• 2 years ago
"Hindi klaro para saan ito at minadali ito. Kaya tingnan niyo iyong bill na pipirmahan ng pangulo, kinailangan pa na i-edit, another issue sa akin iyon. Because edited out of time, hindi na po puwedeng gawin iyon. May oras pa tayo na manawagan sa pangulo na i-veto na lang niya ito. Kasi at any rate, I'll give him a good reason to veto o huwag niyang pirmahan, isauli niya sa kongreso. Hindi naman niya nakuha iyong gusto niya. Una sa lahat, ang gulo. Noong umpisa, sovereign wealth fund. Ngayon ang ending, actually kung bibigyan ko ng pangalan iyong ginawa ng kongreso, "State Initiated Investment Fund." Hindi na siya sovereign wealth fund kasi pinayagan na nila ang mga private na mag-invest, puwede pa nga ang foreigner.”

Ngayong lagda na lang ng pangulo ang hinihintay para tuluyang maging batas ang Maharlika Investment Fund Bill, naniniwala si Sen. Koko Pimentel na magulo pa at minadali umano ang pagpasa ng panukala. Ang iba pang isyu sa kontrobersiyal na Maharlika Investment Fund, sasagutin ni Sen. Pimentel sa #TheMangahasInterviews.

Category

🗞
News

Recommended