• 4 months ago
Bagyong #DindoPH, nakalabas na ng PAR; Habagat, nakaaapekto pa rin sa bansa

Transcript
00:00Weather update na tayo. Ngayong lunes, nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong dindo ngayong umaga.
00:07Sa pinakuhuling update ng pag-asa, huling damataan ang bagyong dindo sa layong 670 northeast ng Itbayat, Matanes.
00:16May lakas ito ng hangin na aabot ng 80 kilometers per hour at mabagal na kumikilos pa northeast.
00:24Inaasahang patuloy nakikilos pahilagang bagyo at tatawirin ang East China Sea at Yellow Sea papunta ng Korean Peninsula.
00:32Sa ngayon, habagat pa rin ang makakaapekto sa bansa at magiging maulap po ang kalangitan na may kalat-kalat na pagulan, pagulog, pagkidlat sa Matanes at Bambuyan Islands.
00:43Habang may chance na paulanin ang localized thunderstorm ang Metro Manila at nalanabing bahagi ng bansa.
00:50Samantala, ilang lugar na sa bansa ang nag-anunsyo ng kanselasyon ng klase dahil sa volcanic smog o vog mula sa Bulkang Taal.
01:02Ayon sa Phivox, ang vog ay binubuo ng sulfur dioxide gas at iba pang volcanic gas na humahalo sa atmospheric oxygen, moisture, alikabok at sikat ng araw.
01:13Ito ang dahilan kung bakit nagiging hazy o malabo ang kapaligiran.
01:17Ang sulfur dioxide ay isang acidic o acidic at maring magsanhi ng pagkairitan ng mata, ilong at lalamunan.
01:26Pinakamadaling maapektuhan ito ay ang mga may hika, sakit sa baga at sakit sa puso.
01:32Ganun din ang mga matatanda, bata at buntis.
01:35Kung apektado ang inyong lugar ng vog, isara ang inyong mga pintuan at bintana at limitahan ang paglabas at kung kakailanganin ay magsuot ng N95 mask.
01:47At paalala muli sa ating mga kababayan para maging ligtas sa lahat ng pagkakataon mula sa efekto ng pabago-bagong panahon o galing tumutok dito lang sa PTV InfoWeather.

Recommended