Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Lunes, Nobyembre 18, 2024:
-Bagyong #PepitoPH, nag-iwan ng matinding pinsala sa Catanduanes/ Clearing operations, isinasagawa kasunod ng mga landslide/ Buntis, tinulungan manganak sa kanyang bahay ng mga pulis/Ilang evacuees, umuwi na sa kani-kanilang bahay/ Family food packs, sinimulan nang ipamigay sa evacuees
-Bagsik ng Bagyong Pepito, naranasan sa ilang bahagi ng Aurora
-Tabaco Port, balik-operasyon na matapos ang pananalasa ng Bagyong Pepito/Dagdag na 45,000 Family food packs, inaasahang darating sa Catanduanes ngayong linggo
-PBBM, nagpasalamat sa mga rescuer at tauhan ng mga LGU na patuloy na rumeresponde sa sunod-sunod na bagyo
-Oil price rollback, inaasahang ipatutupad bukas
-Mahigit 600 pamilya, nagpalipas ng gabi sa evacuation center dahil sa Bagyong Pepito
-Rider, patay matapos sumemplang at magulungan ng jeep habang umuulan/Depensa ng driver, biglaan ang pagsemplang ng biktima kaya nagulungan siya ng jeep
-1, patay matapos mawalan ng kontrol sa minamanehong SUV at bumangga sa center island/Sumemplang na rider, patay matapos magulungan ng 10-wheeler
-Pambato ng Denmark na si Victoria Theilvig, kinoronahan na Miss Universe 2024
-Chelsea Manalo, isa sa apat na continental queens ng Miss Universe
-2 rider, sugatan matapos sumemplang sa kasagsagan ng ulan
-Mag-asawang senior citizen, patay nang mabangga ng pickup ang kanilang motorsiklo
-Mahigit 100 Noche Buena items, nagtaas ng presyo
-NGCP: Ilang transmission lines sa Luzon, apektado ng pananalasa ng Bagyong Pepito
-Kennon Road, hindi pa madaanan dahil sa pagguho ng lupa at mga bato/Mahigit 40 pamilya na nakatira sa mga delikadong lugar, lumikas
-Apat na personalidad at isang institusyon, pinarangalan sa 66th Ramon Magsaysay Awards
-3, sugatan matapos mabangga ng SUV ang sinasakyan nilang motorsiklo/Lalaki, arestado matapos nakawan ang collection box ng isang simbahan; wala pang pahayag
-Lalaki, patay nang malunod sa fish pond
-Taas-singil sa toll ng SCTex at MCX, ipatutupad ngayong linggo
-Biyahe ng 319 pasahero sa Manila NorthPort Passenger Terminal, na-delay dahil sa Bagyong Pepito
-Interview: Glaiza Escullar, Weather Specialist, PAGASA
-Manila CDRRMO: Mahigit 1,000 pamilya, lumikas dahil sa Bagyong Pepito/Halos 2,000 residente sa Quezon City, nananatili sa 3 evacuation centers/ Modular tents sa ilang evacuation center, nagkukulang daw; QC LGU, sinisikap na kunan ng pahayag
-Kristoffer Martin, Mikoy Morales at Dennis Trillo, spotted sa block screening ng "Hello, Love, Again"/Dennis Trillo sa "Hello, Love, Again;" punong-puno ng pagmamahal, hope at life lessons/ News Agency na Deadline: "Hello, Love, Again," may $2.4M sales sa North America/Alden Richards, nagpasalamat sa mga sumuporta sa pelikula
-Iba't ibang regalong pamasko, mabibili sa Noel Bazaar; kita sa Bazaar, mapupunta sa beneficiaries ng GMA Kapuso Foundation
-Mahigit isang kilong hinihinalang shabu, nasabat sa buy-bust operation; 2 lalaki, arestado
-Lalaking rider na walang suot na helmet, patay nang bumangga sa poste
-Isa sa mga vocalist ng bandang Aegis na si Mercy Sunot, pumanaw na dahil sa cancer
-Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation para sa mga binagyo, patuloy
-Batang lalaki, naghatid ng saya sa kanyang performance sa loob ng evacuation center
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
-Bagyong #PepitoPH, nag-iwan ng matinding pinsala sa Catanduanes/ Clearing operations, isinasagawa kasunod ng mga landslide/ Buntis, tinulungan manganak sa kanyang bahay ng mga pulis/Ilang evacuees, umuwi na sa kani-kanilang bahay/ Family food packs, sinimulan nang ipamigay sa evacuees
-Bagsik ng Bagyong Pepito, naranasan sa ilang bahagi ng Aurora
-Tabaco Port, balik-operasyon na matapos ang pananalasa ng Bagyong Pepito/Dagdag na 45,000 Family food packs, inaasahang darating sa Catanduanes ngayong linggo
-PBBM, nagpasalamat sa mga rescuer at tauhan ng mga LGU na patuloy na rumeresponde sa sunod-sunod na bagyo
-Oil price rollback, inaasahang ipatutupad bukas
-Mahigit 600 pamilya, nagpalipas ng gabi sa evacuation center dahil sa Bagyong Pepito
-Rider, patay matapos sumemplang at magulungan ng jeep habang umuulan/Depensa ng driver, biglaan ang pagsemplang ng biktima kaya nagulungan siya ng jeep
-1, patay matapos mawalan ng kontrol sa minamanehong SUV at bumangga sa center island/Sumemplang na rider, patay matapos magulungan ng 10-wheeler
-Pambato ng Denmark na si Victoria Theilvig, kinoronahan na Miss Universe 2024
-Chelsea Manalo, isa sa apat na continental queens ng Miss Universe
-2 rider, sugatan matapos sumemplang sa kasagsagan ng ulan
-Mag-asawang senior citizen, patay nang mabangga ng pickup ang kanilang motorsiklo
-Mahigit 100 Noche Buena items, nagtaas ng presyo
-NGCP: Ilang transmission lines sa Luzon, apektado ng pananalasa ng Bagyong Pepito
-Kennon Road, hindi pa madaanan dahil sa pagguho ng lupa at mga bato/Mahigit 40 pamilya na nakatira sa mga delikadong lugar, lumikas
-Apat na personalidad at isang institusyon, pinarangalan sa 66th Ramon Magsaysay Awards
-3, sugatan matapos mabangga ng SUV ang sinasakyan nilang motorsiklo/Lalaki, arestado matapos nakawan ang collection box ng isang simbahan; wala pang pahayag
-Lalaki, patay nang malunod sa fish pond
-Taas-singil sa toll ng SCTex at MCX, ipatutupad ngayong linggo
-Biyahe ng 319 pasahero sa Manila NorthPort Passenger Terminal, na-delay dahil sa Bagyong Pepito
-Interview: Glaiza Escullar, Weather Specialist, PAGASA
-Manila CDRRMO: Mahigit 1,000 pamilya, lumikas dahil sa Bagyong Pepito/Halos 2,000 residente sa Quezon City, nananatili sa 3 evacuation centers/ Modular tents sa ilang evacuation center, nagkukulang daw; QC LGU, sinisikap na kunan ng pahayag
-Kristoffer Martin, Mikoy Morales at Dennis Trillo, spotted sa block screening ng "Hello, Love, Again"/Dennis Trillo sa "Hello, Love, Again;" punong-puno ng pagmamahal, hope at life lessons/ News Agency na Deadline: "Hello, Love, Again," may $2.4M sales sa North America/Alden Richards, nagpasalamat sa mga sumuporta sa pelikula
-Iba't ibang regalong pamasko, mabibili sa Noel Bazaar; kita sa Bazaar, mapupunta sa beneficiaries ng GMA Kapuso Foundation
-Mahigit isang kilong hinihinalang shabu, nasabat sa buy-bust operation; 2 lalaki, arestado
-Lalaking rider na walang suot na helmet, patay nang bumangga sa poste
-Isa sa mga vocalist ng bandang Aegis na si Mercy Sunot, pumanaw na dahil sa cancer
-Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation para sa mga binagyo, patuloy
-Batang lalaki, naghatid ng saya sa kanyang performance sa loob ng evacuation center
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Magandang tanghali po, oras na para sa maiinit na balita.
00:13Magandang tanghali po, oras na para sa maiinit na balita.
00:29Nakatutok ang GMA Integrated News sa mga lugar na napuruhan ng bagyong Pepito.
00:34Nakabantay si James Agustin sa Nueva Ecija kung saan ilang residente ang inilikas.
00:39Bumuhos din po ang ulan sa Baguio City na tinutukan naman ni Darlene Cai.
00:45Habang nasa Tabaco Port sa Albay si Joseph Morong.
00:59Nasa West Philippine Sea na ang bagyong Pepito.
01:02Matapos itong hagupitin ang iba't-ibang bahagi ng Luzon bilang super typhoon.
01:07Sa katanduanes kung saan unang nag-landfall ang bagyo, matinding pinsala ang naiwan.
01:13Balitang hatid ni EJ Gomez.
01:19Tuloy-tuloy na buhos ng ulan.
01:22Tuloy-tuloy na buhos ng ulan.
01:27Nasinabayan ng malalakas na hampas ng hangin.
01:34Magdamagan niyang naranasan sa probinsya ng katanduanes sa kasagsagan ng bagyong Pepito,
01:39na isang super typhoon ng manalasa roon.
01:42Unang nag-landfall ang bagyo sa baya ng Panganiban, kung saan nag-iwan ang matinding pinsala ang bagyo.
01:49Ayon sa kanilang alkalde, halos limandaang bahay ang nasira roon.
01:53Sa baya naman ng Karamoran, humambalang sa kalsada ang mga bahagi ng naputol na puno.
01:58Napinsala ang ilang bahay, pati ang isang covered court doon.
02:02Kabikabila rin ang pinsala sa baya ng Bagamanok, mula sa mga bahay,
02:07police station, simbahan, mga poste ng kuryente, at mga puno.
02:13Halos ganyan din ang nangyari sa baya ng Higmoto.
02:16Sa Viga Katanduanes, pati ang Emergency Operations Center gumuho ang bubong.
02:21Nagdulot din ang bagyo ng mga pagguho ng lupa,
02:24kaya tuloy-tuloy ang clearing operations tulad nalang sa San Miguel.
02:28Sa San Andres, isang buntis ang tinulungan ng mga police na manganak sa loob ng kanyang bahay,
02:34nadala naman sa ospital ang mag-inapagkatapos at nasa mabuti ng kalagayan.
02:38Sa Virac, halos lamunin ang malakas na alo ng isang truck ng bumbero na dumaan sa Imelda Boulevard.
02:45Nang bumuti ang panahon, ilang evacuees ang umuwi na sa kanika nilang bahay.
02:50May ilan namang nanatili sa evacuation center.
02:53Sinimulan na rin ang relief operations para sa mga apektadong residente.
02:57Bukod dyan, may tatlong truck pang nag-aabang sa Tabaco Port
03:00na may kargang 6,000 family food packs para sa mga taga-katanduanes.
03:05Hinihintay nalang malift ang no-sale policy para madala na ito sa probinsya,
03:09ayang kay Governor Joseph Cua.
03:12EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:16Update po tayo sa sitwasyon sa katanduanes na sinilanta ng bagyong pepito.
03:21Makakausap po natin si GMA Integrated News stringer, Jinky Tabor.
03:25Jinky, kamusta na ang panahon dyan?
03:28Magandang umaga, Connie.
03:30Sa ngayon, nakikita na natin ang tirik ng araw
03:35at wala na rin tayong nararanasan ng mga pag-ulan sa lahat ng bahagi ng katanduanes.
03:41Pero gaano ba, Jinky, karami yung mga lumikas?
03:44Ano na yung sitwasyon nila kung nandoon pa ngayon yung mga lumikas sa evacuation center?
04:12... umu-uwi na ang ating mga evacuees sa kanilang bahay para mat-check at makapag-linis na.
04:19Sa ngayon, karamihan o majority naka-uwi sa kanilang bahay at ilan na namang nasa evacuation centers.
04:27Ito yung may mga kaso kung saan na-washout talaga ang kanilang bahay at nagsisimikap na maibuo itong uli bago makauwi sa kanilang lugar.
04:41Jinky, tama ba yung ating naunang na-ulat na mayroong 500 nawalan ng bahay? Nadagdagan pa ba yan?
04:50Kuni ito ay madaragdagan pag dumating na ang mga report mula sa iba't ibang bayan.
04:58Sa ngayon kasi talaga ay hindi pa kompleto ang ulat mula sa 11 bayan sa katanduanes dahil pahirapan pa tayo sa communication mode.
05:09Pati sa transportation, hindi pa passable papunta sa viga panganibang bagamanok para makakuha ng kanilang full report sa ngayon.
05:21Jinky, pinapakita natin yung mga videos na kuha sa katanduanes sa iba't ibang lugar dyan.
05:27Talagang grabe itong pinsala na idinulot ng bagyong pepito dyan.
05:33Paano ngayon? May areas ba na hindi pa pupuntahan para lalo sa pagbibigay ng ayuda?
05:43Barami pa, Kuni. Actually sa bayan ng PANDA na kongsat natin sa Mayor Tabirara doon, hindi pa nakukuha ang ulat kung ano nangyari sa kanilang barangay dahil unpassable.
05:54Hindi makadaan ang mga tao sa kanilang barangay. Tapunta sa centro ng kanilang bayan.
06:01So sa pag-distribute ng mga ayuda talagang sa Virac pa lang, kukunting barangay pa lang sa Virac ang nabibigyan ng tulong.
06:31Katanduanes ba ang walang kuryente?
06:33Yes, buong katanduanes walang kuryente sa ngayon. Ang isa sa matinding pinsala ay ang mga poste at mga kawad ng kuryente dito.
06:45Kaya buong katanduanes hanggang sa ngayon ay walang kuryente.
06:49Nagtatsaga sa ibang mga opisina na may generator para makapag-charge ang ating mga residente.
06:57Pero yung supply ng tubig, Jinky kamusta?
07:27Kulay tubig pa rin at may nasira ng tubo at mga linya papunta sa ating mga consumers.
07:34Nagiging problema ba ang ayuda? Kasi sinasabi initially may kakulangan din sa ayuda.
07:41Pero sinabi ng DSWD na nandyan daw ngayon si Rex Gachagan para magbigay na ng tulong, P20,000. Tama ba?
07:51Yes Connie, ang ating DSWD food packs naubos na, gawa nga ng naminigay din tayo simula ng bagyong Christine.
08:01Kaninang umaga dumating na ang C-130 at mayroong dumating na 3,000 food packs mula naman ito sa Allen sa Samar.
08:11At bahagi ito ng P20,000 na ipamimigay ng DSWD ayon kay Rex Gachagan, maliban pa sa ibang tulong na dadalhin ng national government sa Lalawigan na siya namang tinangako ng kalihim.
08:26Yung mga flight schedules, okay na ba? At ganoon din ang pagbiyahin ng mga barko dyan?
08:32Ngayong araw Connie bumalik na ang biyahin ng barko pati na ang aeroplano. May nasita na po tayong commercial flights.
08:40At the moment po ay mag-schedule po sila sa mga airports ang gawa ng mayroong dumating ng C-130 choppers, private planes na nagdadala nga po ng tulong sa Lalawigan.
08:53So ngayon Jinky ano ang pinaka-kinakailangan ng mga kababayan natin sa Katanduanes? Baka pwede naman ipanawagan on their behalf.
09:02So ngayon ano ang talagang kailangan natin dito sa Lalawigan ng Katanduanes? Karagdaga na food packs dahil napakarami po talaga ng afektadong individual.
09:13Sa affected individuals meron tayong 119,000 na afektadong individual. So kailangan po ng food packs, hygiene kits, drinking water at GI sheets and iba pa po construction materials.
09:28Dahil ito rin sa napakalaking pinsa langdala ng bagyong pipito ay itong pagkakakira ng mga bahay ng ating residente."
09:37Sa ngayon ba nananatili pa rin Jinky yung zero casualty sa buong probinsya?
09:59... for power restoration teams mula sa ating ibang cooperatives kung pwede magpagpadala dito ng tulong. Kailangan din natin ang ating telcos para may restore ang signal sa probinsya, magkaroon ng free calls and text booths sana.
10:16Ang signal ng internet dito kasi napakahinga, nakaasa lang kami sa Starlink. Pero maliban diyan ibang telcos talagang walang signal kaya hirap nahirap sa komunikasyon mula dito sa Katanduanes."
10:47Naramdaman din ang bagsik ng bagyong pipito sa ilang bahagi ng Aurora.
10:54Sa bayan po ng Dipakulao kung saan nangyari ang pangalawang landfall ng bagyo, nangangalit ang aalon sa dagat. Inabot pa nga nito ang mga cottages sa isang resort.
11:08Ang ulan po sa Baler, sinabayan din ng malalakas na hangin. Natuklap at pinangay tuloy ang bubong ng ilang bahay roon. Masungit din po ang naranasang panahon sa Dilasag.
11:21Sa Port of Tobacco sa Albay, tumatawid po ng dagat papuntang Katanduanes galing sa mainland Luzon. Kaya kamustahin na rin po natin ang sitwasyon nila doon sa ulit on the spot ni Joseph Morong.
11:38Kony, balik operasyon na itong Tobacco Port dito sa Albay matapos nga manalasan ang bagyong pipito.
11:44Kony, maliwalas na dito sa Tobacco Port sa Albay kaya pinayagan na muli ang pagbiyahe ng mga barko na tatawid sa provinsya ng Katanduanes.
11:52Kaninang umaga, Kony ay may umalis na na dalawang biyahe ng barko.
11:56Nasa Katanduanes naman na, si DSWD Secretary Rex Gatchalian para matiyak na nakatutok ang National Government sa provinsya ng Katanduanes.
12:05Ang Katanduanes, Kony, ang tinumbok ng bagyong pipito dito sa Bicol at kaya maaaring maraming mga bahay na wasak lalo na sa mga tabing dagat.
12:13Nakausap na rin ni Secretary Gatchalian, si Katanduanes Governor Joseph Cua.
12:18Ayun kay Secretary Gatchalian, may na-eproposition na sila bago tumama yung bagyo na 10,000 na mga family food packs.
12:24Pero madaragdagan pa rao ito ng 20,000 na mga family food packs na darating hanggang sa Huwebes.
12:30At meron pa 25,000 sa Sabado naman.
12:34Hinihingi na rin ang listahan ng mga apektadong residente para sa gagawing financial assistance.
12:39Kony, kagabi naman sa Tabaco Port ay marami.
12:42Sa nakausap namin ay yung mga taga Katanduanes na dito inabot ng bagyo at nag-aalala kung ano yung nangyari sa kanilang mga pamilya at kanilang mga bahay at ari-arian.
12:52Kaya nakakampanya sila kahit papano dahil ay pinayagan na ang biyahe papunta dun sa Katanduanes simula ngayong araw.
13:01Narito po ang pahayag ni Secretary Gatchalian.
13:06Akantayin ko yung listahan mula sa provincial government para mahandaan naman ng DSWD yung cash assistance para sa mga nasiraan na mga tahanan.
13:14Ang layunin ng DSWD ngayon is to make sure na ma-assist namin immediately mga pangangailangan and ma-relay namin sa pamalang nasyonal, sa iba't ibang sangay ng pamalang nasyonal, yung mga requests ng ating provincial government.
13:30Kony, madaling araw tayo dumating dito sa Tabaco Albay pero alas 5 pa lamang ng hapon kahapon ay tinanggal na ng Philippine Coast Guard yung kumbaga suspension para sa mga biyaheng dagat papunta sa Katanduanes dito sa Albay.
13:42At itong sinasakyan naming barko ay pangatlo sa mga biyaheng ngayong araw. May umalis na kaninang umaga at bukas na ulit ang resume ng mga biyahe dito sa Tabaco Albay.
13:53Pero sa mga kababayan natin na nagbabalak umuin ng Katanduanes meron na pong operasyon dito sa Tabaco Albay.
13:59Maraming salamat Joseph Morong.
14:02Pinasalamatan ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga rescuer at mga tauha ng LGU na patuloy na rume-responde sa kasagsagan ng bagyo.
14:12I'm sure that they are exhausted. I am sure that they have done and they continue to do and work as hard as they can. Kaya tayo po yung nagpapasalamat sa kanila.
14:24Dagdag ng Pangulo, magpapatuloy na ang rescue operations particular sa mga na-isolate na lugar dahil sa mga nagdaangbagyo.
14:33Isinasagawa na rin daw ang relief operations at sisimulan agad ang rebuilding.
14:39Ikinalulungkot naman daw ng Pangulo na may isang nasawi sa Camarines Norte, Bunsod ng Bagyong Pepito.
14:51Beep beep beep naman tayo mga kapuso.
14:53Simula ho bukas, efektibo na ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
14:58Sa anunsyo ng ilang kumpanya ng langis, 85 centavos na bawas sa kada litro ng gasolina, 75 centavos naman para sa diesel.
15:07May rollback din po ang ilang kumpanya sa kerosene na 90 centavos kada litro.
15:27Dubog pa rin po sa baha ang ilang lugar sa Kabalatuan, Nueva Ecija.
15:31Kaya may mga nasa evacuation center pa rin.
15:34May ulit on the spot si James Agustin.
15:41Connie maganda na yung panahon dito sa Kabalatuan City sa Nueva Ecija.
15:45Pero nananatili sa evacuation center yung ilang mga residenteng lumikas dahil baha pa sa ilang barangay.
15:52Sa evacuation center nagpalipas sa magdamag ang mahigit sa 600 pamilya katumbas ng 1700 individual.
15:58Binuksan ng mga classroom ng isang eskwelahan.
16:01Mayroon din mga pamilya sa covered court.
16:03Sila yung mga residenteng mula sa mga barangay na kaninang madaling araw lang binaha.
16:07May iba naman na ngayong umaga lang lumikas, sakin ng tricycle ang kanilang mga gamit.
16:12Sa barangay Riz deliz at Isla, abot tuhod ang taas ng tubig sa kalsada.
16:16Lubog ang maraming bahay sa lampas tao na baha.
16:20Samantala Connie, kanina ay dumating dito yung mga rescuer mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office na may dadadalang mga rubber boat.
16:27At pinuntahan nila yung mga residenteng na nadyan sa mga looban.
16:31At may mga na-rescue din naman sila.
16:33Isa lamang yung sumama na senior citizen na idinaan doon sa bintana ng bahay.
16:38Pero marami mga residenteng dito na hindi na sumama doon sa mga rescuer dahil mayroon namang ikat ng palapag yung kanilang mga bahay.
16:47Yan muna yung latest na sitwasyon mula dito sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija.
16:51Connie?
16:52Maraming salamat James Agustin.
16:55Sa iba pang balita, dead on the spot.
16:57Ang isang rider matapos magulungan ng jeep sa gitna po yan ang pagulan sa Taytay Rizal.
17:02Paliwanag ng jeepney driver, biglaan ang pagsemplang ng biktima kaya pumailalim siya sa jeep.
17:08Balitang hatid ni EJ Gomez Exclusive.
17:11Labis ang hinagpis ng babaeng ito nang madatnang nakahandusay at wala ng buhay ang kanyang nobyo sa kalsada.
17:27Ang lalaki bumagsak mula sa sinasakyan niyang motorsiklo at nagulungan ng pampasahirong jeep.
17:34Sa CCTV, kita ang motorsiklo at jeep na sabay tinatahak ang kahabaan ng Ortigas Avenue Extension sa Barangay San Isidro-Taytay Rizal alas 5 ng hapon kahapon.
17:44Nambiglang bumagsak ang rider at kanyang motorsiklo sa gilid ng jeep at pumailalim.
17:50Umuulan po yung nangyari yung insidente.
17:52Aksidente po yung nangyari dahil nasa linya naman po yung jeep at talagang kita rin po sa CCTV yung pagbagsak po ng biktima mula sa kanyang motorsiklo.
18:02Gawa rin po ng ulan, madulas yung kalsada.
18:04Kwento ng kaanak ng biktima na taga Rosario Pasig, naka-duty noon ng lalaki bilang isang delivery rider nang maganap ang aksidente.
18:13Nadatna na lang namin yung pamangkin ko na nasa kita ng kalsada nakailalim dun sa jeep.
18:18Masakit po kasi madami pang pangarap yung bata. Gusto mag-ipon kasi gusto niya makapagpatuloy ng pag-aaral.
18:26Ayon naman sa 32 anos na jeep ni driver.
18:29Ibigla po siya nagsemplang papunta po sa akin. Doon po siya tumama sa gulong ko sa likod.
18:35Noong pagkalagabog, ang kala ko po yung motor. Ibigla po kong preno. Pagsilip ko po yung taho nasa ilalim.
18:41Aksidente po talaga ma'am. Doon po sa pamilya, kaanak, nahingi po ko ng kapatawaran sa nangyari.
18:47Ayon naman sa pamilya ng biktima.
18:49Sa ngayon hindi pa po namin siya mapapatawad. Sana maintindihan niya rin. Dahil kami po ang nawalan.
18:55Naka-detained sa Taytay Municipal Police Station ang driver ng jeep. Mahaharap siya sa reklamang reckless imprudence resulting in homicide.
19:03EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
19:09Ito ang GMA Regional TV News.
19:14Oras na para sa maiinit na balita ng GMA Regional TV mula sa Luzon. Makasama po natin si Chris Suniga. Chris?
19:22Salamat Connie. Patay ang isang rider matapos sa sumemplang at magulungan ng 10-wheeler sa Bulacan.
19:28Sa Cavite naman, patay ang driver ng isang SUV matapos itong tumagilid at bumangga sa Center Island.
19:34Ang maiinit na balita hatid ni CJ Torrida ng GMA Regional TV.
19:40Normal ang andar ng mga sasakyan sa Mangubat Avenue sa Dasmariñas, Cavite, nang biglang tumagilid ang isang SUV.
19:48Nawalan daw ng kontrol ang driver at bumangga sa gutter sa gilid ng kalsada.
19:53Bumangga pa ang harapang bahagi nito sa Center Island bago tumagilid at tuminto.
19:57Sa lakas ng impact, sira ang harapang bahagi ng SUV.
20:00Patay ang driver nito habang sukatan ang walong pasahero niya.
20:04Iniimbestiga na ang insidente.
20:08Tuloy-tuloy ang takbo ng 10-wheeler na iyan sa poblasyon Pulilan, Bulacan noong Huwebes ng umaga.
20:14Ang truck na sangkot na pala sa disgrasyang ikinasawi ng isang binatang 19-anyos.
20:19Ayon sa polisya, ang kas ng biktimang rider na si Jericho Batong-Bakal ang kanyang nakababatang kapatid.
20:25Nag-overtake sila sa kanang bahagi ng isang sasakyan.
20:28Pero may nakaparadang sasakyan, kaya nawalan siya ng kontrol at tumama sa nakaparadang sasakyan at natumba.
20:35Saka naman dumaan ang truck at nagulungan ang kanyang ulo na kanyang ikinamatay.
20:40Hindi huminto ang truck.
20:42Ang kanyang pamilya may panawagan sa nakabangga sa anak.
20:50Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
20:52CJ Torida ng GMA Regional TV.
20:56Nagbabalita para sa GMA Integrated News.
21:04Latest ngayong Lunes mga mari at pare.
21:07Kinurunahang Miss Universe 2024.
21:10Ang pambato ng Denmark na si Victoria Telvig.
21:14Yan ang kauna-unahang title ng Denmark sa Miss Universe competition.
21:19Oozing with beauty si Victoria, suot ang Pinoy maid crown na Delight of Infinity.
21:25All smiles pa ang queen ng humarap sa media at fans.
21:28Pero hindi napigilang maging emosyonal nang makasama ang kanyang pamilya.
21:32First runner up naman ngayong taon ang pambato ng Nigeria na siya ring Miss Universe Africa and Oceania.
21:39Her story made rin para sa pambato ng Pilipinas na si Chelsea Manalo.
21:44Isa si Chelsea sa apat na continental queens.
21:48Ang first ever Miss Universe Asia.
21:50Makakasama ang Bulakenia Beauty sa paglilibot ng Miss Universe organization sa Asia.
21:55Excited na rao si Chelsea na ipagdiwang ang Miss Universe Asia.
22:01Ipagdiwang ang milestone kasama ang kanyang supporters dito sa bansa.
22:08Lahat ng mga kapaguso, maraming maraming salamat sa supporta at sa iwalang ibinigay niyo sa akin.
22:14Hindi ako makapaghintay na makauwi na sa Pilipinas to celebrate this new history, this new journey that we will all be making.
22:23Inula ng papuryang performance ni Chelsea mula sa netizens at ilang Pinay queens.
22:28Proud daw kay Chelsea si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
22:32Habang thankful sa kanya si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
22:37May pagbati rin ang ibang queens tulad ni Celeste Cortese at Sparkle Queens na sina Michelle D.
22:46Ito ang GMA Regional TV News.
22:51Ihakatid na ng GMA Regional TV ang maiinit na balita mula sa Visayas at Mindanao.
22:56Makasama po natin si Cecil Quibod Castro. Cecil?
23:02Salamat Connie!
23:04Kasagsagan ng ulan nang sumemplang ang dalawang motorcyclo sa Mlangko, Tabato.
23:09Nangyari ang aksidente sa barangay Baguntapay.
23:12Base sa embesligasyon, posibling nadulas ang mga motorcyclo sa basang aspalto dahil sa pagulan.
23:18Sugatan ang parehong rider.
23:20Binigyan sila ng first aid ng mga rumispundeng otoridad bago dinala sa ospital.
23:27Patay ang mag-asawang senior citizen sa Bago Negros Occidental nang mabanga ang sinasakyan nilang motorcyclo.
23:35Ayon sa polisya, patawid ng kabilang lane ang motor nang tamaan ng likod ng pickup.
23:40Sa lakas ng impact, tumilapon ang mag-asawa.
23:43Hawak ngayon ang Bago City Police ang driver ng pickup na walang pahayag.
23:47Sinampahan siya ng reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicides.
23:57Mahigit isang buwan na lamang bago ang Pasko kaya budget-budget na po tayo ha?
24:02Base po sa inilabas kasi na price guide ng DTI,
24:05tumaas po eh ang presyo na mahigit sang daang noche buena items.
24:10Depende po yan sa laki at brand syempre.
24:12Nasa P170 hanggang mahigit P928 ang ham.
24:17Ang queso de bola nasa P210 hanggang P445 pesos.
24:22Halos P62 pesos hanggang mahigit P302 pesos ang fruit cocktail.
24:27Mahigit P56 pesos hanggang P310 pesos naman ang queso.
24:31Mahigit P20 pesos hanggang halos P246 pesos ang mayonnaise.
24:36P36 to P50 hanggang P72 pesos naman ang all-purpose cream.
24:41P27 hanggang mahigit P263 pesos ang sandwich spread.
24:46P32 hanggang P114 pesos ang pasta o spaghetti.
24:50Mahigit P30 pesos hanggang mahigit P126 pesos ang elbow macaroni.
24:54P16 pesos and P50 centavos hanggang halos P93 pesos ang tomato sauce.
25:00Ang salad macaroni nasa P36 hanggang mahigit P126 pesos naman.
25:05Habang mahigit P28 pesos hanggang P103 pesos ang presyo ng spaghetti sauce.
25:20Apektado po ang ilang transmission lines sa Luzon.
25:28Kasunod pa rin po yan ang pananalasan ng Bagyong Pepito
25:31ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
25:36Kabilang dyan ang ilang transmission lines sa Isabela, Ifugao, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, at sa Aurora.
25:44Sinisikap ng NGCP na kumpunihin at maibalik agad sa normal na operasyon
25:49ang ilang NGCP lines matapos ang pananalasa.
25:53Samantala, restored na ang ilang transmission lines sa Benguet.
25:59Dumikas ang mahigit apat na pong pamilya sa Baguio City
26:02dahil sa banta ng Bagyong Pepito roon.
26:05May ulit on the spot, si Darlene Cai.
26:08Darlene?
26:12Konis, ngayon ay gumanda na yung panahon dito sa Baguio City.
26:16Mataas na yung sikat na araw.
26:18Kagabi pinaka naramdaman dito yung hagupit ng super typhoon Pepito.
26:22Kung kailan naranasan dito yung malakas na tuluy-tuloy na buhos ng hangin o buhos ng ulan
26:28at malakas din yung hangin.
26:30Kaya nagkaroon ng pagguho ng lupa.
26:38Gumuho ang lupa na may kasamang bato sa Cannon Road
26:41sa bahagi ng Camp 5 sa Tuba, Benguet.
26:44Kahapon pa isinara sa mga motorista ang Cannon Road
26:46bilang pag-iingat at paghahanda sa pagtama ng bagyo.
26:49Kaya wala namang nasaktanon apekto hang mga dumaraan.
26:53Sa ngayon, sa Marcos Highway at Naguilian Road muna pwedeng dumaan ang mga motorista.
26:59Dahil sa Bagyong Pepito,
27:01mahigit apat na pong pamilya ang lumikas
27:03at nagpalipas ng gabi sa evacuation center sa Baguio City.
27:07Ang mga nakitira sa mga lugar na delikado sa baha at pagguho ng lupa.
27:10Sina Leia at Virginia kasamang kanika nilang mga pamilya
27:14na dito muna nanatili sa evacuation center.
27:17May modular tents na man daw, kaya hindi sila nagsisiksikan.
27:21Natatakot daw silang kapawang City Camp Lagoon na malapit sa kanilang bahay,
27:25kaya lumikas na muna sila hapon pa lang kahapon.
27:29Siyempre hindi na po naman natin po inaasahan kung aabaw yung kanalo, hindi.
27:36Kaya mas maaga nang nailikas namin yung mga batak, pati mga kapitbahay namin.
27:40Nenerbius ako ma'am. Nenerbius ako dahil malakas nga po.
27:45Super typhoon. Dahil siyempre hinto na po yung bagyo.
27:49Makauwi na kami.
28:22Maraming salamat at ingat, Darlene Cai.
28:26Huwag iyang ilang individual sa 66 Ramon Magsaysay Awards,
28:31ang tinaguri ang Nobel Peace Prize ng ASHA.
28:35Ginalungan niya ng mga personalidad mula sa iba't ibang bansa sa ASHA
28:40na may natatanging ambag sa kanilang industriya.
28:44Apat na personalidad at isang institusyon ang ginawara ng parangal ngayong taon.
28:49Kabilang sa mga kinilala ang legendary Japanese animator, filmmaker,
28:54at manga artist na si Miyazaki Hayao na hindi nakadalo ng personal.
29:04Ito ang GMA Regional TV News.
29:10Arestado ang isang lalaking nagnakaw-umano sa collection box
29:14ng isang simpahan sa Compostela, dito sa Cebu.
29:17Sugata naman ang tatlong sakay ng isang tricycle
29:20matapos mabanga ng isang SUV sa Bacolod City.
29:23Balitang hatid ni Kim Salinas ng GMA Regional TV.
29:29Sa video na kuha ng netizen,
29:31makikita ang isang lalaking nakahiga at dalawang babaeng nakaupo sa kalsada sa Bacolod City.
29:37Sakay sila ng tricycle na tumagilid matapos mabanga ng SUV.
29:41Sa lakas ng pagkakabanga, tumilapon at nagkasugat ang mga biktima
29:45sa iba't ibang bahagi ng katawaan na.
29:47Ang akong sister ga shout, ga hibig, ga ask for help.
29:51Tapos siya, kung nagnaog siya and ginagad siya sa mga victims,
29:57wala siya gini-help.
29:58Kung talimisan nag-call ka sa ambulance,
30:01sinasubrahan sila one hour to sa road.
30:03Ga wala ta ambulance.
30:05Natumba na ng tricycle tungod sa kakusog sa impact.
30:08Din amuto nagtabog pa ganyan ang bumper to sa SUV.
30:11Amuto ang isa sa rason na na-identify siya.
30:15Sumuko rin sa mga polis,
30:16ang nakabagang driver na noong una ay sinubukang tumakas dahil sa takot.
30:20Sa mga drivers, kung sila may aksidente,
30:25maghunong sila kagina-inaplagihan.
30:28Rason niya man ito, down na-nervous to siya,
30:31na-hadlock siya, nakabungu siya, which is hindi na-rason.
30:34Ayon sa polis siya, nakaharap na ng nakabagang driver ang pamilya ng mga biktima.
30:39Hindi pa napag-desisyonaan kung magsasampa ang mga ito
30:42ng kasong reckless imprudence resulting in damage of properties and physical injuries.
30:49Arestado ang isang lalaking ng loob
30:51at nag-nakaw ng koleksyong pera mula sa simbahan sa Compostela, Cebua.
30:56Naaktuhan nang nakasaksi ang lalaki na nasa loob ng simbahan
30:59habang may kinukuha sa isang collection box.
31:02Ayon sa Compostela Polis,
31:04dumaan-umanong sospek sa nag-ibang bahagi ng grill.
31:07Nang mapansin ito ng staff ng simbahan,
31:10agad ipinagbigay alam sa Compostela Polis.
31:13Aamot sa mahigit sanlibong piso ang nakuha ng sospek galing sa collection box.
31:18Kim Salinas ng GMA Regional TV,
31:21nagbabalita para sa GMA Integrated News.
31:27Nalunod naman sa isang fishpond ang isang lalaki sa Bataki, Locos Norte.
31:31Base sa investigasyon, pumunta sa lugar ang lalaking 37 anos
31:35na biktima kasamang kanyang pamilya para magpiknik.
31:38Nangislaraw noon ang lalaki nang sumabit sa damo sa fishpond ang kanyang pamingwit.
31:43Lumusong sa tubig ang lalaki para tanggalin ito sa pagkakasabit hanggang siya ay siya malunod.
31:49Sinubukan pa siyang isalba pero idirekta ng dead-on arrival ng dalhin sa ospital.
31:57Sa ating mga motorista naman,
31:58ipatutupad ngayong linggo ang taasingil sa TOL
32:01ng Subiclark-Tarlac Expressway o SC-TEX
32:04at Muntinlupa-Cavite Expressway o MCX.
32:07Yan na rawang ikalawa sa tatlong tranche ng periodic adjustment ng TOL Regulatory Board.
32:12Simula bukas, may dagdag na 64 centavos kada kilometro
32:16para sa Class 1 vehicles sa SC-TEX.
32:191 peso and 29 centavos naman para sa Class 2 vehicles
32:23habang 1 peso and 93 centavos sa mga Class 3 vehicles.
32:27Sa Merkules naman, ipatutupad ang bagong TOL sa MCX.
32:3122 pesos na ang babayaran ng mga Class 1 vehicles
32:36matapos itong tumaas ng 3 pesos.
32:39Dagdag na 4 pesos naman sa Class 2 vehicles.
32:4243 pesos ang bagong TOL na para dyan.
32:4665 pesos naman para sa Class 3 vehicles.
32:51PASSAGERS
33:02Mahigit tatlong daang pasahero ang stranded sa Manila Northport Passenger Terminal
33:06dahil po sa bagyong Pepito.
33:08Mahigit dalawang daan sa kanila ang apektado ng mga kanseladong biyahe
33:12kabilang sa Bacolod, Iloilo at Dipolog.
33:15Tuloy-tuloy naman ang pagbibigay sa kanila ng libreng pagkain ng mga otoridad.
33:19Ang DSWD nagbibigay na rin ng sleeping kits
33:23dahil ang ilan po sa kanila, biyernes pa nasa pantalan.
33:27Mahigit sang daang advanced passengers naman ang nadagdag sa stranded.
33:35Update po tayo sa lagay ng panahon ngayon sa Katanduanes
33:37na isa sa pinaka napuruhan ng bagyong Pepito.
33:40Kausapin po natin si pag-asa Senior Weather Specialist Glyza Esculliab.
33:45Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
33:49Magandang umaga rin po sa inyo Ma'am Pony
33:51at magandang umaga po sa ating mga kababay.
33:53Ma'am, saang direksyon na po patungo ang bagyong Pepito
33:56at tuluyan na ba itong humina?
33:59Ngayon po ang bagyong Pepito po ay isang severe tropical storm humina na po from typhoon
34:04at taglay po nito ang lakas na hangi na 110 kmph, malapit sa gitna
34:09at bungsong aabot naman hanggang 135 kmph.
34:14Kumikilos po pa-Kanduran, Hilagang-Kanduran sa bilis na 20 kmph.
34:19Sa ngayon po ay nasa guhit na po, o malapit na po ito sa guhit
34:23ng northwestern boundary ng PAR
34:26at inaasahan po na anytime from now ay lalapas na rin po
34:29ng Philippine Area of Responsibility.
34:31At wala namang pong chance ang ito bumalik pa sa Philippine Area of Responsibility Ma'am, no?
34:36Opo Ma'am Pony, wala na pong chance,
34:38o wala na tayong nakikitang scenario na babalik po ito ng Philippine Area of Responsibility.
34:43Tuluy-tuloy na po ang paglabas po nito.
34:45Ayun, at sa ngayon ho ba?
34:47Wala naman ba tayong mga nagbabadyang sama ng panahon na mamonitor Ma'am?
34:53Sa ngayon po, base po sa TC threat potential po ng ating climatological division
34:58ay wala na pong cloud cluster o low pressure area na nakikita po tayo ngayong linggo.
35:03Ang inaasahan na lang po natin ay ang pagsisimula po ng Amihan any day from now po.
35:09O, so pa pwede na tayong makaranas na mas malamig na panahon dahil sa Amihan?
35:15Opo, una po muna dyan, ang northern zone and eventually po dito sa Metro Manila,
35:19likely by December po po natin mararamdaman yung paglamig po ng panahon.
35:24I see. Pero wala na po tayong, kung baga, bagyo pang paparating?
35:28Pagdating po ng December kaya o bago matapos ang buwan na ito?
35:32Bago matapos ang buwan na ito, base po sa ating forecast,
35:36ay mababa po yung chance na magkaround po tayo ng bagyo.
35:39But for December po, isa o dalawa po ang inaasahan po natin.
35:43Ayun. Marami pong salamat sa inyo pong update sa amin, Ms. Glyza Esculliar,
35:47ang Senior Weather Specialist ng Pag-asa.
35:50Marami salamat din po, Ma'am Toni.
35:54Maraming residente sa Manila at Quezon City ang lumikas na rin po bilang pag-iingat sa Bagyong Pepiko.
35:59Ang iba po sa kanila, natuto na rao sa mga nagdaang bagyo.
36:03Balitang hatin ni Nabea Pinlac at Jomer Apresto.
36:10Basado alas 11 na ng gabi, pero abala pa rin ang mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare
36:16sa pagbilang ng mga residenteng inilikas dahil sabantan ng Bagyong Pepiko.
36:20Tuloy-tuloy rao kasi ang pagdating ng mga evacuee.
36:23Dito sa Dalpan Evacuation Center, umakyat na sa makikit 270 pamilya ang inilikas mula sa parola.
36:30Dumoble na yan, kumpara sa datos kahapon.
36:33Medyo nagkaroon po ng high tide sa bandang coastal area po ng Barangay 275.
36:38Kung lalakas po ang ulan at atas po ang tubig, maaari po siya madagdagan.
36:42Hindi pa naman siksikan dito, pero may ilang pamilya ang piniling maglatag na lang at matulog sa labas ng mga kwarto.
36:49May ilan naman nasa loob pa rin ng mga modular tent.
36:52Ang residenteng si Merlyn halos hating gabi na rin lumikas kasamang kanyang apat na anak.
37:05Sa President Corazon Aquino High School naman, umabot na sa makikit 280 pamilya ang inilikas mula sa baseko compound.
37:13Kaya ang karamihan sa kanila sa corridor na rin ang paaralag piniling matulog.
37:18Batay sa pinakauling datos na ibinigay sa GMI Integrated Use ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office,
37:25aabot na sa makikit 1,000 pamilya ang inilikas sa lungsod.
37:29Bukod sa baseko at parola, marami rin inilikas sa Barangay 101 at Barangay 128 na umabot sa makikit tagdalawad daang pamilya.
37:38Para po sa kaligtasan ng lahat, kung kayo po ay nalapit po sa tirahan na kung saan umaangat po ang tubig,
37:45o nagkakaroon po ng ba, mas maganda po at maaari pong lumikas na po kayo.
37:51Natuto na sa naranasan noong bagyong karina noong Hulyo si Nanay Henny.
37:56Kaya ngayong may bagyong pepito, hindi na sila nagdalawang isip na lumikas agad.
38:01Kasi pagka may bagyo talaga kinakabahan ako lagi.
38:04Kasi may karanasan ako.
38:07Dati hindi ako na lumilikas eh.
38:10Yung karina na yun talaga, nagkaroon na ako ng phobia dahil naabot na yung tubig dito eh.
38:16Ang pamilya naman ni Nanay Marilu, hindi na raw hinintay na lumakas ang ulan at tumaas ang baha bago pa lumikas.
38:24Sabi naman naming wala pang baha, pero sumusunod kami sa patpakaran.
38:28Kasi baka nga dumating sa punto na hindi kami makinig doon sa mga malunod kami doon mag-anak.
38:35Ayong dami yung ako na maliliit. Kaya lumilikas na agad kami.
38:39Ang ilang kasama nila sa evacuation centers, hindi raw muna uuwi hanggat matiyak na ligtas na at nakaalis na ang bagyo.
38:47May hintayin lang po namin yung update galing sa QCDRRMO kung pwede na po mag-lift ng evacuation centers, kung pwede na silang pauwin.
38:56Sa Barangay Bagong Silangan, 154 families of 558 individuals ang nagpalipas ng gabi sa evacuation center.
39:04Sa Barangay Del Monte naman, nakasalubong natin ang ilang residenteng lumikas sa San Francisco Elementary School na pauwin na sa kanika nilang mga bahay.
39:12Kahit na walang hangin o walang ulan, lumikas na kami. Eh ngayon, wala na. Uwi na.
39:21Daing ng ilan sa mahigit sanlibong evacuees dito, hindi lahat may modular tent na matutulugan.
39:28Ang sabi nila, sa sobrang sikip sa ka, yung lawak ng tent, hindi na nagkasha po. Ang ginawa nila, doon lang sila sasahignag sa pen. Kaya hindi po sapat.
39:37Sinisika pa namin kuhana ng pahayag ang QCLGU kaugnay niyan.
39:41Beya pinlak?
39:43Joe Merapresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
39:48Ramdam ni Asia's Multimedia star Alden Richards ang suporta ng fans at ilang kapuso artist sa pinagbidahan nilang film ni Catherine Bernardo na Hello Love Again.
40:03Spotted sa block screening ng film sa isang mall sa Mandaluyong, Sina Christopher Martin at Mikoy Morales.
40:10Present din si kapuso drama king Dennis Trillo na co-star ni Alden sa Pulang Araw. Ano naman kaya ang say ni Dennis tungkol sa pelikula?
40:21Dito, punong-punong ng pagmamahal, punong-punong ng hope, may comedy pa. Lahat, nandito na. Perfect na pelikula para ma-entertain ka, ma-enjoy, matuto ng mga life lessons sa buhay at may apply siya at the same time.
40:39Speaking of Hello Love Again, may record-breaking sales din ito abroad. Ayon sa ulat ng news agency na deadline, ang Hello Love Again ay may 2.4 million dollars na ticket sales sa North America.
40:52Katumbas yan ang halo sa 141 million pesos. Yan na ang highest opening weekend record para sa isang Filipino film doon.
41:01Sa Instagram, nag-thank you si Alden sa mga sumuporta sa pelikula. Ang Hello Love Again ay collaboration ng Star Cinema at GMA Pictures.
41:11Para sa mga magkikristmas shopping, ibang-ibang panregalo ang mabibili sa Noelle Bazaar ngayong taon.
41:19Mayroon dyang accessories, apparel for all ages, maging home decor, and kitchenware.
41:26Sa opening ng Bazaar nitong Biernes sa Paranaque, present ang ilang opisyal ng Kapuso Network at si Sparkle Artist, Sanya Lopez, na ambasador ng GMA Kapuso Foundation.
41:37Masusundan pa ang unang salvo ng Noelle Bazaar na nagtapos nitong weekend.
41:41Abangan yan sa November 22 hanggang December 1 sa World Trade Center. Mula naman December 12 hanggang December 15 sa Philadelphia's Best Tent sa Alabang, Muntinlupa.
41:52Mapupunta ang tikitain ng Bazaar sa beneficiaries ng GMA Kapuso Foundation, kabilang na ang mga na-affectuhan ng sunod-sunod na bagyo.
42:04I just received video from Cagayan. Ang daming nasira na school. Sobra talaga.
42:10So we should all come together and do our share. Kasi sino pa magtutulungan except tayong mga Pilipino.
42:18Noong mga nakaraang taon, nagkakataon din na may mga bagyong sumalanta sa bayan at nagpapasalamat kami sa lahat ng mga sumuporta sa Noelle Bazaar
42:30because this is the time that we really need the support of all our kababayan so that we can help out those who are badly hit by the typhoons.
42:41Ito ang GMA Regional TV News
42:47Nakuhanan ng mahigit sa isang kilong hinihinalang shabu ang dalawang dalaki sa Sarayaya, Quezon.
42:53Sa by-bus operation, nabilan sila ng polis na nagpanggap na buyer.
42:57Base sa investigasyon, Delivery Rider ang isa sa mga suspect na ginagamit daw ang kanyang trabaho para makapagpenta o mano ng iligal na droga.
43:05Nakumpis ka rin sa mga suspect ang motorsiklong kanilang gamit at cellphone.
43:10Tumanggi magbigay ng pahayag ang parehong suspect. Nasa kustodian na sila ngayon ng polis.
43:19Patay sa Talisay City, dito sa Cebu, ang isang rider na bumanga sa poste.
43:25Ayon sa mga saksi, mabilis ang pagtakbo ng dikima bago tumama sa poste sa Barangay Lawaan Uno.
43:31Walang helmet ang rider. Sugata naman ang kanyang angkas na dinalas.
43:35At the hospital.
43:39Malungkot na balita sa OPM Industry.
43:43Kinumpirman ng bandang Aegis ang pagpanaw ng isa sa mga vocalist nito na si Mercy Sunot.
43:49Ayon sa Facebook post ng banda, humarap at lumaban sa cancer si Mercy.
43:55Pero ngayon nakahanap na ng kapayapaan kasama ang may kapal.
43:59Inalala ng Aegis si Mercy na may tinig na nagdadala ng saya at lakas sa marami.
44:03Naging inspirasyon din daw si Mercy sa marami, lalo na sa kanyang mga tagahanga sa bawat pag-awit niya.
44:11Hindi rin matatawaran ang dedikasyon ni Mercy sa pagtatanghal na patuloy nilang babaunin sa kanilang mga alaala.
44:19Nagpasalamat din sila kay Mercy para sa kanyang musika, pagmamahal, at mga alaala.
44:25Mga kapuso nag-iwan ng malaking pinsala sa kabuhayan at ari-arian ng ilan sa ating mga kababayan ang Bagyong Pepito.
44:33Kaya ang GMA Kapuso Foundation ay agad nagsagawa ng Operation Bayanihan sa mga apektadong probinsya.
44:41Ongoing na ang relief distribution sa ilang lugar sa Camarines provinces.
44:45Bukas nakatakdang bumiyahe ang GMA Kapuso Foundation sa Katanduanes,
44:50kung saan unang nag-landfall ang bagyo sa mga nais magpabot ng tulong maaring magdeposito
44:56sa bank accounts ng GMA Kapuso Foundation o magpadala sa Cebuana Luwilyer.
45:00Pwede rin online via GCash, Shopee, Lazada, Globe Rewards, at Metrobank Credit Card.
45:07Paalala po, mag-ingat po sa mga nagpapanggap na taga GMA Kapuso Foundation.
45:14Ay, hingan muna po tayo saglit sa mga hamon ng sunod-sunod na bagyo.
45:19Ito, bida natin, mare, ang good vibes na naghatid ng isang batang evacuee sa kagayaan.
45:30Aba naman, sa gitna po ng mga tent sa isang evacuation center sa Gonzaga,
45:35may mini-concert to ang isang batang lalaking yan.
45:38Ito, dubigay sa kanyang performance ng isang Ilocano song.
45:43Hiyawan at palakpak naman ang sukli sa kanya ng kawa evacuees.
45:48May ilan nga naki-jamming pa sa kanyang pagkanta at napaindak sa kanyang dance moves.
45:54Ayan, talaga ang resiliency ng Pilipino iba, diba?
45:58At ito po ang Balitang Hali. Bahagi kami ng mas malaking misyon.
46:02Ako po si Connie Sison.
46:04Nasama niyo rin po ako, Aubrey Carampe.
46:06Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan, mula po sa GMA Integrated News,
46:10ang news authority ng Pilipino.