Babae, nalunod sa loob ng sasakyan, habang kausap ang asawa sa telepono!

  • 9 years ago
Babae, nalunod sa loob ng sasakyan, habang kausap ang asawa sa telepono!



Si Jennifer Lee Wolfe, ng Florida, na kasama ng kanyang asawa sa litratong ito, ay namatay nang nawalan siya ng kontrol sa kanyang sasakyan, at nahulog sa ilog.

Naikuwento ni James Wolfe ang huling tawag sa kanya ng kanyang asawa, bago siya nalunod sa loob ng kanyang kotse.

Pauwi ang 35-year-old na si Jennifer mula sa Walmart, hatinggabi noong March 10...

Nang biglang sumingit ang isang sasakyan sa kalsada...

Muntikan na silang magkabanggaan, at napunta sa ilog ang sasakyan ni Jennifer.

Paakyat ang tubig sa kotse nang tinawagan ni Jennifer ang kanyang asawa.

Ayon kay James, nag-panic ang kanyang asawa, at narinig niya ang tubig. Nagmakaawa si Jennifer na hanapin siya ni James, bago naputol ang linya.

Nakuha siya ng mga police divers mula sa tubig, pero hindi na siya naligtas ng mga paramedics.

Namatay si Jennifer sa eksena. Walang impormasyon ang pulis tungkol sa kotseng muntikan na niyang makabanggaan -- at hindi huminto ang driver ng sasakyan na iyon.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended