Iba't ibang rewards at incentives, naghihintay kay Pinoy gymnast Carlos Yulo; Suporta sa mga Pilipinong atleta, dapat palakasin pa ayon sa isang political analyst
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Ito deserve na deserve naman talaga ang limpak-limpak na salapi
00:04pa Premier Rewards at incentives na naghihintay sa Filipino gymnast na si
00:09Carles Edriel Yulo sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas.
00:13Sabantala binigyan din naman ng isang eksperto ang kahalagahan ng pag-suporta sa mga
00:18Filipino athletes lalo na sa pagsisimula ng kanilang karera.
00:22Si Patrick De Souza de Talle.
00:24Matapos ang back-to-back gold medal ng Pinoy gymnast na si Carlos Yulo sa
00:31Paris 2024 Olympics ng Manguna sa Floor Exercise at Men's Vault ng Artistic
00:37Gymnastics, milyon-milyong pisong gantimpala ang naghihintay sa tinagorean
00:43ngayong Golden Boy.
00:44Ang isang real estate company in upgrade sa 3-bedroom fully furnished
00:49condominium sa Taguig City ang ibibigay kay Yulo na may kasama pang cash
00:54bonus na tatlong-milyong piso.
00:56Suma total nasa 35 million pesos ang matatanggap ni Yulo mula sa naturang
01:03kumpanya.
01:04Tatlong-milyong piso naman ang ibibigay ng isang roasted chicken retail business
01:09bilang regalo.
01:10Habang ang isang kilalang restaurant, Lifetime Unlimited Free Buffet,
01:15ang ibibigay kay Yulo.
01:17Marami pang malalaki at malilitmang kumpanya o negosyo ang may papremyo
01:22sa Golden Boy.
01:23Hindi pa kasama ang mga produktong tiyak na kukunin ang endorsement ni Yulo.
01:29Alinsunod naman sa RA 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and
01:36Incentives Act bilang gold medalist ay matatanggap pa si Carlos Yulo ng
01:4110 million pesos mula sa gobyerno, pati na ng Olympic Gold Medal of Valor.
01:48Mayroon bang house and lot na ibibigay ang Philippine Olympic Committee,
01:53ang House of Representatives?
01:55Dinoble rin sa 6 million pesos ang ibibigay ng cash incentive kay Yulo.
02:00May pangalawang ginto na yata eh, kaya madodoble yata.
02:05But we feel that it's important to support and to inspire all our
02:10athletes and to recognize their achievements.
02:12We're very, very proud of our medalists and we're looking forward to more
02:18medals during this Olympics and we're very inspired as a nation.
02:24Target din ang kamara na dagdagan ang pondo ng gobyerno para sa paghubog
02:29sa mga atleta.
02:30Ang hometown naman ni Yulo sa Maynila, naghahanda para sa ikakasang Heroes
02:35Parade at plano itong simulan sa Liveriza, Malate kung saan siya lumaki.
02:40Samantala, ipinunto ng isang eksperto ang kahalagaan ng pagsuporta
02:45sa mga Pilipinong atleta at pagbibigay pansin sa iba pang sports sa Pilipinas
02:50at pagpapalakas sa grassroots program.
02:53Ang daming Carlos Yulo dyan, ang daming Neste Petitio, Ira Villegas,
03:00EJ Obiena, Heidelin Diaz, ang daming daming dyan na kailangan natin tulungan,
03:05kailangan natin supportahan.
03:07Alam naman natin na naging kwento ni Carlos Yulo, hindi naman siya galing
03:11sa isang mayamang pamilya, naga Liveriza sa Maynila, ngunit siya nagsipag,
03:16nagpunyagit. So mas lalong gagana yan, gaganahan tayo kapag may suporta
03:21ang gobyerno.
03:22Tuloy pa ang laban ng iba pang atletang Pinoy sa Paris Olympics at posibleng
03:28magpuhi pa ng medalya para sa Pilipinas.
03:31Noong 2020 Tokyo Olympics, si Pinoy weightlifter Heidelin Diaz
03:37ang nakasungkit ng kauna-unahang gintong medalya para sa Pilipinas
03:41sa kasaysayan na pagsalin ng bansa sa Olympics.
03:45Patrick de Asus para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.