Frat house, gumamit ng color coding para bigyan ng date rape drugs ang mga babae!

  • 9 years ago
Frat house, gumamit ng color coding para sa date-rape drugs!

Ibang klase ang mga brothers ng Tau Kappa Epsilon ng University of Wisconsin-Milwaukee. Sa isa sa kanilang mga party noong isang linggo – para masigurado nilang makapag-score sila sa mga babae – ay gumawa sila ng color coding system, para mabigyan ng rating ang mga babaeng bisita.

Ang kulay blue na X ay para sa, “okay lang,” at ang kulay pulang X ay para sa mga babaeng kailangang “maka-score ng mga brothers anuman ang mangyari.”

Akala ng mga babae na ang mga kulay ay para malaman ng mga party organizers kung sino ang nagbayad para sa unlimited drinks, pero ang miyembro ng frat na nasa bar ay naglalagay pala ng mga date-rape drugs sa inumin ng mga babae, base sa mga kulay at rating na ibinigay sa kanila.

Nasira lang ang plano ng frat, nang iilan sa mga popular na babae ang naki-share ng kanilang inumin sa mga kaibigan nilang lalake, at nakauwi sila sa kanilang dorm.

Sinuspinde na ng unibersidad ang fraternity habang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente, at isang frat brother na ang naaresto.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH