Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Nadagdagan pa ang mga kandidatong inisyuhan ng COMELEC ng show cause order dahil sa mga kontrobersyal na pahayag.
Kabilang diyan ang isang gubernatorial candidate na ginawang biro ang pakikipagsiping.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nadagdagan pa ang mga kandidatong inisuhan ng Comelect ng Show Cost Order dahil sa mga kontrobersyal na pahayag.
00:07Kabilang dyan ang isang gubernatorial candidate na ginawang biro ang pakikipagsiping.
00:12May report si Sandra Aguinaldo.
00:30Ipinahagi ng Comelect sa media ang video na ito na sinasabing kuha sa Bulawan Festival ng Davao de Oro noong March 8.
00:39Sa gitna ng pagtitipon na nataon ding International Women's Day,
00:44nagbitiw si Congressman Ruel Peter Gonzaga ng kontrobersyal na pahayag sa mga kababaihan.
00:49Sa isa namang hiwalay na pagtitipon, may ginawang biro si Gonzaga tungkol sa isang board member candidate.
01:15Pero suntihanda mo, 14 anyos na na byuda, sigurado ko na pilot na lang iya.
01:25Sokol, sokol magagagawin din eh.
01:28Sinabi rin ni Gonzaga sa isang campaign event.
01:31Paulian, dagahalang, di kang kang nga.
01:33Dahil sa mga pahayag na yan, pinagpapaliwanag siya sa loob ng tatlong araw kung bakit hindi siya dapat sampahan ng election offense o petition for disqualification.
01:43Sabi ng Comlec Task Force SAFE, posibleng paglabag ang tatlong pahayag sa resolusyon ng komisyon laban sa diskriminasyon at kaugnay sa fair campaigning guidelines.
01:53Partikular diyan ang probisyon sa discrimination against women at gender-based harassment.
01:59Hinihinga namin ng reaksyon si Gonzaga pero wala pa siyang tugon.
02:04Ang isa pang inisyohan ng show cause order na si Atty. Christian Sia dahil sa biro nito sa mga solo parent.
02:10Minsan, sa isang taon, ang mga solo parent na babae na nire-regla pa, pwede sumipin mo sa akin.
02:17Iginiit na hindi nakadiscriminate o nakaharas ng babaeng solo parents ang payag niya.
02:23Bahagi yan ang paliwanag niyang inilabas ng Comlec.
02:26Hindi rin daw nawalan ang solo parents ng fundamental human rights at freedom nila.
02:31Maari raw magaspang ang dating ng pagsasalita niya pero bahagi raw ito ng kanyang freedom of speech.
02:36Pag-aaralan daw ng Comlec ang paliwanag ni Sia na inisyohan ang isa pang show cause order para naman sa payag niyang hindi siya manyak kaya may staff na hindi payat.
02:46Binanggit din niyang may tauhan siyang 59 years old na.
02:50Wala pang payag si Sia tungkol sa ikalawang show cause order.
02:53Hindi naman pasok sa panlasa ng Comlec ang campaign jingle na ito ng vlogger na si Moka Uson, kandidato sa pagkakonsihal sa Maynila.
03:08Sa isang sulat, tinukoy ng Comlec ang anilay sexually suggestive elements ng jingle na maaring maging balakin para seryosohing mapag-usapan ang polisiya, pamamahala at kinabukasan ng mga komunidad.
03:21Itigil na lang po muna yung pagpapalabas niyan. Kung nagkagasos po dyan, e ganun po talaga yung consequence niyan.
03:27Kasi sana po naman ay napag-isipan muna natin bago natin inilabas.
03:32Sulat lang ang pinadala ng Comlec pero posible raw ito maging show cause order depende sa gagawing hakbang ni Uson.
03:38Agad naman sumulat si Uson sa Comlec para iparating na inutusan na niya ang kanyang campaign team na itigil ang paggamit ng jingle.
03:46Nire-review na raw nila ang lahat ng kanilang content para matiyak na pasok ito sa standard of decency at akma sa public discourse and electoral engagement.
03:57Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:16Nire-review na raw nila.
04:21Nire-review na raw nila.

Recommended