• 2 months ago
Panayam kay Asst. General Manager for Reclamation, Atty. Joseph John Literal at Asst. General Manager for Technical and Land Dev't Joselito Gonzales ng Philippine Reclamation Authority ukol sa update sa mandato at proyekto ng ahensiya
Transcript
00:00Mandato at update sa mga proyekto ng Philippine Reclamation Authority ating tatalakayin kasama si Atty. Joseph John Literal,
00:08Assistant General Manager for Reclamation and Regulation, at si Atty. Joselito Gonzales,
00:13Assistant General Manager ng Technical and Land Development ng Philippine Reclamation Authority.
00:19Magandang tanghali po.
00:21Magandang tanghali po sa inyo.
00:23For Atty. Literal, una po sa lahat, ano po ang mandato ng Philippine Reclamation Authority
00:29at gaano po ito kahalaga pagdating sa usaping reclamation sa bansa?
00:34Yung mandato po ng PRA ay galing po sa, actually sa tatlopong issuances.
00:42First po is yung PD3-A na sinasabing ang reclamation ay dapat lang gawin ng national government.
00:51And then after that, nagkaroon po ng PD1084 which is the charter of Public Estates Authority before
00:59na now Philippine Reclamation Authority na nandun po yung basic purpose, primary purpose po ng PRA is to reclaim lands.
01:09And lastly po, yung EO525 which designated Philippine Reclamation Authority as the central clearinghouse for all reclamation projects.
01:18Okay, so kayo po yung nagdibigay ng go signal para makapagawa ng mga reclamation activities ang isang lugar?
01:27Yes po ma'am.
01:28So sign yun yung last na say?
01:32Yes po. Originally yung approval process po is galing po sa presidente po.
01:39Pero because of EO74, na best na po sa PRA Governing Board ng approval na reclamation projects.
01:45So it's not the DENR?
01:47Hindi po.
01:48At para po mas maunawaan ng ating mga kababayan, ano po ba ang ibig sabihin pag sinabing reclamation?
01:55Ang reclamation po kasi ay ang pagtatambak at pagawa po ng permanenteng lupa sa foreshore at inland waters po ng Pilipinas
02:06into a specific, for a specific purpose using dredge fill and other suitable materials po.
02:13So wala na pong classification basta nagtambak po.
02:18Tambak yung nangyayari po ngayon sa Manila Bay, yan po, or sa Cavite, or meron din sa Palawan?
02:24Yes po, meron din po.
02:25Okay.
02:27Paranam po kay Atty. Gonzales, ngayong taon ano po ang direktiba sa PRA ni Pangulong Marcos Jr.?
02:33Ano po ang tinututukan ninyo sa mga reclamation projects ng ahensya?
02:39Well, sa ngayon po, alam din naman po natin na particular po sa Manila Bay, yun pong ating 22 nakalistang mga proyekto.
02:50Dalawa po dyan ang kasalukuyan pong napahintulutan na magtuloy sa LGU po ng Pasay City ang nasabing dalawang proyekto.
03:04At ang utos po at ang paalala po sa ahensya namin ay masusi pa rin po talagang pag-aralan,
03:13lalong-lalo na po ang impact o ang epekto nitong mga proyekto na ito sa kalikasan.
03:19Lalo nga po, nakaranas tayo nung nagdaang linggo ng mga pagdobaha.
03:26Super typhoon karina po at habagat.
03:28So yan po ang talagang mahigpit po namin tinututukan na lahat po ang mga proyekto ng reclamation ay magdaan po sa masusing pag-aaral bago po siya aprobahan ng ahensya.
03:40So just to clarify, ilan na po ngayon yung pupwedeng mag-reclaim dyan sa Manila Bay out of 20 plus po ito?
03:49Yes, before po kasi 22 ito, pero planaro po namin sa public na yung 22 po ay nationwide.
03:57So sa Manila Bay lang po talaga, Region 3 NCR at Region 4A ay 13 po.
04:05Doon sa 13 po yun, dalawa lang ang pinahintulutang magtuloy ng ating Pangulo.
04:19Ano po ba yung considerations ninyo bago ituloy ang isang reclamation project?
04:24Actually, ang mandatory requirements po ng PRA para po ma-aproba ng isang reclamation ay yung unang-unang feasibility study,
04:34pangalawa po yung environmental compliance certificate from the DNR,
04:38pangatlo po area clearance from the DNR also,
04:41tsaka po yung hydrodynamic modeling.
04:44Yung hydrodynamic modeling, ito po yung hydrodynamic and morphologic studies,
04:52ito po yung nagsisentro po sa magiging epekto sa coastline, sa mga affected communities.
04:58Kaya po kung wala po yung isa doon sa apat na yun, hindi po maaaring aproba ng PRA ang isang reclamation project.
05:05At ano naman po ang aasahan ng ating mga kababayan mula po dito sa Philippine Reclamation Authority
05:12sa pagtatapos ng taong ito?
05:15Ano po yung mga learning experiences natin after the baha?
05:19And reminders po siguro doon sa mga nagri-reclaim or balak mag-reclaim?
05:24Actually, our hands are full doon po sa labing tatlo na approved projects po.
05:32Pagkakataon po sa amin ito na dalawa lang po yung napahintulotan ngayon ng ating Pangulo na magtuloy.
05:38Ang focus po namin ngayon kasi, wala po namang matatapos po ngayong taong ito.
05:45Lahat po ito ay tuloy ng aming monitoring.
05:50And hindi lang po nabanggit kanina, ang pangalwa pong importanteng direktiba ng ating Pangulo ay
05:57magkaroon po ng reassessment sa mga reclamation projects.
06:01Kung meron pong makikitang material findings yung ginagawa po ng DNR ngayon na cumulative impact assessment.
06:09So whatever is na naging condition ng PRA sa approval ng reclamation,
06:16kung meron pong makikitang isang bagay na nakikita nilang malaking efekto ng reclamation
06:23doon sa cumulative impact assessment ng DNR,
06:26doon po ay kailangan naming i-review ulit yung mga design at saka yung mga naging submissions po ng proponents sa reclamation po.

Recommended