Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00The intention really is to kill.
00:27Ngayong arestado na sina David Tan Liao, Ricardo Austria David at Raymar Catequista,
00:33ang tatlong sospek sa pagkidnap at pagpatay sa negosyanteng si Anson Tan at driver niyang si Armani Pabillo,
00:39maituturing na itong case solved, sabi ni PNP Chief General Romel Marbil sa press release na ipinadala ng PNP sa media.
00:46Hindi raw ito basta kidnap for ransom kundi kalkuladong kidnap for hire operation.
00:51Ganito ang nangyari batay sa pagsusunin ng PNP sa mga kuha ng CCTV.
00:57Sabado, March 29, nagpunta si Natan at Pabillo sa Kaynang Van sa Barangay Langka sa 345 Marta Street sa Villacour Village sa Mecawayan, Bulacan.
01:063.37pm, nakunan na ang van ni Tan sa toll booth ng Enlex Tambubong exit pero si David na ang nagmamaneho.
01:137.46pm, nakunan siya ng CCTV sa isang convenience store na bumili ng wet wipes na posible raw na pinampunas ng prints niya sa van.
01:24Sunod siyang nakunang naglalakad sa kalsada at inabandonan na ang van sa seminaryo road sa Barangay Bahay, Toro, Quezon City.
01:308.37pm, kinabukasan, March 30, may nag-deck sa pamilya ni Tan na nanghihingi ng ransom.
01:36Dito na sila nagsumbong sa PNP Anti-Kidnapping Group.
01:398.37pm, natagpuan sa Quezon City ang abandonadong van ng biktima.
01:43Sa prehong araw, pinatay si Tan at Pabilyo sa pinuntahan nilang bahay sa Bulacan, ayon sa PNP.
01:50Kinabukasan, natagpuan ang kanilang bangkay sa Barangay Macabud Rodriguez, Rizal.
01:56Nanakasilid sa nylon bag at balot ng duct tape ang muka.
02:00April 16, nakuha sa bahay sa Bulacan ng sapatos ni Tan, pati sapatos at sombrero ni Pabilyo.
02:06May nakita ring nylon bag na katulad ng pinaglagyan sa mga bangkay sa Rizal at iba pang gamit.
02:11Ang mga sospek nakunan ng CCTV sa crime scene na bahay sa may kawayan ilang araw bago ang pagkidnap.
02:18Si Tan Yaw sumukod dahil sa takot.
02:20Natatakot po siya na maaaring ipapatay din po siya.
02:24At mayroon po siyang personal po na reason which we will later reveal po.
02:29May dalawa pa raw na ibang nakunan sa bahay sa Bulacan na itinuturing na principal at kasalukuyang tinutugis.
02:35Isa sa kanila babae na nakunan pa ng CCTV na sumakay sa van ni Tan noong pumunta ito sa naturang bahay sa Bulacan.
02:42Sabi ni PNP Chief, kinokontrata si Liao ng mga sindikato para dukuti ng mga Chinese national na may utang sa kanila na may kaugnayan sa Pogo.
02:51Paraan niyang collection agency si Tan Liao pero madugo ang estilo ng kanyang paniningil.
02:55Sangkot daw si Tan Liao sa lima pang kaso ng kidnapping mula 2022 hanggang ngayong 2025.
03:02Pati po yung isang isa pong sasakyan din po diyan na nakita din po natin diyan po sa may Villacor Village ay siya rin pong ginamit doon po sa lima pong kidnapping case involving David Liao Tan po.
03:16Lima po yan na mga kaso po ang masusol po natin maliban po dito po sa kaso po ni Anson Tan.
03:22Ngayon, sabi ni Marbil, nakatutok na sila sa mga financier.
03:26Ang anya'y totoong kapangyarihan sa tinawag niyang blood for hire operations.
03:30Pero paglilino ni PNP Chief, isolated case ito at walang talamak na kidnapping sa bansa.
03:36Nagpasalamat din ang pamilya ni Tan kay Pangulong Bongbong Marcos at sa mga opisyal ng PNP sa pag-aresto sa tatlong sospek.
03:42Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
03:47Ang Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated nanawagan sa pulisya na hanapin ang iba pang sospek pati na ang mastermind sa pagpatay kay Anson Tan.
04:03Ipinagdiwang sa iba't ibang simbahang katolika sa bansa ang salubong ngayong linggo na muling pagkabuhay ni Heso Kristo.
04:09Nakatutok si Jonathan Andal.
04:10Pinakinang ng fireworks display ang pagdiriwang ng linggo ng muling pagkabuhay ni Heso Kristo sa groto ng kamay ni Jesus sa Lokban, Quezon.
04:22Bago nito may prosesyon at misa na dinaluhan ng libo-libo.
04:26Sa labas ng isang simbahan sa Lipa, Batangas, idinaos ang tradisyonal na dagit o salubong.
04:32Matapos ang prosesyon ng imahe ni Heso Kristo at Birheng Maria na may taklog na itim na belo sa muka.
04:39Nagsalubong ang dalawang imahen.
04:41Isang batang gumanap na anghel ang nagtanggal sa belo sa muka ng birhen.
04:45Simbolo raw ito na tapos na ang pagluluksa.
04:50At ang muling pagkabuhay ni Hesus ipinagdiwang sa isang sayaw.
04:56Sa lawag, Ilocos Norte, mga batang nakabihis anghel ang naguna sa pagdiriwang.
05:01Magiliw silang umawit habang tinatanggal ang itim na belo ng Birheng Maria.
05:10Mga kabataan din na gumanap na mga anghel ang bida sa salubong sa samalbataan.
05:16Pagkatapos ng pagtatanghal, nagpalipad ng mga lobong puti at asul at nagsaboy ng mga bulaklak.
05:23Libo-libo rin kristyano ang nakiisa sa salubong sa iba't ibang lugar sa bansa.
05:27Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Oras.
05:32Mabilisan nating pasadahan ng mga chika sa Korean showbiz.
05:42Pinagtibay ng Seoul Central District Court ang desisyon nitong pagbawalan ng mga miyembro ng girl group na New Jeans
05:47na magsagawa ng independent activity sa ilalim ng pangalang NJC.
05:52Naghahain ng apila ang members kasunod ng ruling pero tinanggahan nito ng korte at pumanig sa ador ang label ng grupo.
06:00Matapos lumabas ang desisyon, muling naghahain ng apila at idununog nila ito sa Seoul High Court.
06:06Inanunsyo naman ang agency ni Kim Sung-yoon na handa silang kasuhan ang mga naninira sa Korean actor-singer online.
06:13Nagsumiti na raw ang agency ng legal complaints sa mga otoridad noong April 14.
06:18Nakikipag-ugnayan na rin daw sila sa mga legal representatives nila sa ibang bansa
06:23para aksyonan ang mga nagpapakalat ng mali-informasyon sa foreign platforms.

Recommended