Aired (January 11, 2025): Ligtas ba kainin ang suso na ito na isinasahog sa iba't ibang uri ng pagkain? Panoorin ang video.
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang. #GMAPublicAffairs #KapusoStream #GMANetwork
Subscribe to the GMA Public Affairs channel: https://www.youtube.com/user/gmapublicaffairs
Visit the GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv
Connect with us on:
Facebook: http://www.facebook.com/gmapublicaffairs/
Twitter: http://www.twitter.com/gma_pa
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang. #GMAPublicAffairs #KapusoStream #GMANetwork
Subscribe to the GMA Public Affairs channel: https://www.youtube.com/user/gmapublicaffairs
Visit the GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv
Connect with us on:
Facebook: http://www.facebook.com/gmapublicaffairs/
Twitter: http://www.twitter.com/gma_pa
Category
😹
FunTranscript
00:00Adobo, pero ang twist, susu ang sangkap, kakain ba kayo?
00:14Ang babae sa viral video dito nga pala sa amin na hanap ang mga buko o sa taas ng mga puno,
00:20lalo na kung kakatapos pa lang umulan, dito namin natagpuan sa Sorsugon sa Bicol Region.
00:26Ako po si Cecil, paborito ko talaga manghuli at kumain ang buko.
00:31Ang uri ng suso na nasa video ay tinatawag na buko, hindi po buko, coconut po yun.
00:36Ang mga buko o tinatawag din nilang bayuko ay sagana rao sa lugar ni na Cecil sa Sorsugon.
00:42Kalimitang makikita mga ito sa mga puno at dahon.
00:45Pero ang tanong, kapareho ba ito sa kilala nating suso sa Maynila?
00:49At ligtas nga ba itong kainin?
00:52Parang mas malaki kaysa sa mga nakikita natin sa Maynila, ano?
00:55Kaya controversial to, medyo sa kanal natin kinukuha, eh.
00:58At syempre, ang ginagapangan madumi.
01:00Ako, sarap!
01:02Inadobo, ano?
01:04Ngayong umaga, aalamin natin ang mga kasagutan dito mismo sa kanilang lugar.
01:10Sakko at maulan, maglalabasan ang mga suso.
01:14Dito po talaga ako lumaki sa Sorsugon po.
01:17Dito po talaga ako lumaki sa Sorsugon po.
01:20Tubong Dikulana po talaga.
01:22Matagal ko na pong alam na mayroong buko sa lugar namin.
01:26At matagal ko na rin pong alam na kinakain to.
01:29Kasi yung mga mangininom po dito sa amin ay ginagawa po talagang pulutin.
01:35Noong una, hindi naman daw talaga kumakait si Cecil ng suso.
01:39Sabi ko, parang nakakadiri.
01:42Ganun po yung iniisip ko lang.
01:45Medyo chewy siya pero malambot po.
01:48Dating teacher si Cecil.
01:50At sa kagustuhan niyang mapaganda ang estado ng daycare center sa kanilang lugar.
01:54Nakarang araw pa nga ako naghahanap ng uraro kasi gusto ko talaga na may tanim kami dito sa aming taniman.
01:59Nag-umpisa siyang mag-vlog dito.
02:01Na kalaunan ay naging full-time job na niya at ang mga content niya.
02:06Ibat-ibang pagkain at pasyalan sa kanilang provinsya.
02:09Nakatapos pa lang po umuulan.
02:11Sabi ko, what if manguha kami ng kapatid po?
02:14Tapos direto na namin gawin content.
02:17At the same time po, mayroon kami ng ulang.
02:22Talaga namang maning-manina lang sa kanyang pangunguha.
02:25Papunta pa nga lang kami sa gubad kung saan kami mangunguha.
02:28Pero may nadaanan na kami dito sa gilid ng kasada na umaakyat.
02:31Hindi ko nga inaasahan na makakakita kami dito.
02:33Napakadali nga lang naman hanapin.
02:35Basta talasan mo lang ang mga mata mo.
02:37Napansin niyo rin ba ang maraming suso na naglalabasan pag umuulan?
02:41Ganito kasi yan.
02:42Banta para sa mga snail at slug kapag sila natutuyot.
02:45Kaya naman mahilig sila sa wet season
02:47dahil hindi nila kinakailangan ng maraming energy para maglabas ng mucus.
02:52Kapag mahalumigmig o sa ingles sa humid,
02:54nagiging active din ang mga suso.
02:56Sunasan sila tuwing tagtuyot o drought season.
02:59Nag-hibernate sila at naghihintay ng susunod na pagulan.
03:02Damo damo ang araw mo, Kuya Kim!
03:05Sabantala, halo-halo naman ang reaksyon ng mga netizens
03:08sa pag-bully at pagkain ni Cecil ng suso.
03:10Pagbasa tayo ng ilang komento sa kanyang posts.
03:13Nakakain pala yan, laso ng tingin namin dyan.
03:16Snail is not safe to eat.
03:18Kagiri.
03:19Sorry, kanalis kanal.
03:22Si Cecil bedba rao sa ilang comments na nagsasabing delikado itong kainin.
03:27Lalo pat paborito rao ito sa kanilang lugar.
03:30Sa paghahanda rao ng buko, importante ang paglinis ng maputi rito.
03:34Manlawan sa tubig para malis ang dumi at ang mga kinakain ng buko.
03:38Saka itong pakuluan.
03:40Hindi ko na nga dinagdagan ng tubig kasi ang sariling laway nila magpapakulo sa kanila.
03:46Kapag naluto na, madali na itong matanggal sa shell.
03:51Ang mga buko, inilagay sa tubig na may tawas.
03:54Sa parang ito, maaalis ang laway o yung mala slime nito sa katawan.
03:58Pag wala kayong tawas, ay pwede naman suka o di kaya naman asin.
04:03Ang mala slime na nilalabas ng suso ay tinatawag ng snail mucin.
04:07At ito ang nagsisilbin nilang glue kapag umaakyat sa mga puno o pader.
04:11Ito na rin ang nagiging trail para mahanap ang mga kapwa nila suso.
04:15Pero sa mga tao, lalo na yung mahilig sa pampaganda,
04:18kilalang beauty trend ang snail mucin para sa mga cosmetic at skincare products.
04:25Curious pa kayo kung ano itong matikas na pinipisil ni Cecil para lumabas?
04:29Bukod sa shell na tinatanggal nila Cecil sa video,
04:32ang matikas na parte ng buko ay ang radula na nagsisilbing tila nila.
04:36May ngipin ba sila?
04:38Ang sagot, oo. At libu-libo, pero hindi katulad ng gipin natin.
04:42Pag malinis na, pwede na itong lutuin.
04:48Nagay na natin ang mga ginayat na buko at haluin natin.
04:52At dahil na naubos sa gata ang luto natin dito,
04:54kaya naman naglagay na ako ng dalawang kutsarang toyo at isang kutsarang sukat.
05:00Parang ang sarap ah!
05:02Naluto na nga, kaya naman kahit po tayo. Thank you, Lord, sa blessing!
05:06Kumakain ka ba ng suso?
05:08Anong klaseng susong kinakain mo?
05:10Susong itim.
05:11Susong itim, yung kohol?
05:13Hindi naman, yung sa bukodin siya.
05:15Ah, yung maliliit, nilalagay ng nyug?
05:18Gata.
05:20Alam mo ba na may uri ng suso na kinakain sa Europe,
05:23pero sila tinatawag na escargot.
05:25Escargot sa France, sabi mo escargot?
05:27Escargot.
05:29Dito naman sa India, ang tawag ay sate kukul.
05:31Dito naman sa atin, sa Bicol, may suso din.
05:34Nakakain ka na, anong tinatawag na? Buko?
05:37Nakakain ka na? Malaking shelf? Masarap, diba?
05:41Ang dami mo alam ko, yakinin.
05:42Dapat, kayo rin.
05:43Adok safe ko ba kainin yung suso na yun?
05:46Sa probinsya, mas safe siya dahil mas malinis.
05:48Pero dito sa Manila, mas hindi ko siya suggested since mas polluted ang area.
05:53Parang kakaiba yung species ng suso na nakita natin sa video,
05:56kumpara dun sa mga suso na nakikita natin sa Manila.
05:58In general naman, mas safe talaga ang terrestrial ng mga suso natin.
06:03Pero dun kasi sa lugar nila, mas kumakain ng mga dahon.
06:06Ngunit dito sa Manila, paminsan madami tayong mga rat, at saka nagproproduce sila ng mga feces.
06:12Ngayon, itong mga feces na ito, paminsan kinakain ng mga suso na ito.
06:15Kaya itong mga suso na ito, magdadala sila ng tawag natin, rat lungworm.
06:20So, pag nakain ng isang tao yun, talagang magkakaparasite sa loob natin,
06:25at magkakaroon posible ng meningitis.
06:28Nakakatakot mo lang kumain ng suso kahit anong species?
06:31Yes po. Ngunit may paraan ito para malinis siya. May paraan ito para tamang lutuin siya.
06:38Thank you po sa informasyon Kuya Kim at Sir Russell. Sisiguraduhin ko po na malinis ang kakainin naming buko.
06:45Talaga nabang sa malinis sa kapaligiran, tayong mga tao rin ang pwedeng makinabang.
06:52Damo damo ang araw mo, Kuya Kim.
06:55Daming mong alam, Kuya Kim.
06:56At dapat, kanyurin!
07:26Thank you for watching!