Lalaki, nakulong matapos bigyan ng droga at i-rape ang isang babae sa Taiwan!

  • 9 years ago
Lalaki, nakulong matapos bigyan ng droga at i-rape ang isang babae sa Taiwan!

Lalaki, nakulong dahil nilagyan ng droga ang inumin ng kanyang kapitbahay, at inasulto pagkatapos

Isang Taiwanese na lalaki ang nakulong matapos niyang bigyan ng droga at i-rape ang isang kolehiyala.

Ang 54-year-old na suspek, na si Su Shao-Cheng (蘇紹誠) at ang biktima ay magkapitbahay. Sila ay nakatira sa apartment na malapit sa Dayeh University, sa Changhua, Taiwan.

Noong New Year's Eve, itong huling taon, binisita ni Su ang babae, at dinakhan ito ng kape. Nang mawalan ng mala yang estudyante, hinipuan at hinalikan ni Su ang katawan nito, bago tuluyang i-rape ang biktima. Ang babae ay nagising pero walang lakas na labanan si Su. Nang magkamalay na muli ang babae, umalis na si Su.

Ayon sa korte sa Changhua, si Su ay nakagawa ng pisikal at sikolohoyang trauma sa biktima, at hindi nagpakita ng pagsisisi. Siya ay nasentensiya nang tatlong taon at sampung buwan na pagkulong para sa kasong rape at sexual assault.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH