dumating ang mga officers sa bahay, dalawang minuto matapos ang insidente. Natagpuan nilang patay sa sahig si Kristine, na binaril sa ulo.

Inaresto nila sa Richard Kirk, na umamin sa pagpatay niya sa kanyang asawa.

Marijuana kaya ang dahilan ng pagpatay na ito?

Masyado bang matagal ang labingtatlong minutong kinailangan ng pulis para dumating sa eksena? Isang milya lang ang layo ng pinakamalapit na police station sa bahay ng biktima.

Mag-iwan po ng inyong opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH