Lalaking kanibal, pinatay at kinain ang asawa't mga kapatid nito!

  • 9 years ago
Romanian na kanibal na kinain ang kanyang asawa at mga hipag, hindi nakulong!

Si Vasile Lavric, 60 years old, ay naakusahan ng pagpatay at pagkain sa ikatlo niyang asawa, at ang nakababatang mga kapatid nito.

Nadiskubre ng mga pulis ang buto ng mga tao sa bakuran ni Lavric, at may ebidensiya na ang mga buto ay niluto at kinain.

Si Lavric, na isang ring convicted rapist, ang nagsabing maaapektuhan ang kanyang negosyo kapag kinulong siya hanggang sa araw na dapat siyang magpakita sa korte – at pumayag ang judge, dahil napatagal dahil sa kakulangan ng ebidensiya ang kasong ito.

Wala daw kasi silang nahanap na patay na katawan ng biktima.

Si Lavric ay naakusahan ng pagpatay sa ikatlo niyang asawa, na pinakasalan niya noong 18 years old palang ang babae. Ayon kay Lavric, lumayas ang babae, nang nagsimulang magka-affair si Lavric at ang bunsong kapatid na babae ng asawa, na 13 years old palang noon. Nabuntis ang kapatid at nanganak sa isang baby boy. Magkasama silang nakatira sa bahay ni Lavric noong buntis ang babae, pero nawala din siya.

Kahit na nawala ang nakatatanda at nakababata niyang kapatid, habang nakatira sila sa bahay ni Lavric, ay nagawa pa rin ng gitna nilang kapatid na samahan ang 60-year-old na lalake, dalawang buwan matapos mawala ang kanyang ate. Siya rin, ay nawala.

Hindi maikabit ng mga pulis ang electronic tracking device kay Lavric, pero regular silang dumadaan sa bahay nito para masigurong sinusundan niya ang kanyang curfew.

Ang tawag kay Lavric ng local media, ay “The Woman Eater.”


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended