Marian Rivera, isa sa mga waging Best Actress sa Cinemalaya Independent Film Festival 2024 para sa "Balota" | Unang Balita

  • 3 weeks ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Showbiz chika tayo ngayon Monday morning, binigyan pa rangalang ilang pelikula at personalidad
00:10sa Awards Night ng Cinemalaya Independent Film Festival 2024.
00:14Kabilang dyan si kapuso prime time queen Marion Rivera, na isa sa mga nagwaging best actress
00:19at natanggap pa ang award sa Bisperas ng kanyang 40th birthday.
00:23May unan chika si Aubrey Carampel.
00:25For her, spirited portrayer of public school teacher,
00:33practicing life and means to protect the sanctity of the ballot.
00:39Marion Rivera for Balota.
00:43Wagy bilang best actress si kapuso prime time queen Marion Rivera sa Cinemalaya Independent Film Festival 2024
00:51para sa kanyang paganap bilang si Teacher Emmy sa pelikulang Balota,
00:55na official entry ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group.
00:59Emosyonal na tinanggap ni Marion ang kanyang Balangay Trophy para sa kauna-unahan niyang Cinemalaya film.
01:07Sa lahat po nang bumubuo ng Cinemalaya, marami pong salamat sa inyo.
01:11To my GMA family, thank you.
01:13Direk Kip, ramdam ko ang 100% na patitiwala mo sa kakayaan ko kung paano ko i-art ni si Teacher Emmy.
01:21So thank you, Direk Kip.
01:23Pinasalamatan din niya ng lahat ng bumubuo ng Balota,
01:26pati na ang kanyang mga anak at ang mister na si kapuso prime time king Ding Dong Dantes.
01:32Sabi ko sa kanya, mahal, may offer sa akin sa Cinemalaya.
01:36Tatanggapin ko ba? Kakayanin ko ba?
01:39Sabi niya, kailangan mong gawin iyan. Kailangan mong ipakita kung sino ka.
01:44Salamat, God, sa patitiwala.
01:46Ang award natanggap ni Marion sa bisperas pa ng kanyang 40th birthday.
01:52Birthday ko po.
01:54Salamat po sa napakagandang regalo.
01:57Ini ang alay daw niya ang karangalang ito.
02:00Sa lahat po ng Teacher Emmy na matapang na ginagawa ang lahat
02:04para protectahan ang boto ng sambayanan kahit pa ang sariling buhay ang malaansalang sa panganib.
02:11Teacher Emmy, para sa iyo ito.
02:14Bukod sa award, thankful din si Marion sa naramdamang suporta para sa kanyang first Cinemalaya film
02:21na sold out ang lahat ng screenings.
02:24Dahil sa pelikulang iyon, she was able to express.
02:27Yung mga feelings, emotions, pero yung igit sa lahat na pakita niya yung talent niya.
02:34I was just so happy na nakuha niya, hindi lang ang best actress, kundi yung mga puso natin sa pagganap kay Teacher Emmy.
02:42Katay ni Marion for Best Actress si Gabby Padilla para sa pelikulang Konobasho.
02:47Best Actor si Enzo Osorio for The Hearing.
02:51Special Jury Award for Full-Length Film ang Alipato at Moog at ang Pamalandong sa Danao for Short Film.
02:57Best Director for Short Film si Sam Manaksa para sa Cross My Heart and Hope to Die na nanalo rin Best Short Film.
03:04Best Director for Full-Length naman si Jaime Pacena para sa Konobasho na wagiring Best Production Design at Best Cinematography.
03:13Big Winner naman ang Tumandok na waging Best Full-Length Film, Best Screenplay, Best Original Music Score,
03:21Best Supporting Actor para kay Felipe Gananshal, at Tumandok din ang recipient ng NETPAC Award.
03:28Ito ang unang balita.
03:30Aubrey Carampel para sa GMA Integrated News.
03:34Mga kapuso, para una ka sa mga balita, mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube.
03:39Sa mga kapuso abroad, subaybayan niyo po kami sa GMA Pinoy TV at sa www.gmanews.tv.

Recommended