Sen. Hontiveros: Guo Hua Ping alias “Alice Guo,” aarestuhin namin kayo at dadalo kayo sa susunod na hearing | GMA Integrated News

  • last month
Sa pagtatapos ng Senate hearing tungkol sa mga ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs sa Bamban, Tarlac, at Porac, Pampanga nitong Miyerkoles, nagbigay ng babala si Sen. Risa Hontiveros kay Guo Hua Ping, alyas “Alice Guo.”

“Hindi natin hahayaang basagin nila tayo nang tuluyan, at itutuloy po natin ang imbestigasyong ito. At kay Guo Hua Ping alias ‘Alice Guo,' aarestuhin namin kayo, at dadalo kayo sa susunod na hearing,” sabi ni Sen. Hontiveros.

“Ang patuloy ninyong pagtanggi, gaya ng sinabi ni Sen. Sherwin [Gatchalian] kanina, [ay] kabastusan, ‘di lang sa Senado, kundi sa bawat Pilipinong sumusunod sa batas at nakikipagsapalaran nang patas,” dagdag pa niya.

Recommended