Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00The intention really is to kill.
00:26Ang tatlong sospek sa pagkidnap at pagpatay sa negosyanteng si Anson Tan at driver niyang si Armani Pabillo,
00:39maituturing na itong case solved, sabi ni PNP Chief General Rommel Marbil sa press release na ipinadala ng PNP sa media.
00:46Hindi raw ito basta kidnap for ransom kundi kalkuladong kidnap for hire operation.
00:51Ganito ang nangyari batay sa pagsusunin ng PNP sa mga kuha ng CCTV.
00:57Sabado, March 29, nagpunta si Natan at Pabillo sa Kaynang Van sa Barangay Langka sa 345 Marta Street sa Villacour Village sa Mecawayan, Bulacan.
01:063.37pm, nakunan na ang van ni Tan sa toll booth ng Enlex Tambubong exit pero si David na ang nagmamaneho.
01:137.46pm, nakunan siya ng CCTV sa isang convenience store na bumili ng wet wipes na posible raw na pinampunas ng prints niya sa van.
01:24Sunod siyang nakunang naglalakad sa kalsada at inabandonan na ang van sa seminaryo road sa Barangay Bahay, Toro, Quezon City.
01:31Kinabukasan, March 30, may nag-tech sa pamilya ni Tan na nanghihingi ng ransom.
01:36Dito na sila nagsumbong sa PNP Anti-Kidnapping Group.
01:39April 8, natagpuan sa Quezon City ang abandonadong van ng biktima.
01:43Sa prehong araw, pinatay si Tan at Pabilyo sa pinuntahan nilang bahay sa Bulacan ayon sa PNP.
01:50Kinabukasan, natagpuan ang kanilang bangkay sa Barangay Macabud Rodriguez, Rizal.
01:56Nanakasilid sa nylon bag at balot ng duct tape ang muka.
02:00April 16, nakuha sa bahay sa Bulacan ng sapatos ni Tan, pati sapatos at sombrero ni Pabilyo.
02:06May nakita ring nylon bag na katulad ng pinaglagyan sa mga bangkay sa Rizal at iba pang gamit.
02:11Ang mga sospek nakunan ng CCTV sa crime scene na bahay sa may kawayan ilang araw bago ang pagkidnap.
02:18Si Tan Yaw sumukod dahil sa takot.
02:20Natatakot po siya na maaaring ipapatay din po siya.
02:24At mayroon po siyang personal po na reason which we will later reveal po.
02:29May dalawa pa raw na ibang nakunan sa bahay sa Bulacan na itinuturing na principal at kasalukuyang tinutugis.
02:35Isa sa kanila babae na nakunan pa ng CCTV na sumakay sa van ni Tan noong pumunta ito sa naturang bahay sa Bulacan.
02:42Sabi ni PNP Chief, kinokontrata si Liao ng mga sindikato para dukuti ng mga Chinese national na may utang sa kanila na may kaugnayan sa Pogo.
02:51Paraan niyang collection agency si Tan Liao pero madugo ang estilo ng kanyang paniningil.
02:55Sangkot daw si Tan Liao sa lima pang kaso ng kidnapping mula 2022 hanggang ngayong 2025.
03:02Pati po yung isang isa pong sasakyan din po diyan na nakita din po natin diyan po sa may Villacor Village
03:09ay siya rin pong ginamit doon po sa lima pong kidnapping case involving David Liao Tan po.
03:16Lima po yan na mga kaso po ang masusol po natin maliban po dito po sa kaso po ni Anson Tan.
03:22Ngayon, sabi ni Marbil, nakatutok na sila sa mga financier.
03:26Ang anya'y totoong kapangyarihan sa tinawag niyang blood for hire operations.
03:30Pero paglilino ni PNP Chief, isolated case ito at walang talamak na kidnapping sa bansa.
03:36Nagpasalamat din ang pamilya ni Tan kay Pangulong Bongbong Marcos at sa mga opisyal ng PNP sa pag-aresto sa tatlong sospek.
03:42Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
03:47Ang Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated nanawagan sa pulisya
03:54na hanapin ang iba pang sospek pati na ang mastermind sa pagpatay kay Anson Tan.
04:00Ang Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry

Recommended