Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6 days ago
Panayam kay Deputy Spokesperson Melvin Mabulac ng Bureau of Immigration ukol sa paghahanda ng B.I. ngayong Semana Santa at ang deportation sa foreign POGO workers

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Alamin naman natin ang mga paghahanda ng Bureau of Immigration ngayong Semana Santa
00:04at ang deportation sa mga foreign POGO worker
00:08kasama si Melvin Mabulak, Deputy Spokesperson ng Bureau of Immigration.
00:13Sir Melvin, magandang tanghali po.
00:16Magandang tanghali po, Director Sir Riel at Asika Dale, magandang tanghali po.
00:22Sir, kamusta po ang dagsa ng pasahero ngayon sa ating mga paliparan?
00:26Sa anong mga araw nyo po inaasahan yung pinakamataas na bilang ng mga biyahero?
00:31At paano nyo po ito pinaghahandaan?
00:34Opo, nakita po natin ang unti-unting pagtaas ng numero ng mga nag-travel ngayon.
00:41At nakita natin, we're expecting mga ngayon, nagsisimula na po ang bukas at alam na po natin.
00:48Tomorrow, half day lang tayo, marami na po ang aalis mag-travel, anda dito.
00:54Kung titignan po ninyo, as of now, nag-deploy tayo ng additional augmentation ng 48 na immigration officers.
01:04Ito po ay ready po natin.
01:06Sila po ay na-assign yung iba dyan, ay na-assign doon sa ating main office at ibang field offices.
01:14However, for now, for this Holy Week, sila po ay binigyan natin ng they are to render duty sa airport ngayong Holy Week.
01:24At tuloy-tuloy po tayo, we have cancelled also, pinagbabawalan natin yung mga application for leave.
01:31At the same time din po, ang ating OFW counter sa Terminal 3 na buksan na po.
01:37Kaya spread out po yung mga tao ngayon at yung strict monitoring ng ating mga supervisors, terminal heads,
01:45ay pinagpapatuloy po natin para ma-insure na man po ang ating mga counters.
01:52Sir Melvin, may feedback mechanism ba ang BI para sa mga pasahero na nais mag-sumite ng reklamo o papuri sa inyong serviso?
02:01Opo, mayroon po kaming feedback mechanism. Even sa airport pa lang po, may feedback mechanism kami.
02:09Isang box doon, pwede silang sumulit. O di kaya, pwede silang pumunta sa ating social media,
02:15sa Facebook ng Bureau of Immigration. O di kaya, sa immigration.gov.ph, sa website natin.
02:21Mayroon doon, pwede nyo nga-scan na isang QR code, then you can have a feedback sa ating ginagawa, sa ating duty, sa ating mga paliparan.
02:32Tuloy-tuloy po ito. Napaka-importante po na malaman po natin kung ano po yung servisyon na inahatid natin sa ating publiko.
02:41At para ma-improve po natin, mapagpatuloy natin yung mga ating magandang ginagawa.
02:47At kung hindi naman maganda, at least ma-address po natin sa pamagitan ng iyong mga feedback.
02:54Sir, bukod sa pagdagdag ng tauhan, may iba pa po ba kayong inihandang hakbang o sistema upang mapabilis ang immigration process?
03:03Opo, tutok po yung ating National Operations Center, yung CCTV 24-7 po ito,
03:09to ensure na mayroon tayong mga tao doon at ang ating mga immigration personnel,
03:16nasa queuing area pa lang, mayroon na siyang nagkocontrol to ensure na distributed yung mga tao.
03:23At yan po ay ginagawa po natin para at least mapaganda at na-insure natin na maganda po yung servisyon natin.
03:30Sir, sa ibang usapin naman po, ipinag-deport na ng BI yung higit 80 Chinese POGO workers pabalik ng kanila bansa.
03:39May detalye po ba tayo dito?
03:41Opo, isa po sa pagtugon sa direktiba ng ating commissioner at pagtalima din po sa ating mga mahal na senador,
03:50na tayo po ay nag-deport sa kanila.
03:53Direct flight po yung ginamit po natin.
03:55At the same time din po, sinama na po natin sila sa ating black place to ensure na hindi na sila makakabalik sa ating bansa.
04:01At tuloy-tuloy po ito, mayroon pa tayong mga naga-antip or deportation,
04:06but inaayos pa po yung mga dokumento.
04:08Once magkaroon na po, complete na po yung dokumento at may clearance na po,
04:12na wala silang mga pananagutan, accountability sa ibang kaso sa ating bansa,
04:17tuloy-tuloy po ang pag-de-deport natin sa mga, sa mga ano ito, pangadayuhang ito.
04:24Sir, sa kabuuan, ilang foreign POGO workers pa po ang nasa inyong detention facility
04:28at ano po ang inyong mga ginagawa upang mapabilis ang deportation process?
04:35Opo, I don't have the complete number, no?
04:38But basically, marami pa po ito at yung iba naman po ay wala po sa detention natin.
04:42Nandoon po sa pangangalaga ng PAOC, pero yung physical custody nasa kanila,
04:49pero yung legal custody nasa atin, ang ginagawa po natin, maigi po natin,
04:54nakikipag-usap po tayo sa mga imbahada nila.
04:58Kasi napakahalaga na mayroon din po tayong travel document.
05:01Kung wala na po silang passport, what we need is a travel document.
05:04At the same time po, yung provision din po ng ticket.
05:07Kasi hindi po ang ating gobyerno ang gumagasto para silang ticket.
05:11At once makuha ka agad natin, yan po ang ginagawa natin, dinideport ka agad natin.
05:16Sir, siguro po mensahe at paalala nyo na lang po sa mga pasahero
05:20upang maging maayos at mabilis yung kanilang biyahe,
05:23lalo na sa immigration process ngayong Semana Santa.
05:28Opo sa ating mga kababayan, lalo't lalo na po yung magtra-travel.
05:32Request lang po natin, dapat maaga po tayo, maglaan po tayo ng oras.
05:36We have to understand peak season po ito.
05:38At ang ating mga palibaran ay hindi namang ang gumagamit, mga international travelers.
05:45Kasabay po ito, lalo na po sa Terminal 3, may mga domestic travelers,
05:49nagkakasabay po tayo.
05:51Once nandun na kayo sa airport, diretso ka agad tayo sa check-in sa airlines.
05:55At pag tapos na sa airlines, dapat tapos na din po natin,
05:59nakapag-comply tayo sa e-travel.
06:01At once may e-travel, kung ikaw po ay government employee,
06:06regardless kung ang travel mo ay personal o official,
06:10dapat pong mayroong kayong travel authority.
06:12At kung ikaw naman ay traveling na minor and accompanied by either parent
06:18ng isang for tourism purposes, you need to secure ng DSW travel clearance.
06:24At once mayroon na ka na yan, diretso na po sa immigration.
06:28Doon na lang po kayo mag-antay sa ating boarding area
06:32rather than umalis pa pa kayo dahil alam po natin ngayong panahon
06:37ay peak season, maraming pasahero.
06:40Requesting please sa ating mga kababayan,
06:43magdaan po tayo ng oras, at least 3 hours and doon na po tayo.
06:47Alright, maraming salamat po sa inyong oras.
06:49Melvin Mabulak, Deputy Spokesperson ng Bureau of Immigration.

Recommended