Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4 days ago
Sa gitna ng paggunita sa Semana Santa, ang malungkot namang pagpanaw ni National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor sa edad na 71. Inanunsyo ‘yan ng kanyang mga anak na labis ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanilang ina. Nagpaabot din ng pagpupugay at pag-alala ang mga tagasuporta ng tinaguriang “Superstar” ng Philippine entertainment.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi ko kayo ipaliwanag sa pananam.
00:03Singkulay na mga ginampanan niya sa pelikula ang buhay ng nag-iisang superstar.
00:09Nagningning mula radyo at entablado hanggang telebisyon at pelikula.
00:14At minsan pang sumubo sa politika.
00:17Isa sa siyam na magkakapatid, ipinanganak ang superstar noong May 21, 1953
00:23sa Iriga Camarines Sur bilang si Nora Cabaltera Villamayor.
00:28Parang kailan lang nang ang pangarap niya kahihirap abutin
00:33at turuan siyang kumanta ng kanyang Lola Teresa
00:36at turuan ng diksyon at ekspresyon ng kanyang Tita Belen.
00:42Hanggang sa manalo siya sa local amateur singing contest ng isang programa sa radyo.
00:50Mula sa musika, tumawid ang kasikatan ni Nora Honor sa telebisyon at hanggang sa pelikula.
00:58Himala!
01:00Ang Himala ay nasa puso ng tao!
01:04Nasa puso nating lahat!
01:06Dahil sa kanyang husay, naging iconic ang mga papel niyang ginampanan tulad ng sa mga pelikulang Himala,
01:13Bona at Minsay Isang Gamu-Gamo.
01:15Hanggang sa huli, walang kupas ang husay niya gaya ng ipinakita niya sa isa sa mahuli niyang pelikula na Mananambal.
01:33Hindi ko alam kung paano ako natutong maging Mananambal.
01:36Nakilala rin siya kahit ang bagong henerasyon sa ilan niyang proyekto kamakailan,
01:42kabilang ang GMA Afternoon Prime Series na Lilith Mathias, attorney at law noong nakarang taon.
01:49Gusto ko pong kasuhan ng asawa ng anak ko.
01:52Hindi alam ni Langgay ang patas.
01:58Mahirap ng isa-isahin ang napakaraming parangal kay Ate Guy hanggang abroad.
02:04Isa siyang FAMAS Hall of Famer at recipient din siya ng Centennial Honors for the Arts mula sa Cultural Center of the Philippines
02:12na ibinigay sa isang daang Pilipinong may mahalagang kontribusyon sa kultura at sining noong 20th century.
02:20At noong 2022, sa wakas, idiniklara bilang national artist si Nora.
02:26Parangal na binalak ng igawad noong 2014 pero naudlot dahil sa ilang kontrobersya.
02:33Bagay niya na ikwento niya rin sa programang Fast Talk with Boy Abunda noong 2023.
02:39Kapag sinasabi sa akin na dapat national artist, hindi ka na kasi ilang beses na nangyari tapos hindi naman natutuloy.
02:46Sabi ko hindi pa ano yan, hindi pa dapat kasi marami pa siguro mga taon o mga artista na karapat dapat tanghaling national artist.
02:56Pero ako nga po ay tinanghal bilang isang national artist.
03:01Hindi ako makapaniwala pero yun ay sobrang saya dahil sa mga fans.
03:10Hindi lang sa mga fans, doon sa mga taong mga kaibigan na talaga nagdadasal na tanghalin ako na naibigay na sa akin yung karangalan yun.
03:18Bukang bibig lagi ni Ati Gay na nang dahil sa kanyang fans, napunta siya sa kanyang nais marating.
03:25Kabilang sa kanila ay mga taga-suporta na nila ng katambal noong si Tirso Cruz III.
03:30Inisip ko noon na ano ito dahil sa mga fans o naging...
03:34Parang nadadala ka lang o?
03:36Nadadala ka lang.
03:36O totoo?
03:37Opo, kasi minsan nararamdaman mo pero minsan hindi mo nararamdaman.
03:43May mga insidente na naririnig ka na mismo sa kanya nanggagaling yung salita na nakakasakit ng puso.
03:51Pero baliwala yun dahil ikaw ay isang taong umiibig.
03:54Minahal mo talaga?
03:55Minahal mo talaga.
03:56Sa totoong buhay, ikinasal si Nora sa aktor na si Christopher DeLeon noong 1975.
04:03Bagamat na anal ang kanilang kasal noong 1996, nanatili silang magkaibigan.
04:09Mayroon silang limang anak.
04:11Napakalambing po niya as a mom.
04:13Tsaka yun din ang hinahanap niya sa amin.
04:15Gusto rin niya ng lambing from us whenever she has time.
04:20Time off from work and she's a disiplina yan.
04:25Maraming pagkakataon ding nagpahiram ng kanyang kinang ang superstar sa politika.
04:31Kabilang sa mga sinuportahan niya ang kaibigang si dating Pangulong Joseph Estrada.
04:37Pero binawi niya ito at namataan noong 2001 sa EDSA 2 na nagpatalsik kay ERAP sa pwesto.
04:44Bagamat sa huli ay magkaibigan pa rin sila at magkasama pa nga sa Patnubay ng Sining at Kalinangan 2015 Awards.
04:52Ilang pagkakataon ding nagtangka siyang tumakbo sa ilang pwesto sa gobyerno bagamat hindi niya ito itinloy.
04:58Sa kagustuhan ko po na makatulong po sa ating mga kababayan,
05:08makatulong po sa mga kasamaan ko sa industriya ng musika, industriya ng puting tabing,
05:24sa kisining at sa entablado, lahat po sila.
05:28Ay kaya po ako naglakas loob at talagang gusto makatulong para sa lahat.
05:37Sabi niya sa kanta ng Florante na lalo niyang pinasikat, tatanda at ilipas din siya.
05:44Ngunit higit pa sa mga awitin ang iiwan niyang alaala.
05:49Kaya sa kabila ng lungkot ng marami niyang tagahanga, kaanak at kaibigan sa showbiz,
05:54hindi kukupas ang ningning ng nag-iisang superstar ng Pilipinas.
06:01Para sa GMA Integrated News, Oscar Oyda Nakatutok, 24 Oras.

Recommended