Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Huwebes, March 27, 2025
- Lalaking tumatawid sa pedestrian lane, patay matapos mabangga ng kotse; nakabanggang driver, tumakas | Pagkakakilanlan ng tumakas na driver, iniimbestigahan | Mga kaanak ng biktima, nananawagan sa nakabanggang driver na sumuko
- WEATHER: Anim na lugar sa bansa, posibleng makaranas ng danger level na heat index ngayong araw
- Ilang pananim, nasisira dahil sa mainit na panahon | Siksikan sa mga classroom at kakulangan sa bentilador, problema sa ilang eskwelahan | Ilang estudyante, inirereklamo ang mainit na panahon | PAGASA: Heat index sa mga buwan ng Abril-Mayo, posibleng umabot sa 48-50°C
- Bahagi ng IBP Road, binaha dahil sa nasirang underground pipe | Nasirang underground pipe sa IBP Road, kinukumpuni na ng Maynilad
- DPWH: Rehabilitasyon ng EDSA, posibleng simulan sa Holy Week
- Alex Eala, pasok na sa semis ng Miami Open 2025; First Pinoy tennis player na nakaabot sa semis ng Miami Open 2025
- Cellphone na naka-charge sa isang kainan, tinangay ng lalaki
- Lalaki, arestado matapos magnakaw sa isang botika; P10,000 cash at 2 cellphone, nabawi sa kanya
- Aso, patay matapos pagtatagain ng isang tindera sa palengke
- "Lolong: Pangil ng Maynila," mapapanood na simula mamayang 8pm sa GMA
- Honeylet Avanceña at Veronica Duterte, nasa The Hague para bisitahin si FPRRD
- National Security Council: Walang nakikitang banta sa seguridad kaugnay sa kaarawan ni FPRRD bukas
- Presyo ng itlog sa ilang pamilihan, nagmahal na sakit na nagpapahina sa kakayahan ng mga manok na mangitlog, na-monitor ng D.A.| PH Egg Board: Sapat ang supply ng itlog dahil sa inaasahang mas mataas na produksyon
- Halos 1,000 depekto, nakita sa Cabagan-Sta. Maria Bridge, base sa pag-aaral ng grupo ng mga eksperto | Mga materyales ng Cabagan-Sta. Maria Bridge, inaalam kung substandard | Special Committee para imbestigahan ang pagbagsak ng bahagi ng Cabagan-Sta. Maria Bridge, binuo ng DPWH | Nagdisenyo ng Cabagan-Sta. Maria Bridge, iginiit na overloading ang dahilan ng pagbagsak ng bahagi nito | DPWH: Reconstruction ng Cabagan-Sta. Maria Bridge, iniutos ni PBBM
- 21 Grade 3 students, isinugod sa pagamutan matapos sumama ang pakiramdam dahil umano sa food poisoning
- Election officer ng Datu Odin Sinsuat at kanyang mister, patay matapos tambangan | COMELEC, kinondena ang pananambang sa election officer ng Datu Odin Sinsuat; inirekomendang ilagay ang bayan sa kanilang kontrol...
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
- Lalaking tumatawid sa pedestrian lane, patay matapos mabangga ng kotse; nakabanggang driver, tumakas | Pagkakakilanlan ng tumakas na driver, iniimbestigahan | Mga kaanak ng biktima, nananawagan sa nakabanggang driver na sumuko
- WEATHER: Anim na lugar sa bansa, posibleng makaranas ng danger level na heat index ngayong araw
- Ilang pananim, nasisira dahil sa mainit na panahon | Siksikan sa mga classroom at kakulangan sa bentilador, problema sa ilang eskwelahan | Ilang estudyante, inirereklamo ang mainit na panahon | PAGASA: Heat index sa mga buwan ng Abril-Mayo, posibleng umabot sa 48-50°C
- Bahagi ng IBP Road, binaha dahil sa nasirang underground pipe | Nasirang underground pipe sa IBP Road, kinukumpuni na ng Maynilad
- DPWH: Rehabilitasyon ng EDSA, posibleng simulan sa Holy Week
- Alex Eala, pasok na sa semis ng Miami Open 2025; First Pinoy tennis player na nakaabot sa semis ng Miami Open 2025
- Cellphone na naka-charge sa isang kainan, tinangay ng lalaki
- Lalaki, arestado matapos magnakaw sa isang botika; P10,000 cash at 2 cellphone, nabawi sa kanya
- Aso, patay matapos pagtatagain ng isang tindera sa palengke
- "Lolong: Pangil ng Maynila," mapapanood na simula mamayang 8pm sa GMA
- Honeylet Avanceña at Veronica Duterte, nasa The Hague para bisitahin si FPRRD
- National Security Council: Walang nakikitang banta sa seguridad kaugnay sa kaarawan ni FPRRD bukas
- Presyo ng itlog sa ilang pamilihan, nagmahal na sakit na nagpapahina sa kakayahan ng mga manok na mangitlog, na-monitor ng D.A.| PH Egg Board: Sapat ang supply ng itlog dahil sa inaasahang mas mataas na produksyon
- Halos 1,000 depekto, nakita sa Cabagan-Sta. Maria Bridge, base sa pag-aaral ng grupo ng mga eksperto | Mga materyales ng Cabagan-Sta. Maria Bridge, inaalam kung substandard | Special Committee para imbestigahan ang pagbagsak ng bahagi ng Cabagan-Sta. Maria Bridge, binuo ng DPWH | Nagdisenyo ng Cabagan-Sta. Maria Bridge, iginiit na overloading ang dahilan ng pagbagsak ng bahagi nito | DPWH: Reconstruction ng Cabagan-Sta. Maria Bridge, iniutos ni PBBM
- 21 Grade 3 students, isinugod sa pagamutan matapos sumama ang pakiramdam dahil umano sa food poisoning
- Election officer ng Datu Odin Sinsuat at kanyang mister, patay matapos tambangan | COMELEC, kinondena ang pananambang sa election officer ng Datu Odin Sinsuat; inirekomendang ilagay ang bayan sa kanilang kontrol...
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Disgracia ang inabot ng isang lalaking tumatawid sa pedestrian lane sa Quezon City matapos siyang mabanga ng kotse.
00:23Ang naka-disgraciang driver tinakasa ng biktimang nasawi, kalaunan.
00:28Balitang atin ni James Agustin.
00:59para makahingi ng tulog. Ilang saglit pa dumating na ang ambulansya ng barangay at isinugod sa ospital ang biktima.
01:12Kalaunan, binawian ng buhay ang biktimang 29 anyo sa call center agent na si Den Adrian Jan Viaje.
01:19Kwento ng kapatid, pauwinan nun galing sa trabaho ang biktima.
01:22Ang pinangyarihan ng insidente, ilang metro na lang layo sa kanyang bahay.
01:28Iyon po yung pangyayari, talagang mahirap po tanggapin kasi may mga naiwan po siyang maliliit na anak po.
01:35Tapos siya lang din naman po yung nagtataguyod sa pamilya.
01:39Iniimbisigahan ng QCPD Traffic Sector 2 ang insidente para matukoy ang pagkakilanlan ng driver ng kotse.
01:46Nananawagan naman ang mga kaanak ng biktima sa driver na sumuku na.
01:50Gusto po talaga namin ay managot siya.
01:52Kasi po, hindi naman po tama na nakasakit ka na nga ng kapwa mo, tapos magtatago ka na parang walang nangyari.
02:00So, kailangan po mabigyan ng hostesya yung kapatid namin."
02:03James Agustin nagbabalita para sa GEMA Integrated News.
02:08Ong umpisa pa lamang po ng tag-init, danger level na agad ang heat index forecast o inaasahang damang init sa anin na lugar sa bansa.
02:21Ayon sa pag-asa, posibleng umabot sa 47 degree Celsius na heat index sa Dagupan, Pangasinan.
02:2743 degree Celsius sa Tugegarao, Cagayan.
02:30Verac, Catanduanes.
02:31Pili, Camarines Sur.
02:33At sa Butuan, Agusan del Norte.
02:3642 degree Celsius naman ang posibleng heat index sa Legazpi, Albay.
02:40Dito po sa Metro Manila, maglalaro sa 38 hanggang 40 degree Celsius ang heat index.
02:46Magpapatuloy ang matinit-init at alinsangan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa Easter Weeks.
02:52Magpapaula naman sa Visayas at ilang panig ng Mindanao ang binabantayang low-pressure area.
02:58Huling na mataan ang masabing LTA 270 kilometers silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
03:05Nanatiling mababa ang tsansa nitong maging isang bagyo.
03:08Base po sa rainfall forecast ng Metro Weather,
03:10posibleng ang light to moderate rains sa ilang panig ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao ngayong umaga.
03:17Pagsapit ng hapon, uulanin na rin po ang malaking bahagi ng Northern at Central Luzon.
03:22Posibleng po ang heavy to intense rains sa ilang lugar sa Mindanao,
03:26kaya maging alerto po sa manta ng baha o landslide.
03:30May tsansa rin po ng ulan ngayong araw sa ilang bahagi ng Metro Manila.
03:35Ramdam na ang epekto ng antag-init sa ilang bahagi ng bansa.
03:38Kabilang sa mga nape-perwisyo, ang mga magsasakang nasisiraan ng mga pananim dahil sa kapos na tubig.
03:44Balita ng atin ni EJ Gomez.
03:49Kung hindi pansot, halos malanta na ang ilang pananim na tabako sa Pidig Ilocos Norte dahil sa mainit na panahon.
03:56Walang irigasyon sa lugar at madalang ang ulan, kaya sa water pump talang umaasa ang mga magsasaka.
04:03Pag hindi kami nagsisibog ng mga tabako sir, mamamata yung mga tabako namin.
04:08Problema na rin ang supply ng tubig ng ilang magsasaka sa bayan ng San Nicolas.
04:13Mahigit kalahati na raw ang nababawas sa imbaka nila dahil sa pagpapatubig sa mga tanim sa gitna ng init.
04:19Umabot sa harvest season ang mga tanin na sweet corn sa Santo Niño, Cotabato.
04:24Yun lang, reject daw ang karamihan sa mga bungang mais dahil sa liit na mga ito.
04:30Pulang din kasi sa dilig, kaya nasasaid na raw ang mga irigasyon at kanal.
04:34Ang dry season, dagdag kalbaryo sa mahigit limang liwong estudyante ng Kalasyao Comprehensive National High School sa Pangasinan.
04:42Siksikan na nga sa mga classroom, bawas pa ang mga nakasinding ventilador dahil hindi kaya ng transformer sa paaralan.
04:50Nililimit lang namin sa apat. Nung wala pang problema, seven electric fan in a room.
04:57Kaso nga lang, hindi niya kakayanin. Kailangan naming dagdagan yung transformer.
05:02Shifting muna ang klase sa paaralan doon, na iparating na raw ang problema sa Department of Education Division Office.
05:09Tutulong din daw ang LGU na solusyonan ito.
05:12Sa Quezon City, inireklamo na rin ang ilang mag-aaral ang init.
05:16Yun diyan, masakin ulo. Sobrang init ako.
05:18Pagpasok, mainit din po.
05:20Lalo po kapag uwian na po, pag naglalakad po kami pasakay ng jeep, sobrang init.
05:26Mainit na nga, pero dagdagan pa ang pasensya at beat the heat remedies sa mga susunod na buwan.
05:32Sabi ng pag-asa, sa huling bahagi ng Abril hanggang unang kalahati ng Mayo,
05:36aabot sa 48 hanggang 50 degrees Celsius ang damang ingit sa ilang lugar sa bansa.
05:42Mahihirapan tayo makapag-release ng ating mga pawis o yung sweat natin.
05:46Hindi tayo mapawisin.
05:48And syempre magkakaroon tayo ng tao na tawag na heat exhaustion,
05:51or yung heat stress, or yung heat cramps.
05:54Ito, yun yung mga possible.
05:56Mataas yung alinsangan natin, so talaga yung discomfort level natin,
05:59na talagang tipong sasakt yung ating ulo, mahihilo.
06:03Ang good news naman, sabi ng pag-asa,
06:05hindi aabot at tindi ng init ng panahon ngayon gaya noong 2024 na may El Niño.
06:11EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:16Sa matala, nagdulot po ng pagbaha ang nasirang tubo sa bahagi ng IDT Road sa Quezon City.
06:22Ayon sa ilang desidente, alas 4 ng madaling araw,
06:25umapaw ang tubig mula sa underground water pipe na linya raw ng Maynilad.
06:30Ayon sa Maynilad, in-isolate na ang bahagi ng kalsada para sa pagkukumpuni sa nasirang tubo.
06:36Nasa 2,000 customers po,
06:39o households din daw ang pansamantalang mawawala ng tubig dahil sa insidente.
06:44Target matapos sa Maynilad ang repair ngayong tanghali.
06:47Magde-deploy din po sila ng mobile tankers para mag-supply naman sa mga mawawalan ng tubig.
06:54Inaalam pa ang dahilan ng pagkasira ng tubo.
06:59Posibleng simulan sa holy week ang rehabilitasyon sa EDSA
07:02ayon sa Department of Public Works and Highways.
07:04Ayon kay Secretary Emanuel Bonoan,
07:06target nilang unahin ang dalawang lanes mula Pasay hanggang Guadalupe
07:10at mula Balintawak hanggang Monumento.
07:12Bilang paghahanda rao yan sa preliminary activities ng Association of Southeast Asian Nations sa Mayo.
07:18Ipinapaubayan rao ng kagawaraan sa MMDA ang pag-aasikaso sa trafiko.
07:30Historic win para sa Filipina Tennis Ace na si Alex Iala.
07:34Pasok na sa semifinals ng Miami Open.
07:36Si Iala matapos niyang manalo sa quarterfinals.
07:42Hinalang ni Iala na wildcard sa torneo ang World No. 2
07:45na si Iga Siotek sa score na 6-2, 7-5.
07:49Itinuturing na biggest win sa kanyang tennis career
07:52ang pananong ito ni Iala na kauna-unahang player mula sa Pilipinas
07:55na makatungtong sa tour level semifinal.
07:58Siya rin ang kauna-unahang Pilipina na papasok sa top 100 WTA rankings
08:03na ilalabas sa susunod na linggo.
08:05Sa kanyang panayam matapos manalo,
08:07sinabi ni Iala na isang malaking achievement ang nangyari
08:10na idinadedicate daw niya sa bansa.
08:12Isa ang GMA Integrated Youth sa mga nakausap ni Iala
08:15matapos ng kanyang makasaysayang panalo.
08:41Nagpa-abot din ang pagbati sa kanyang pagkapanalo
08:44ang tennis superstar na si Rafael Nadal.
08:47Sa Tennis Academy ni Nadal, nagtitraining si Iala.
08:50Susunod na makakalaban ni Iala ang mananalo sa match
08:53ni Naema Raducano at Jessica Pegula.
09:10Casual na pumasok sa loob ng kainan ng lalaking yan sa Malabon.
09:14Agad siyang umupo, matapos umorder sa mayari.
09:17Ilang sagit lang, bigla siyang tumayo at lumapit sa counter.
09:20At naghihintay ng tempo para kunin ang cellphone ng mayari
09:23na naiwang nakacharge.
09:25Ayon sa biktima, huli na nang mapansin niyang wala na ang kanyang cellphone.
09:30Problemado rin siya at lalap nasa cellphone
09:32ng kanyang e-wallet at business contacts.
09:34Ayon sa mga opisyal ng barangay,
09:36handa si lahat ng pulisya na matunto ng salarin
09:38sakaling formal na magreklamo ang biktima.
09:42Ito ang GMA Regional TV News.
09:48Mainit na balita mula sa Luzon,
09:50hatid ng GMA Regional TV.
09:52Pinasok po ng magnanakaw ang isang butika sa Mabalakat, Pampanga.
09:57Chris, nahuli ba ang suspect?
10:01Connie, inabutan ang mga pulis ang suspect na papatakas
10:05sa pamamagitan ng exhaust vent ng butika.
10:08Diyan sa maliit na buta sa pader,
10:10pinaniniwala ang pumasok ang dalaki.
10:12Nahuli kang pa siyang pumasok sa ilang kwarto sa butika.
10:16Batay sa embesigasyon, narinig ng gwardiya ang alarm
10:19mula sa loob kaya agad siyang nag-inspeksyon
10:22at nag-report sa pulisya.
10:24Narecover sa suspect ang perang nakakahalaga
10:26ng 10,000 piso at dalawang cellphone.
10:29Marap siya sa kaukulang reklamo.
10:31Wala siyang pahayag.
10:34Asintabi po sa sensitibong balita,
10:37patay ang isang aso sa subik sa balis
10:39matapos na pagtatagain ng isang tindera sa palengke.
10:43Bago mamatay, nakuhanan pa ng video
10:46ang duguang aspin na si Tiger.
10:48Kwento ng may-ari ng video,
10:50lumapit sa kanila si Tiger matapos na tagain
10:53kaya niya nakuhanan ng video.
10:55Ayon sa barangay, tinaga ang aso
10:57matapos umanong magnakaw ng karne sa puesto ng tindera.
11:01Posibling paglabag daw ito sa Animal Welfare Act.
11:05Awak na ng mga pulis ang tindera
11:07at wala pa siyang pahayag.
11:09Kinonde na naman ng Philippine Animal Welfare Society
11:13ang animal cruelty kay Tiger.
11:21We're best latest na mga mare at pare!
11:23Panibagong yugto sa buhay ng ating bidang silolong
11:27ang masasaksihan simula mamayang gabi.
11:31Yan ang Lolong Pangil ng Maynila!
11:34Wala sa kinagisna niya ang sityo tumahan.
11:37Makikipag sa palaran si Lolong,
11:39played by Kapuso Prime Action Hero Ruru Madrid, sa Sudan.
11:43Chika ni Ruru, bagong buhay.
11:45Mga bagong karakter din ang makakasama niya sa serie.
11:49Gaya ni na Tessie Tomas, Ketchup Eusebio, Wendell Ramos,
11:53Matt Lozano, Yasser Marta, at Roel Santiago.
11:57Magiging kakampi o kalaban kaya sila ng ating bida?
12:01Makikita pa kaya si Lolong at sidekick niyang si Dakila?
12:05Abangan yan gabi-gabi tuwing 8pm sa GMA Network.
12:09The International Criminal Court is now in session.
12:13Rodrigo Roa Lutel.
12:22Gumating na sa The Hague, Netherlands,
12:25ang common law wife ni dating Pangulong Rodrigo Duterte,
12:28na si Hanilette Avancenia at ang anak nilang si Veronica.
12:32Nagtanong ang mag-ina sa detention facility ng International Criminal Court,
12:35pero hindi agad pinapaso kaya naghintay muna sila.
12:39Habang nasa labas ng ICC detention facility,
12:42nagpasalamat ang mag-ina sa mga sumusuporta sa kanilang pamilya.
12:46Sabi ni Veronica maayos na kalusugan ang wish niya
12:49para sa amang magbiriwang ng ikawalumpung kaarawan bukas, March 28.
13:08Walang nakikitang banta sa siguridad ang National Security Council
13:11kawag na isa kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bukas.
13:15Gayunpaman, patuloy pa rin dawang NSC at ang militar sa kanilang monitoring.
13:18Una nang nagsabi ang Philippine National Police
13:20na nagkahanda sila sa nakaambang birthday rally para sa dating Pangulo.
13:32Ramdam na po sa ilang pamilyhan ang pagtaas ng presyo ng itlong.
13:36Ang Department of Agriculture may na-monitor na sakit sa mga manok na nagpapahina rao
13:41sa kakayahan nilang bang-itlong.
13:43Balitang hatid ni Bernadette Reyes.
13:49Umaabot ng 11 pesos ang isang medium-sized upang karaniwang sukat ng itlog
13:53sa suking tindahan ni Gina.
13:55Kaya para makatipid...
13:57Dito po po sa palingki bumibili kasi mas mura dito.
14:01Sa tala ng Department of Agriculture, noong pumasok ang buwan ng Marso,
14:04may mabibili pang medium-sized ni itlog sa halagang 7 pesos kada piraso.
14:08Pero ngayon, naglalaro na ito sa 7 pesos and 40 centavos hanggang 9 pesos.
14:14Sa Marikina Public Market, tumaas daw ng 10 hanggang 20 pesos
14:18ang presyo kada tray ng itlog depende sa size.
14:218 pesos sa amin, hindi iiwang ko lang sa iba.
14:25Sa mga maliliit na tindahan, kasi dito rin sila kumukuha sa amin.
14:29Nagmahal din kasi yung manok, kaya mahal din ang itlog.
14:338.50 pala yung medium namin, small namin 8.
14:36Ayon sa Department of Agriculture, may na-monitor na sakit sa manok
14:40na nagpahina sa kakayahan nilang bang-itlog.
14:43Nagkaroon ng maraming mortality sa mga grow-outs ng layers.
14:47Di naman siya yung transboundary disease kagaya na.
14:51This can be easily controlled.
14:53Sa kabila nito, sabi ng Philippine Egg Board Association,
14:56sapat ang supply ng itlog dahil sa inaasang mas mataas na produksyon.
15:01Gate pa ng grupo, hindi dapat umabot sa 11 pesos o higit pa
15:05ang presyo ng medium-sized egg, lalot na sa 6 pesos and 20 centavos
15:10hanggang 6 pesos and 80 centavos ang farmgate price.
15:14Yung dalawang pisong additional sa presyo ng farmgate price,
15:19tingin namin resonable.
15:21Pero kung aabot na po ng 11 pesos to 12 pesos ang medium sa retail,
15:27palagay ko po masyado na pong mataas yun.
15:30Bernadette Reyes, nababalita para sa GMA Integrated News.
15:35Bumuopon ng special committee ang DPWH para ibisigahan
15:39ang pagbangsak ng bahagi ng Kabagan Santa Maria Bridge sa Isabela.
15:44Batay sa pag-aaral ng isang grupo ng mga eksperto,
15:47halos sang libo ang nakitang depekto sa tulay.
15:51Balitang hatid ng Joseph Moro.
15:57Bagang magbahagi lamang ng Kabagan Santa Maria Bridge sa Isabela
16:00ang tuluyang gumuho, lumalabas ngayong lahat ng labindalawang spa nito
16:04ay may depekto.
16:05Halos isang libo ang bilang ng depekto batay sa pag-aaral ng isang grupo ng mga eksperto
16:10base sa report ng DPWH na prinisinta sa Senate Low-Ribbon Subcommittee.
16:15Simula 2018 hanggang 2023 ay iniuulat na sa pamunuan ng DPWH
16:21ang sari-saring sulirin nito tulad ng mga palyadong bolt,
16:24crack sa mga slab at arco ng tulay na sinimulang itayo noong 2014.
16:29Sunod-sunod na sinasabing nilalagnat na tong bridge na to eh.
16:34Tanong ng komite, substandard ba mga materyalis na ginamit nito
16:38tulad ng mga bakal sa naputol na arco?
16:41Dito po makinis at saka hindi umiba yung size.
16:45So usually, ibig sabihin niyan, substandard yung bakal na ginamit.
16:49Pero hindi pa matiyak sa pagdinig kung depekto ba sa disenyo o konstuksyon,
16:54ang dahilan kung bakit maraming depekto ang tulay.
16:57Bumuunan DPWH ang isang special committee para mag-investiga.
17:02Looks like from day one there's already a problem.
17:04Yes.
17:05Pagtatanggol naman na nag-disenyo ng tulay, sinabihan na niya DPWH
17:09na ang design niya na base sa 1997 na design code,
17:13ang latest na gabay, nang idinisenyo niya ito.
17:16Iginate din niyang ang mga napaulat na depekto ay kinumpunin na
17:19sa sinagawang retrofitting noong taon 2023, kaya di na dapat problema.
17:24Overloading yan ang dahilan ng pagbagsak ng tulay.
17:28I'm very confident na kapag forensic investigation to, overloading talaga
17:34kasi yung weight nung axle load, yung axle nakatapat nung hanger,
17:38is already four times ng ginagamit namin sa design.
17:43So no way na mag-survive yung namin.
17:46Ang tanong ngayon, sa dami ng depekto nakita sa tulay,
17:50dapat na ba itong i-condemn at huwag nang ipagamit?
17:53Ayon sa DPWH, e-investigahan muna nila ang naging sanhi ng pagbagsak nito.
17:58Ang atas daw ng Pangulo, i-reconstruct ito bagay na maaring tumagal
18:02kung maraming makikitang pinsala sa tulay.
18:05What we are trying to find out, because of this nag-collapse na section,
18:11if the other spans were compromised.
18:15Kasi nakita namin na there are in the other spans,
18:22mayroon na ring signs that some of the cables are actually nag-loosing.
18:29Hindi lang doon sa bumagsak.
18:33Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
18:37Ito ang GMA Regional TV News.
18:42Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
18:4621 istudyante ang isinugod sa pagamutan sa Talisay Negros Occidental
18:51matapos sumama ang kanilang pakiramdam.
18:54Sarah, anong nangyari doon sa mga bata?
18:57Graphic food poisoning,
18:59ang isa sa mga tiniting ng sanhi ng pagsama ng kanilang pakiramdam.
19:03Ayon sa Talisay City Health Office,
19:05abdominal pain ang pangunahing simptomas ng mga Grade 3 students.
19:09Nagsukarin ang lima sa kanila.
19:12Kumuha na ang Health Office ng samples sa posibling kinain ng mga estudyante para suriin.
19:17Sa ngayon, mabuti na ang kalagayan ng mga bata na agad ding pinangwi matapos gamutin.
19:22Wala pang pahayag ang pamunuan ng paaralan.
19:26Pagain isang election officer at kanyang mister matapos tambangan ng mga armadong lalaki
19:31sa Dato'n Insinsuat Maguindanao del Norte.
19:34Ayon sa puncak, papunta sa opisina kahapon ng umaga,
19:38Dato'n Insinsuat Municipal Election Officer Atty. Maceda Lidasan Abo at kanyang mister.
19:44Pero pagdating sa bahagi ng barangay Makir, doon na sila tinambangan ng mga suspect.
19:49Idiniklarang dead on arrival sa ospital ang lalaking diktima na siyang nagmamaneho ng SUV.
19:55Nasawi naman kalaunan ang election officer.
19:58Mari namang kinundina ng Commission on Elections ang insidente
20:01at inirekomendang ilagay sa kanilang kontrol ang bayan.
20:05Inaalam pa ng polisya ang motibo at ang mga nasa likod ng krimen.
20:19Nangakong magiging bosses sa mga LGUs sakaling mahalal si Abby Binay.
20:24Pagpapalawin ang terminal ng barangay leaders ang isinusulong ni Sen. Bong Grevilla.
20:29Proteksyon sa malilit na mangingisda ang pangako ni Bonifacio Bosita.
20:35Problema ng mga magsasaka ang inalam at naisutukan ni Allen Kapuyan.
20:40Pagsulong sa musika, kultura at sining ang idini ni David DeAngelo sa Bulacan.
20:45Si Angelo De Alban bumisita sa mga palengke sa Elegance City.
20:50Pagkamit ng abutkayang pabahay ang tinalakay ni Lloyd D. Guzman sa Barras Rizal.
20:56Si Sen. Bong Go, nananawagang ilapit ang sabisyong medikal sa mga komunidad.
21:00Si Ping Laxon, nangakong tutulong na mapaunlad ang turismo sa Romblon.
21:06Agri-tourism naman ang isinusulong ni Sen. Lito Lapid sa Bohol.
21:11Pagpapalakas ng oversight function ng Kongreso ang naisutukan ni Rodante Marcoleta.
21:16Pagpapatas sa kita ng mga magsasaka at mangingisda ang idinidi ni Kiko Pangilinan.
21:21Pagpaparami ng trabaho sa kanayunan ang ipinanawagan ni Ariel Quiribin sa isang forum.
21:26Gender equality ang isinusulong ni Cong. Camille Villar sa Leyte.
21:32At dagdag kondot scholarship para sa nursing students ang itunulak ni Bam Aquino.
21:37Patuloy namin sinusunda ng kampanya ng mga tumatakbong senador sa eleksyon 2025.
21:43Marisol Abduraman, nagbabalita para sa JMA Integrated News.
21:50Kasunod ng pagpatay sa election officer ng Dato Odinson Suat sa Maguindanao del Norte,
21:54ipinapanukalan sa Commission on Elections na ilagay sa Komelek Control ang buong Maguindanao del Sur at Norte.
22:01May ulit on the spot si Sandra Aguinaldo.
22:25Pinag-aaralan ng Komelek ang pagsa sa ilalim ng Dato Odinson Suat sa Komelek Control.
22:31Pero hindi lang yan Raffi, may mga panukala sa Komelek na ilagay sa Komelek Control ang buong Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte.
22:41Ito dahil bukod sa nangyari kahapon, mayroon pangibang insidente ng karasan na nangyari doon kaugnay sa parating na eleksyon.
22:50Pero maingat ang Komelek sa bagay na ito dahil ayaw naman nila na masama sa Komelek Control ang mga lugar na tahimik naman.
22:58Pagkasi nasa Komelek Control, mas marami ang mga sundalo at polis na magbabantay at pati raw trabaho ng munisipyo ay maapektuhan dahil ito ay magiging nasa ilalim din ang Komelek.
23:11Aalok na rin daw o aalokin rin daw ng Komelek ang mga election officers sa mga delikadong lugar ng Tigdadalawang Security Escort.
23:20Kaugnay naman sa pagsisimula ng local campaign bukas, March 28, magsasagawa ng offline baklas ang Komelek para sa mga poster na wala sa tamang lagayan, mali ang sukat, at pinalalahanan din ng Komelek na bawal ang pamimigay ng ayuda maliba na lang kung nakakuha ng exemption sa Komelek.
23:39Dapat daw alert ang citizens na kung may pamimigay ng ayuda, pwede nilang itanong at tingnan kung meron ba isong document na nagpapakita na meron itong exemption mula sa Komelek. Yan muna pong pinakauling ulat mula sa Komelek.
24:09Isa-isa silang nirevealed gamit ang 27 actors chair kung saan nakalagay ang pangalan nila. Kabilang ang beloved Marvel Cinematic Universe stars na sina Chris Hemsworth, Paul Rudd, Tom Hiddleston, at marami pang iba.
24:28Ang major revelation, papasok na rin sa MCU ang X-Men characters, played by the OGs Patrick Stewart, Ian McKellen, Kelsey Grammer, James Marsden, Rebecca Romijn, at Alan Cumming. Makakasama rin si Shanning Tatum na gumanap na Gambit. Ang isa pang paandar sa dulo, si former Iron Man Robert Downey Jr. na magbabalik MCU bilang si Doctor Doom.
24:59Huli ka? Mga emergency landing ng Cargo Plane na yan sa isang paliparan sa Russia. Dumaos dos ang aeroplano sa runway at dumiredirecha sa makapal na snow. Wala namang nasaktan sa walong sakay ng Cargo Plane. Ayon sa Transport Prosecutor's Office ng Russia, bumigay ang kaliwang landing gear ng aeroplano kaya dumaos dos ito. Hindi naman nagbigay ng detalye kung bakit ito nag-emergency landing.
25:2324 ang nasawi sa malawakang wildfire sa South Korea. Kita po sa satellite image ang usok mula sa nasusunog na gubat sa southeastern portion ng Socor. Kabilang sa mga nasawi ang piloto ng bumagsak na helicopter na Romeris Ponde sa wildfire. Mahigit 27,000 residente na ang napilitang lumikas dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.
25:47Patuloy ang pagpapadala ng mga bumbero at gamit para mapabilis ang pagapula sa wildfire. Tumutulong na rin daw ang US military.
25:57Ito na ang mabilis na balita.
26:01Huli sa akto ang isang lalaki habang nagbibenta ng iligal na droga sa barangay Pitogo, Taguig. Nasa bat sa suspect ang mahigit 100 gramo ng umunay shabu na nagkakahalaga ng mahigit P700,000 piso.
26:13Wala pang pahayag ang suspect na dating na rin naharap sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.
26:18Nasa kustodian na siya ng mga polis para sa ingress proceedings sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. Inaalam pa ang source ng iligal na droga.
26:29Arestado sa magkahiwalay na bybuster operation ng dalawang lalaki sa Taytay Rizal dahil sa pagbibenta ng iligal na droga.
26:36Sa barangay San Juan, huli ang isang suspect na itinuturing na high value individual na kuha sa kanyang 30 gramo ng umunay shabu na nagkakahalaga ng mahigit P200,000 piso at isang baril at mga bala.
26:49Tumanggi siyang magbigay ng pahayag.
26:52Sa barangay Santa Ana naman, huli ang isang tulak umunon ng iligal na droga na sa bat sa kanyang 10 gramo ng umunay shabu na nagkakahalaga ng halos P70,000 piso at isa ring baril.
27:02Umamin ang suspect na bumalik siya sa pagbibenta. Maharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
27:14Naku mga mari at pare, mukhang may gustong umagaw sa career ko. Walang iba kundi si pambansang ginoo David Licauco.
27:23Pakasabi niya ulit kung sino makakasama mo dito?
27:26Siyempre makakasama ko dyan si Ms. Julian Sanocen, Gabby Garcia, Mikey Quintos, Isabel Ortega. O tapos meron pa kaming femela baranda, James Blanco.
27:38Oh my God!
27:40Oh ha! G na G si David sa pagiging entertainment reporter nang makatsikahan ko siya sa backstage ng isang fashion show last weekend.
27:49Na on the spot niya ang ini-interview ko rin na si Derek Monasterio tungkol sa GMA Network's First View Original Series na Slay.
27:58Showing na yan sa GMA Prime tuwing 9.25 ng gabi. 11.25pm naman ang delayed telecast dito sa GTV.
28:06Mawapanood din ang Slay sa View Philippines. Para sa global Pinoys, pwedeng mapanood ng series sa GMA Pinoy TV.
28:14Rodrigo Ruan Duterte.
28:24Isilumitanan ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court sa legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ebidensya sa kasong murder bilang crime against humanity.
28:36181 items ang ibinahagi ng ICC prosecutor sa defensa nitong March 21. Alinsunod po yan sa utos ng ICC Pretrial Chamber 1.
28:47Confidential pa ang mga naturang ebidensya. Kapag nasuri na ng defense team ng dating Pangulo ang mga ebidensya, kailangan nila magsumite ng kanilang mga obserbasyon tungkol diyan hanggang April 11.
29:00Inatasan din ang ICC Chamber ang defense team na sabihin kung meron din silang ilalabas na ebidensya at testigo bago ang confirmation of charges hearing sa September 23.
29:17Magamarit pare, kaysang magpalipas ng oras ng nakatambay o sa walang saisay, spend your time na lang sa makabuluhang bagay.
29:26Yan ang ganap ng ilang college student from Manila. Bahagi ng isang course nila Mark Anthony Mendoza, ang pakikibahagi sa volunteer work. Napili niya ang DSWD Warehouse sa Pasay.
29:38Dahil vacant class daw noon ang mga kaibigan niya sina Spielberg at Trixie, ayon at isinaman niya na lang sa pagbabalot ng bigas. Ika nga friends that repack together, slay together.
29:51Malapit daw sa puso ni Mark ang pagbubolontier na dati nang nakibahagi sa isang sagib-tuktong buhay bloodletting project ng GMA Kapuso Foundation.
30:02Ang video ng Barkadang Repackers, 1.3 million na ang views. Aba! Pak na pak na trending!
30:12Kanya-kanya namang diskate mga Pinoy para mabeat ang tag-init.
30:17Oo Mars, mabenta na rin yung mga pangpapawi ng init tulad ng mami-fi, portable fans, o kaya naman payong.
30:25Tinanong din namin ng netizens, anong diskate niyo ngayong inasahang tea, tindi pa ang init ng panahon?
30:30Ito na nga ang diskate ni Nala Chen, malalamig na pagkain at inumin tulad ng halo-halo, ice crumble, at mais con hielo.
30:39Hindi rin mawawala ang malamig na tubig, ice coffee, at buko juice.
30:43Si Elijah Reyes naman, solusyon sa pagbeat ng heat, ang pagtapat sa electric pan lagi.
30:50E magsiswimming naman daw linggo-linggo. Si Jeros Pangilina, magsuswimming.
30:54Si Chen naman ay ice bucket challenge ang paanda para malamigan.
31:00Oo, uuwi naman daw si na Queen Ruze Taj sa Baguio ngayong tag-init. Sana all!
31:08Habang si Ronald Pajares mag-rasha, e magdadala raw lagi ng basang face towel para idampi sa katawan.
31:14Perfect! Ako, dami nating tips ha?
31:17Oo, naman!
31:18Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
31:21Bula sa GMI Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.