• 10 minutes ago
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Lunes, Pebrero 3, 2025:


-Oil price adjustment, ipatutupad bukas


-Lalaking nag-alok ng trabaho sa 17-anyos na babae, arestado dahil sa panggagahasa umano sa biktima


-PHIVOLCS: Bulkang Kanlaon, limang beses nagbuga ng abo kahapon


-WEATHER: PAGASA: Isa o kaya'y walang bagyo ang aasahan ngayong Pebrero


-2 barko ng China Coast Guard na nasa dagat sakop ng Pangasinan, itinaboy ng PCG


-Bumper ng kotse, nawasak matapos mabangga ng jeep


-5 pribadong sasakyan, nahuling nagsasakay at nagpapabayad sa mga pasahero


-Mas maraming kaso ng hand, foot, and mouth disease, naitala sa ilang probinsya


-Rider, sugatan matapos sumalpok sa SUV ang minamanehong motorsiklo


-Dept. of Agriculture: Bird flu sa Amerika, nakaapekto sa presyo ng itlog sa world market


-Pagtangay ng lalaki sa tablet na nagsisilbing POS machine ng isang coffee shop, nahuli-cam


-A1, maghahatid ng kilig sa kanilang tour sa Pilipinas ngayong Valentine's Season

-2 online lending applications, inirereklamo ng pagbabanta at harassment ng mga nangungutang sa kanila


-Basketball game, nauwi sa gulo nang magkainitan ang 2 koponan ng manlalaro


-National food emergency sa bigas, inaasahang ideklara bukas ng Dept. of Agriculture


-Dating barangay tanod, sugatan matapos barilin ng kanyang nakaaway; paghihiganti, posibleng motibo


-Magkapatid na edad 5 at 6, natagpuang patay sa loob ng sirang pickup


-"Pop Star Kids" alumni na sina Julie Anne San Jose at Rita Daniela, may reunion sa noo'y host na si Kyla


-Mahigit 20,000 lang mula sa 45,199 DepEd schools ang may principal, base sa report ng EDCOM II


-Beyonce, in-announce ang kanyang "Cowboy Carter" Tour


-Mga obra ng isang Japanese artist, ginawan ng immersive exhibit


-Priority dapat ang pedestrian sa mga lehitimong tawiran maliban sa intersection o stop light, batay sa batas


-2 lalaki, arestado matapos magpaputok ng baril


-Labi ng 18 EJK victims, inilagak sa Dambana ng paghilom sa La Loma Catholic Cemetery


-Babae, patay sa pamamaril; hinihinalang konektado sa ilegal na droga ang motibo


-Kultura at tradisyon, inspirasyon sa mural sa national road sa Cabuyao, Laguna


-Lalaki, patay matapos barilin ng riding-in-tandem


-25-anyos na babaeng piloto, patay nang bumagsak ang pinalilipad na helicopter


-Pilipinong pulis na nasawi sa banggaan ng eroplano at helicopter sa Virginia, kabilang sa mga inalala sa isang makeshift memorial





For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Transcript
00:00Magandang tanghali po, oras na para sa maiinit na balita.
00:30Beep, beep, beep! May dagdag bawas sa presyo ng ilang produktong petrolyo simula po bukas.
00:40Batay sa anunsyo ng ilang kumpanya, magtatapyas ng 70 centavos kada litro ang presyo ng gasolina.
00:461 peso and 15 centavos naman ang bawas presyo sa diesel.
00:51Habang ang presyo ng kerosene, bababa ng 90 centavos kada litro.
00:56Yan na po ang ikalawang magkasunod na rollback sa presyo ng diesel at ng kerosene.
01:00Habang muli namang magtataas ang presyo ng gasolina, kasunod ng rollback nitong nakaraang linggo.
01:08Arestado sa General Trias Cavite ang isang lalaking wanted dahil sa panggagahasa umano sa isang dalagitang inalok niya ng trabaho at ibinahay ng ilang linggo.
01:19Depensa po ng akusado, hindi niya alam na menor de edad ang babae at hindi rin daw niya pinilit.
01:26Balitang hatid ni Bea Pindlac, Exclusive.
01:31Pauwi galing trabaho ang 30 anos na lalaking ito sa General Trias Cavite nang bigla siyang salubungin ang pulisya.
01:45Pinadapa, pinusasan at hinuli siya dahil sa panggagahasa at pang-aabuso umano sa 17 anos na babaeng na kilala niya online.
01:54Ayon sa pulisya, naghahanap ng trabaho ang biktima online na nakita naman daw ng akusado, pero may iba raw na pa kay ang lalaki.
02:25Ibinahay daw ng akusado ang biktima sa Tondo, Manila ng ilang linggo. Doon din ginawa ang panghahalay at pang-aabuso umano sa biktima sa loob ng tatlong araw.
02:43Nung hindi na po makaya ng biktima natin ay bigla po siyang umuwi sa kanila pong probinsya.
02:49Nagsumbong sa pulisya ang biktima kasama ang kanyang ama. At makalipas daw ang titong buwan na pagtatago, nahuli ang akusado sa visa ng warrant of arrest.
02:59Paliwanag naman ng akusado, tinulungan niyang makahanap ng trabaho ang biktima sa Manila. Pinatiraparaw niya ang babae sa boarding house na tinutuluyan niya.
03:08Naka panatagang kami ngayon. Nasa naging kami po. Ayun niya po, uminadaw kami nangyari sa amin, pero na siya unang yung nagbigay na motive na ganyan.
03:19Siyempre lalaki lang po. Una, ano rin po ako, na tutok sa rin po. Kaya hanggang sa amin nangyari po sa amin. Pero wala po mong sapilitan pang ginawa ko.
03:28Pati sabihin, bago lang po kami. Uminahal ko lang po siya na parang matagal na po kami."
03:32Dagdag pa niya, hindi niya alam na minor de edad at taga-tarlak pa ang biktima. 19 anos na taga-kalookan daw kasi ang pakilala nito sa kanya.
03:41Sisikapin namin makuhana ng pahayag ang biktima ukol sa sinabi ng akusado.
03:46Non-bailable ang kasong rape at tatlong counts ng child abuse na kinakaharap ng akusado na nakakulong sa Moriones Police Station.
03:54Bea Pinlock nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:58Limang beses na po na nagbuga ng abo ang Bulkang Canlaon sa Negros Island.
04:04Base po yan sa 24 oras na monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology or PHIVOX.
04:10Nagtagal ang ash emission ng apat na minuto hanggang dalawang oras.
04:14Nakapagtala pa rin po ang bulkan ng walang patid na pagsingaw at panakanakang pagbuga ng abo na may apat na raang metro ang taas.
04:23Naglabas din po ang Bulkang Canlaon ng halos 5,000 toneladang asupre.
04:28Aabot naman sa 16 ang naiulat na volcanic earthquakes kabilang ang limang volcanic tremors.
04:35Nananatili ang alert level 3 sa bulkan.
04:37Ibig sabihin patuloy na nakararanas ng magmatic unrest ang bulkan na maaaring humantong sa tinatawag na explosive eruption.
04:52Mga kapuso, gaya po nitong Enero, posibleng wala pa rin tayong bagyong ngayong Pebrero sa kasagsagan ng Amihan.
04:59Ayon sa pag-asa kung magkakaroon man ng isa, maaari na matunga lumihis o kayay mag-dissipate o tuluyang humina at malusaw bago pa mag-landfall.
05:09Sa ngayon, walang namataan na bagyo o kahit low pressure area ang pag-asa.
05:15Hanging Amihan ang nakakaapekto sa Northern Luzon, habang Easterlies naman ang umiiral sa iba pang bahagi ng bansa.
05:21Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, maraming lugar ang magkakaroon ng maayos na panahon maliban sa ilang panig ng Cagayan Valley Region, Cordillera, Central Luzon, Bicol, Mimaropa Region at Mindanao na posibleng makaranas ng light to moderate rains.
05:39Mababa naman po ang chance ng ulan dito sa Metro Manila.
05:42Ngayon pong lunes, naitala ang 15.5 degree Celsius na temperatura sa La Trinidad, Benguet.
05:4916.2 degree Celsius sa City of Pines, Baguio, habang 23.9 degree Celsius dito sa Quezon City.
05:58Sa dagat sakop ng Pangasinan naman, namataan ang ilang barko ng China nitong weekend.
06:04Sa katabing provinsya ng Zambales, tinataboy rin ang tinaguriang monster ship ng China na nagbalik doon.
06:11Balitang hatid ni Jonathan Andan.
06:1634 nautical miles o halos 63 kilometers lang mula sa baybayin ng Bolinao, Pangasinan.
06:23Ganito kalapit ang vessels 3104 at 3301 ng China Coast Guard nang namataan.
06:30Agad pinalipad ng Philippine Coast Guard ang kanilang islander aircraft at sinubukang itaboy ang mga Chino.
06:42We are patrolling the Philippine Exclusive Economic Zone.
06:45Hindi sumagot ang barko ng China Coast Guard.
06:48Pinadala na roon ng Philippine Coast Guard ang BRP Cabra at BRP Bagakay.
06:52Ginagawa na raw kasing normal ng China ang ilegal na pagpapatrol sa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone.
06:59That you are inside in the Philippine Exclusive Economic Zone.
07:02Magiging profesional at maingat naman daw ang PCG para maiwasan ang pagdala ng tension sa pinagaagawang teritoryo.
07:08Bukod sa dalawang barko sa Pangasinan, patuloy namang namamalagi sa ating Exclusive Economic Zone ang vessel 5901 o ang tinaguriang monster ship ng CCG.
07:20Nagbalik ito sa katubigan ng Zambales.
07:23Nasa layong 110 nautical miles ito mula sa baybayin.
07:27Sinubukan itong itaboy ng BRP Teresa Magbanwa batay sa 2016 Arbitral Award.
07:33China Coast Guard Vessel 5901. This is Philippine Coast Guard Vessel BRP Teresa Magbanwa.
07:40You are advised that you are currently sailing within a Philippine Exclusive Economic Zone.
07:45Pero sagot ng China hindi nito kinikilala ang Arbitration Award.
07:49Ang monster ship ng China ang pumalit sa China Coast Guard Vessel 3304.
07:54Naayon sa PCG ay naitaboy raw nila palayo sa baybayin ng Zambales.
07:58Sinusubukan pa namin makuha ang reaksyon ng Chinese Embassy Kaumene nito.
08:02Jonathan Andal nagbabalita para sa GMA in the Philippines.
08:05Makikita po ang jeep na yan na papaliko sa P. Campus Avenue sa Dasmariñas, Cavite.
08:10Pagdating sa intersection, nabanggan ito ang isang kotse.
08:14Makikita ang sinubukang umiwas ng kotse pero tinamaan pa rin at nawasak ang harapang baybayin.
08:20Pagdating sa intersection, nabanggan ito ang isang kotse.
08:24Makikita ang sinubukang umiwas ng kotse pero tinamaan pa rin at nawasak ang harapang baybayin.
08:29Pagdating sa intersection, nabanggan ito ang isang kotse.
08:32Makikita ang sinubukang umiwas ng kotse pero tinamaan pa rin at nawasak ang harapang baybayin.
08:36Ayon sa mga otoridad, hindi na tansyah ng tama ng jeepney driver ang kanyang pagliko.
08:42Nagkaroon na ng kasunduan ng dalawang panig kaugnay sa insidente.
08:48Bistado na mga otoridad ang ilang pribadong sasakyan sa Bulacan na tumatanggap ng bayad mula sa mga pasaherong pa Metro Manila.
08:56Ang ilang pasahero umaming sumasakay sa mga kolorong dahil mas komportable raw ang biyahe.
09:02Balitang hatid ni James Agustin.
09:06Pinara ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation o SAIC ang isang kotse sa gigintu Bulacan kaninang umaga.
09:13Ang kotse may sakay na tatlong pasahero.
09:16Noon na sinabi ng driver na mga kamag-anak niya mga sakay.
09:19Pero nang i-verify ng SAIC, nadeskubre na hindi silang magkakakilala.
09:23Sabay lang, sabay lang kasi pag-uwi kami ng pasay.
09:27Pinaghilid din sa kalsada ang isang AUV na may sakay namang anim na pasahero.
09:32Sabi ng driver, katrabaho niya ang ilang sa mga ito.
09:35Any amount na tanggapin mo o ialok sa iyo ng pasahero na hindi mo namang kakilala, bawal po yun.
09:41Hindi sir, hindi ko tinatanggap niya kaso pinilit na ano, hindi ko hinapasay ko siya. Sir, miss ako sabi ko.
09:46Hindi rin pinalampas ang isang kotse na may mga pasaherong patungo sa LRT.
09:50Hindi kayo pinapayagang magsakay ng pasahero at maningil ng pamasahe kasi private yung sa sakin ninyo.
09:58Ang isa sa mga pasahero aminado nagbayad ng 100 pesos.
10:01No choice naman kasi kami. Pagka lunis kasi talagang mas pinipili namin yung mga ganito.
10:08Kasi mas comfortable kasi kami. Compare sa mga bus, punuhan talaga, nakatayo, standing, siksikan.
10:14Limang motorista ang nahuli sa anti-colorum operations.
10:18Sabi ng SAIC nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga lehitimong driver operator sa lugat.
10:23Lubharaw mapangani para sa mga pasahero na sumakay sa mga colorum.
10:27Kat unang una po ay yung pong safety ng ating mga pasahero.
10:31Pangalawa, yung pong insurance nung mga nakasakay ay hindi po natin masisiguros.
10:36At pangatlo po, ang mga ganito pong klase ng sasakyan ay hindi po natin nare-regulate ang kanilang pamasahe.
10:43In-impound ang mga sasakyan sa LTO Central Office.
10:46120,000 pesos ang multa para sa mga nahuling kotse, habang 200,000 pesos sa AUV.
10:53James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:56Ito ang GMA Regional TV News!
11:01Balita naman mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
11:05Dumarami po ang mga batang tinatamaan ng hand, foot and mouth disease sa ilang lugar sa Luzon.
11:11Chris, saan-saan mga lugar yan?
11:15Connie, naitalayan sa ilang lugar sa Region 1 at Pampanga.
11:19Sa monitoring ng Region 1 Center for Health and Development,
11:21sa monitoring ng Region 1 Center for Health and Development,
11:24simula January 1 hanggang 18 ngayong taon,
11:27mahigit sa dalawang daanah ang mga kaso,
11:30kumpara sa 41 noong 2024.
11:33Pinakamarami ng kaso sa Pangasinan at La Union,
11:36na parehong mahigit sa isang daang kaso.
11:38Mga batang edad 1 hanggang 4 ang kariliwang tinatawaan ng HFMD.
11:43Sa Angeles City, Pampanga naman,
11:45may mahigit sa 50 kaso na ng hand, foot and mouth disease
11:49simula January 20 ngayong taon.
11:51Mas marami yan kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang taon na 13.
11:58Ayn sa Angeles City Health Office,
12:00ang mga biktima ay nasa edad 1 hanggang 8.
12:03Nagsasagawanan ng disinfection ng Lokal na Pamahalaan
12:06sa iba't-ibang paaralan para maiwasan ang pagkalat ng mga sakit.
12:11Ibang balita naman, sugata ng isang rider ng motorsiklo
12:15matapos siyang sumalpok sa isang SUV sa Dasmarinas, Cavite.
12:18Yan at iba't-ibang mainit na balita hatid ni CJ Torrida ng GMA Regional TV.
12:26Papasok sa inner lane ang SUV na yan para sana mag-U-turn
12:30sa kalsadang sakop ng barangay Burul, Maine sa Dasmarinas, Cavite.
12:34Nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo at bumanga.
12:38Ang rider nito, napaupo sa Center Island matapos ma-aksidente.
12:42Hindi raw siya agad nakapagpreno.
12:45Nilapatan siya ng paunang lunas.
12:46Nagkasunduri ng dalawang panig matapos ang aksidente.
12:52Tatlong linemen ang kabilang sa apat na naaresto matapos mahuling
12:56nagnanakaw ng kable ng isang telco sa barangay ni Baliv Vidal, San Fabian, Pangasinan.
13:02Ayon sa mga otoridad, umabot sa labindalawang metro ang haba ng ninakaw na kable.
13:07Tinanggal yung cable wire.
13:10Nirol yung nilagay sa sasakyan.
13:13Saktulog po na nagpa-patrolya po tayo that time.
13:16Tumangging magpaunlak ng panayam ang mga naaresto.
13:19Ngunit ayon sa pulisya, inamin nila ang pagnanakaw.
13:22Isa sa kanila ang nakapaghain na ng piansa.
13:27Tumaog sa palaya ng isang pick-up matapos bumanga sa traffic sign sa Bacaray, Lucas, Norte.
13:32Sa imbesikasyon, galing sa isang bar and restaurant ang pick-up na may labindalawang sakay.
13:38Habang palabas, nag-overshoot ito sa kurbadang bahagi ng kalsada at dumiretso sa palayan.
13:44Tinagbo sa ospital ang mga sakay ng pick-up.
13:46Wala pang pahayag ang driver nito na napagalamang nakainom nang mangyari ang insidente.
13:52CJ Torida ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:03Sa mga bibili naman dyan ng itlog, nako'y maghanda na po ng ekstrang budget.
14:09Dahil tumaas ang presyo niyan sa ilang pamilihan.
14:12Sa bagsakan nga po ng itlog sa Blue Madrid Market sa Maynila,
14:15P240 pesos na ang kada tray ng itlog na dati P210 pesos lang.
14:21Hanggang P2,000 pesos naman kung kada case.
14:25Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Q. Laurel Jr.,
14:27nakaka-apekto ang pagkalat ng bird flu sa Amerika sa supply ng mga itlog sa world market.
14:34Nangangamba ang DA na baka magkaroon ng shortage ng itlog sa Abril.
14:38Pero sabi naman po ng Philippine Egg Board Association,
14:41sapat ang supply ng itlog sa bansa hanggang Abril at Mayo pa nga dahil sa mga lokal na produksyon.
14:48Sa ibang pamilihan sa Metro Manila, P6-8 pesos ang kada piraso ng Tiwi Egg.
14:53P8-50 centavos hanggang P11 pesos kada piraso naman ang Jumbo Size.
14:59Sa Brown Eggs naman, P8-13 pesos ang kada piraso niyan depende kung medium, large o extra large.
15:09Samantala, hulikam ang pagtangay ng isang lalaki sa gadget na ginagamit sa operasyon ng isang coffee shop sa Marikina.
15:16Balidang hatid ni EJ Gomez Exclusive.
15:22Sa kuha ng CCTV sa isang coffee shop sa Barangay San Tonino, Marikina City magtatanghali kahapon,
15:29kita ang isang babaeng staff na nakatalikod na tila may inaayos.
15:34Maya-maya, isang lalaking nakasuot ng bonnet ang pumasok sa tindahan.
15:39Sa isa panganggulo, kita ang paglapit ng lalaki sa counter na para bang o order.
15:44Nambiglang, kinuha ng lalaki ang gadget na nakapatong sa counter ng coffee shop.
15:49Agad umalis ang lalaki na hindi agad napansin ng staff.
15:53Ang ninakaw ng lalaki, ang gadget na nagsisilbing POS o point of sales machine sa shop.
15:59Ayon sa may-ari ng coffee shop, aabot sa 15,000 piso ang halaga ng nanakaw na gadget.
16:06Yung staff po namin, may sinasalin po siya sa container na ginagamit po namin na paninda.
16:12Mas mabilis po yung nangyari. Kinuha niya po yung tablet ng marahan lang,
16:18then lumabas po siya ng dire-direcho. Tinago niya siya sa tagilira niya.
16:22Nang i-check nila ang GPS ng gadget,
16:25natay niya na agad yung cellular kasi may cellular po yung gadget.
16:28So kapag nakapatay po yun, hindi na po malolocate yung ano.
16:32Then mga ilang oras lang nag no location found na po siya.
16:36Bukod sa pagfile ng reklamo sa barangay,
16:38nag-post din sa social media ang shop owner ng CCTV footage ng nangyaring pagnanakaw,
16:44na agad namang nag-viral.
16:46May nakakilala sa kanya and then gumawa agad ng follow-up na investigation ng ating barangay.
16:53Napapatalas daw sa lugar ang mga insidente ng salisi sa mga establishmento,
16:57ayon sa barangay.
16:59So dahil po sa nangyari, siyempre naapektuhan po yung daily operations namin
17:04since hindi kami makapag-punch kung magmamanual na lang po kami.
17:08Sana ibalik niya na lang po kasi talagang kailangan po namin siya sa business po namin.
17:14Nai-report na sa polisya ang insidente.
17:17Patuloy naman ang pagtuntun sa salarin.
17:20EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
17:29Happy Monday mga mary at pare!
17:31Blessed with the love of an angel na naman ang Pinoy fans
17:35sa pagbabalikbansa ng late 90s boyband na A1.
17:41Sa aming tsikahan, it's going to be a romantic Valentine's season daw
17:46sa kanilang multi-city tour ngayong February.
17:49Bibisita ang British-Norwegian band sa Bacolod City,
17:52kagayan De Oro City, Cebu, at dito sa Quezon City.
17:57Kabilang daw sa kakantahin nila ang classic hits gaya ng Heaven By Your Side
18:02at If You Were My Girl.
18:04Pero sabi ng band pianist na si Christian,
18:07like a rose daw ang i-dedicate niya sa Pinoy fans
18:11dahil sa overwhelming love na natatanggap nila from us.
18:15Huling nag-concert sa bansaang A1 noong 2023 para sa kanilang 25th anniversary.
18:21Lumipot na rao sa online lending applications
18:24ng ilang operator na galing sa Pogo noon ayon sa Paok.
18:28Nabisto yan kasunod ng pagsalakay nila sa opisina ng dalawang app
18:32na inirereklamo na nagbabanta at nanghaharasumanuan
18:36ng mga hindi pa nakakabayad sa kanila ng utang.
18:39Balitang hatid ni Salima Refran.
18:43Pupugutan na po ako ng ulo, huwag daw po ako lalabas
18:46kasi babarilin daw po ako.
18:48Ipaparate daw po ako.
18:50Buong pamilya ko po papatayin daw po niya.
18:53Matinding pagbabanta at pananakot ang dinanas ni Flor.
18:57Di niya tunay na pangalan nang di mabayara ng inutang sa online lending app o OLA.
19:02Naisip ko na tapusin nalang lahat.
19:05Pero mas inisip ko po yung kapakanan ng anak ko.
19:08Mas kailangan po nila ako.
19:10Mas kailangan po nila ng nanay.
19:12Ang mas matindi, maging mga mahal sa buhay.
19:15Damay sa mga naisip,
19:16yung family namin.
19:18Ihaharasin din po nila yan.
19:20Talagang ginagawa nila ng pornographic material yung mga bata.
19:24Kahit grandparents mo,
19:26edit po nila yung mukha nun,
19:28tapos kung saan nila ilalagay.
19:30Mas worse pa po dun,
19:32yung iba nilalagay po talaga nila sa website.
19:34Maging mga may good credit at good payer
19:37sa pilitan raw na pinagloloon muli.
19:40Pinagre-re-loan ako, kahit ayoko na.
19:43Doon nila ako inaharas.
19:44Sa pagre-re-loan.
19:46Php15,000 yun yung nire-re-loan nila sa akin.
19:48Php7,000 lang yung natanggap ko.
19:50Tapos kung ibabalik ko rin yun within a second,
19:52kailangan ibalik ko yung Php15,000.
19:54Araw-araw po natatawag po sila,
19:56starting po ng 6 a.m., every 5 minutes,
19:58natatawag sila.
20:00Ibat-ibang number,
20:02ibat-iba rin po yung nagtatext.
20:04The more that parang instant yung bigay sa'yo,
20:07ang laki ng sacrifice.
20:09Lulubog at lulubog ka po
20:11kasi ang kanilang interest is Php40,000 to Php50,000.
20:14Bukit pa po sa interest,
20:16may mga hidden charges pa sila,
20:18mga penalties.
20:20So talagang,
20:22imbis na makaahon ka sa inutang mo
20:24na hindi mo naman nakuha ng buo,
20:26malulubog ka pa sa interest,
20:28malulubog ka pa sa mga penalties.
20:32Kaya ang NBI at PAOC
20:34sinalakay ang dalawang online lending applications
20:36sa Makati sa visa ng search warrant.
20:39May nadatnan pang mga scripts
20:41sa mga computer
20:42para manghigayat na mang-utang
20:44pati na paniningil ng pa-utang.
20:47Marami na pong yung mga nagtangka magpakamatay,
20:51nasira yung buhay,
20:53karo ng depresyon.
20:55Ilan ang kliyente mong kinukulit kada araw?
20:57100 plus po.
20:59Paano mong kinukulit o sinisingil?
21:01Reminders lang po na kung pwede sila makapag-advance.
21:05Kayo po ba yung nananakot din
21:07at nagbabanta sa mga inagluling sa inung binangkabayad?
21:10Hindi po.
21:12131 na mga Pilipinong kinustudiya
21:15ng NBI at PAOC
21:17doon sa ginawang raid sa mga online lending applications
21:20noong isang linggo.
21:22Pero 117 lamang yung paharapin
21:24sa mga reklamo ng paglabag sa Data Privacy Act.
21:28Yan ay dahil may mga bumaligtad
21:30at piniling maging testigo.
21:32Meron ho tayong mga nakuhang testigo,
21:35mga na-convince-in ang mga trabahador
21:37na mag-testigo laban sa kumpanya.
21:39Sa kanilang palagay,
21:40merong mga hindi na tamang ginagawa yung kumpanya
21:43kasi harassment na nga,
21:45pananakot yung ginagawa doon
21:47sa kanilang mga sinisingil na mga nagkakautang.
21:49Sa imbesigasyo ng PAOC
21:51sa online lending applications na raw lumilipat
21:54ang ilang operators sa mga Pugo
21:56ngayong bawal na ang mga ito.
21:58Nakita na raw nila ito noong mag-raid
22:00sa isang online lending company sa Makati
22:02noong October 2023.
22:04Malaki din ito,
22:06baka kung pagsasama-asamain mo lahat yan,
22:08baka billions din ito,
22:10sa ganyan.
22:12Ang mabigat dito,
22:14kumikita sila
22:16sa dugo at pawis
22:18noong mga kababayan natin.
22:20Talaga na-establish natin
22:22na ito is
22:24hindi lang locally
22:26but internationally
22:28ang operation nila.
22:30Ang nakita natin dito
22:32is Chinese din ang nagpapatakbo.
22:34Ang nabago lang,
22:36mga Pilipino naman ang mga empleyado.
22:38Ang nakakalungkot kasi dito,
22:40ang mga nanloloko,
22:42ang mga nangaharas,
22:44ang mga nagbibigay
22:46ng sakit ng loob
22:48is mga Pilipino din.
22:50At ito,
22:52ang nagpapasunod sa kanila,
22:54nagpapatakbo ng operation,
22:56ay mga Chinese o mga foreign nationals
22:58na siyang nagsisilbing mga boss
23:00nitong loan application.
23:02Ang SEC
23:04o Securities and Exchange Commission
23:06ang nangangasiwa sa mga financial lending instruments
23:08tulad na mga online lending applications
23:10Mula 2023,
23:12halos 24,000 reklamo na
23:14tungkol sa unfair debt collection
23:16ng mga ola ang kanilang natanggap.
23:18Pero mahigit 300 lang
23:20ang nag-formalisa ng kanilang mga reklamo.
23:22May mga kasong naihain na
23:24ang SEC sa Piskalya
23:26laman sa mga korporasyong may hawak
23:28sa mga nirereklamong mga ola.
23:30Sa SEC Circular 2019-18,
23:32nakalatag ang mga pinagbabawal
23:34na debt collection practice
23:36tulad na mga pagmumura,
23:38pagbabanta,
23:40paglipo ng impormasyon.
23:42Yung sa permission to access gallery,
23:44contacts, cameras, microphone,
23:46talagang pinagbabawal yun.
23:48We write,
23:50officially write our partners
23:52and request for removal.
23:54Monetary penalty,
23:56suspension, revocation
23:58after the due process.
24:00Sarima Nefra nagbabalita
24:02para sa GMA Integrated News.
24:03Kita ang pangbubuno
24:05ng dalawang basketball player
24:07habang nasa court
24:09sa Barangay Rotonda
24:11sa Kolonadal, South Cotamato.
24:13Doon na lumapit ang kakampi ng dalawa
24:15hanggang sa na uwi na nga po
24:17sa Rambol.
24:19Umasok na rin sa court
24:21ang ilan pa nilang ka-team.
24:23Ayon sa may-ari ng video,
24:25nagsimulang magkainitan
24:27ang dalawang kopunan
24:29sa fourth quarter ng laro.
24:31Pinalabas sila sa court
24:33wala pang pahayag
24:35ang organizers ng Liga.
24:39Bukas na po inaasang
24:41ideklara ng Department of Agriculture
24:43ang National Food Emergency
24:45para mapababa ang presyo ng bigas.
24:47Natanggap na raw kasi
24:49ng DA ang rekomendasyon
24:51ng National Price Coordinating Council
24:53sabi ni Agriculture Secretary
24:55Francisco T. Laurel Jr.
24:57Sakaling ipatupad na ito,
24:59papayagan na ang National Food Authority
25:01na maglabas ng buffer stock
25:03ng NFA na bumili ng bigas direkta
25:05mula sa mga magsasakah.
25:07Tatlong daang libong sako ng bigas
25:09ang nakatakdang ibenta ng NFA
25:11sa mga LGU sa halagang
25:1336 pesos kada kilo.
25:15Inaasahan namang maibenta ito
25:17sa publiko sa halagang
25:1938 pesos kada kilo.
25:21Posible parao na dagdaga ng NFA
25:23ang bigas na kanilang ilalabas
25:25kung kakailangan iyan.
25:33Magkita naman tayo sa Visayas
25:35at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
25:37Isang dating barangay tanod
25:39ang binaril ng isang lalaki
25:41sa Iloilo City.
25:43Cecil, ano na ang naging dahilan
25:45ng kanilang away?
25:47Connie, ilang araw bago
25:49ang insidente,
25:51nakasagutan daw ng biktima
25:53ang nanay ng sospek.
25:55Kaya tingin ng mga taga roon
25:57paghihiganti ang motibos
25:59sa pamamaril.
26:01Yan at iba pang may inita balita
26:03ng isang lalaki.
26:06Hagip sa CCTV
26:08ang sakitan ng dalawang lalaking yan
26:10sa Molo District sa Iloilo City.
26:12Maya-maya, makikitang
26:14naglakad paatras
26:16ang lalaking nakapote
26:18na may dugo na sa kanyang damit.
26:20Tinutukan na pala siya
26:22ng baril ng lalaking kaaway niya.
26:24Hinabol pa siya ng lalaki
26:26hanggang sa matumba siya.
26:28Pagkatapos,
26:30tumakas na ang lalaking
26:31na may bala sa tadyang at iyan.
26:33Sumuko naman kalaunan
26:35sa mga pulis ang lalaking na maril sa kanya.
26:37Ayon sa mga taga roon,
26:39posibling paghihiganti
26:41ang ugat ng away
26:43dahil nagkasagutan daw
26:45ang biktima at ang nanay ng sospek
26:47ilang araw na ang nakalilipas.
26:49Ipinatawag sa barangay ang dalawa
26:51pero hindi humarap ang biktima.
26:53Base naman sa pahayag ng sospek,
26:55sumuko siya dahil handa siya makipag-usap
26:57para maipagtanggol ang kanyang sarili.
26:59Wala pang pahayag ang biktima.
27:02Nahulog sa isang bangin ang isang truck
27:04sa Carcar Cebu.
27:06Base sa embestigasyon,
27:08bumangga sa tindahan sa gilid ng kalsada ang truck
27:10na may kargang mga manok.
27:12Doon na raw ito nahulog.
27:14Sugata ng truck driver at kanyang helper
27:16pati ang 12-anyos na anak ng may-ari ng tindahan.
27:18Paliwanag ng driver sa pulisya
27:20na walan siya ng preno.
27:22Inihahanda na ng mga pulis
27:24ang reklamang reckless imprudence
27:26resulting in physical injury
27:28and damage to property.
27:32Nagpositibo sa typhoid fever
27:34ang mahigit 20 residente
27:36ng barangay Gunting sa Barili,
27:38Sibu, Nitong Inero.
27:40Ayon sa kapitan ng barangay,
27:42na isa sa mga nagpositibo,
27:44nakaranas ang ilan nilang residente
27:46ng lagnat, pananakit ng tiyan at katawan.
27:48Sa 27 nagkaroon ng typhoid fever doon,
27:50idad-apat daw ang pinakabata.
27:52Ipinagutos na ng lokal na pamalaan
27:54na alamin ang sanhinang pagpositibo
27:56ng mga residente sa sakit.
27:58Bakteriya ang pinagmumula
27:59ng typhoid fever,
28:01kaya isa ang kontaminasyon sa tubig
28:03sa mga tiniting ng dahilan ng mga otoridad.
28:05Planong bigyan ng LGU
28:07ng chlorinated water
28:09ang mga residente
28:11para masigurong malinis na tubig
28:13ang kanilang maiinom.
28:15Femory dumabok
28:17ng GME Regional TV.
28:19Nagbabalita para sa GME Integrated News.
28:22Patay na ng matagpuan
28:24sa loob ng sirang kotse
28:26ang magkapatid na batang lalaki
28:27sa Labason, Zamboanga del Norte.
28:29Ayon sa pulisya,
28:31January 26 pa,
28:33huling nakitang buhay
28:35ang dalawang batang lalaki
28:37idad 5 at 6.
28:39Nagpa-blotter ang ina nila
28:41dahil sa kanilang pagkawala.
28:43Base sa embesigasyon ng pulisya,
28:45naglalaro ang mga bata
28:47at nagtago sa loob
28:49ng isang sirang pickup
28:51na nakaparada sa isang shop.
28:53Batay sa palatandaan sa sasakyan,
28:55sinubukang lumabas ng magkapatid
28:57na natuklasan ng may-ari ng shop
28:59ang mga bangkay
29:01matapos ang mahigit dalawang araw
29:03dahil may nangangamuyraw.
29:05Inilibing ang mga bata
29:07nitong Biernes, January 31.
29:14Senti-mode ang fans
29:16sa reunion ng host
29:18at ilang alumni ng Popstar Kids.
29:20Spotted sa backstage ng concert
29:22ni Filipino legendary musician
29:24na si Benny Saturno,
29:25sina Queendom Divas Julian San Jose
29:27at Rita Daniela.
29:29Nakasama nila
29:31at napat-throwback si Kyla
29:33na nuoy host ng Kapuso Singing Competition.
29:35Matatanda ang winner
29:37ng Popstar Kids Season 1,
29:39si Undeniable star Rita
29:41at isa sa mga finalist
29:43sa Limitless star Julian.
29:45Para kay Julie, nakakatabaro ng puso
29:47ang muling pagsasama nila.
29:52I'm just happy kasi
29:53nakita ulit kami nila at Kyla
29:55after so many years.
29:57Siyempre bihinan na lang
29:59magkita sa mga events.
30:01Grabe, nakakamiss.
30:06Samantala, si Sili Pinan
30:08ng Department of Education
30:10kung saan saang rehiyon sa bansa
30:12ang may sobrang prinsipal
30:14maging iyong mga wala pang
30:16pinamumuno ang eskwelahan.
30:18Sa inilabas kasi na pag-aaral
30:20ng 2nd Congressional Commission
30:21sa kalahati ng mahigit
30:2345,000 DepEd schools
30:25ang may prinsipal.
30:27Balit ang hatin ni Nico Wahe.
30:322013 pa nagsimula magturo
30:34sa public school si Michael
30:36hanggang naging head teacher
30:38at itinalagang teacher-in-charge
30:40sa Citroen Elementary School
30:42sa Tarlac City noong 2016
30:44kung saan trabahong school principal
30:46ang kanyang ginagawa.
30:48We do classroom observations.
30:49We do a lot of AOs.
30:51We do also some sort of finances
30:53as to liquidations.
30:55And attended training
30:57same with the full-fledged principals.
31:00Para maging prinsipal,
31:02karaniwang kumukuha ng
31:04National Qualifying Examination
31:06for School HEDSO and KESH.
31:08Hindi nakapasa rito si teacher Michael
31:10nang mag-take noong 2018 at 2022.
31:12Pero binigir pa rin daw siya
31:14ng paaralang iahandel
31:16dahil sa kakulangan din
31:17sa 2022
31:19after the pandemic
31:21doon lang sila nag-release ulit
31:23pero this time ano lang siya
31:25parang limited slots lang.
31:27Kaya ngayon nagre-review raw siya ulit
31:29para sakaling may chance
31:31ang mag-NKESH ay handa siya.
31:33Sa inilabas na pag-aaral
31:35ng 2nd Congressional Commission on Education
31:37o EDCOM 2,
31:39sa mahigit 45,000 DepEd schools
31:41lagpas 20,000 lang ang may prinsipal.
31:43Sa halos 25,000 schools
31:45na walang prinsipal
31:47or officer in charge
31:49ang namumuno.
31:51Dahil sa kakulangan,
31:53balak ng DepEd na ipatupad
31:55ang 1 is to 1 principal to school policy.
31:57Ibig sabihin,
31:59anumang paaralan,
32:01gano man kalaki,
32:03dapat may prinsipal.
32:05Tinitingnan din daw nila
32:07kung saang regyon
32:09may sobrang prinsipal.
32:11Mayiba kasing gaya ni teacher Dennis
32:13mula sa Schools Division Office
32:15ng Dagupan
32:17isa yun sa mga
32:19concerns namin.
32:21Normally, kapag kami na-promote
32:23ng mga
32:25current principals
32:27into higher positions
32:29or kung may mga
32:31nag-retire ng maaga,
32:33that's the only time that we can
32:35apply for that position
32:37once it is opened
32:39by our division office.
32:41Ang panawagan sa DepEd
32:43ng mga gaya ni Teacher Michael
32:45na head teacher
32:47saan daw kasing silang
32:49nadi-displace kapag may prinsipal
32:51ng in-assign sa hinawakan nilang paaralan.
32:53Sinusubukan pa namin kunin
32:55ang panig ng DepEd.
32:57Nikuwahe, nagbabalita
32:59para sa GMA Integrated News.
33:04Beehive, mag-ingay
33:06para sa exciting news
33:08from Beyoncé.
33:10Mula sa successful na
33:12Renaissance World Tour,
33:14back on the road soon si Queen B
33:15sa Cowboy Carter Tour.
33:17Isyadere ni Beyoncé
33:19yung balitang yan sa kanyang
33:21social media accounts.
33:23Noong January 14 pa sana
33:25ang announcement,
33:27pero na-delay dahil sa wildfires
33:29noon sa Los Angeles, California.
33:31Inaabangan na ng fans
33:33ang dates at locations
33:35ng Cowboy Carter Tour.
33:38Tangpok sa isang
33:40immersive exhibit
33:42ang mga iconic na obra
33:43ng Japanese artist.
33:45Dan ang Hokusai,
33:47another story in Tokyo
33:49na attraction ngayon sa Tokyo, Japan.
33:51Hindi lang makikita ang artwork
33:53kundi makaka-interact pa nila
33:55ang tila buhay ng mga obra.
33:57Gamit ang haptic plate sa sahig,
33:59mafe-feel mo
34:01ang scenery ng mga obra
34:03gaya ng pag-alakad sa beach,
34:05tulay o snow.
34:07Nag-silving giant canvas naman
34:09ang busaling niyan
34:11sa Barcelona, Spain.
34:13At Lowe, naka-project ang
34:15video mapping ng isang artist
34:17na inspired sa pagtubo
34:19ng iba't-ibang puno.
34:21Ang paandar na mix
34:23ng classical at modern
34:25elements ng art,
34:27pinuri ng mga bumisita.
34:29Wow!
34:31Samantala,
34:33priority dapat ang pedestrian
34:35sa mga pedestrian lane
34:37ayon sa batas.
34:39Mali ba na lamang kung nasa
34:41intersection,
34:43baka tawid ng ligtas?
34:45Malitang hati ed ni Darlene Kay.
34:51Paulit-ulit ang paalala
34:53sa lahat na tumawid lang
34:55sa tamang tawiran.
34:57Mahigit siyang narang-aksidente
34:59yung kinasangkutan ng pedestrians
35:01ang naitala sa unang bahagi
35:03ng 2024, base sa datos
35:05ng GMA Integrated News Research.
35:07May namatay sa 28 na insidente,
35:09habang may sugata naman
35:11sa 879.
35:13Saan ba lulugar ang pedestrians
35:15kung sa mismong itinatdang tawiran
35:17na babangga pa rin sila?
35:19Ayon sa Republic Act 4136
35:21o Land Transportation and Traffic Code,
35:23prioridad ang pedestrians
35:25sa may kalsada na may crosswalk
35:27o pedestrian lane,
35:29maliban sa intersections kung saan
35:31may traffic enforcer o traffic line.
35:33Sa mga kalsada nga walang tawiran,
35:35kailangang magbigay daan
35:37ng pedestrians sa mga sasakyan.
35:39Pero sa isang bahagi ng
35:41Ibonifacio Avenue sa Marikina
35:43pero sa mga sasakyan
35:45ang mga tumatawid.
35:47Mas nakakalito kasi yung iba pong sasakyan
35:49huminto sila, yung iba hindi.
35:51Siyempre nakakatakot,
35:53baka may bigla kaming babangga diba?
35:55Sa kanto naman ng Sumulong Highway
35:57at Katipunan Extension sa Marikina,
35:59may tawiran with matching countdown
36:01pa ang pedestrian sign.
36:03Ang problema,
36:05sampung segundo lang
36:07ang oras para tumawid.
36:09Napagkatuwaan tuluyan
36:11ng netizens.
36:13Kung kumasa sa challenge.
36:15Simula na ng sampung segundo,
36:17tignan natin kung kakayanin ko.
36:19Kailangan, kung hindi ka naglalakad ng mabilis,
36:21talagang tumatakbo ka para umabot.
36:233, 2, 1.
36:25Umabot tayo doon sa timer.
36:27Saktong-sakto lang.
36:29Pero kasi isipin nyo medyo bata pa ako.
36:31Paano kung yung tumatawid,
36:33senior citizen, PWD,
36:35may dalang bata o kaya buntis,
36:37kakayanin ba nila yung sampung segundo?
36:39Masyado maiksi naman yun.
36:40Lalo na kung matanda ka,
36:42pareho ko,
36:4485 na ako,
36:46hindi naman ako pwedeng tumatakbo.
36:48Sa isang mensahe,
36:50sinabi ni Marikina Mayor Marci Teodoro
36:52nasa MMDA daw galing ang traffic light
36:54pero nag-iimbisigan na rin siya
36:56ukol dito.
36:58Sinusubukan pa namin kunin
37:00ang pahayag ng MMDA.
37:02Para kay Gus Lagman ng
37:04Automobile Association of Philippines,
37:06may kakulangan sa pagpapatupad
37:08ng mga batas sa kalsada.
37:10It's safer to cross
37:12sa intersection gaya rito.
37:14Dapat intersection,
37:16dapat mag-minor sila.
37:18So it's safer to cross
37:20sa mga intersections.
37:22Bukod sa mga motorista,
37:24dapat responsable rin ang pedestrians.
37:26Sa isang bahagi ng Aurora Boulevard
37:28sa Quezon City,
37:30maraming tumatawid sa hindi naman tawiran
37:32at kahit may footbridge sa malapit.
37:34Malaki rin daw
37:36ang maitutulong ng
37:38mas magandang mga infrastruktura
37:40na mayroong tung sa Makati City.
37:42Stop.
37:44Signal is red.
37:46Push button.
37:48And wait for signal to cross.
37:50May sensor sa may pedestrian lane
37:52kaya mapipigilan ng tangkang pagtawid
37:54sa gitna ng traffic.
37:56Darlene Kay,
37:58nagbabalita para sa GMA Integrated News.
38:00Sa iba pang balita,
38:02arestado po ang dalawang lalaki
38:04sa magkahiwalay na barangay
38:06sa malabuan dahil sa iligan
38:08na pagpapaputok ng baril.
38:10Noong Sabado,
38:12matapos i-report ng ilang residente.
38:14Paliwanag po ng suspect,
38:16hinablutan daw siya ng quintas
38:18kaya hinabol niya ang snatcher
38:20at apat na beses nagpaputok ng baril.
38:22Meron siyang permit to carry firearms
38:24outside of residence
38:26pero walang exemption mula sa Comelec.
38:28Nakulong din po ang isang lalaking
38:30nagpaputok ng baril sa barangay Longos
38:32noong Diernes.
38:34Wala siyang naipakitang kaukulang dokumento
38:36para sa kanyang baril.
38:38Wala rin siyang pahayag.
38:40Wala rin siyang mga barangay
38:42sa election gun ban.
38:45Nagtipon-tipon ang mga kaanak
38:47ng ilang mga biktima
38:49ng extrajudicial killings
38:51para ilipat sa isang dambana
38:53ang kanilang mga nasawing mahal sa buhay.
38:55At may ulit on the spot
38:57si Darlene Cai.
38:59Darlene?
39:01Kony inilagas na rito sa dambana ng paghilom
39:03sa Laloma Catholic Cemetery
39:05ang labing-labing-walong biktima
39:07ng extrajudicial killings sa EJK.
39:08EJK victims
39:10ng war on drugs
39:12sa ilalim ng Administrasyong Duterte.
39:14Bukod sa MISA,
39:16nagsalita rin sa isang maikling programa
39:18ang ilang kaanak ng mga nasawing.
39:20Emosyonal ang iba
39:22habang isa-isang inilagay ang urn
39:24kung nasaan ang kanika nilang mga mahal sa buhay.
39:26Sabi ni Lorna,
39:28makatunggal aduan,
39:302017 pa pinatay ng riding in tandem
39:32ang kanyang kapatid,
39:34pero hindi pa rin nagditilomang sugat
39:36na iniwan ang tragedy.
39:38Sabi ni Alias Maria,
39:40naninindigan siyang hindi nanlaban
39:42ng kanyang anak.
39:44Hanggang ngayon,
39:46umaasa pa rin daw siyang makakamit nila
39:48ang hustisya.
39:50Sabi ni Flavie Villanueva
39:52ng Project Paghilom
39:54nasa 50 labina ng EJK victims
39:56ang nailibin dito sa dambana ng paghilom.
39:58Sila ang pinatay ng mga vigilante
40:00at namatay sa Police Drug Operation
40:02sa kasagsagan ng Oplantokha
40:04o Gera Kontra Droga.
40:06Sabi ni Father Flavie,
40:08nila ang hinukay
40:10para sa independent autopsies
40:12bilang bahagi ng pagkuha ng hustisya.
40:14Yung iba naman,
40:16ay natatapos na ang 5 kontrata
40:18o 5 taong kontrata sa Public Cemetery
40:20kaya inbes na mapunta sa mass grave,
40:22dito na nila inilalagay.
40:24Yan ang latest sa Kalooka.
40:26Nakupon si Darlene Cai
40:28para sa GMA Integrated Week.
40:30Marami salamat Darlene Cai.
40:39Patay sa pamamaril
40:41ang isang babaeng nakatira
40:43sa gilid ng kalsada sa Bacolod City.
40:45Base sa investigasyon,
40:47bumibili ng sigarilyo ang babae sa Barangay 3
40:49nang targetin siya
40:51ng hindi pakilalang mga sospek.
40:53Hinala ng pulisya,
40:55posibleng drug-related group
40:57ang nasa likod ng pagpatay.
40:59Ayon daw kasi sa live-in partner
41:01ng biktima,
41:03gumagamit ng iligal na droga
41:05ang kanyang kinakasama.
41:06Ang impormasyon na
41:08tinatig-sunduraw ng isang SUV
41:10ang biktima isang araw
41:12bago mangyari ang insidente.
41:16Bilang pagdiriwang naman
41:18ng National Art Month ngayong Pebrero,
41:20iba't-ibang artists
41:22ang gumawa ng mga mural
41:24sa National Road ng Cabuyao, Laguna.
41:26Nakulong ng kulay
41:28ang pader sa gilid ng kalsada.
41:30Tampok doon ang ganda ng kalikasan,
41:32tradisyonal na diseño
41:34ng mga establishmento,
41:36at sa mahalaan para buhayin
41:38ang kultura sa lungsod.
41:40Isang dingguraw ang ginugon
41:42ng mga artists para gawin ang mural.
41:44Buko dito, may exhibit din doon
41:46kung saan makikita
41:48ang mga obra ng iba't-ibang artists.
41:53Dugoang nakahandusay
41:55at wala ng buhay
41:57ang lalaking ito
41:59matapos walang habas na pagbabarilin
42:01ng riding in tandem
42:03sa Rodriguez Rizal.
42:04Ito nanggagawin sa hapon
42:06sa isang karinderia
42:08sa Sitio Harangan, Barangay San Isidro.
42:10Ayon sa pulisya,
42:12kumakain ang 25-anyos na biktima
42:14nang syay barilin.
42:16Biglang ang dumating itong suspect,
42:18dalawa na nakamotor,
42:20at walang habas na pinaputukan
42:22yung ating biktima.
42:24At hinabol pa ito,
42:26doon sila nagpangabot sa may CR
42:28kung saan ay doon na namatay
42:30yung ating biktima.
42:32Nagtamo na mga tama ng bala
42:34at pagkakakintuan ng CR
42:36na recover sa crime scene
42:38ng limang baso ng bala.
42:40Wala rong CCTV sa lugar
42:42pero sa tulong ng mga saksi
42:44natukoy ang pagkakakilala
42:46ng isa sa dalawang sospek
42:48basis sa investigasyon
42:50dati naroon na kulong ang biktima
42:52dahil sa droga.
42:54Malaki ang possibility na drugs
42:56ang kanilang pinagugutan nito
42:58at unsihan sa droga.
43:00Patuloy ang manhunt operation
43:02sa dalawang sospek
43:04ato'y magulis.
43:06Isang lalaking 22 anyos ang sugatan
43:08matapos barilin o manunang sumpak
43:10ng kanyang kapitbahay.
43:12Nagkaroon sila ng biruan
43:14na hindi maganda
43:16at hindi nagustuhan ng sospek
43:18yung isinagot nung biktima natin
43:20at nagsabi maghintay ka lang
43:22at yun nga,
43:24ilang sandali lang
43:26at kumuha nga ng sumpak
43:28at dalawang bisis nga
43:30itong binarel yung ating biktima.
43:32Nagtamo raw ang biktima
43:34ng ating katawan
43:36kabilang ang dibdib
43:38kasalukuyan sa nagpapagaling sa ospital.
43:40Ayon sa pulisya,
43:42patuloy ang pagtuntun sa sospek
43:44na nasa watchlist din daw ng barangay.
43:46Sasampahan siya ng reklamong
43:48frustrated murder.
43:50EJ Gomez,
43:52nagbabalita para sa GMA Integrated News.
43:54Patay ang babaeng 25 anyos
43:56ng bumagsak sa Gimba, Nueva Ecija
43:58ang pinalilipad niya ang helicopter.
44:00Nakita ang helicopter
44:02na nakalubog sa tubig
44:04sa Pilipinas
44:06pasado alas 5 ng hapon itong Sabado
44:08nang makarinig
44:10ang mga residente
44:12ng malakas na tunog sa lugar.
44:14Basa sa Civil Aviation Authority
44:16of the Philippines,
44:18bago mag alas 10 imedia ng umaga
44:20noong araw na yun
44:22nang bumiahe pa Baguio City
44:24ang chopper
44:26kung saan inihatid
44:28na pasahero ang babaeng piloto.
44:30Bago mag alas 12 ng tanghali
44:32ng pumunta naman ito
44:34kung saan nila pinapabiyahe
44:36ang mga kaparehong aircraft
44:38ng Lion Air Incorporated
44:40na nagmamayarin sa helicopter
44:42para magsagawa ng inspeksyon.
44:44Sinusubukan pa namin kuna
44:46ng pahayag ang kumpanya.
44:48Tumanggi namang magbigay
44:50ng pahayag ang kaanak
44:52ng nasawing piloto.
44:54Sa Amerika naman,
44:56kabilang ang Pilipinong Polis
44:58na si Polis Colonel Pergantino Malabed
45:00sa mga ginawan ng makeshift memorial
45:02sa Washington, D.C.
45:04Ang nasawi sa banggaan
45:06ng isang aeroplano
45:08at helicopter ng U.S. Army
45:10sa Virginia noong nakaraang linggo.
45:12Sa pag-alala sa kanya roon,
45:14isinama ang Watawat ng Pilipinas.
45:16Naka-bisita na rin
45:18sa memorial ang kanyang asawa.
45:20Aninapotpito ang nasawi
45:22sa naturang banggaan
45:24na nangyari malapit
45:26sa Reagan National Airport.
45:28Hinahanap pa ang katawa
45:30ng labing dalawa sa kanila.
45:32Ito po ang Balitang Hali.
45:34Kasama niyo rin po ako,
45:36Aubrey Carampel.
45:38Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan,
45:40mula po sa GMA Integrated News,
45:42ang news authority ng Pilipino.

Recommended