• last month
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mga Kapuso, maayos na panahon ang aasahan po sa malaking bahagi ng bansa matapos lumabas na nga po sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Pepito.
00:13Gayun man, asahan pa rin daw ang mga panandaliang ulan.
00:17Base sa rainfall forecast ng metro weather sa mga susunod na oras, uuulanin ang extreme northern Luzon at ilang bahagi ng southern Luzon, Visayas at Mindanao.
00:28Ayon sa pag-asa, umiiral po ngayon sa Batanes ang northeasterly surface wind flow, shear line sa Babuyan Islands, habang easterly sa silangang bahagi ng Visayas at ng Mindanao.
00:40Ang northeasterly ay matuturing na hilaw na hanging-amihan, habang ang shear line ay ang pagsasalubong ng malamig na northeasterly at mainit na easterlies.
00:51Wala nang binabantay ang bagyo sa Pacific Ocean.
00:54Dahil po sa northeasterly maalon at delikado pa rin pong kumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat sa northern coast ng Ilocos Norte at mga baybayin ng Batanes at Babuyan Islands.
01:07Sa nakalipas na 24 oras, tatlong dam pa rin ang nagpapakawala ng tubig.
01:12Anim na gates ng Binga Reservoir sa Benguet ang nakabukas para sa pagpapalabas ng tubig.
01:18Limang gates naman sa Ambuklao, habang apat sa Magat Reservoir sa Isabela.
01:25Ulat panahon po tayo, makakaasa kaya tayo ng tuloy-tuloy na magandang panahon.
01:31Kausapin na po natin si pag-asa weather specialist Veronica Torres.
01:35Magandang umaga at welcome po sa Balitang Halim.
01:38Magandang umaga din po sa inyo Ms. Connie, pati na rin sa ating mga taga-sabaybay.
01:43Kailangan natin malaman, kailan inaasahang magsimula kaya itong Amihan season?
01:50Sa kasamahan natin ng mga climatologist ay patuloy na binabantayan ang mga weather system natin.
01:56So ngayon, posible sa susunod na araw o hindi kaya susunod na linggo ay mag-announce na po tayo ng Amihan season.
02:04Although posible rin kasi inaantay natin yung patuloy na paglayo ni Pepito para makapenetrate din sa atin yung northeast monsoon.
02:11Pero sa ngayon po, wala tayo nakikita ang anumang sama ng panahon, ano?
02:14Tama po kayo, maliban kay Manny, na dating si Pepito, na nasa labas na ngayon ng PAR,
02:19wala na tayo ibang LPA o bagyo sa loob o malapit sa PAR.
02:23O, talagang excited tayong lahat maramdaman ang lamig ni Amihan.
02:27May mga lugar na ba tayo unang mararamdaman ito?
02:30Opo, so yung nararamdaman natin ngayon, although may mga gale warnings sa Batanes area,
02:37sa northeasterly surface wind flow.
02:39Then kapag mas lumalakas yung Amihan, posible sa bandang eastern section ng bansa,
02:44nagiging malamig na rin although maulan din po.
02:47I see. Kapag official lang magsimula ang Amihan,
02:49posible bang sabayan ng bagyo na mga sama pa ng panahon tayo?
02:53Opo, kahit mag-declare na tayo ng Amihan season,
02:56posible pa rin yung mga bagyo at low pressure area pumasok o mabuo sa ating PAR.
03:01Pero sa ngayon po, di ba parang sinasabi nila artificial pa lamang yung mararamdaman ng lamig ng Amihan?
03:08Bakit po ganoon?
03:10Yung posible po siguro kapag modified north is monsoon yung nararamdaman nila.
03:16Pero ang peak na manalamig ng Amihan ay nararanasan around January o kaya first week ng Feb.
03:23Oho, parang nag-iba nga hon, di ba?
03:25Dati talagang pagsapit ng December, malamig ne.
03:29Pero bakit po ganoon? Parang umusog siya sa January at Feb.
03:33Opo, usually naman po, base na din po sa ating mga records,
03:37ang pinaka-malamig na naitatala natin around January, February din po, ma'am.
03:42I see, okay. Pero yung ating pong mga bagyo na papasok sa December, ilan pa po ba?
03:47So ngayon ay posible isa or dalawa.
03:50Pero by tomorrow, magkakaroon tayo ng climate forum, posible itong ma-update.
03:55Marami pa ho tayong mga kailangan na bantayan pagdating sa mga weather system na yan hanggang hindi pa tapos ang taon.
04:02Kaya magsapapasalamat na lang po kami at sabay-sabay tayo manalangin na wala ng bagyo.
04:05Thank you sir very much po sa inyong oras.
04:08Maraming salamat po.
04:09Iyan po naman si Veronica Torres ng Pag-asa.
04:25Pag-asa

Recommended