• 3 months ago
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

To our Global Pinoys in the U.S., catch your favorite Pinoy shows from GMA Pinoy TV, GMA Life TV, and GMA News TV, now available on YouTube TV!

Subscribe now for only $14.99 per month. Visit tv.youtube.com for more details.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tunog na pamatay-sunog? Talaga namang magandang pakinggan ang dinevelop na tech ng ilang estudyante
00:17sa Mindanao. Imagine, hindi kailangang mabasa ang loob ng nasusunog na bahay dahil sa tubig
00:23o madumihan ng kemikal ng fire extinguisher. Tara, let's change the game!
00:33Kapag may sunog,
00:38ang karaniwang hinahanap pamatay ng apoy ay tubig
00:44o fire extinguishers. Pero alam nyo bang may isa pang klaseng pamatay-sunog
00:50na gumagamit lang ng sound wave energy?
00:55Yan ang pinag-aralan ng electrical engineering students mula sa University of Mindanao.
01:03Ang portable fire exterminator na kayang rumiha ng shockwave sa pamamagitan ng sound vibration.
01:12Yung device namin is for instantaneous fire. Yung sisimula pa lang,
01:16yun ang nakaganda ng device namin kasi pwede siyang ilagay sa ceiling.
01:21Pag may nawa-detect na fire, kaya niyang extinguish kaagad.
01:25So, meron tayo ngayong speaker slash amplifier na siyang mag-create sa atin o gagawa ng sound wave.
01:33Papaganahin natin ang lighter. Kaya nakikita natin na meron siyang apoy all the way.
01:41Pero kapag ka-tinapat natin dito sa area na ito kung saan lumalabas yung shockwave,
01:48eh mawawala ang apoy pag mas dan.
01:55Pinag-aralan namin ng mabuti ang design, yung range ng kanyang pagbuga ng sound waves,
02:03and then yung efficiency din niya.
02:06Binubuo ng manual and automatic switch functions with fire sensors ang prototype,
02:12na napapagana ng rechargeable sodium ion battery.
02:16Wala rin dapat ikabahala dahil ligtas sa pandinig ang prototype,
02:20na nasa 80 decibels ang sound level, at kayang umabot sa layong hanggang dalawang metro.
02:27So yung barrel is, pinofocus niya yung sound energy into one focal hole.
02:35So doon lumalabas na mas malakas na yung product niya.
02:38Yung sa amin is shockwave lang, yung moving particles, wala siyang masisira na device.
02:45Dahil sa fire sensors, na-dedetect ng prototype kung merong apoy sa area,
02:50at may choice ang user to automatically or manually operate the device.
02:54At higit sa lahat, eco-friendly ito dahil walang naiiwang chemical residue matapos maapula ang apoy.
03:02Sa ngayon ay naipapatent na ng grupo ang proyekto,
03:05na naging 1st at 2nd placer din sa DOST 2021 Regional Invention Contest and Exhibits
03:12at 2022 National Invention Contest and Exhibit.
03:15A game-changing breakthrough sa pag-apulahan ng apoy.
03:19Meron itong potensyal na pababain ang malalang insidente o fire incidents dito sa bansa.
03:25Para sa GMA Integrated News, ako si Martin Aviar,
03:29Changing the Game!
03:32Mga kapuso, kumpara nung mga nakalipas na linggo,
03:37kung kialan halos sunod-sunod ang mga bagyo,
03:39asahan ang unti-unting pagganda ng panahon sa malaking bahagi ng bansa.
03:44Ayon sa pag-asa, naka-monsoon break kasi tayo.
03:47Ibig sabihin, pansamantalang nawala ang epekto ng habagat,
03:51kaya hindi na malawakan at tuloy-tuloy ang mga pag-ulat.
03:55Sabi ng pag-asa, Easter Leaves o mainit na hangin galing sa Kargatang Pasipiko ang iiral.
04:01Magiging maalinsangan ng panahon sa halos buong bansa,
04:05pero posible pa rin ang localized thunderstorms.
04:08Base sa datos ng Metro Weather, mababa ang tsansa ng ulan sa umaga.
04:13May mga kalat-kalat na ulan sa ilang bahagi ng Palawan, Samar, Zamboanga Peninsula, Karaga at Davao Region.
04:21Sa hapon, posible na rin ang ulan sa Ilocos Provinces, Central Luzon, Cagayan Valley,
04:27Mindoro Provinces, pati sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
04:31May heavy to intense rains dahil sa thunderstorms,
04:34lalo na sa Mindanao, kaya maging handa sa Bantanang Baha o landslide.
04:39Sa Metro Manila, posible rin ang ulan bandang hapon o gabi.
04:43Samantala, magiging mas mahaban na po ang gabi kesa sa araw sa mga susunod na linggo at buwan,
04:49kasunod yan ng autumnal equinox kahapon,
04:53kung kailan naging halos pantay ang haba ng oras sa araw at gabi.
04:57Abangan din ang unti-unting pagpasok ng amihan na magdadala ng malamig na panahon.
05:27na bil sa kuryente ng pamilya Jose para sa buwan ng Hulyo ngayong kaon.
05:34Napasobra ng bayad sa Miralco.
05:52Nakiusap daw sila sa Miralco na i-refund ang sobrang naibayad,
05:57Ang sinasabi po ng Miralco, hindi daw po sila mag-re-refund kung sumobra man po yung bayad namin.
06:04Ang gagawin lang po nila is, i-kakaltas sa monthly bill namin.
06:08So ilang buwan po yung bubunuin namin.
06:12Gumulog ang inyong kapuso action man sa Miralco.
06:15Hinggil sa overpayment o sobrang bayad,
06:18karaniwan daw itong otomatigong na i-kakaltas sa susunod na bill ng kuryente ng mga customer.
06:24Pero sa pagkakataon namang gustong magpa-refund ng nagbayad,
06:28may kakulan itong proseso.
06:30Kaya nang nangyari sa pamilya Jose.
06:32Nagbayad sila sa pahamigitan ng e-wallet o third-party payment channel,
06:36kaya kinailangan munang dumaan sa proseso ng verifikasyon bago ma-proseso ang refund.
06:44Nagpaalala rin ng Miralco sa mga customer na tiyaking tama ang mga detalyeng ibibigay tuwing magbabayad para iwas sa berya.
06:52Sa tulong ng inyong kapuso action man,
06:54naibalik na ng Miralco sa pamilya Jose ang sobrang nilang naibayad.
06:59Dibos po ako nagpapasalamat sa inyo at sa wakas po na-actionan na po ang aking reklam sa Miralco.
07:05Nakuha ko na po ang aking cheque, ang aking refundable.
07:12Mission accomplished tayo mga kapuso.
07:15Para sa inyong mga sumbong, ipadala niyo lamang sa Kapuso Action Man Facebook page.
07:19Dakil, saan mareklamo pang abuso o katimulya, diyak may katapataksyon sa inyong Kapuso Action Man.
07:25Matapos ang labing isang buwan sa kulungan,
07:28nakapiling na muli ng aktor na si Ricardo Cepeda ang kanyang pamilya.
07:34Emosyonal siyang humarap sa publiko matapos masangkot sa kasong syndicated estafa.
07:39Narito ang report ni Lars Santiago.
07:45I can take it, but my worry is sila.
07:48Naging emosyonal ang aktor na si Ricardo Cepeda sa kanyang unang pagharap sa publiko
07:56matapos makalaya noong nakaraang linggo.
07:59Nakapagpiansa ang aktor matapos ang mahigit labing isang buwang pagkakabilanggo sa Kagayan Provincial Jail.
08:07October 2023, inaresto sa kaluokan si Ricardo para sa kasong syndicated estafa.
08:16Akusasyong kanyang itinanggi dahil modelo lang daw siya ng mga produkto ng inireklamong kumpanya.
08:24Akala ko talaga it would be over once nakita na basa nila, nakita nila na dapat hindi siya kasama.
08:32I really thought, we thought mga two months lang baka tapos na to eh.
08:35You try to be positive eh.
08:38Naging sandigan niya raw noong panahon na yon ang pamilya at partner niyang aktres na si Marina Benipayo.
08:46Sabi ko nga she's my hero.
08:48She's the one who was left behind and had to hold everything together.
08:53But she really kept everything together na that's what helped me also inside knowing that somebody's taking charge outside.
09:02Nitong linggo, nakasama ni Ricardo ang kanyang mga anak.
09:07Kapun, first time, first time to see each other, iyakan.
09:10But it happened bigla, nalala ko naman.
09:14Sabi ko, my biggest issue, my worry is sila.
09:21How are they going to handle it?
09:23How are they going to handle people saying things about me, yung negativity they may hear?
09:28Wala pang nakatakdang pagdinig sa pagpapatuloy ng kaso ni Ricardo.
09:34Para sa GMA Integrated News, Lar Santiago nakatutok 24 oras.
09:43Nagsalita sina Sen. Bong Revilla at DILG Secretary Ben Herabalos sa naging pagbisita nila kay dating Vice President Lenny Robredo sa Naga City nitong Sabado.
09:54Ayon kay Revilla, personal daw ang naging pag-uusap nila ni Robredo na ilang dekada na niyang kaibigan dahil malapit din siya sa namayapang asawa nitong si dating DILG Secretary Jesse Robredo.
10:07Sinabi rin ni Revilla na may kaunting usapan tungkol sa politika pero wala namang pag-uusap sa posibling koalesyon ng kanyang partido na lakas CMD at Liberal Party na kinaaniba ni Robredo.
10:20Sabi naman ni Herabalos, pumunta siya ng Naga Bilang Pamamanata sa Ina-Peña Francia at isinabay ang kanyang criticy call kay Robredo.
10:30Nauna nang sinabi ni Robredo na walang kulay ng politika sa pagdiriwang ng Peña Francia.
10:36Taong 2017 pa nang simulang ipatupad ang PUV Modernization Program pero pitong beses nang naurong ang deadline para sa consolidation at nakit tapos na ang deadline, hirap pa rin umusad ng programa.
10:55Ang mga hamon at pangambang nakadikit sa programa, saguti natin sa GMA Integrated News Explainer ni Maris Umali.
11:06Panahon pa ng mga Amerikano pagkatapos ng World War II, harina ng kalsada kung iturin nga mga jeepney. Ang itsura ng mga disenyo ng mga jeep hindi na hanos nagbago mula pa noon.
11:18Kaya nga nitong 2017, sinimulang ipatupad ng Department of Transportation ng PUV Modernization Program o PUVMP.
11:26Layo ng PUV o Public Transport Modernization Program, napalitan ang mga lumang jeep na mga sasakiyang mayroong di bababa sa Euro 4 compliant na makina.
11:36Para mabawasan ang pulusyon, bakay din itong mapalitan ang mga unit na hindi na raw roadworthy.
11:42Ang mga jeepney operator naman, pinapag-consolidate o pinagsasama-sama para bumuon ng mga kooperatiba o korporasyon upang payagang makapamasada.
11:52Bukod sa gastusin sa pagbili ng modernong jeep, inalamahan din ang mga operator at transport groups ang pagkawalan ng kanilang prangki sa oras na sila'y mag-consolidate.
12:03Pero base sa datos na nakalap ng GMA Integrated News Research, ang deadline para sa consolidation na orihinal na itinakda noong June 30, 2020, pitong beses nang na-extend.
12:14Ang pinakahuling deadline, April 30, nito'ng taon.
12:18Ang Sarangang Department of Transportation, nasa 85% na mga PUV ang nakapag-consolidate na sa buong bansa.
12:25Kailangan natin yang para magkaroon ng tamang fleet management, ang tamang dispatch system, hindi yung nag-aagawan sila sa mga pasero,
12:35and maging maayos yung operations nila, and mabawas na din yung traffic. Kasi kung hindi sila consolidated, magkakanya-kanya sila.
12:44P-U-V-E-R-P! P-U-V-E-R-P!
12:47Pero hanggang ngayon, mayroon pa rin mga kumukontra.
12:50Hindi rin namin natitinag na makipaglaban at gusto nating ipakita sa kanila na hindi kami nawawalan ng pag-asa
12:58dahil kabuhayan at kalam ng sikmura ng aming mga pamilyang ipinaglalaban namin dito.
13:03Nakakuha pa sila ng kakampi sa Senado ng 22 sa 23 senador ang pumirma sa Proposed Senate Resolution 1096
13:11na humihimok sa gobyernong pansamantalang suspindihin ang implementasyon ng PUV Modernization Program
13:17na tinawag ng Public Transport Modernization Program.
13:20Malinaw na nakalagay sa Senate Resolution na pinasususpindi yung implementation ng programa ng P-U-V-E-R-P
13:28doon sa mga hindi pa nagkukumplay ng mga driver at mga operator.
13:32Pero mismo si Pangulong Bombo Marcos na ang nanindiga na tuloy ang P-U-V Modernization Program
13:38sa kabila ng Resolusyon ng Senado ang ipasuspindi muna ito.
13:40I disagree with them because sinasabi nila, minadali.
13:44This has been postponed seven times.
13:48The modernization has been postponed for seven times.
13:51And those that have been objecting or have been crying out and asking for suspension are in the minority.
14:00So, pakinggan natin yung majority.
14:02At ang majority, sinasabi, ituloy natin.
14:05Ang mga nakapag-consolidate naman problema ang pagbili ng modern jeep
14:08na amot sa mahigit 2 million pesos ang presyo bawat isa.
14:12Kaya naman ang mga choper ng Tandang Sora Jeepney Cooperative at Ayala Transport Co-op
14:17dito sa Tandang Sora Terminal, nananatiling tradisyonal na jeep pa rin ang ipinapasada.
14:22Kahit 2022 pa rin sila nakapag-consolidate.
14:25Ang problema po ngayon, hindi po namin pasa ngayon, kaya i-afford yung tinatawag po nila na modern jeep.
14:35Sa sobrang mahal po at sa lehit po ng aming boundary,
14:38Paano mo naman po kami makakabayat sa 2.7 million modern jeep ng ating gobyerno?
14:43Ano po yung hulog namin doon?
14:45Yun ang talagang biggest fear ng mga driver namin ngayon dito at mga operator.
14:49Yung pagdatingin ng panahon na kami, talagang i-stop na.
14:52Paglilinaw ng DOTR, oras daw na ma-isa pinal na ang local public transport route planning
14:57na magtatakda ng mga ruta, ay tsaka pa lang nila i-require na palitan ng mga modernong jeep ang mga luma nila.
15:04At dahil masusing pag-aaral ang kailangan para rito,
15:06aabutin parao ng tatlo hanggang limang taon bago ang full implementation ng modernization program.
15:12Para sa GMA Integrated News, Maris Umali akuto, 24 oras.
15:36you

Recommended