Justin Bieber, sinalubong ng pulis pag-landing, dahil gumamit ng drugs sa eroplano!

  • 9 years ago
Justin Bieber, sinalubong ng pulis pag-landing, dahil gumamit ng drugs sa eroplano!


Nang mag-landing si Justin Beiber sa Teterboro Airport sa New Jersey, papunta sa Super Bowl, sinalubong siya ng federal agents at local police, dahil may nag-tip daw sa kanila na si Bieber at ang kanyang entourage ay nag-marjiuana sa eroplano.

Sakay ng eroplani si Bieber, ang kanyang ama, at sampung tao sa entourage. Lumipad sila mula Ontario papuntang New York.

Sila raw ay bastos na nakipag-usap sa isang flight attendant, na nagtago malapit sa cockpit para maiwasan ang mga ito.

Ang mga piloto raw ay napilitang magsuot ng oxygen masks at sinabihan si Bieber ng ilang beses na huwag nang mag-marijuana.

Pag-landing ng eroplano sa Teterboro, nandoon ang DEA, kasama ang pulis, at Customs and Border Patrol agents.

Nakaupo ang mga drug-sniffing dogs, at ito raw ang pag-alerto sa mga handlers ng pagkakaroon ng narcotics sa eksena.

Pero wala silang nahanap, kahit na ang jet ay nangangamoy ng marijuana.

Hindi nalalaman kung paano naialis ng singer ang ebidensiya.

Walang pumayag sa flight crew na mag-file ng kaso laban kay Bieber, kaya pinayagan na rin silang umalis ng mga pulis.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH