Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Pope Francis, pumanaw na;

Kanyang naging buhay, balikan natin

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagluloksa ngayon ang mga Katoliko sa pagpanaw ni Pope Francis.
00:04Ayon sa Vatican, pumanaw ang Santo Papa sa edad ng 88 dahil sa heart failure.
00:10Pero sino nga ba si Pope Francis?
00:13Higit pa natin siyang kilalanin sa Balitang Pambansa ni Diane Carrer ng PTV.
00:24Ito ang malungkot na balita ni Cardinal Kevin Farrell sa Casa Santa Marta kahapon.
00:30Sa kanyang pahayag, pumanaw ang Santo Papa alas 7.35 ng umaga sa Roma.
00:37December 17, 1936, nang ipanganak sa Buenos Aires si Jorge Mario Bergoglio.
00:45Siya ang panganay sa limang anak ng mga Italyanong migrante na si Mario Jose Bergoglio na isang accountant at Regina Maria Sivori na isang simpleng may bahay.
00:55Nagtapos sa Buenos Aires si Bergoglio ng elementarya at sekundarya at dito na nagsimula ang kanyang religious formation.
01:04Chemical engineering ang kinuhang kurso ng binatang si Bergoglio.
01:09Ngunit kalaunan ay pumasok sa seminaryo bilang Jesuita matapos gumaling sa isang matinding karamdaman noong 1958.
01:171969, nang maging pari si Bergoglio matapos makumpleto ang kanyang novitiate at theological studies.
01:25Nakilala ang kanyang ministeryo sa pamagitan ng pagtulong sa mga kabataan at mga mahihirap.
01:32Taong 1992, nang siya italaga bilang auxiliary bishop ng Buenos Aires.
01:37Makalipas ang anim na taon, ay itinalaga naman siya bilang arsobispo.
01:42Dito nakilala ang simple niyang pamumuhay.
01:47Sa halip na tumira sa marang niyang Archbishop's Palace at sumakay sa magarang sasakyan,
01:52mas pinili nitong tumira sa isang apartment, mag-commute ng bus at magluto ng sarili nitong pagkain.
01:59Lalo siyang nakilala sa pagsusulong ng kapakanan na mga mahihirap,
02:04sa pamagitan rin ng palagi ang pagbisita sa mga komunidad at mga ospital.
02:08Malapit rin siya sa uring manggagawa.
02:11At siya rin ay naging boses nilalaban sa economic inequality at human trafficking.
02:17Taong 2001 naman, nang siya ay tinalaga ni Pope John Paul II bilang kartinal.
02:22Pebrero 2013, nang magdesisyon si Pope Benedict XVI na magbitiw sa pwesto dahil sa katandaan at karamdaman.
02:29Isang buwan ng lumipas, ay nahihalal ang arsobispo na si Jorge Mario Bergoglio bilang ikadalawang daan at 66 na pinuno ng Simbahang Katolika.
02:41Dito ay pinili niya ang pangalang Francis bilang parangal kay St. Francis of Assisi.
02:46Siya ang unang santo papa na nagmula sa Amerikas at unang Jesuit po.
02:51Ipinagpatuloy niya ang simpleng pamumuhay sa Vatican.
02:54Tumira siya sa payak na guest house sa Vatican, kung saan ay direkta niyang nakakasalamuha mga tao, lalo na mga may hirap.
03:03Ilan sa kanyang highlight ng paper siyang usaping kahirapan, climate change, migration, economic inequality, at mas inclusive at compassionate na simbahang katolika.
03:13Simula nung siya ay maupo bilang santo papa, aabot na sa halos isang libo ang nadeklara niya bilang mga santo.
03:20Aabot naman sa animnapot isang mga bansana ang nabisita ng santo papa.
03:25Kabilang narito ang Pilipinas noong 2015, kung saan binisita niya mga nasa lanta ng Bagyong Yolanda sa Tacloban at Palo sa Leyte.
03:33Ang kanyang PayPal Massacre no Grandstand rin ang naitalang pinakamalaking PayPal gathering sa kasaysayan ng Simbahang Katolika.
03:40Tinatayang 6 na milyon ang dumalo sa Misa.
03:44Dahil sa pagmamahal ng Pilipino sa santo papa, binansagan siyang Lolo Kiko.
03:50Nabasag nito ang record na 5 milyon na naitala noong bumisita si Pope John Paul II sa Pilipinas para sa World Youth Day.
03:57February 14 ang isugod si Pope Francis sa Gemily Hospital dahil sa bronchitis.
04:03Higit isang buwan din ang inabot ng santo papa sa loob ng ospital.
04:06Ilang beses din nagpakita ang santo papa sa madla matapos siyang maospital noong Palm Sunday at Eastern Sunday kung saan siya ay nagbigay ng huling Urbi et Urbi Blessing.
04:17Diane Querer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
04:21Especiallyong Pilipinas.

Recommended