• 2 years ago
"Hindi laging accurate ang ipino-produce na content ng ChatGPT or other similar technologies. Kasi nga sabi nila, itong mga technologies na ito napakalaki ng dependence nila doon sa training data or data na ipinapasok sa kanila and iyon iyong inaaral nila para makasagot sila sa atin or makapag-provide sila ng response sa mga request or katanungan natin. So kung maganda iyong nakuha nilang data, maganda rin iyong ipo-provide nilang data sa atin. Kung may errors doon, may errors din potentially iyong ibibigay nila sa atin. Dagdag pa riyan, maliban kasi sa inaccuracies, mayroon ding mga iba pang hindi gaanong kanais-nais na bagay na embedded sa mga kinukuha niyang text.

Anu-ano nga ba ang mga benepisyo at posibleng panganib sa paggamit ng mga AI chatbot? Alamin sa buong panayam kay Atty. Jamael Jacob sa The Mangahas Interviews.

Recommended