Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5 days ago
Ano-ano nga ba ang mga pagsubok na pinagdadaanan ng mga kaliwete sa mundong dominado ng right-handed?


Panoorin ang ‘Kaliwete,’ dokumentaryo ni Howie Severino sa #IWitness.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Dito sa Santa Cruz Elementary School sa Dasmariñas, Cavite,
00:04may mahigit 6,000 mag-aaral.
00:13Ipinabilang namin sa school ang mga kaliwete.
00:16329 lang sa 6,000 o wala pang 6% ng student body.
00:22Para kay Dr. Rochelle Pakatang, na principal sa paaralan,
00:34hindi na bago sa kanya ang karanasan ng mga kaliwete.
00:42Ang kanya kasing ama at asawa, parehong lefty.
00:47Pinagbawal daw sa kanyang ama ang paggamit ng kaliwang kamay sa pagsusulat.
00:52Ang kanyang picture, na every time daw na siya ay nagsusulat ng kaliwa,
00:57ay hindi daw, kasi ang proper daw ay right hand for writing.
01:02Nakamulatan niya na yun, na pinipilit niya talaga na siya ay magsusulat ng right hand.
01:07Ang asawa ko naman ay left-handed talaga.
01:10So since birth, siya ay gumagamit na ng kaliwa.
01:14At talagang kahit napilitin ng kanyang mga magulang,
01:17na siya ay gumamit ng kanan sa pagsusulat,
01:21hindi niya talaga kanya kaya.
01:25Hindi na raw ipinipilit sa mga paaralan ngayon ang gumamit ng kanang kamay.
01:30Ngunit sa maraming eskwelahan, kulang pa rin ang pangkaliweting armchair.
01:38Dati, for the longest time, ang mga desks either right-handed or left-handed,
01:42nasa kanan o nasa kaliwa.
01:43Pero ngayon, ang ginagawa ang mga sinasupplyan sa inyo,
01:48parang flat na ganon.
01:49Flat na may table na.
01:51Table na.
01:51Hindi yung armrest lang na mesa.
01:54The Department of Education is ensuring that tayo ay responsive at inclusive
01:59pagdating po sa mga ganyan na may mga individual differences,
02:03just like yung mga bata natin na may mga left-handed.
02:07Ngayon po, ang binibigay na ng DepEd,
02:10pagdating po sa mga chairs, ay individual chairs and tables,
02:16na neutral na.
02:17So ibig sabihin, can be used both in left and right.
02:27Sa loob ng classroom, matatagpuan ang pamangkin ni Dang, na kaliwete rin.
02:34Kaliwete rin ang ina ni Dang at dalawa niyang kapatid na lalaki.
02:39Mostly kasi sa bahay.
02:40Marami akong kasamang kaliwete.
02:42So hindi ko na naiisip talaga na mahirap palang maging kaliwete.
02:47Kasi sa within sa bahay namin, mga kaliwete kami.
02:49Saka ko na lang naisip na nararamdaman na ang hirap palang kaliwete.
02:54Pag nakasalabas ka na.
02:55Kasi ang dami mong kailangang ano eh.
02:59Ikaw ang mag-adjust.
03:01Mag-adjust ka sa kanila.
03:03Tiyak na lahat tayo ay may kilalang kaliwete.
03:08Kaibigan, kaklase o kamag-anak.
03:12Ayon sa pag-aaral, sampo sa bawat isang daang tao sa mundo ay left-handed.
03:17Ngunit may mga lugar kung saan, tina mas kaunti pa.
03:23Tulad ng elementary school sa Dasmariñas na lima lang sa isang daan.
03:27Dito sa isang parke sa Valenzuela.
03:35Hindi kayo kaliwete. May kaliwete ba sa inyo?
03:37Ilang kayang kaliwete ang maahanap ko?
03:40Kayo ba yung mga kanan o kaliwete?
03:43Kanan po.
03:44May kaliwete ba sa inyo?
03:47Mga kaliwete kayo, kanan?
03:49Kanan, kayo rin kuya. Kanan, kaliwete.
03:52Kaliwete ka?
03:54Pwede kang sumali sa aming eksperimento.
03:57Sa wakas, at may nahanap din kami.
04:00Istudyante sa kolehyo, si David.
04:03May mga karaniwang bagay kami rito sa harap namin
04:06na dinisenyo para sa mga kanan, sa mga right-handers.
04:13O mas madaling gamitin ng mga right-handers.
04:16Ito si David, na nandito sa park, ay isang kaliwete.
04:20Istudyante siya rito sa Valenzuela.
04:22At papasubok namin sa kanya itong mga ibang gamit dito.
04:27Para makita kung gano'ng kahirap gumamit ng mga bagay na to
04:33na dinisenyo para sa mga right-handers.
04:37Okay, David.
04:38Subukan natin itong abrilata.
04:40Kasi ang pagkaalam namin ay halos lahat ng mga tinitindang abrilata,
04:46nakakita ka na ng ganito, di ba, sa bahay.
04:49Pero nakagamit ka na?
04:50Hindi pa.
04:51Hindi pa kasi kaliwete ka?
04:53Yes.
04:53Okay.
04:56So, kaliwete ka, bihira kang gumamit ng kanan.
05:13Nagawa mo naman pala.
05:14Pero first time mong nagawa ito?
05:16Yes po.
05:17Hindi naman dahil hindi ka tumutulong sa bahay?
05:19Hindi naman.
05:19Hindi naman po.
05:19Okay.
05:20Hindi ka pa nakakagamit nito dahil alam mo ng pangkana?
05:23Yes po.
05:23Ang ginagamit ko pong pang bukas ng lata sa amin is kuchilyo po.
05:28Kuchilyo.
05:28Sumakses ka rito, no?
05:30So, alam yung first time mo.
05:33So, alam ba, sitingin mo ba ay madali, mahirap?
05:37Or, nahihirapan po ako, nangangalay po yung ditong banda ko ng balasa.
05:42Kasi nakaganon po ako.
05:44So, subukan naman natin itong isa pang lata.
05:47Gamitin mo naman yung kaliwete mo, yung natural na kamay, para buksan yan.
05:55Kapag kaliwa po, hindi po iipit yung blade.
05:59So, hindi siya talaga uubra.
06:02Hindi talaga uubra.
06:04So, talagang dinisenyo siya talaga para sa mga right handers.
06:10Okay.
06:12Sunod na sinubukan ni David ang pagsusulat sa spiral notebook.
06:18So, ito kasi napaka-ordinaryong bagay para sa mga estudyante.
06:23So, ito, mga kanang kamay, mga right handers ay hindi masyadong iniisip.
06:30Na mayroong palang concern ng mga kaliwete rito.
06:35So, yan. Sige.
06:38Isulat mo lang yung pangalan mo at school mo, etc.
06:41Para mapansin namin kung paano ka sumulat.
06:53Ano yung issue sa ganitong klaseng notebook na may mga alambre dyan?
06:58Hindi po ako makapagsulat ng diretso kasi po naumaangat po yung kamay ko dito sa...
07:04Ano po yun?
07:06Talagang nahihirapan pala ang mga kaliwete.
07:09Opo, mahirap po.
07:10Okay, ito na yung pinakahuli.
07:17Yung treat namin sa'yo at saka sa mga kasama mo.
07:20Ice cream.
07:23Kasi itong mga ice cream scooper ay dinisenyo daw para sa mga kanang kamay.
07:28Pero subukan mo sa kaliwa kung anong mangyayari.
07:39So, nakagamit ka na ba ng ganito?
07:41Hindi rin po.
07:42Ah, hindi pa.
07:43Hindi ko po.
07:43Pero alam mo na pang kanang kamay siya?
07:46Yes po.
07:46Paano man nalaman?
07:48Kasi kapag dito po ako mag-i-start ng scoop, nandun po yung pang...
07:53Yung matalas?
07:54Yes po.
07:54Yung pang tanggal po sa ice cream para po mahulog yung ice cream.
07:59I see, I see. Okay.
08:00Mga simpleng bagay sa pang-araw-araw.
08:06Patunay na maraming bagay ang ginawa para sa kanang kamay.
08:11Ang mga kaliwete ang kailangan mag-adjust.
08:16Kabilang narito si Nadang, kanya mga kapatid,
08:21at kanya mga batang pamangkin.
08:26Sa dami ng mga kaliwete sa kanilang pamilya,
08:29masasabing,
08:31namamana nga ba ang pagiging left-handed?
08:34Maraming salamat sa pagtutok sa eyewitness, mga kapuso.
08:38Ano masasabi niyo sa dokumentaryong ito?
08:41I-comment na yan at mag-subscribe
08:43sa GMA Public Affairs YouTube channel.

Recommended